webnovel

Tattoo

Athena.

"What the hell Zans! Focus on your driving."

Seryosong sambit ko at napailing nalang. Kanina ko pa kasi siya napapansin from my peripheral vision na palingon-lingon siya sakin. Napasandal nalang ako at humalukipkip.

"Are you serious about this Athena?"

I release a deep sigh and just nod my head. I can't think of any plans other than this; asking a help from Franc Steven. If only I could support myself financially, I have no any problem.

At heto na nga kami ngayon, papunta kung saan ang lugar ni err.. Cosa Nostra Franc. Actually, kanina pa mabilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ko alam kung tutulungan niya ako sa mga plano ko. Knowing that he's the brother of Chin Onozawa, he might tell to him all my ways just to get rid of that bullshit Ricko.

"Matutulungan naman kita." Seryosong saad ni Zans habang seryoso sa pagmamaneho.

Umayos naman ako ng upo at tumingin sa direksyon niya, "Correction, I know that you'll just ask a help from that Onozawa so better not involve you from these shits."

Tumawa naman siya nang mahina, "You know me better."

"Malayo pa ba?" Kanina pa kasi ako naiinip sa mahabang biyahe na to. Kung saan saang pasikot-sikot na ang nadaanan namin at mukhang malayo na ata ito sa kabihasnan. Bilib din ako sa Franc Steven na to e, talagang ayaw niyang matugis siya nang basta-basta.

"Here are we." Pagkasabi diyan ni Zans ay kaagad kaming lumiko at tumambad samin ang isang napakataas na gate. Pagkapark niya sa kaniyang kotse (or should I say galing talaga yon kay Onozawa) ay nauna na siyang lumabas at pinagbuksan ako.

Kaagad kaming lumapit sa right corner ng gate at ganoon pa rin ang pagkamangha ko nang itapat niya ulit don ang wrist niya at automatic itong nagbukas. Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay ito rin naman ay nagsara rin agad.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko kaya hinablot ko yung kanang kamay niya at tinignan kung anong nandoon sa may pulsuhan niya. Only to find out that it was a tattoo.. of my name?

"Bakit pangalan ko ang nakalagay? Akala ko logo or what."

Tumawa naman siya nang mahina at napasinghap ako nang hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at ipinulupot doon ang kaniya. Sheez, the butterflies in my stomach are just adding some cheese to this moment.

"Yan ang gusto ni Yakuza Chin. Na lahat ng tauhan niya, mula sa ibaba hanggang sa kanang kamay ay pangalan mo ang nakalagay." Paliwanag niya habang naglalakad kami papunta sa mismong lugar ni Franc.

"Oh." Yun nalang ang nasabi ko at nakita ko pang medyo nadismaya sa naging reaksyon ko si Zans.

"Don't you have any plans on accepting him as your father?"

Natigilan ako sa tanong niya at ganon din naman siya, "You know my answer from the start." Tumango-tango na lamang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"At least, nakatatak ka dito sa wrist ko. Kung san direkta sa puso ko. Yieee." Tinignan ko naman siya nang masama dahil diyan. What the heck with this guy! He's making me blush with every words he says.

Ilang pinto pa ang bumungad samin at puro ganon lang ang ginawa ni Zans para mabuksan ang pintuan. Nakakapagtaka nga lang na hindi na siya iniimbestigahan ng mga lalaking nakatayo sa gilid—para silang mga guwardiya. Maybe, they all know Zans already.

Hindi katulad nung kay Onozawa, etong kay Franc ay mas simple kasi single story lang siya but I must say, it is full of high technology gadgets and monitors. From the gate until we reach his room, I can't help but to have a jaw dropping moment every time I saw the unusual door and detectors.

"I'll wait for you here, outside. May time ka pa para magback-out." Sabi niya sakin pagkahinto namin sa tapat ng room ni Franc habang nakahawak pa sa dalawang kamay ko.

Natawa naman ako bigla at mahinang sinampal siya sa kanang pisngi, "There's no way that I'll back out. My plans are all set, okay? I can handle this, trust me."

Pinisil naman niya nang marahan ang kamay ko at binigyan pa ako ng halik sa noo. Why he is so sweet? Hindi ako sanay na may gumagawa ng ganitong mga gestures sakin. "Take care. Huwag siyang gagalitin."

Ngumisi nalang ako at tumango sa sinabi niya and it serves as his cue to open the door by putting his wrist in front of the detector. By that, the door immediately opens and I got my feet inside the room.

Pagkasara non ay nilibot ko ang paningin ko at nakakamangha ang estruktura ng kwarto niya. Mula sa iba't ibang armas na nakasabit sa wall, mga paintings na nagdedepict ng different kind of murders, at maging ang mga vintage furnitures na makikita dito sa loob.

"Welcome, my one and only beautiful niece."

Napalingon ako sa isang swivel chair na nakatalikod sa akin at sakto namang tuluyan na iyong umikot papunta sa direksyon ko at tumambad sakin ang mukha ni Franc. With his face, well I can say that he's the youngest of them three.

Hindi na ako nagpaligoy pa at naupo na ako sa isang upuan sa tapat ng kaniyang table, "I need you Franc."

Tumawa naman siya nang mahina at kinuha ang isang empty glass sa tabi niya at nilagyan yon ng Cossack Vodka. Pagkalagay niya don ay tinulak niya nang mahina ang baso papunta sa direksyon ko, "Drink. That has a refreshing citrus flavor."

Tinitigan ko muna yon at tinaasan siya ng isang kilay, "Anong malay ko kung may balak ka ding patayin ako at may lason pala yan."

Well, hindi naman malabong mangyari yan dahil isa siyang mafia. What do I expect? Anong malay ko kung may tinatago din pala siyang inggit kay Onozawa katulad nong si Ricko? Tss. Still, it's too to complicated to comprehend their way thinking.

Tumawa siya nang malakas at ginawa ulit ang pagsasalin na ginawa niya kanina at tinungga agad iyon ng isang diretso, "I do it for you already, do you still have any doubt?" Umayos siya saglit ng upo at tinignan ako nang mabuti. "I don't have any plans of killing you. Kapag ginawa ko yon, buhay ko rin agad ang kapalit. Malamang, lagot ako sa kuya ko. Don't worry, I'm on your father's side." Then he wink at me after saying that.

Kinuha ko naman agad yung baso at tinungga yon pero napapikit ako dahil sa guhit na naramdaman ko pababa sa aking lalamunan. Ang tapang naman neto! I've never tried any kind of alcohol, this is my first time and it's really bad.

Inirapan ko siya at ngumisi, "Thank you for sticking on his side but to correct you, he.is.not.my.father." Sambit ko at binibigyan nang diin ang bawat salita.

"I need you for my weapons and for my new house wherein I can stay. And oh, I should be safe there hundred and one percent."

Ngumiwi naman siya sa sinabi ko, "You're so straight forward huh. Bakit ba kasi hindi mo nalang yan ipaubaya samin? Mabilis lang naman namin mababawi ang buhay ni Ricko. What do you think?"

Umiling naman agad ako, "Are you nuts? I want to do this vengeance on my own. I want them to die with my own hands."

"So what will I get from you?"

Napaisip naman ako saglit at desidido na ako na paikutin din siya sa mga kamay ko. Kagabi ko pa pinag-iisipan to, madamay na sila kung madamay pero gusto ko na rin matapos ang kahit na sinong may ugnayan sa mga mafia. They deserve to die more than my parents ended on. Pero si Zans.. magagawa ko pa siyang patigilin sa pakikipag-ugnayan sa kanila.

"I can work for you."

He then immediately arched his one eyebrow and a sly grin formed on his lips, "I'm not gonna ride with your little dirty game baby girl. I know you a lot, tuso ka rin gaya ng ama mo."

Yumuko naman ako at umiling. You can do it Athena, mabibilog mo rin ang ulo niya, "I'm fucking serious with this Franc and I don't have time for playing games."

Tinitigan niya lang ako nang mabuti at ganon din ako. Nakipagbatuhan ng titig sa kaniya, "Oh well. So, are you willing to be one of us now? Why so fast with the sudden change of decision?"

"Heck no! I'll never be a mafia. The only thing I can do is to be one of your killer. That's it. Kung gusto mo din, pwede mo akong isama sa helera ng mga guards mo."

Napangiwi naman siya sa idea ko na yon. I know that Franc's thinking about what Onozawa will say about this if he knew that I'm going to be one of Franc's guard. Hah. From mafia queen to a simple guard? I'm sure na mag-iinit ang ulo niya sa possibility na yon.

"Okay, I'll let you be one of our superior spies. You agree with that?" He said while lending his hand to mine that's why I took it for a hand shake as a sign of our deal.

Superior spy? Oh, sounds cool.

**

"Athena, bakit biglaan naman?" Tanong sakin ni Thamia habang mangilid-ngilid na ang luha sa mga mata niya. Napabuntong hininga naman ako.

Matapos kasi ng usapan ko kanina with Franc, napagdesisyunan ko na ngayon din agad ay lilipat na ako sa sinasabi niyang lugar na pwede kong taguan. Ang hirap kasi na habang mas tumatagal, mas magiging delikado ang buhay nila tita, tito, at Thamia dahil sakin. Mas mabuti na rin na malayo ako sa kanila, para malayo din sila sa kapahamakan.

"Oo nga Athena. Anak.. you don't have to do this." Pagsusumamo ni tita habang hawak ang isang kamay ko.

Ngumiti naman ako nang mapait, "I have to. Magpapalamig lang po ako saglit. Masyado akong naguguluhan."

Niyakap naman ako ni tita at nakiyakap na din si Thamia. Ako na ang naunang kumalas at lumapit kay tito para yakapin din siya.

"Mag-iingat ho kayo dito ah." Sambit ko sa kanilang tatlo at binitbit ko na ang dalawang maleta ng mga damit ko at naglakad na palabas. Kahit mabigat sa dibdib ko e pinilit kong hindi sila lingunin dahil dinig ko din ang pag-iyak ni Thamia.

Paglabas ko e sakto namang ipinapasok na ni Zans ang ilang mga kahon—na naglalaman ng iba pang gamit ko, sa may backseat.

Bago ako tuluyang pumasok sa passenger's seat ay lumingon muna ako sa huling pagkakataon at nginitian silang tatlo. I must learn how to live independently from now on. I should stand on my own feet so that no one is able to put me down, again.

"Let's go Zans." Tawag ko sa kaniya kaya naman nagpaalam na din siya kila Thamia at pumasok na sa driver's seat.

Nang paandarin na ni Zans ang makina ng sasakyan ay sumandal nalang ako sa salamin at ipinikit ang aking mga mata..

**

Literal na napanganga ako sa tumambad sa aking harapan. We are already here in front of 'my' house and correction, it's not just a simple house cos it's like a mansion. Like nung kay Onozawa at Franc, meron din akong gate at mga pinto na high tech. Wow!

This house is two-story and I am amazed because it has an attic and a basement. Masyadong naeexcite ang mata ko sa nakikita ko ngayon at hindi ko alam kung ano ang una kong pupuntahan.

Unang tingin palang dito sa bahay, aakalain mong isang tipikal na mayaman lang ang nakatira at hindi mo iisiping pagmamay-ari ito ng isang mafia. Tulad ng ibang bahay, may veranda din ito na nakaharap sa isang fountain at garden.

Pagpasok sa loob, unang bubungad ang living area na may 54 inches flatscreen TV at sofa set na parang gawa pa sa ginto dahil sa kulay nito o sadyang nag-oover react lang ako. Kapag nilakad mo pa paloob, mararating mo ang dining area na good for eight people—it's too big for me. Sa right side naman ng dining area ay nandon ang kitchen at talagang kumpleto ito sa gamit at organized pa. Parang hindi naman ito tinitirhan ni Franc.

Pag-akyat sa second floor, may apat na kwarto. Yung nasa left corner yung akin at yung nasa right corner naman ay parang office na pwedeng pagganapan ng mga meetings. Then yung dalawang natitira ay puro guest room nalang. Next na pinuntahan ko is yung attic na empty pero napakalinis at walang mababakas na spider web or even dust. Mukhang pati to ay hindi pinapabayaan ng caretaker.

Last na pinuntahan ko ay ang basement na ginagamitan din ng tattoo detector para bumukas and to my surprise, it's full of weapons. Guns, swords, name it! It is what I consider as heaven.

After kong maglibot ay bumalik na ako sa living area at naupo sa long sofa.

"Mukhang kailangan mo ng magpatattoo."

Napalingon ako kay Zans na katatapos lang sa paglalagay ng mga gamit ko sa kwarto ko at ngayon ay nasa tabi ko na. Napaisip naman ako bigla.

"Oo nga. But that's painful!"

Zans just smiles at me wholeheartedly and then take my hand. I was taken aback with his next move when he planted small kisses on the back of my hand towards my wrist. Oh my gosh, what he's trying to do?

"Ah.. eh—"

"No Athena, sa una lang naman yan masakit."

Seriously speaking, bigla akong kinabahan sa line niya na yon. What am I thinking anyway? Bakit ba kasi parang ang pervert niya ngayon? Feeling ko nawawala ako sa sarili ko dahil sa ginagawa niya e.

"Hehe. Oo na, oo na." After kong sabihin iyan ay binawi ko na agad ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Baka kung saan pa mapunta to e.

Nagulat naman ako sa sumunod na ginawa niya kasi nahiga siya sa lap ko, "If we are just born normal. This kind of life is what I want with you. Living in this beautiful house with a beautiful girlfriend." Pagkasabi niya niyan ay tumingala siya sakin para salubungin ang tingin ko at nilaro-laro ang ilang hibla ng buhok ko.

Automatic na namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Itsura naman neto! Kung makapagsalita e akala mo girlfriend niya na ako. Ghad. Too young to say that. We're only 16 and I don't think that we're still be able to finish our studies with this kind of complicated life.

Tumango-tango naman ako at nilaro din ang chestnut brown colored hair niya, "Yeah. But we're in this kind of shitty life Zans. We can't deny that it's hard to escape with this sort of situation."

"Mangibang bansa tayo."

"Teka nga, parang sinasabi mo namang itatanan mo na ako sa lagay na iyan." Sabi ko habang natatawa pa.

Napaisip naman siya saglit at natawa din sa sinabi niya, "Parang? Kung wala lang tayong pinoproblema e, matagal na kitang tinakas."

Pinitik ko naman yung tungki ng ilong niya, "Sira!"

Bigla naman niyang hinigit ang kanang kamay ko at tinapat iyon sa kaliwang dibdib niya, "Feel this? My heart will only beats your name, Athena. Always remember that. Sayo lang ako masisiraan ng bait."

I absentmindedly bite my lower lip to suppress myself from smiling. I can't believe that he still have the guts to say such sweet things for me. I'm starting to think that I can't live a day without this guy.

"I love you, Athena." After saying that, my heart filled with much love as he leaned towards me and gave me a sweet kiss on my lips.