ATHENA.
Kumagat ulit ako sa mansanas na hawak ko at napatingin sa puting kisame ng kwartong 'to.
Nakakainis! Ayaw na ayaw ko pa man din sa ospital tapos iniwan pa nila ako ditong mag-isa. Sila Thamia kasi ay umalis at umuwi sa bahay para kumuha ng ilang gamit. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa naming magtagal dito e sugat lang naman ang natamo ko at hindi naman ako nabalian ng buto. Pwede namang sa bahay nalang ako magpagaling.
Si Zans naman, pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hindi na siya bumalik. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Simpleng bagay na 'yon ikinaseselos niya? Ang babaw naman masyado.
Napalingon ako sa may pinto nang marahan 'yong bumukas. Nang tuluyan na 'yong bumukas ay pumasok ang isang lalaking naka-itim, sumunod din ang isa pang naka-itim.
Nilapag ko muna ang mansanas kong hindi pa nauubos sa bedside table at tinignan sila nang masama, "Teka! Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko pero hindi nila 'yon sinagot at yumuko na lamang.
Maya maya pa ay may pumasok ulit, "What the hell are you doing here?" Tanong ko sa kaniya.
Nagsimula naman siyang maglakad palapit sa 'kin nang may malungkot na ngiti sa labi, "Napag-alaman ko ang nangyari sa 'yo anak--"
I immediately cut him off and said, "I'm not your daughter so don't call me that way! Just get out." I shout while not facing him.
Naramdaman ko naman na naupo siya sa gilid ko kaya naman binigyan ko siya nang matalim na tingin, "I don't want to see your face, I despise you! Hindi mo alam kung ga'no kasakit ang naramdaman ko no'ng mawala ang mga taong nag-aruga, nagmahal at tinuring akong tunay na anak. Dahil 'yon sa 'yo! Kung hindi mo ako pinamigay, hindi sana mangyayari ang lahat ng 'yon. Hindi sana.. hindi sana ako maghihirap ng ganito." And with that, I burst out. I cry in front of them.
Nabigla naman ako nang bigla niya akong yakapin, isang yakap na mula sa tunay kong ama. Nagpumiglas ako para makawala sa yakap niya pero mas lalo lamang niyang hinigpitan.
"I despise you! Wala kang kwenta! Mga hayop kayong mga mafia! Pare-pareho lang kayo.." Bawat salitang binibitawan ko ay kasabay ng luhang tumatakas mula sa mga mata ko.
Bumalik ulit 'yong sakit.. Parang pinipiga ang puso ko sa bigat ng nararamdaman ko. Kahit kailan hindi ko siya matatanggap, kahit kailan hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pagpapamigay sa 'kin. Sana.. sana hindi nalang nila ako binuhay.
"Kahit anong gawin mo anak, ako at ako pa rin ang tunay mong ama. Hindi ako nagsisisi sa ginawa kong pagpapamigay sa 'yo anak dahil hanggang ngayon nabubuhay ka pa rin. Makakasama pa kita.. nang mas matagal."
Mas lalong nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa sinabi niya kaya buong lakas ko siyang tinulak kaya naman natumba siya at napa-upo sa lapag. Ngayon ko lamang napansin ang ilang puting buhok niya pati na rin ang pagkakakulubot ng balat niya.
I suddenly feel guilty. Tama siya, kahit anong gawin ko, siya pa rin ang tunay kong ama at hindi ko 'yon kailanman mababago. Bali-baligtarin ko man ang mundo. Pero, sa tingin ko hindi 'yon sapat para mapatawad ko siya at mawala ang pagkamuhi ko sa kaniya.
"Hindi! Kahit kailan, hindi ako sasama sa 'yo! Tatandaan mo 'yan. Hindi ka nagsisisi? Pwes ako, oo! Nagsisisi ako na ikaw pa ang naging ama ko! Nagsisisi ako na binuhay niyo pa ako. Dapat hinayaan niyo nalang akong mamatay. Hindi mo ba naisip na ako rin ang nahihirapan?"
Nakita ko namang marahan siyang itinayo ng dalawang lalaking naka-itim sa likuran niya. Nang makatayo na siya nang tuluyan ay agad niyang pinunasan ang luha sa magkabilaang pisngi niya at nginitian ako nang mapait.
"Naiintindihan kita. Paalam." Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay umalis na sila at iniwan ako ritong umiiyak.
Kahit kailan, hindi niya ako maiintindihan dahil wala siya sa posisyon ko. Pasensya na rin kung ganon.
**
Marahan at maingat akong inaalalayan ni Thamia papuntang kwarto ko, "I can handle myself Thamia." Sambit ko nang makarating na kami sa tapat ng kwarto ko.
"Kapag kailangan mo ng tulong, nasa kabilang kwarto lang ako." Sabi niya kaya naman tumango nalang ako at pumasok na ako sa kwarto ko.
Agad akong naupo sa dulo ng kama at huminga nang malalim. Mabuti nalang at pinayagan na ako ng doktor na makauwi dahil kung hindi, hindi ko alam kung gagaling ba ako o mas lalala ang kondisyon ko dahil nasa ospital pa rin ako.
Naiyukom ko ang aking kamao nang sumagi na naman sa isip ko ang ginawang pagbisita ni Onozawa sa 'kin. I can't swallow the fact that he still have the guts to show his face to me. He know how I hate him. He know how I despise him as my father, a real one.
Parang bumalik ang lahat ng sakit na kinalimutan ko na. Nawalan lang ng saysay ang ginawa kong pagmu-move on sa nangyari. I'm still sick emotionally and I don't know if I can still recover. Idagdag niyo pa na wala na ng tuluyan yung paborito kong kotse na pinundar ng tumayong tatay ko. I hate my life.
Hiniga ko ang katawan ko sa kama at pinikit ko ang mga mata ko. I wish that all of this are just a nightmares.
**
I was awaken by the cacophony on my balcony. I slowly open my eyes and I realize that it's still dark outside. Anong oras na nga ba? Ilang oras na ba ang tinulog ko?
Bumangon ako at sinilip ko kung ano bang meron sa may balcony at napailing ako nang makita kong mga nag-iinuman lang pala sa kanto.
Bigla akong napahawak sa tiyan ko dahil parang may kung anong kumukulo sa loob nito at do'n ko lang napagtanto na natulog pala ako nang hindi nagdi-dinner. Hay, tama 'yang ginagawa mo Athena.
Pagkatapos kong maghilamos at magmumog ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba sa kusina para tignan kung ano bang pwedeng makain. Hindi man lang nila ako ginising para maghapunan.
Inulam ko nalang yung adobong manok at kumain ako ng marami. Hindi ko na ata mabilang kung nakailang balik ako sa rice cooker para magsandok ng kanin. Gano'n na pala ako kagutom?
After kong kumain ay bumalik ulit ako sa kwarto ko para sana matulog ulit pero hindi na ako dinadalaw ng antok. It's two o'clock in the morning and how am I able to continue my sleep now? Plus those bastards na nag-iinuman, ang iingay.
Naupo nalang ako sa kama at sinapo ang magkabilaang pisngi ko dahil sa frustration. Athena, you must be on focus. Paano ko magagawa ang misyon ko kung ganito at nagpapaapekto ako sa mga nangyayari at mga pakana ni Ricko. Fuck him! Magsama-sama kayong mga mafias.
Kinuha ko mula sa bedside drawer ko yung mga files ng tauhan ni Ricko, medyo marami-rami pa pala itong mga bibiktimahin ko. Walang real names na nakalagay dito pero puro code names lang nila, posisyon nila sa organisasyon ni Ricko, picture, at maging address. Hindi na rin ako mahihirapan na hanapin sila.
After I finished scanning these shitty papers, I lay my back on my bed and rest my head on my two hands. Hindi ko maiwasang isiping humingi ng tulong sa isang taong matagal ko ng inaaral ang pagkatao.
Kakailanganin ko ng tulong niya at alam ko na siya lang ang may kakayahang ibigay ng mga magagamit ko. Minsan din namang sumagi sa isip ko ang humingi ng tulong kay Chin Onozawa pero agad ko iyong inalis sa isipan ko.
Baka isipin niya pa na tuluyan ko na talaga siyang tinanggap bilang ama ko. Tss. No way on earth I would do that.
Franc Steven.
Isa sa kapatid ni Chin Onozawa at ni Ricko. Salamat nalang talaga sa mga documents na nakuha ko sa Ricko na yon, dahil sa kaniya—nagkaroon na rin ako ng informations sa mga mafias na kakilala niya.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit kasama sa list of targets ni Ricko ang pangalan nitong si Franc Steven at ni Chin Onozawa kung kapatid naman niya ang mga ito? Hindi na ko magtataka, wala nga pala siyang puso.
He'll do everything just to get rid of everyone that will come on his way. Wala talaga siyang puso. Wonder why if pati kaluluwa e meron pa siya.
**
Kanina pa ako naghihintay dito sa ilalim ng mango tree na ilang streets ang layo mula sa bahay namin. Napagdesisyunan ko na kasing humingi ng tulong kay Zans, kahit na may galit pa ako sa kaniya until now dahil sa ginawa niyang pagsuntok kay Luke at pag-iwan nalang sakin nang biglaan.
But hindi ko naman siya masisisi, nagseselos nga daw siya. Tch. Siya lang naman ang alam kong maaaring may koneksyon kay Franc at wala na akong ibang choice.
"Athena."
Napalingon ako sa tumawag sakin at huminga nalang ako nang malalim nong makita ko na siyang dumating at nakalagay pa ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon. Bakit ba ang gaan pa rin ng pakiramdam ko kapag nandiyan siya kahit na may galit ako—o baka tampo lang talaga.
Naupo na ako sa bench dahil kanina pa ako nangangalay at ganon din naman siya, "Wow finally dumating ka na din."
"I'm sorry."
Okay, I never expected that coming. "May connection ka rin ba kay Franc Steven?" Diretsong tanong ko at hindi ko pinansin yung apologize niya.
"Galit ka pa rin. Teka nga, okay na ba ang pakiramdam mo?" He said while sternly checking my wounds.
"I know you have a number of Franc, just give it to me cos I badly need it."
Natigilan naman ako nang niyakap niya ako.. nang mahigpit. I don't know what to respond that's why I remained stiff.
"Natakot lang talaga ako Athena na baka tuluyan ka ng mawala sakin kaya ganon na lang ang galit ko sa kupal na yon. Hindi ko kaya.. hindi ko yon kakayanin."
Napangiti ako nang palihim sa sinabi niya kaya naman nahampas ko siya nang mahina sa likuran at kumalas na mula sa pagkakayakap niya, "Fine fine, apology accepted na. Hindi ko lang kasi matanggap yung ginawa mo kay Luke, mabait naman yung tao."
"I just don't trust that asshole. I can feel that he's into something."
Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya. Into something? Last time, duda din ako sa pagkatao ni Luke pero I think that I'm wrong because he even saved me from being investigated because of that shit—murdered happened.
"Into what?"
Huminga naman siya nang malalim at nakita ko pa sa labi niya na nagmura siya nang pabulong, "Into you. I know that he has an agenda and that is to get you from me." Pagkasabi niya niyan ay agad siyang lumingon sakin at tinitigan ako nang mata sa mata kaya naman ako na ang umiwas.
Bakit feeling ko may kung ano sa tiyan ko nong sabihin niya ang litanyang yon?
"Get me from you? Pagmamay-ari mo ba ako?" Paghahamon ko sa kaniya pero di naman siya nagpatinag kasi nginisian pa niya ako at inilapit ang bibig niya sa kaliwang tenga ko.
"Hindi pa. But you will end up being mine, sooner or tomorrow."
Napailing nalang ako sa sinabi niya at sinuntok siya sa braso. Loko! Sooner or tomorrow ha.
"Really? You sure that you're able to get me that easy?"
Tumango tango naman siya at kinindatan ako kaya naman sumuko na ako sa lalaking to. I have my reason why I want to meet him so why do we end up with this kind of conversation, e? Napailing nalang ako.
"I need the contact number of Franc Steven."
Naging seryoso naman ang mukha niya nang marinig niya yan for me, "For what Athena? Masyadong delikado ang taong yon."
"Basta, just give it to me. May atraso ka pa sakin, remember?" I said while moving my brows upside down trying to make him remember about what he'd done to me, specifically when he tried to hide my real identity from me.
"Okay, in one condition. Let's have a date today."