Kinagabihan nagulat ako hindi ko inaasahan na dadating kasa Bar. Nakangiti kang lumapit sakin. "Akala ko ba masama ang liquor sa kalusugan eh bakit andito ka?" bati ko sayo.
"Hindi ako pumunta dito para uminom."
"Eh anong ipinunta mo dito?"
"Andito ako dahil gusto kitang makita." sabi mo sakin. Napangiti naman ako.
Hindi ka uminom ng gabing yon, magdamag mo lang akong binantayan at ng pauwi nako.
"Jessica ihahatid na kita pauwi." sabi mo pero tinanggihan kita.
Nag tricycle ako pauwi ng bahay nakokonsensya tuloy ako. Matapos mong mag-intay ng matagal eh hindi naman ako pumayag na pahatid sayo (sayang talaga kung hindi nga lang ako nakatira sa squater's area eh di pumayag ako agad).