webnovel

Chapter 2

Ilang gabi kang hindi nagpakita. Miss na miss na kita kaya nagpasya akong puntahan ang address na nkasulat sa papel. 12:10 ng tanghali ng makarating ako sa isang bodega. Kainitan noon ng araw. May isang pulang kotse na nakaparada sa harapan. Bagong modelo pero magabok nga lang.

Nagtanong ako sa isang bata kung asan si Mr. Rheynaldo Anzores. Sabi nya nasa ikalawang palapag ka daw ng bodega. Kaagad akong umakyat.

Nakita ko ang iba't ibang paintings sa taas, nasa isang sulok ka at abala sa pagpipinta.

"Pintor ka pala." bati ko sayo. Lumingon ka sakin.

"Hindi ba ikaw yung bartender sa Berlin Bar? Anong ginagawa mo dito?" seryoso mong tanong. Parang gusto kong matuwa (atleast natatandaan moko).

"Am nahulog kasi yung wallet mo nung isang gabi." pagsisinungaling ko. Inilabas ko sa bag ko ang wallet at iniabot ko sayo. Binuklat mo ang wallet mo at napangiti ka.

"Nag-aksaya kalang ng panahon, sayo nalang to." sabi mo at ibinalik mo sakin ang wallet. Napahiya tuloy ako.

"Ang gaganda naman ng paintings mo." nasabi ko nalang.

"Maupo ka muna, intayin mo ako at ihahatid kita pauwi." wika mo. Kumuha ako ng sigarilyo sa bag ko habang pinagmamasdan ko mga paintings mo.

"Kababae mong tao naninigarilyo ka? Hindi mo ba alam na masama yan sa kalusugan." sabi mo. Grabe ka naman naisip ko, ang galing magsalita samantalang sya gabi gabing umiinom ng alcoholic drinks.

"Matagal ka ng hindi pumupunta sa Berlin Bar ah." sabi ko sayo.

" Naisip ko kasi hindi maganda ang liquor sa kalusugan ng mga tao." sabi mo. Nalungkot tuloy ako, naisip ko na hindi kana babalik sa Berlin Bar.

Tumindig ka at nagsalita. " Halika na!" Bumaba tayo sa bodega at sumakay sa pulang kotse.

"Sayo pala tong kotse." basag ko sa katahimikan. Hindi kana umimik habang nagmamaneho ka. Itinigil mo ang kotse sa tapat ng isang mamahaling restaurant.

"Halika maglunch muna tayo." aya mo. Pumasok tayo sa loob. Isang waitress ang lumapit at nag abot ng menu. Hindi ako familiar sa mga pagkain nila ( pang mayaman kasi.) Kaya ipinagpaubaya ko na sayo ang pag order. Napakadami mong inorder at alam kong mahal ang mga yun.

Tumunog ang cellphone mo. "Baka tinext kana ng girlfriend mo, baka hinahanap kana." sabi ko sayo.

"Wala akong girlfriend, kahit kelan hindi pako nagka girlfriend." seryosong sabi mo.

"Yang gwapo mong yan hindi kapa nagkaka girlfriend?!" gulat kong tanong.

"May nililigawan ako dati pero sinulot ng bestfriend ko." sagot mo sakin.

"Bakit ka pumayag na maagaw yung girl? Dapat pinaglaban mo."

"Pinaglaban ko pero sabi nya ayaw daw nya sa walang kwenta at tangahin na katulad ko." malungkot mong pahayag.

"Sa tingin ko hindi ka naman ganon." sabi ko sayo at di kana sumagot.

1:45 pm ng umalis tayo sa restaurant. Itinanong mo sakin kung saan moko ihahatid pero sinabi ko sayong kaya ko umuwi mag-isa (nahihiya kasi akong malaman mo na sa squater's area ako nakatira).

Tumawag ka ng taxi. Binayaran mo yung driver at sinabihan mo na ihatid ako ng maayos. "Am..... Miss anong pangalan mo?" pahabol mo nung pasakay nako sa taxi.

"Jessica" nakangiti kong sagot.

Next chapter