webnovel

The Girl I Love The Most (JenLisa GirlxGirl)

She was the best thing that ever happened to me. The only treasure I keep in the world. She is my happiness, which I do not want to share with others. But SHE is my best friend. And yes, I love her. I fell in love with her. I fell in love with the person I should not love more than a friend.

Jennex · LGBT+
Sin suficientes valoraciones
49 Chs

Chapter 25

Now playing: Pano by Zack Tabudlo

Lisa

The days just passed quickly because it had been a week since I had confessed how I felt to Jennie.

Hindi ko alam kung anong dapat na gawin pagkatapos ng araw na iyon.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon o maramdaman ni Jennie.

Ang buong akala ko nga ay sasampalin ako nito noong gabi na iyon, magagalit siya o kung hindi naman ay matatapos na ang pagkakaibigan naming dalawa.

But it turns out na hinayaan lamang niya ako na mangyari ang gusto kong mangyari at sabihin ang gusto kong sabihin.

Hindi man masabi nito na gusto niya rin ako, ang importante naman ay naipaalam ko sa kanya na higit pa sa pagiging kaibigan ang turing ko sa kanya.

Pero...

Ano ba talaga ang nararamdaman ni Jennie para sa akin?

Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko kung ganoon din ba ito sa akin?

Natatakot kasi ako na baka bigla na lamang niya akong layuan. Natatakot ako na baka dahil sa mga nasabi ko, eh bigla na lamang nitong putulin ang aming pagkakaibigan.

Well, sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa ko?

May nobyo akong tao.

At higit sa lahat, magkapatid pa 'yung parehong nagustuhan ko.

Napalunok ako ng mariin habang napapaisip sa mga bagay na posibleng mangyari sa relasyon namin ni Brent at sa pagkakaibigan namin ni Jennie.

Ayoko rin na dahil sa pagiging magulo kong tao, eh pati pamilya namin ay maapektuhan at madamay.

Napahinga ako ng malalim.

"Ang lalim naman non." Napatingin ako sa kararating lamang na si Jennie.

Mabilis na napabangon ako mula sa paghiga sa pahabang sofa dito sa kwarto ko.

Mas madalas na kasi akong pumupunta ngayon sa kanila kaya siya na naman ang nandito ngayon sa amin.

"K-Kanina ka pa ba?" Tanong ko bago naupo.

Hindi ito sumabot at sa halip ay tahimik na naupo sa tabi ko bago ako niyakap.

"Okay ka lang ba? What's wrong?" Pero hindi pa rin ito nagsasalita.

"Pwede bang mahiga?" Tanong niya. Napatango ako.

Muli akong nahiga sa sofa.

"Come here!" Wika ko kaya agad naman na nahiga siya sa braso ko.

Nagsumiksik ito sa akin bago ipinikit ang kanyang mga mata.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang tahimik na pinagmamasdan ang maganda niyang mukha.

Dahan-dahan na ini-angat ko ang kanang kamay ko at marahan na hinaplos ang mukha niya, pagkatapos ay hinalikan ito sa kanyang noo, sa kanyang mga mata, sa kanyang ilong, sa magkabilaang pisngi niya, hanggang sa labi nito.

Iyong marahan at dampi-dampi lamang hanggang sa sumilay ang mabagal ngunit matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Hmmmm. I loved it." Nakangiting komento niya bago muling iminulat ang kanyang mga mata.

"And I love you." Buong puso na sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Awtomatiko namang nangamatis ang kanyang mukha habang napapakagat sa kanyang labi.

"So, kumusta naman ang hot na Queen Lisa ng St. Wood? How's the practice?" Tanong nito sa akin.

Naging abala na kasi ako ngayong linggo at hanggang sa mga susunod pa dahil palapit na ng palapit ang Founding Anniversary ng St. Wood at isa ako sa University Officers na kailangang present palagi sa anumang events na gaganapin. Idagdag mo pa na Cheerleader ako.

Sa totoo lang, ngayon lang kami nagkaroon ni Jennie ng oras na ganito. Kaya madalas din akong pumupunta sa kanila, para kahit papaano ay masilip siya dahil hindi ko naman ito nasosolo ng ganito, dahil sa kuya niya.

Napahinga ako ng malalim.

"Heto, miss ka." Sabay nguso ko dahilan para mapatawa siya ng mahina.

Muli ay hindi ito umimik, sa halip ay napatitig lamang sa mukha ko.

Napalunok siya.

"G-Gaano mo ako na-miss?" Tanong nito sa akin.

"So much!" Sagot ko naman sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin bago muling napabangon. Ganoon din ako.

"Hey," Iniharap ko siya sa akin at hinawakan sa kanyang baba upang mapatingin itong muli sa mga mata ko. "Tell me, what's bothering you?" Tanong ko pa.

May gumuhit na lungkot at kirot sa kanyang mga mata ngunit mabilis niya itong naitago sa pamamagitan ng kanyang pag ngiti.

"N-Nothing."

I know, in my heart, at nararamdaman ko, deep inside, hindi lamang ako ang nakakaramdam ng ganito. Na katulad ko ay gusto rin ako ni Jennie. Na mahal din ako nito higit pa sa pagkakaibigan.

I can see it in her eyes.

And I can feel it.

Hindi lamang niya masabi.

Maybe it's because of her brother. At ayaw niyang masaktan ito.

Muling bumukas ang mga labi niya ngunit walang salita ang kumawala mula rito.

Muli kong hinawakan ito sa kanyang pisngi at tinitigan siya ng maigi sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay niyakap ito.

"It's alright, I'm here." Kahit na hindi ko man alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya.

"K-Kumusta kayo ni Kuya?" Biglang tanong nito.

Inaamin kong nagulat ako dahil never naman siyang naging interesado sa amin ni Brent.

"Why did you ask?" Tanong ko in a curious tone.

Hindi ito agad nakasagot. Sandaling binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Tila ba nag-iisip pa ito ng tamang salitang bibitiwan o sasabihin.

"Jen---"

"I don't think he deserve this." Putol nito sa akin bago napalunok ng mariin.

Awtomatikong bumilis ang pagtibok ng aking puso.

"Jennie, I love you---"

"At MAHAL mo rin si kuya." Muling putol niya sa akin habang napapailing, habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata.

Oh, gosh!

My weakness!

"Please don't cry---" Hahawakan ko pa sana ito nang lumayo siya mula sa akin bago napatayo.

"Lis, don't you realize that you are cheating on my brother?" At tuluyan na ngang pumatak ang luha sa mga mata niya.

Napakagat ako sa aking labi. Naluluha na rin.

"I-I know but---"

"Do you really think this will work?" Tanong nitong muli sa akin.

"Jen, we can try. I-I know you love me too." Napatingala ito bago napahilamos ng palad sa kanyang mukha.

"I love you, Jen. And I really mean it. Swear!" Buong puso na muling sabi ko sa kanya dahil mahal ko talaga siya.

Napailing siya.

"Mahal mo ako." Napahinto ito sandali para punasan ang luha sa kanyang pisngi. "Pero Lis, do you really think, he deserve this?" Tukoy nito sa kuya niya.

"He's my brother. I can't and I would never betray him." Dagdag pa niya. "Pero ang nangyayari ngayon, ginagawa ko na rin. And you, of all people, d-dapat alam mo rin 'yun."

Muli siyang naupo sa tabi ko habang lumuluha. Agad na lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad. "Ayokong isipin mong confuse lang ako. I know, in my heart na mahal kita." Paliwanag ko pa. "Natatakot lang din akong tuluyan kang mawala. At makuha ng iba."

Napahikbi ito habang nakayuko at pinaglalaruan ang daliri niya.

"At hindi naman ako mawawala sayo, mag best friend tayo diba---"

Mabilis akong napailing.

"You don't understand." Putol ko sa kanya.

"I love you more than a best friend, Jen. I love you more than a sister. Sinabi ko na sa'yo, diba?" At tuluyan na ring pumatak ang mga luha sa aking mga mata.

"I love you more than anything else...it's like, you are the best thing ever happened to me. That's why...I-I don't wanna lose you, I love you for a billion times."

Tahimik na patuloy lamang ito sa pag-iyak at paghikbi.

Hanggang sa siya na mismo ang muling nag-angat ng kanyang mga mata para salubungin ang aking paningin.

Marahan na inabot nito ang kamay ko bago ito hinalikan sa likod. Hindi ko naman mapigilan ang mapapikit para damhin ang paglapat ng kanyang labi rito.

"I-I can't do this, Lis. I'm sorry." Napakagat siya sa kanyang labi. "I don't think this is right and what we deserve." Dagdag pa niya.

Muli akong napailing.

"No no no, please Jen---"

"Hindi mo mabibigay ang gusto ko, Lis. I know." Putol nito sa akin. "Kapag ba sinabi kong ako lang? Kaya mong gawin?"

Natahimik ako.

"Hindi, 'diba? Kasi ikaw mismo, hindi mo rin kayang masakyan si kuya." Muling sabi niya habang nanginginig ang boses.

"So, let's stop this." Matigas na pagbanggit niya.

I paused for a while. Bago muling tinignan siya.

"Pwede bang kahit minsan, kahit isang beses lang ay magpakatotoo ka? Pwede bang tignan mo ako sa aking mga mata?" Sabi ko sa kanya bago ito mahigpit na hinawakan sa kanyang braso at pilit na iniharap sa akin.

"At ngayon mo sabihin ang salitang mahal kita."

Napahinga ito ng malalim bago napapunas ng luha mula sa kanyang mga mata.

Humarap ito sa akin at tinignan nga niya ako ng diretso sa aking mata mahal.

"Oo, mahal kita Lisa." Pag-amin nito.

Napalunok ito.

"Mahal kita higit pa sa nararamdaman mong pagmamahal para sa akin." Sinasabi niya ito habang muling nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.

"You don't have any IDEA, how I really feel for you." Dahil sa mga sinabi nito ay mas lalong napaluha na rin ako.

Dahil sa magkahalong saya at lungkot na nararamdaman.

"Hindi mo alam--- k-kung gaano kita gustong-gusto na maging akin." Dagdag pa niya.

"But you can't love two people, Lis. You have to decide and you have to choose. Dahil ako? I know in myself that you are the only one here." Sabay turo nito sa kanyang dibdib kung saan ang kanyang puso.

"I cannot let you love me while you're in a relationship with my brother. T-That's torture, Lisa."

Dahil sa mga sinabi nito, mas naiintindihan ko na.

Alam ko naman umpisa pa lang na maling magkagusto ako sa kanilang dalawa. Lalo at nobyo ko ang kuya niya at best friend ko siya.

Alam ko rin na umpisa palang, magiging ganito ka komplikado pero pinush ko pa rin. Dahil sa takot at insecurities na makuha siya ng iba.

Ni Nami o ni Miyuki man or kahit na sino pang gustong angkinin siya.

Hindi ako nag-iisip.

Hindi ko man lamang naisip ang mararamdaman ni Jennie. Hindi ko man lang naisip na pwede siyang masaktan.

Ano bang ginagawa ko?

Anong gagawin ko?

"I'm sorry." Muling paghingi ko ng tawad habang lumuluha at napapakagat sa aking labi.

"Naging selfish ako." Dagdag ko pa. "Hindi ko inisip ang mararamdaman niyo pareho ng kuya mo."

"I love you, Lis. I have loved you for a long time. Finally, I also had the courage to tell you but hindi ito ang ini-expect kong magiging confession." Napatango siya.

"But it's alright." Pagkatapos ay tinignan niya akong muli sa mga mata ko. "I just don't want you to end up being a cheater. I love you--- pero hindi ko hahayaan na masaktan natin pareho ang kapatid ko."

Magsasalita pa sana ako noong muli siyang napatayo.

"And think, I need to distance myself from you first."

Dahil sa sinabi nito ay mas lalo akong napaluha habang napapailing ng paulit-ulit.

Parang may kung anong nakabara sa dibdib ko na mas lalo akong naiiyak dahil sa sakit. Kulang nalang din ay ngumawa ako.

"J-Jennie, you know you don't need to do that---"

"I know." Muli itong napaluha ngunit mabilis na niya itong napigilan. "But this is the only easy way for you to decide and think." Dagdag pa niya. "Hindi naman ako mawawala eh. Nandiyan lang naman ako sa kabilang bahay." Pagkatapos ay napatawa siya ng mapakla.

Lumapit ito sa akin bago napaluhod sa harap ko para punasan ang luhang pumapatak sa pisngi ko.

Pagkatapos ay marahan na hinalikan ako nito sa labi ko. Iyong halik na tila ba iyon na rin ang huling beses na mahahalikan ko siya. Hindi iyon nagtagal nang muling paghiwalayin nito ang aming mga labi.

"See you tomorrow."

Paalam nito bago tuluyang lumabas na ng kuwarto ko. Habang ako naman ay naiwan na lumuluha at gulong-gulo sa mga dapat na gawin at desisyon sa buhay ko.