Now playing: When you look me in the eyes
Nami
"So, what happened on the date with Jennie?" Miyuki asked me when I get home.
Hindi ko siya pinansin at nilampasan lamang. Kunwari na hindi ko ito narinig.
"Sa itsura mo pa lang, mukhang may hindi magandang nangyari. Am I right?" Hindi ko alam na sinusundan pala niya ako hanggang sa makarating ako sa aking kwarto.
"Go away, Miyu. I don't wanna hear your voice or even your sermons. Wala ako sa mood, pwede ba?" Saway ko sa kanya at pabagsak na nahiga sa aking higaan.
Hindi na ito nagsalita pa pagkatapos. Mataman lamang na nakatitig ito sa aking mukha.
"You know I-I like Jennie, right?" Pag-amin nito sa akin. Napa-irap ako.
"Of course! Kahit hindi ka magsalita, kahit hindi mo aminin, bago mo pa man ma-realize na gusto mo siya, alam ko na." Mabilis na paliwanag ko sa kanya.
"And I like her too." Diretsahan na dagdag ko pa.
"Hindi naman siguro masamang magkagusto rin sa kanya hindi ba---"
"You're my cousin. Para na kitang kapatid. I didn't think na magkakagusto tayo sa iisang babae." Putol nito sa akin habang napapahinga ng malalim.
Muli akong napabangon mula sa pagkakahiga atsaka nagkibit balikat.
"So, what now? I have already confessed how I feel to her." Walang paligoy-ligoy na sabi ko pa.
Halatang nagulat ito dahil sa sinabi ko ngunit mabilis niya iyong itinago.
"A-Anong sinabi mo?"
"Yes, Miyuki. You heard me." Nauubusan ng pasensya na saad ko pa.
"Nanami..." Biglang naging malungkot ang boses nito.
"Don't worry, hindi mo kailangang mag-alala dahil sa gusto ko siya. Sa best friend niya, doon ka dapat mag-alala dahil obvious naman na gusto nila ang isa't isa." Mapakla na dagdag ko pa.
Hindi ito muling nagsalita at nakatitig lamang sa akin bago napalunok.
"What?" Mataray na tanong kong muli sa kanya dahil naiirita sa paraan ng patingin niya. "Stop looking at me like that. Pwede ba? Lumabas ka na lang ng kwarto ko at gusto ko nang magpahinga---"
"You are hurting right now." Komento nito.
Minsan talaga, ang hirap din kapag lubos ka ng kilala ng isang tao eh. Isang tingin pa lang kasi sa'yo alam na agad kung ano ang nararamdaman mo.
Napalunok ako.
"Miyu, please. Am begging you." Pakiusap kong muli sa kanya.
"And for the first time, ngayon lang kita nakitang nagkagusto ng ganito sa isang babae." Dagdag pa niya. "Akala mo ba hindi ko alam na pinababantayan mo siya palagi kay Austine? Kung sino ang kasama niya, kung saan siya pumupunta at kung ano ang mga ginagawa niya?"
Hindi ako kumibo at nanatiling tahimik lang.
So, alam pala niya.
That's because I just want to make sure she's safe always. That even though I don't see her and am with her all the time, I know nothing bad will happen to her dahil may mga matang nakabantay sa kanya..
Isa rin yun sa dahilan bakit hindi na siya binubully ni Austine dahil sa akin siya mananagot.
Napalunok ng mariin si Miyu habang napapatawa ng may pagka-alanganin.
"You just don't like her, Nami. You love her." Sinasabi niya iyon habang nakatitig lamang sa mukha ko.
"Mahal mo na si Jennie." Pag-ulit nito sa sinabi niya. "Mahal mo na s'ya dahil kamahal-mahal naman talaga siyang babae." Dagdag pa nito.
"Huwag mong hayaan na panghinaan ka ng loob. Tandaan mong in a relationship si Lisa sa kuya niya." Paalala nito sa akin at paglalakas ng loob.
"Ikaw, single ka. You can be with her nang walang masasaktan o masasagasahang damdamin ng iba dahil parehas kayong pwede pa. Walang nagmamay-ari inyong dalawa. Pa-ibigin mo siya." Pagpapatuloy nito.
"Pero..." Napahinga siya ng malalim bago nagpatuloy. Dahilan upang mapakunot ang noo ko.
"Pero?" Pag-ulit ko sa sinabi niya.
"Pero huwag mong kalilimutan na, hindi ko rin hahayaan na mapunta siya sa iba." Pagkatapos ay binigyan ako nito ng isang ngiti. "Kahit na sa iyo pa."
Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako at isinara ang pintuan ng kwarto ko.
Habang ako naman ay napatulala na lang sa pintuan kung saan siya lumabas, bago napatawa. Iyong tawa na parang ewan dahil paulit-ulit na naririnig ko ang huling sinabi nito.
Well, sanay akong makipagkompensya.
At hinding-hindi ko hahayaan na hindi napapatunayan ang sarili ko kay Jennie.
Hindi ko rin hahayaan na mapunta siya sa kahit na sino.
Hindi kay Lisa.
Hindi kay Miyuki, kahit na pinsan ko pa.
*Flashback*
Hindi ko mapigilan ang hindi mapasulyap palagi kay Jennie habang tahimik lamang itong nakatanaw sa labas ng bintana.
She's soooo adorable.
Parang ang sarap palagi haplusin ng pisngi niya, o kaya naman kurutin ito at pingutin ang ilong niya.
Sa tuwing nasa harapan ko siya na ganitong malapitan, para bang ayaw kong alisin ang mga mata ko sa kanya. Kaya lang, nagmamaneho ako, at ayaw ko naman na madisgrasya kaming dalawa.
"So...model ka?"
Finally! Binasag rin nito ang katahimikan.
Awtomatikong napangiti ako at nagpalipat-lipat ang aking mata sa kanya at sa kalsada.
"Ah huh!" Sagot ko sa kanya at agad na naramdaman ang pamumula ng aking pisngi.
Ayaw ko sanang malaman niya pero, kung pwede lang nga sana eh sekreto lamang ito. Ayaw ko kasing mailang o mahiya siya sa akin or mag-iba ang tingin nito sa akin.
Gusto ko kasi sana maging normal na tao lamang ako sa kanyang mga mata. Hindi isang model, hindi isang nakikipagbasagan ng mukha sa ring o kahit na ano o sino. Kundi bilang isang normal na Nanami lamang.
"S-Sorry, hindi ko talaga alam. Mabuti pa si mama, alam niya." Paghingi nito ng tawad.
Napatawa ako ng mahina.
"And because of that, it's obvious that you don't really watch TV very often. And you're also not a social media fan. Am I right?"
Agad na napatango ito bilang sagot.
Lalo tuloy naging malawak ang pagngiti ko.
"Because of that, I like you even more." Pagkatapos ay muli akong napasulyap sa kanya dahilan para mahuli ang pamumula ng kanyang pisngi.
Napatikhim ito.
"P-Pwede bang malaman kung saan tayo pupunta?" Pag-iiba nito ng usapan.
"Sa lugar kung saan tayo lang dalawa at masosolo kita, birthday girl." Pagkatapos ay napangisi ako. Lalo kasing naging kamatis 'yung mukha niya.
Minsan talaga nakakagiliw siyang i-tease, ang bilis kasing mag-blush. Hehe.
"No worries, hindi naman kita aanuhin." Pigil ang ngiti na dagdag ko pa.
"A-Anuhin?" Napatawa ako ng mahina dahil sa tanong niya. Kasabay ang muling naalala ko 'yung nangyari noon sa CR.
Iyong nakita ko 'yung...nevermind.
"Alam mo, sadyang malikot lang 'yang imahinasyon mo. Relax Jen, I won't bite you or eat you. Kailangan kong ibalik ka ng buo sa parents mo na walang kahit na anong bawas sa katawan mo." Paliwanag ko.
Napaiwas ito ng tingin sa akin at hindi na muling nagsalita pa.
Hindi nagtagal ay inihinto ko na ang sasakyan sa Village kung saan ko i-da-date si Jennie.
Isa itong sikat na Village dito sa Tagaytay na forty five minutes ang layo mula sa lugar kung saan ko sinundo si Jennie.
Pagdating namin sa loob, agad na sinalubong kami ng mga staff dito.
Kilala na ako rito, isa kasi ako sa kinuha nilang model para mag-endorse ng kanilang resort sa isang commercial sa TV noon, isang taon na ang nakakaraan.
Biglaan lamang din yun at nagkataon na ako ang dumaan sa harap ng owner. Na-starstruck yata sa akin kaya agad na nilapitan ako.
Habang papalapit kami sa aming magiging table na naka set-up na sa may pool area, ay kapansin-pansin ang malalim na iniisip ni Jen.
Hindi ko mapigilan ang mapahinga ng malalim habang lihim na pinagmamasdan siya. Birthday na birthday kasi nito pero mukhang malungkot siya.
Hindi naman kasi ako manhid at mas lalong hindi ako tanga para hindi mapansin o makita na gusto nito ang best friend niya.
At gusto rin siya ni Lisa.
Napatawa ako ng mapait sa aking isipan.
Observant akong tao, isang tingin ko lang sa tao, alam ko na agad kung may gusto ba ito sa isang tao o wala.
Kaya matagal ko nang alam na malalim na ang pagtingin ni Jennie para kay Lisa.
So, sad lang. Dahil hindi pwedeng maging sila.
Pero...
Hays!
Hindi naman kasi ako gano'n kasama para maging selfish na lang ano?
Syempre, higit sa lahat. Uunahin ko palagi ang kung anong mararamdaman niya, kung saan siya mas magiging masaya.
Hindi naman masamang subukan na baka pwede rin pala kami, hindi ba?
I mean, hangga't nakikita kong single si Jen, hangga't alam kong walang nagmamay-ari sa kanya, hindi ko pipigilan ang sarili ko sa kanya.
"Jennie!"
Mabilis na napatakbo ako kay Jennie noong makita na malapit na itong mahulog sa pool.
Mabilis na hinawakan at hinila ko siya sa kanyang beywang ngunit huli na ang lahat kaya sabay kaming bumagsak sa tubig.
Napaubo ito noong makaahon ang ulo mula sa tubig. Nakalunok pa yata ng tubig...
"S-Sorry, malalim lang talaga ang iniisip---"
Ngunit natigilan siya noong makita na sobrang magkalapit lamang pala ang aming mga mukha.
Habang ako naman ay agad na napalunok dahil nakatitig lamang sa labi niya.
Mabilis itong napaiwas ng tingin at agad na lumayo mula sa akin.
"S-Sorry." Paghingi ko agad ng tawad. "Are you alright?" Dagdag na tanong ko pa. "Kasi kung hindi, i-uuwi na kita agad sa parents mo---"
"Pwede bang makahiram ng pamalit na damit sa'yo?" Putol nito sa akin bago tuluyang umahon sa tubig.
Napaiwas ako ng tingin mula sa kanya dahil bumabakat ang hubog ng katawan nito mula sa lose shirt ngunit manipis na suot niya.
Kusang naramdaman ko rin ang mabilis na pangiinit ng mukha ko bago napahinga ng malalim at agad na sumunod na rin sa kanya.
Mabuti na lamang at mayroong binibentang shirt at short dito. Iyon na lamang ang binili ko para kay Jennie dahil mas matanggkad ako sa kanya at mas slim din ang katawan kaya tiyak na hindi kakasya ang mga damit ko sa kanya.
Pagkatapos noon ay saka kami kumain.
Habang kumakain, pinipilit kong pasayahin ang mood niya. Pinilit ko rin na ubusin nito ang pagkain niya kahit na kapansin-pansin na wala itong gana.
Kahit ganitong simpleng makasama lamang siya ay ang saya-saya ko na. Ngunit mayroong kirot sa aking puso, dahil hindi ko siya magawang mapasaya.
Hindi mo naman kasi mapapasaya ng lubusan ang isang tao kung ibang presensya ang hinahanap niya eh.
Pero ang mahalaga naman doon, sinubukan ko. At nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama siya sa kaarawan niya.
Sapat na sa akin 'yun.
Mag-aalas singko na ng hapon. Mayroon pa sana akong lugar na pagdadalahan sa kanya kaya lang baka pagod na siya.
Isa pa, ayoko ng pilitin pa ito dahil mukhang gusto na niyang makasama yung taong gusto talaga niyang kasama ngayong kaarawan niya.
Napatikhim ako at lumapit sa kanya habang nakaupo ito sa gilid ng pool at naglalaro ng tubig.
"A or B?" Biglang tanong ko.
Napatawa ito ng mahina habang may pagtataka sa mga mata niya.
Kapag A ang pinili niya, iuuwi ko na siya at hindi na itutuloy ang pinaka plano ko talaga para sa kanya ngayong araw.
At kapag B naman ang napili niya, bukas ko na siya maiuuwi. Nakahanda naman akong ipagpaalam siyang muli eh. Makasama ko pa siya ng mas maraming oras.
"A-Anong choices naman 'yan?" Tanong niya.
"Basta. Just choose." Sagot ko.
Napahinga ito ng malalim bago tumayo at lumapit sa akin.
"Hmmmm." Sandaling nag-isip ito.
"A?" Sagot niya.
Mataman ko siyang tinitigan sa kanyang mukha atsaka mabagal at pilit na binigyan ng ngiti.
"Okay." Wika ko. "So, paano ba 'yan? Ihahatid na kita sa parents mo."
Halatang nagulat ito sa sinabi ko.
"Ano ba 'yung choice B?" Curious na tanong niya.
Napailing ako.
"Doesn't matter. You've already made your choice." Sagot ko sa kanya. Dahil doon ay napalunok ito at napatitig sa mga mata ko.
"Nami..."
Muling binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti, kahit na sa loob ko ay para bang, pinupunit 'yung dibdib ko.
Hindi ko man lang kasi siya napasaya. Makikita pa rin sa mga mata niya na malungkot siya. Pero, hindi na bale.
Maraming pagkakataon pa rin naman na makakabawi ako sa kanya.
Sana lang...
Bigyan pa ako muli ng pagkakataon na makasama siya.
"C-Can I hug you?" Tanong ko sa kanya na medyo napiyok pa sa dulo.
Hindi pa man ako nito sinasagot ay lumapit na agad ako sa kanya atsaka niyakap siya.
"Thank you for today, Jen." Buong puso na pagpapasalamat ko sa kanya. Hindi naman tumagal ang pagyakap ko nang muling kumalas ako sa kanya.
"No. THANK YOU, Nami. I appreciate this. Lalo na 'yung effort mo para lang mapuntahan ako." Pagkatapos ay napangiti siya habang nakatingin sa mga mata ko.
Masaya na ako. Sapat nang na appreciate nito ang ginawa ko.
Muli ay napalunok ako.
"Malakas ka sa akin eh." Pabirong sabi ko pa atsaka ginulo ang buhok niya.
"Let's go?" Pag-aya ko. "Baka kasi may nakakamiss na sa'yo." Dagdag ko pa ngunit pabulong lamang.
"A-Ano?" Tanong nito habang natatawa.
"Wala. Ang sabi ko, baka miss ka na ng parents mo." Pagsisinungaling ko bago inakbayan siya habang papalapit kami sa aking sasakyan.
*End of flashback*