webnovel

The entitled Ending

Stephanie Alferez has a long time crush named Kelvin, ang kaso lang ay mas malamig pa sa Antartica ang pakikitungo ng binata sa kan'ya. Hanggang sa dumating si Kurt sa buhay niya, isang lalaki na gusto lang naman siyang tulungan ngunit hindi niya alam kung bakit kapag nakikita niya ito ay umiinit ang ulo niya. Gumising na lang siya isang araw na nagulo na, hindi lang ang isipan niya kundi pati na ang nararamdaman niya. Is she still in love with the man who ignore her for such a long time? Or, is she already found someone else?

Danyannn · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
3 Chs

Chapter 1:

Inaantok akong pumasok sa classroom, anong oras na kasi ako nakatulog kakaasa nang kahit isang reply mula sa crush ko, ngunit wala man lang akong napala. Lalo lang lumusog ang eyebags ko. Kahit kailan ay nakapadamot nang lalaking iyon, kahit seen man lang ay hindi niya nagawa. Hindi ba niya na-appreciate ang efforts ko para lang makausap siya?

Nawala lang ang antok ko nang makita ko si Kelvin sa upuan niya, he's in his usual self, headphones on, well–combed hair, white clean uniforms with a book in front of him. He has a poker face while flipping every pages of book. How can he be so adorable by just flipping pages?

Palaging sinasabi sa akin ng mga kaklase ko na tigilan ko na siya dahil halatang-halata naman daw na wala akong pag-asa sa kan'ya ngunit hindi ako nakikinig. Kahit anong sabihin nila ay hindi na magbabago ang pagtingin ko sa kan'ya, he will always be my crush.

Tila nawala ang antok ko sa pagtitig lang sa kan'ya. I shake my head as I sat down beside him. Hindi man lang niya ako nilingon kahit pa nasagi ko na ang kan'yang braso. Wala pa naman ang magaling kong kaibigan kaya naman si kelvin muna ang aasikasuhin ko.

Itinuon ko ang aking siko sa armchair at ipinatong ang aking pisngi sa palad ko habang pinagmamasdan ko si Kelvin na nagbabasa. His eyes was perfect, it has a coffee color that melts my heart every time I looked at those. He seems unaware but the way he curved his lips was makes me go like crazy.

"Kelvin, bakit ang g'wapo mo?" tanong ko rito kahit alam kong hindi niya ako naririnig dahil sa headphone na nakasuot sa kan'ya. Inihiga ko ang aking dalawang kamay sa ibabaw ng armchair bago ko ihiga ang aking ulo roon. Mas lalo kong nakita ang guwapong mukha ni Kelvin.

"It's been four years now since the day I laid my eyes on you. I was in grade seven that time when you bumped into me but doesn't even bother to apologize but then I forgave you na. Simula rin noon naging crush na kita." I laugh at myself. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit paulit-ulit ko na iyong naikukuwento sa kan'ya ang hindi pa rin ako nagsasawa, in fact, it makes me feel genuinely happy. "At sa apat na taon kong pagkagusto sa'yo, hindi mo man lang ako kinausap kahit isang beses, ni hindi ko rin nakitang tumingin ka sa akin. Minsan nga iniisip ko na lang na i-uncrush ka." I smile bitterly.

Looking into his face makes me feel like looking into the universe. Ang bawat parte niyon ay hindi nakakasawang tignan, nakawawala ng pagod at antok. Apat na taon ko nang tinitignan ang mukhang iyon at kabisado ko na ang bawat parte nuon ngunit hindi pa rin ako nagsasawang tignan iyon sa halip ay excited pa akong makita ang bawat pagbabago ng emosyon niya araw-araw.

Sumimangot ako habang pinagmamasdan siya, alam kong aware siya na nandito ako ngunit kahit isang tingin man lang ay hindi niya ginawa. Walang emsyon pa rin siyang nakatingin sa libro at tahimik na nagbabasa. Parang yung libro na lang ang nage-exist sa paligid niya. Tila nawawalan na tuloy ako nang pag-asa na mapansin niya, but no, ang layo na nang narating ko para magpapansin sa kan'ya, ngayon pa ba ako susuko?

I was busy staring at his face when something pop on my heads. I pick my phone out inside my pocket, turn it's camera on and clicking it multiple times, capturing every part of Kelvin's face. How could he be so handsome even in stolen shots?

Ipinakita ko pa iyon sa kan'ya matapos ko siyang kuhanan. I even place my phone above the book so he'll distract himself. But the next thing happen makes my heart beats even faster that I couldn't breathe, he look at me, he stare at me, he did that in a minute long.

Nakahinga ako nang maluwag ng lumabas siya sa classroom but my heart keeps on pounding fast. For the first time in history he looked at me, he just stare at me. Kahit wala siyanh sinabi ay ramdam kong ito na ang magiging simula nang pagiging malapit namin and I, I will make him fall for me no matter how hard it is. He'll definitely fall for me anytime soon.

"Hoy, babae." Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Shean sa aking harapan at binatukan ako. Napahawak na lang ako sa aking noo ng bahagya iyong kumirot dahil nauntog ako sa arm chair.

"What? Kailangan mambatok?" I roll my eyes asking her. Hindi naman niya pinansin iyon sa halip ay umupo siya sa aking tabi. May pagtatanong ang kan'yang mga mata ng tumingin siya sa akin.

"Ano bang tinitignan mo riyan sa cellphone mo at kanina ka pa distracted?" she curiously ask. Alam kong alam na niya kung ano ang tinitignan ko since she knew me very well. Hindi ko lang alam kung bakit kailangan pa niya kailangang magtanong. "Why was I even asking? Of course, I knew it, kinulit mo na naman si Kelvin." Rolling her eyes she scan my phone, browsing Kelvin's cold face. "Any progress?" she then ask.

I shrug. Bumungisngis lang ako at muling tinignan ang mukha ni Kelvin. I really love looking at his damn cold but still angelic face. Nang in-off ko ang aking cellphone ay bumalik ang atensyon ko kay Shean na tila naghihintay pa rin ng sagot ko.

Nang maalala ko ang halos isang minutong pagtingin sa akin ni Kelvin ay mahina akong natawa, kinikilig. "Beeees, for the first time in four years nagawa na rin niya akong tignan." I almost cried, telling her what was happen.

"Is he really look at you? Tingin ba iyon ng may pagmamahal o tingin na may halong inis?"

Beat.

Inalala ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin ngunit hindi ko mahulaan iyon, it was actually a usual look he always had.

Napangiti ako. "Kahit anong pagtingin pa iyon, atleast tinignan niya pa rin ako. At huwag ka ngang KJ, akala mo naman napakainosente mo, as far as I know, nali-late ka lang dahil gusto mong makasabay si Yohanne sa pagpasok." Turning the table, she blush.

"Whatever. Atleast Yohanne has a warm personality that really attracts everyone unlike him, your crush who has a very cold attitude. Mas malamig pa sa Antarctica ang pakikitungo niya sa'yo."

"Excuse me, ang cool kayang tignan ni Kelvin, he's adorable even without curving his lips. Atsaka, tinignan na niya ako kanina at nararamdaman kong iyon na ang simula nang pagiging malapit naming dalawa." I said proudly, ipagmamalaki ko talaga iyon because it's my first time and I'll make sure it's not even the last.

"Sus, if I know ibang tingin ang binigay niya sa'yo. Masamang tingin, pusta pa ako."

Binigyan ko siya nang isang masamang tingin. Natawa lang ito sa naging reaction ko. "Hindi mo man lang ba ako susuportahan? Kaibigan mo kaya ako." I rolled my eyes. "Huwag ka sanang pansinin ni Yohanne."

Tinignan niya ako nang masaya, as if killing me inside her mind, nginitian ko lang siya.

Second later, she was holding her phone, smiling from ear to ear as of she's chatting with someone important. Hindi ko na lang siya pinakaelaman, sa halip ay in-open ko rin ang messenger ko, browsing sort of names at nangunguna roon si Kelvin. Hindi pa rin niya nire-reply-an ang mga messages ko sa kan'ya. Kahit tignan man lang ay hindi niya nagawa.

Imbis na malungkot dahil sa hindi niya pag-seen sa mga chats ko ay inalala ko na lang ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa akin kanina. Kahit iyon lang ay mapanghawakan ko upang pagsimulan ng conversation namin. I even think of my future, with him as his wife.

Saan kaya kami kaya kami ikakasal? Gaano kaya kaganda ang wedding gown na isusuot ko? Paano kaya siya bilang isang asawa? Ano kayang kasarian ng magiging first born baby namin? Ano kayang pwedeng ipangalan sa future babies namin? Ano kayang magandang design ng bahay namin? Gusto ko yung simple lang basta kasama ko siya at ang mga magiging anak namin. Gusto ko din nang twins, tapos isang babae at lalaki.

I almost laughed at myself, thinking of those things make me happy, mas masaya nga lang siguro kung kasabay ko siyang nangangarap.

Natigil ako sa pagd-daydream nang makita ko si Shean na naglabas ng pagkain. Napangisi ako, atsaka na ako mangangarap sa ngayon ay kakain muna ako. It's time para si Shean naman ang guluhin ko.

Kinuha ko ang clover sa ibabaw ng armchair niya made her frowned as she look at me. Hindi na lang siya kumibo dahil alam na rin siguro niya na wala na siyang magagawa ngayong binuksan ko na iyon.

"Gusto mo?" pang-aasar ko sa kanya. She rolled her eyes, grabbing clover in my hands.

"Kahit kelan ang kapal ng mukha mo," reklamo niya bago kumain.

"Kumain ka nalang diyan, daldal mo." Biting piece of clover, I said.

Habang kumakain ay hinihintay ko rin si Kelvin na bumalik, simula kasi nang lumabas siya dahil sa pangungulit ko ay hindi na ito bumalik. I wonder where my future husband is. Wala ba siyang balak mag-aral? Paano na lang ang future naming dalawa? And speaking of pag-aaral, bakit wala pang dumarating na teacher? Pangalawang subject na sana namin ngayon.

Parang bumalik ang antok ko nang maubos ang kinakain namin ni Shean. Hindi ko pa masilayan ang crush ko. Bakit nagiging malas yata ako ngayong araw? Nakakainis naman. Kinalabit ko ang kaibigan ko.

"Nakita mo na ba ang crush ko?" tanong ko sa kanya. Agad naman niya akong pinagkunutan ng noo. Ayan na naman siya sa at nagtataray na naman. "Charr, lang. Bakit wala pa tayong teacher? Late ba ang science teacher natin ngayon?" seryoso ko pang tanong rito but she did was raised her eyebrows.

"Seriously? They just announced na may emergency meeting ang mga teacher ngayon so we don't have a morning class. Saan na ba nakarating utak mo?" she laughed.

"Walang klase?" nanlalaki ang nga mata kong tanong. Kung walang klase ngayong umaga sana natulog na lang ako.

"Nabingi ka na rin? Gan'yan ba talaga ang nangyayari kapag hindi crina-crush back?" sarkastiko nitong saad dahilan upang ibato ko siya ang notebook na nasa harapan ko.

"Napakasama mo." I yelled.

"We're on the same feather so we flock together," she said proudly.

"Whatever."

"I hate you too."

Lumawak ang pagkakangiti ko nang makita ko si Kelvin, nakasuot pa rin ang headphone niya while walking straight to his seat. Hindi man lang niya nagawang tumingin sa kahit na sino rito sa loob ng classroom, ano pa bang aasahan ko? He's an outcast and no one wants to talk to him because of his intimidating aura but not me, I can handle him.

Sinundan ko lang siya nang tingin at pinagmasdan hanggang sa makaupo siya ng ayos. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay mas lumawak ang pagkakangiti ko, tila may kung anong kuryente na naman ang dumaloy sa aking buong sistema. Saglit na tingin lang iyon ngunit pakiramdam ko ay nakita ko na ang bulng kalawakan.

"Stehanie, baka matunaw." One of my classmates shout. Naging maingay na ang buong klase dahil doon, nakasuporta kaya sila sa akin. Hindi tulad ni Shean na palaging nakakontra, akala mo naman crinush back na.

"Shean, ano ka, ang daming supporter ng Stelvin," pangi-inggit ko rito bago umirap.

"Gaga, kahit gaano sila ka-support hindi ka pa rin ika-crush back." She rolled her eyes.

I frowned.

Tulad nang inaasahan, nagsimula ang klase after lunch, nakakasakit sa ulo ang bawat subject at halos madurog na ang brain cells ko.

Inaantok akong lumabas ng classroom matapos ang mahaba-habang pakikipaglaban sa utak ko. Gusto ko na sanang umuwi at humilata na lang sa aking kama ngunit may kailangan pa akong hiramin na libro mula sa library kaya roon ako dumiretso. Kahit naman puro daldal at tawa lang ang ginagawa ko sa klase ay gusto ko pa ring pumasa at maka-graduate.

I was about to leave the place when something telling me not to. I felt urge to still roam inside the library at sa isang iglap ay nakita ko na lang ang sarili kong papalapit sa isang lalaking natutulog sa likod nang pinakadulong bookshelf. Kilala ko kung sino iyon, hindi ako p'wedeng magkamali dahil ang lalaking iyon ay si Kelvin, ang crush ko.

His earphones are still on, messy hair and a book with him. Paano ko ba naman hindi makikilala ang lalaking ito? Siya lang yata ang lalaking nagbibigay ng kuryente sa buo kong sistema.

Naupo ako sa kan'yang tabi at pinagmasdan siya. He almost pouted his lips as he rest on the desk. Ang bangs niya ay humaharang sa magaganda niyang mga mata ngunit hindi naging dahilan iyon upang mabawasan ang kaguwapuhan niya. Still he was a perfect one.

While resting my head on a desk, hinawi ko ang buhok niyang humaharang sa guwapo niyang mukha. Napangiti ako habang pinagmamasdan kung gaano siya kaamo ngayon, parang hindi siya yung Kelvin na laging cold at suplado. He was just like a normal kid sleeping.

"Kelvin, I wonder why? Why you always distance yourself from the other? Apat na taon na kitang kinukulit sa personal man o sa chat ngunit kahit kailan ay hindi ko nakuha ang atensyon mo." I smile bitterly as I remember how I chase him everyday. "Minsan nga, minsan iniisip ko na lang na sukuan ka. But, why would I, right? Sigurado naman akong magugustuhan mo rin ako isang araw."

Four years, did I just really think I still have a chance? I felt a sudden pain inside my chest.

Nasa ganoong akong estado nang imulat ni Kelvin ang kan'yang mga mata and met mine. Hindi ko maintindihan kung paanong ang tingin na iyon ay pinawi ang kaninang sakit na nararamdaman ko. It brought chills to my spine and it always make me feel like looking at the whole galaxy. Ang sarap sa pakiramdam.

"What are you doing?" he asked, still staring.

"Ang g'wapo mo," I uttered. Wala sa sariling pinalandas ko ang aking hintuturo sa kan'yang matangos na ilong, bahagya ko rin iyong pinisil.

Tila nananaginip ako habang ginagawa iyon dahil walang kahit ano mang pagtutol sa mga mata ni Kelvin. Hinayaan niya lang akong gawin iyon. Kung panaginip man ito, sana, sana hindi na ako magising. Gusto kong manatili kami sa ganitong sitwasyon kahit ilang sandali lang. Kahit ngayon lang.

"What the fuck are you doing?" Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw at tumayo. Nanlalaki rin ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa akin, hindi makapaniwala.

"I-I..," I stutter. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig habang masamang nakatingin ang mga mata niya sa akin. I heave a sigh. "I just wanna wake you up, nagu-uwian na rin kasi ang mga estudyant—"

"Whatever."

He walk out.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang lumakad papalayo sa akin. He just talked to me, he did.