webnovel

Chapter 2

KRINGGGGGGGGGG

Napatakip ako ng tenga ko dahil sa nakakabinging tunog na iyon na maririnig sa buong lugar na kinaroroonan namin ngayon, siguro ay 7 na ng gabi at magsisimula na ang hunting exam namin.

Nagulantang kaming apat ng biglang may pumasok na isang lalaking nakasuot ng uniporme na katulad no'ng sumundo sa amin ni Hanna, ngunit imbes na brown ang kulay ng tela sa balikat na bahagi ay kulay yellow 'yong sa kaniya. Nakasuot siya ng salamin at naka-float rin siya dahil sa sapatos na suot niya-parang hover board pero hindi board dahil shoes. Hover Shoes?

May suot rin siyang steel bracelet sa kanang pulsuhan niya. May dala siyang apat na suitcase. Ibigay niya 'yon sa amin isa-isa. Kulay blue na suitcase ang nakuha ko, pink naman kay Jhanah, magenta do'n sa masungit, at yellow do'n sa mabait na ka-tent mate namin.

"Isuot niyo 'yan. After 10 minutes dapat nasa harap na kayo ng SFB01," 'yon lang ang sinabi niya at nagmamadali ng umalis. May itatanong pa sana ako pero nakaalis na agad siya.

Where the h*ck is SFB01?

Binuksan ko ang suitcase ko. May mga mas maliliit na boxes sa loob. Kinuha ko ang box na may nakasulat na LED Visor Glasses, binuksan ko yun at isang kakaibang Glasses ang nakita ko. Arc-shape siya, nag-go-glow ng kulay blue, walang bridge dahil full-visor siya. Tinanggal ko ang salamin ko at isinuot ang LED Visor Glasses.

Woah! Ang linaw ng paningin ko ah.

Akala ko, kapag sinuot ko ang glasses na ito ay blue rin ang kulay na makikita ko, pero hindi. Yung normal pa rin na kulay ng mga bagay ang makikita. Mas comfortable din siya kesa sa nakasanayan kong salamin.

Sunod kong binuksan ang pahabang box na may nakasulat na Mana Whip. Isang normal na latigo ang nakita ko, kinuha ko 'yon at pinindot ang maliit na button sa hawakan ng latigo.Ang dating normal na latigo ay nagkaroon ng kulay asul na kulay, hinawakan ko :yon...

"Ouch!" daing ko ng bigla akong mapaso. Nagsitinginan ang tatlo kong kasama sakin. "S-sorry," nahihiya kong saad.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Jhanah, gamit gamit niya na ang LED Visor Glasses, nasa tagiliran niya naman ang Mana Whip, nakasuksok sa sapatos niya ang isang dagger, at may nakadikit sa uniform niya na kulay pink na bagay.

"Nothing," sagot ko nalang. Ibinalik ko ang tingin ko sa Mana Whip na hawak ko. Muli kong pinindot ang button kaya nawala ang kulay asul na kaninang pumalibot sa latigo. Muli kong hinawakan 'yon ngunit hindi na nakakapaso. Ahhh, thank God.

Sunod kong binuksan ang box na may nakasulat na Tacet Dagger. Isang normal lang na dagger ang nakita ko, wala namang button sa hawakan kaya walang hidden ability 'yon. But wait. Tacet? Sa pagkakaalam ko, ang Tacet ay Latin word na ang ibig sabihin ay 'silent'. So, what's the connection of silent and the dagger? Silent Dagger?

At huli ko namang binuksan ang napakaliit na box na ang nakasulat ay Tracking Device. Isang maliit na kulay asul na bagay ang nakita ko, idinikit ko 'yon sa uniform ko sa may collar ng coat ko. Tumayo na ako ng matapos kong i-prepare ang sarili ko, tapos na rin si Jhanah.

"Should we head out altogether?" nakangiti kong tanong sa dalawang kasama namin na hindi pa rin namin naririnig magsalita hanggang ngayon. Tiningnan lang ako no'ng isa na mataray ang mata, at 'yong mukhang mabait naman ay ngumiti lang. Napakamot ako ng batok ko at nahihiyang tumingin kay Jhanah.

"Sabi ko nga, dapat 'di ko nalang sila niyaya," bulong ko sa sarili ko. "Let's go, Jhanah?" tanong ko sa ka-tent mate ko na normal. Tumango siya kaya sabay na kaming umalis ng tent, bago ako tuluyang makalabas ay muli kong nilingon 'yong dalawa.

Hayst, weirdos...

Ibang route ang dinaanan namin ni Jhanah kaya wala pang 3 minutes ay nakapunta na agad kami sa harap ng SFB01—'yong building na pinasukan namin kanina ni Jhanah na maraming weapons na binebenta. Marami na ring estudyanteng naghihintay, tulad ko ay suot suot na rin nila ang mga nakalagay sa suitcase na binigay no'ng lalaki kanina.

"Eyy, Bro-thic! How'd — Woah! Color blue eh? Mine is red," saad ni Hanna na kakarating lang. Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako, pinagmasdan ko rin siya. Parehas lang kami ng equipment na nakuha, kulay lang ang pinagkaiba.

"Yo Alien, How'd you doin'?" tanong ko sa kaniya. It's been an hour and 40 minutes simula no:ng nagkita kami kanina sa harap ng tent nila.

"Alien? Who are you calling alien?" salubong ang kilay niyang tanong.

"I prefer calling you Alien, than ALiet. Anyways, how are you nga?"

"Well, you see I'm perfectly fine. Bro-thic, let's hunt creatures together," saad niya. Ayos lang naman sa'kin pero diba sinabi sa announcement na individual examination ito?

"But we're not allowed to team-up," saad ko. Umiling siya ng ilang ulit bago nagsalita.

"Hunting together is different from teaming-up, right? Right?" baling niya kay Jhanah.

"A-ah, Y-yeah I guess," nahihiyang sagot ni Jhanah. Siguro ay nagulat lang siya na bigla nalang siyang isinali sa usapan.

"Hmmm, you're right. Okay then, let's hunt together Alien," sagot ko. Mas lumawak ang ngiti ni Hanna at napa-palakpak. "Okay, I'm counting on you Bro-thic," maliksing saad niya. Itinaas niya ang kamay niya at hinarap saakin.

"What?"

"Don't you know what High Five is?" sarcastic niyang tanong. Ah. Nakipag-high five ako sa kaniya para wala ng away pa na maganap. "K bye, see you," paalam niya.

Napatingin ako sa kamay ko na nakipag High Five sa kaniya. Isn't she a bit weird just now? As twins, we're not that close but we're not that afar from each other at the same time. It's just that, she's totally weird today. For 18 years of existence, never pa kaming gumawa ng nickname para sa isa't isa, and mas lalong never pa kaming nag High Five.

"You look surprise, why is that?" tanong ni Jhanah kaya agad kong inilipat ang paningin ko sa kaniya.

"It's just we're not doing High Five's before," honest kong sagot. Sa 'di malamang dahilan, bigla na lang siyang natawa. Tatanungin ko sana kung bakit pero hindi ko nalang tinuloy. Ayaw ko namang sirain ang kasiyahan niya dahil sa tanong ko. Pinanood ko nalang siyang tumawa kahit 'di ko alam kung ako ba ang tinatawanan niya.

"Magandang gabi sa inyong lahat, ako si Abispa galing sa Non-Snake Squad, itong kasama ko naman ay si Ares galing sa Greek God Squad. Alam kong in-explain na ni Sir Andromeda ang instructions kanina, pero uulitin ko lang ulit, pero ngayon tatagalugin ko na dahil hindi naman lahat kayo ay gamay ang salitang Ingles." wika no'ng lalaking nasa harapan naming lahat, nakasuot siya ng katulad naming uniform kaya malamang ay estudyante rin siya. May ahead nga lang siya kesa sa'min kaya paniguradong seniors namin sila.

"7:30 ang talagang start ng exam niyo kaya mamadaliin ko lang ang pag-e-explain. Dadalhin namin kayo sa Lost City, mga 5.5 km lang ang layo mula dito. Ang misyon niyo ay makapatay ng kahit na anong makita niyo do'n, maliban sa kapwa estudyante syempre. Kapag napatay niyo na ang mga 'yon, saksakin niyo ang bangkay gamit ang Tacet Dagger para madagdag sa score niyo ang bilang ng mga napatay niyo. Para na rin maidagdag ang Coins o Stone sa account niyo."

"Iyon lang naman ang kailangan niyong gawin, kailangan niyong pumatay at manatiling buhay sa loob ng isang linggo. Kung sakaling gusto niyo ng mag back-out, pindutin niyo lang ang tracking device para masundo agad kayo at maibalik sa bahay niyo. Nga pala, para makakuha kayo ng coins at stones kailangan niyong makapatay ng mga cryopus, nag-go-glow sila kaya malalaman niyo agad kung cryopus ba ang kaharap niyo o hindi."

"One week?!"

"No way!"

"Is this a prank? Tell me that this is just a prank!"

Umugong na naman ang reklamo ng mga kapwa namin estudyante dahil sa rule ng test na ito. One week? So parang do'n na rin kami titira sa loob ng isang linggo? Without food and drinks? Without shelter? The h*ll, come on. Don't give me a crap!

Matapos niyang magsalita ay may dumating na naglalakihang mga dropship para dalhin kami sa destinasyon namin. Apat na dropship ang dumating kaya 400 katao ang sasakay sa isang dropship.

"Ah, tuwing 4 am ng madaling araw, maglalapag kami ng mga chests around Lost City. Kung gusto niyong tumagal at makapasa sa test, maghanap kayo ng chests dahil may laman 'yong mga pagkain at necessities. Goodbye and Good luck!" huling bilin niya bago kami nagsipasok sa mga dropship.

Pinagsuot kaming lahat ng parachute bago kami naupo. Dropship. Parachute. Masama ang pakiramdam ko tungkol dito ah. Don't tell me...

"J-jaiho, let's jump together, okay?" kabadong saad ni Hanna na katabi ko sa kaliwa. Nakakapit siya sa braso ko at mukhang ninenerbyos. Hindi rin maayos ang paghinga niya kaya masasabi ko na kinakabahan siya tungkol dito. Hindi siya kinakabahan sa mga kakalabanin naming cryopus, ang ikinakatakot niya ay ang pagtalon.

Parehas kami ng iniisip ngayon ni Hanna, alam naming kapag nakarating na kami sa Lost City ay kailangan naming mag skydive pababa. Exciting at masaya mag skydive, nakailang beses ko ng nasubukan 'yon. Dapat excited rin si Hanna dahil happy-go-lucky type siya, pero 'di niya magawang makaramdam ng excitement ngayon. You know why? Afraid of heights siya. That's her weakness.

Binigyan ko siya ng reassuring smile, hinarap ko siya at hinawakan sa balikat. "Yeah, let's jump together," sagot ko. Nagpilit siya ng ngiti bilang sagot. Kahit hindi kami masyadong close, the fact na twin sister ko siya at ako ang lalaki, it's my duty to protect her no matter what. "Don't be nervous, okay? It's fine, Im here," dagdag ko pa. Tumango siya pero 'di pa rin nabawasan ang kaba niya.

"We'll be arriving very soon, please prepare yourselves," narinig namin na nanggaling sa mga drones na paikot-ikot sa harap namin. Ng marinig 'yon ni Hanna ay mas humigpit ang kapit niya sa braso ko.

Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas na ang napakalaking door-like sa likod ng dropship, maybe it indicates that we should start jumping already.

"What? Are we gonna jump!?" gulat na tanong ng isang babae na nasa tapat ko.

"N-No no no! Hindi ako tatalon dyan," wika naman ng isang lalaki sa tabi niya. Halos walang nagpaumunang tumayo at tumalon kaya ako na ang tumayo.

"J-jaiho?" kinakabahang tanong ni Hanna.

"Come on, it's okay. We'll jump together right?"

"B-but I'm afraid."

"That's why I'm jumping with you."

"But.."

"Just trust me okay?"

"...." Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatingala siya sa akin habang nakahawak sa braso ko. Halatang-halata ang kaba sa mukha niya.

"Oww, you don't trust me?"

"O-okay let's go," sagot niya. Tumayo siya at pumikit, ilang beses siyang nag inhale-exhale bago nagmulat ng mata. Tumango siya sa'kin kaya sabay kaming naglakad papuntang likurang bahagi ng dropship. All eyes are on us.

"Hindi ba sila natatakot?"

"Maybe they're afraid but just wanted to show off."

"Tch. Papansin."

Hindi lang namin pinansin ang mga bulungan ng mga kasama namin. Nagkunware nalang kami na hindi namin marinig ang mahihina nilang bulungan. Yeah, mahihina..napakahinang bulungan.

"3...2...1... Jump!" senyas ko. Magkahawak-kamay kami ni Hanna, pagkasigaw ko ng 'jump' ay sabay na kaming tumalon.

"Ahhhhhh!" kahit malakas ang salubong ng hangin sa amin ay rinig ko ang malakas na sigaw ni Hanna. Hindi ko napigilang 'wag matawa. Kahit nasa ere ay niyakap niya ako habang tuloy lang ang pagsigaw, masakit sa tenga pero sa halip na patahimikin ko siya ay niyakap ko nalang siya pabalik.

Madilim ang paligid pero buti nalang ay maliwanag ang Lost City kaya kita ko kung pabagsak na kami. Nang malapit na kami sa isang building, sabay kong hinila pabukas ang parachute naming dalawa ni Hanna. Ang mabilis naming pagbulusok kanina ay biglang bumagal dahil sa parachute.

"Its okay now, you can let go," sabi ko kay Hanna na huminto na sa pagsigaw pero nakayakap pa rin. "No," matigas niyang sagot. Imbes na pakawalan ako sa yakap ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin kaya halos mapisil na ako.

Nanatili lang kami sa gano'ng posisyon hanggang sa maramdaman na namin ang semento sa paanan namin. Nakahinga nang maluwag si Hanna kaya kumawala na rin siya sa yakap. Tinanggal ko na ang parachute ko at tinulungan ko siyang tanggalin ang sa kaniya.

"Jeez, akala ko aatakihin na ko sa puso," saad niya sabay tapik-tapik sa chest niya. "Woo, that's my first time," dagdag niya pa. Simula pa lang noon ay afraid of heights na siya, pati simpleng pag-akyat lang sa puno ng manga ay nanginginig na siya sa takot. Kaya never niya pang sinubukang mag skydiving.

"Now, who's pathetic between us?" I asked mockingly.

"You still. You're more pathetic than I am," sagot niya na man.

"So you accept it? That we're both pathetic?" tanong ko na naman.

"Wha--?! I never said that I accept it."

"But you did accept it. You said it indirectly."

"You mis-"

Hinila ko siya palapit sa'kin at tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko, sinenyasan ko siyang 'wag maingay. Dahan dahan kong kinuha ang Mana Whip na nakasabit sa may tagiliran ko, pinindot ang button at tahimik na naglakad palapit sa isang nakasaradong pinto.

SKREEKKK SKREEKKK

"Hey, don't go there," Hanna hissed but I didn't listen to her. I turned to her direction and told her, 'stay where you are' telepathically.

Napalunok ako, tumatagaktak rin ang pawis na nanggagaling sa noo ko. Pati ang kamay ko ay para ng gripo dahil sa pawis, pasmado kase ako. Hinawakan ko ng mahigpit and Mana Whip. Sinipa ko ng malakas ang pinto, pagkabukas no' ay agad kong iwinasiwas ang latigo, ilang sandali lang ay may malakas na thud ang narinig.

Narinig ko ang yabag ni Hanna na papalapit sa kinaroroonan ko. "What's that?" tanong niya ng makita ang hindi malamang nilalang na nakaratay sa sahig. Nag-go-glow ng kulay red ang buong katawan niya, palaka ang katawan niya pero may buntot siya ng scorpion sa likod. Malamang ay yo'n ang lumilikha ng skekkk sound kanina.

"Cryopus, probably," sagot ko. Hinila ko ang Tacet Dagger na nakasiksik sa sapatos ko at isinaksak yo'n sa bangkay ng cryopus. Ilang segundo lang ay nag-shatter into fragments 'yong cryopus at ang fragmets ay naging ash.

"Guess, Im lucky huh? Never thought that we'll be facing a cryopus as soon as we arrive," dagdag ko sabay tayo. Ibinalik ko ang Tacet Dagger sa may sapatos ko at muli kong isinabit ang Mana Whip sa tagiliran ko.

"We're really lucky," saad ni Hanna, akala ko kung sa'kin siya nakatingin pero sa ibang dako pala siya nakatingin. Nakatingin siya sa loob ng kwarto na pinagtataguan ng cryopus kanina. Lumapit ako at tiningnan kung ako ang tinititigan niya.

"Woah! A drop chest?" bulalas ko. Agad ko 'yong nilapitan at hinila palabas, para makita namin ng malinaw kung ano ang nasa loob. Akala ko ba simula pa bukas ng 4am ang drops? Bakit meron na agad dito?

Si Hanna ang bumukas ng drop chest at ang bumungad sa amin ay 5 bottles ng mineral water, 5 packs ng fudgee bar?, at isang nona-core katana na kulay pink. Inilabas ko na agad ang mga nakuha namin na inumin at pagkain, pati na rin ang katana.

"Should I be thankful or disappointed?" tanong ni Hanna. Alam ko na in-expect niyang maraming pagkain or magagandang items, pero okay na rin itong mga nakuha namin kesa sa wala, diba?

"The former," sagot ko. "We should still be thankful, at least, we have something to eat for tonight. Now, should we look for a temporary shelter?"

"Eyy Jaiho, I didn't knew that you were that brave and caring," pag-iiba ng usapan ni Hanna. Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"I mean you don't have any other hobbies except reading books and playing board games, but now you're quite different. The Jaiho right now is brave, strong and...caring," wika niya habang nakatingin sakin. "I never saw that side of yours."

Ah, I get what she meant. Pati ako ay nagtataka rin sa sarili ko, sa pagkakaalam ko mahina ang katawan ko dahil puro loob lang naman ako ng bahay, pero unexpectedly kinaya kong buksan ang pinto gamit ang sipa ko—note: naka-lock pa 'yon

Napahawak ako sa leeg ko, nag-iisip ng maisasagot. "Maybe you just saw it now, because we're in this situation," sagot ko. I'm not sure if she'll be satisfied by my answer, but it's worth to try.

"Guess your right," sagot niya. "Should we look for temporary shelter first or should we look for cryopus to earn coins, stones and points?"

"Let's look for shelter first," sagot ko. "Oh yeah, you can have this," wika ko sabay abot sa kaniya no'ng pink nona-core katana. Medyo nagulat siya dahil sa inasta ko.

"Nah, you can have it, you're more suited in using it," saad niya naman.

"This is more suited for you, pink is for girls. And besides, you might need it to protect yourself."

"Then, how about you?"

"What about me?"

"I mean, how will you protect yourself without this?" tanong niya. Hawak hawak niya na ngayon ang katana dahil inilagay ko mismo sa kamay niya.

"Ha ha, I have this to protect me," sagot ko sabay pakita ng Mana Whip sa kaniya. Napabuga siya ng hangin at napa-iling-iling.

"Are you sure? Really really sure?"

"Yeah, I'm really really really sure."

"Okay. If you insist," wika niya. Pinagmasdan niya ang katana ng ilang segundo, maya-maya pa ay napangiti. "It suits my taste."

"Good to know."

Pinaipit ko sa kamay ko ang bottle ng mineral water at niyakap ko naman ang tatlong balot ng snack na nakuha namin sa drop chest.

Nagsimula na kaming maglakad-lakad para maghanap ng building na hindi masyadong sira, pero halos lahat ng building ay sira. May isang building na hindi masyado ang damage na natamo, pumasok kami do'n at maingat na pumunta papuntang 3rd floor, dahil doon ang may pinaka minimum damage.

Puro bakal at matutulis na bato ang nagkalat sa sahig, may mga sirang mesa at upuan rin. Iniingatan naming 'wag gumawa ng kahit na anong ingay habang papunta kaming 3rd floor. Inililibot rin namin ang paningin namin para malaman kung may cryopus ba. Kahit madilim ang lugar ay nakikita pa rin namin ang paligid, salamat nalang sa Night Vision Ability ng LED Visor Glasses na suot namin ngayon.

"I'll be the look out for tonight, then tomorrow around 4 am, I'll be looking for drop chests so that we can eat breakfast. Once you're awake and prepared, we'll be heading out to hunt cryopus," paliwanag ko habang kinakain namin ang laman ng drop chest na nahanap namin kanina. Siguro ay magda-dalawang oras na simula ng dinala kami dito.

Hindi ko lang alam kung ano ang eksaktong oras ngayon dahil wala naman kaming relo o kahit na anong gadget para malaman ang oras. Kaya kailangan talagang 24 hours na magbantay lalo na kapag madaling-araw, kailangan ay gising na gising ako pagdating ng alas-quatro para 'di ko ma-miss ang drop ship.

Tulad nga ng sabi ko, nandito kami ngayon sa 3rd floor ng building na tinuluyan muna namin pansamantala. Wala namang butas ang sahig, ang pinili rin naming pagpahingahan ngayon ay sa isang parte ng 3rd floor na sira ang wall. Napag-desisyunan namin ni Hanna na mas maayos kung dito kami, una ay para nasisinagan kami ng ilaw na nagmumula sa buwan, pangalawa ay para mapansin agad ng look-out kung may paparating na cryopus o estudyante at huli ay para mapansin ng look-out kung dumaan na ang drop-ship.

Wala namang problema kay Hanna kung malamig, ang mahalaga ay madali naming mapapansin ang kaganapan sa labas. At isa pa, mas mahalaga ang sahig kesa sa pader.

"Okay. Then tomorrow evening, it's my turn to be the look-out until early-morning right?" tanong niya habang kumakain pa rin, tapos na akong kumain kaya sinimulan ko na ang night watch ko. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng sumabog na pader.

"Yep. Though, the one that watched the whole night is at a disadvantage during daytime. That is why, the other one will be the lead until the other retrieves his or her stamina," sagot ko.

Will our arrangement bring us victory? Ang isa ang magbabantay sa buong gabi habang ang isa ay makakapagpahinga hanggang sa mag-umaga. Magha-hunt ng cryopus sa umaga, kaya ang dating, walang pahinga ang nagbantay ng gabing iyon. Makakapagpahinga lang ulit siya kapag nagpalitan na sa gabi. Dahil ang isa sa amin ay pagod at antok sa umaga, kailangan maging alerto ng taong nakapagpahinga para makapag-hunt sila ng cryopus at the same time, kailangan niya rin protektahan ang kasama niya.

Haysst, medyo magulo ang arrangement, but this will do...

"Yeah, I know I know," saad niya. Itinapon niya lang sa kung saan ang balat ng kinain niya. Tinanggal niya na ang suot na LED Visor Glasses, Tacet Dagger at Mana Whip. Itinabi niya ang mga 'yon sa katana niya. Hinubad niya ang coat niya at 'yon ang ginamit na unan, kaya ang labas, naka sando na lang siya.

"Its cold, you know?" wika ko. Bad choice ang ginawa niyang paghubad ng coat niya para gawing unan, masyadong malamig ngayon. Paano kung lagnatin siya? Edi lagot kami bukas.

"That's fine. Hindi tatalab sa akin ang lamig," mayabang niyang sagot. Nahiga na siya ng patagilid, nakaharap sa direksyon ko. Napailing nalang ako dahil sa katigasan ng ulo niya. Ayos lang talaga sa kaniyang lamigin basta may unan? Ibang klase...

For the next 3 hours, wala akong ibang ginawa kundi ang patalasin ang mata ko para mapansin ko kaagad kung may tao o cryopus na paparating, so far wala pa naman. Wala ring pagala-galang drones at wala akong nakikitang drop ship sa himpapawid. Tahimik rin ang gabi at pakiramdam ko ay walang ibang estudyante dito sa part namin.

Nilingon ko si Hanna kung maayos ba ang tulog niya, pero paglingon ko sa gawi niya, nanginginig siya sa lamig. Tulog pa rin siya pero nagmistulan siyang bola dahil sa ginaw.

"Hindi pala tinatablan ah?" natatawa kong tanong sa kaniya kahit tulog naman siya.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya, hinubad ko ang coat ko at ipinulupot ko 'yon sa kaniya, ginawa kong kumot niya ang sarili kong coat. Tumigil na siya sa panginginig at humiga na ng maayos, hindi na 'yong parang bola.

Bumalik ako sa kinauupuan ko at do'n ko niyakap ang sarili ko. Grrr, ang lamig...sobra. Hindi ako nagsuot ng sando o kahit shirt man lang kaya half-naked ako ngayon. Kasalanan ito ni Hanna, kung hindi niya ginamit pang-unan 'yong coat niya edi sana hindi nadamay 'yong coat ko. Sana hindi ako giniginaw ngayon kung hindi dahil sa kaniya.

Another hour has passed pero wala pa rin akong napapansin na kahit ano. Bumibigat na ang talukap ng mata ko, inaantok na talaga ako kanina pa. 'Yong lamig lang talaga ang pumipigil sa aking makatulog. Should I be thankful because it's too cold?

Tumingin ako sa kalangitan, walang ibang makikita kundi mga bituin at ang buwan na mukhang nakatingin rin sa'kin. Ibinaba ko naman ang tingin ko sa baba at may nakita akong anino ng tao, na parang tumatakbo. Pinindot ko ang maliit na button sa gilid ng LED Visor Glasses na suot ko pa rin ngayon, pagkapindot ko ay nag-activate ang Night-Vision.

Tiningnan ko ng mabuti ang tumatakbong tao, babae siya at parang may humahabol sa kaniya na cryopus dahil nag-go-glow ng kulay green ang katawan nito. 'Yong babae naman...

"Wait, its her. I should help her," wika ko sa sarili ko ng mamukhaan ang babaeng tumatakbo. Siya 'yong ka-tent mate namin ni Jhanah na nakangiti lang palagi at hindi nagsasalita tulad no'ng masungit na isa.

Tumayo agad ako at dinampot ang katana ni Hanna. "Sorry, but lemme borrow this for a while." Mabilis ngunit maingat akong tumakbo pababa hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ni Smiley. Smiley nalang tawag ko dahil 'di niya naman sa'kin sinasabi pangalan niya.

Nakatalikod sa akin ang cryopus dahil nakay Smiley ang atensyon niya. What I needed to do is to divert its attention towards me. Pinindot ko ang button sa Mana Whip at malakas na hinambalos 'yon sa likod ng cryopus.

"Smiley, hide!" utos ko kay Smiley na nagulat dahil sa biglaan kong pagsulpot. Bakas ang pagtataka sa mukha niya, hindi ko alam kung sa Smiley ba siya nagtataka o sa sarili ko na walang pang-itaas na damit?

Kahit nagtataka siya ay sinusod niya ang utos ko. Nagtago siya sa likod ng sirang truck. Humarap sa akin ang cryopus, saka ko lang nakita kung anong klaseng hybrid siya. Para siyang si Sagittarius, ang pinagkaiba lang, sa halip na tao ang kalahati ng kabayo ay syokoy ang nasa harap ko. Half syokoy half kabayo ang uri ng cryopus na ito.

Hinambalos kong muli sa mukha kaya gumawa siya ng kakaibang ingay, 'yong klase ng ingay na nakakabingi, parang direkta niyang sinisira ang eardrums ko.

TIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIITTTTTT

Nabitawan ko ang katana at mana whip na hawak-hawak ko, para rin akong nawalan ng lakas dahil sa sound na ini- emit ng cryopus na kaharap ko. Napaluhod ako sa sahig habang tinatakpan ko ang tenga ko, pero walang epekto 'yon,kahit anong takip ang gawin ko ay naka direkta talaga ang sound sa tenga ko.

"Arghhhhh!" daing ko. Naramdaman ko ang likidong umaagos mula sa tenga ko, may ilang patak ng likido ang tumulo sa balikat ko. Pinilit kong tumayo pero bago ko pa 'yon magawa, napakalakas na sipa ang natanggap ko mula sa kaniya. For a few millisecond, pakiramdam ko nakalutang ako at bigla nalang akong tumama sa matigas na bagay sa likuran ko, biglang humandusay ako sa semento.

My whole body felt numb, hindi ko sila mapakiramdam. Pero kahit na gano'n ay ginamit ko ang natitira kong lakas para tumayo and I succeed. Masyadong malayo ang whip at katana sa akin kaya hindi ko magagamit 'yon. Naglakad papalapit sa akin ang cryopus.

Inilibot ko ang paningin ko, baka sakaling may pwede akong magamit na weapon na malapit sa'kin. Rocks at bakal lang ang nakita kong malapit sa akin, pinulot ko ang bakal na kasing haba ng katana ni Hanna, pumulot rin ako ng bato na kasing laki ng bunganga ng tao. Sa kanang kamay ang bakal at sa kaliwa ko naman ang bato. This is my only chance.

Nang makalapit na ng tuluyan ang cryopus sa akin ay buong lakas ko siyang hinampas sa mukha, sisigaw na naman sana siya pero pagkabukas palang ng bunganga niya ay binusalan ko siya sa bunganga gamit ang bato na nasa kaliwang kamay ko.

"Smiley! The katana!" sigaw ko kay Smiley. Mabilis siyang tumakbo, pinulot niya ang katana at ibinato 'yon papunta sakin. Para siyang naglaro ng javelin throw dahil sa paraan ng pagbato niya sa akin ng katana. Agad kong hinila ang katana palabas ng casing niya at pinugutan ng ulo ang cryopus. Bumagsak sa semento ang bangkay nito.

Napaupo ako sa semento at napatingin sa mga bituin. What a tiring night. Hinila ko ang Tacet Dagger at isinaksak 'yon sa bangkay ng cryopus. Nag-shatter into fragments ang katawan niya at ang fragments ay naging ash.

Linapitan agad ako ni Smiley at inalalayan akong tumayo, ini-akbay niya ang kanang braso ko sa balikat niya. Sa kaliwang kamay ko naman ang katana ni Hanna na hiniram ko ng walang pahintulot niya.

"Inside that building," turo ko sa kaniya do'n sa building kung nasaan si Hanna ngayon. Naglakad kami papunta do'n, pinulot ni Smiley ang mana whip ko na nakakalat sa sahig. Pumasok na kami sa building at maingat kaming umakyat hanggang sa makarating sa 3rd floor, habang papalapit kami sa kinaroroonan ni Hanna, nakarinig kami ng mahinang paghikbi.

Nanlalaking matang nagkatinginan kami ni Smiley, nakita ko kung paano nagbago ang mukha niya. Parang kabado at takot na takot. Wait, is she imagining a 'chanak'?

"That's probably not a chanak. Maybe that's my sister," wika ko sa kaniya. Bahagyang bumukas ang bunganga niya, akala ko ay magsasalita na siya pero isinara niya ulit 'yon. Nakahinga siya ng maluwag. Nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang sa nakita na namin si Hanna na umiiyak at nakatingin sa labas.

"Eyy, what's your drama?" nagtataka kong tanong. Natigilan si Hanna at agad na lumingon, ng makita niya ako ay patakbo niya akong pinuntahan at niyakap ng mahigpit.

"W-where have you been? Whaaaaa! I...I thought you left me," umiiyak niyang saad habang nakayakap ng mahigpit. Pinigilan kong wag mapadaing pero napakahigpit talaga ng yakap niya kaya naipit 'yong parte na nasipa sa'kin pati 'yong likod ko na tumama sa pader.

"Argh!" daing ko. Napabalikwas si Hanna, agad siyang kumawala sa yakap at namumulang lumayo sa'kin.

"W-Why are you naked?!" bulalas niya. "A-And..who...who is this?!"

"Iyon pa talaga napansin mo noh? Can't you even see that Im injured? Jeez, and mind you, I'm not naked, only half naked," wika ko. Inalalayan ako ni Smiley na maupo at sumandal sa pader.

"Y-you're injured?" hindi makapaniwalang tanong ni Hanna. Lumapit muli siya sa'kin at tiningnan ang kalagayan ko, tinanggal niya ang LED Visor na suot ni Smiley at sinuot niya, in-activate niya ang Night-Vision para makita ng malinaw.

"See? You didn't even notice. Jeez, Kami-sama help me," wika ko habang nakatingin sa itaas na parang nagdarasal. Hinawakan niya ang katawan ko at parang pinapakiramdaman.

"Nadurog ata yung abs ko sa lakas ng impact" mapang-asar kong saad. "Arghhhhh!" daing ko dahil isang napakalakas na suntok sa abs ang natamo ko. "What is that for?"

"Not only that you're injured physically but mentally, too. You almost forgot that you don't have abs," wika niya.

"Hey, I'm just joking okay?"

"Not funny at all."

Ibinalik na ni Hanna ang LED Visor ni Smiley, isinuot niya naman agad 'yon pagkabalik sa kaniya. "Ah, who are you?" tanong sa kaniya ni Hanna. Hindi siya nagsalita bagkus ang ngumiti lang. Tumingin sa akin si Hanna at tinaasan ako ng kilay.

"The h*ck? I asked her who she is but she just smiled?" bulong ni Hanna na inilapit ang mukha sa akin.

"Uhmm, this is Smiley. Smiley meet my sister, Jaihanna," wika ko. Pareho silang tumingin sa'kin.

"Smiley? Really? That's her name? What a weird name, well that suits her 'coz she's weird too," wika ni Hanna. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.

"What? I just stated the truth."

"Yeah, I know. But, is it really required for you to state the obvious?" tanong ko.

"Tch, yeah right," sagot niya nalang. Tumingin ako kay Smiley, as usual nakangiti pa rin siya. Ang ganda ng ngiti niya, kaso kapag lagi siyang ganyan...baka 'yong 'ganda' na description ay mapalitan ng 'creepy'.

Ipinikit ko muna ang mata ko dahil napakabigat na talaga ng talukap nito. "Hanna, wake me up after 10 minutes," wika ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagpaanod nalang sa kaantukan ko.