webnovel

Chapter 3

"Wake up, sleepyhead."

Ramdam ko ang marahas na pag-alog sa akin ng walang-awa kong kapatid. "Hmmm?"

Tinapik ko ang kamay niya na nasa balikat ko at ipinagpatuloy ang pagtulog, pero ang sunod niyang ginawa ang talaga namang nagpagising sa'kin.

PAKKKKKK PAKKKKKK

"Argh! What's that for Jaihanna Mikaella Martel?" inis kong tanong. Biglang nawala ang antok ko dahil sa sampal na natamo ko sa mag-kabilaang pisngi.

"Hmm, who knows?" sagot niya, tumingin siya sa malayo na akala mo naman ay walang ginawa sa akin. Napailing nalang ako. Sinubukan kong tumayo pero muli akong napaupo ng makaramdam ng pananakit ng katawan, kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagdaing.

Lumapit sa'kin si Smiley at tinulungan akong tumayo. "Thanks Smiley," nakangiting saad ko, ngumiti naman siya pabalik — Well, lagi naman talaga siyang nakangiti. Isinuot ko ang LED Visor Glasses ko bago naglakad palapit sa butas na parte ng room na tinulugan namin.

"How long did I sleep?" tanong ko kay Hanna.

"Dunno, maybe 3 hours?" hindi siguradong sagot niya.

"Haven't I told you to wake me up after 10 minutes?"

"Ha ha ha. Yup, you told me to wake you up after 10 minutes, but when I woke you up just now...you got angry."

"Its...it's just normal since I'm tired and injured" sagot ko. Nagpoker face siya at lumapit sa'kin. Sinuntok niya ako sa tiyan kaya napaatras ako at napadaing. "Arghhhh! Jaihanna!"

"That's what you got for playing a hero, Bro-Thic," natatawa niyang saad at pinandilatan ako.

"I'm not playing her-" nahinto ako sa pagsasalita dahil nakarinig kami ng tunog na nanggagaling sa himpapawid. "That must be the drop ship," wika ko. Hinarap naming tatlo ang drop ship na dumaan sa building na kinaroroonan namin.

"I gotta move," saad ko. Isinuot ko kaagad ang coat ko na nasa sahig at akmang tatakbo palabas nang magsalita si Hanna. "Wait, look," wika niya at may itinuro sa bandang itaas. Lumapit ako at tumingala.

About 200 meters mula sa kinaroroonan namin ay may pababang drop chest na naka-parachute kaya mabagal ang pagbaba nito. Nagkatinginan kami ni Hanna, tumango siya sa akin at kinuha ang kaniyang katana at isinuot ang LED Visor Glasses niya. Akmang lalabas rin siya pero ako naman ang pumigil sa kaniya sa pagkakataong ito.

"I'll go by myself, you stay here," saad ko. Humarap siya sa'kin ng may pagtataka.

"Huh? But, I also wanna go," reklamo niya.

"You better stay here with Smiley, protect our temporary base while I'm away," sagot ko. Naglakad na ako paalis pero hindi pa rin tumigil sa pagreklamo si Hanna.

"No way! No way! I wanna come, please, just this once," pagmamakaawa niya, pero wala sa tono niya ang tono ng nagmamakaawa. Mukhang nagrereklamo pa siya sa paraan ng pagmamakaawa niya.

Nagpakawala ako ng mahabang buntong-hininga. "If you come with me, no one's gonna protect this place, and besides, have you forgotten about our arrangements last night?"

"Arrangement?" nagtataka niyang tanong. In-expect ko na talaga na nakalimutan niya ang pinag-usapan namin kahapon dahil nasa pagkain ang atensyon niya, kaya hindi na ako magugulat kung nakalimutan niya nga. "Did we talk about something last night? Why can't I remember?"

"'Coz your attention is on the food, how will you be able to remember the arrangements we talked about if you're not paying attention in the first place?" saad ko. "Anyways, just stay here, no more buts. Protect our base and protect Smiley, as well as yourself," hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita, tumakbo na agad ako pababa ng building at lumabas.

In-activate ko ang Night Vision ng Visor Glasses ko. Kita pa rin mula sa kinatatayuan ko ang papabagsak na drop chest, dahil naka-parachute 'yon ay madali lang makita. Tumakbo ako papuntang kaliwa dahil doon iyon babagsak. Hindi rin basta-basta ang tinakbo ko dahil halos 200 meters rin ang layo no'n sa building na tinutuluyan namin.

Tuluyan na ngang bumagsak ang drop chest 'di kalayuan sa akin. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil baka may makakita pa at maunahan ako. "Ha! finally," nasabi ko nalang ng makalapit na ako sa drop chest. Inilibot ko ang paningin ko sa kinaroroonan ko, may apat na building na nakapalibot sa amin ng drop chest, kumbaga napagitnaan ako. Yoshhh, nobody's here.

Binuksan ko ang drop chest, may laman iyong first aid kit, 5 bottles of mineral water, 5 cup noodles? How are we supposed to cook this? And a purple Compound Bow. Namangha ako sa itsura ng bow na nasa drop chest, pinulot ko 'yon kasama ng mga arrows na katabi niya lang.

I don't know how to use this thing, but who knows, this might be a useful weapon, right?

Isasabit ko na sana sa likuran ko ang compound bow ng bigla nalang may sumipa sa'kin mula sa harapan. Sa isang iglap ay bumagsak ako sa lupa. "Argh!"

Hinawakan ko ng mabuti ang pana at tumayo, ngunit 'di pa ako tuluyang nakakatayo ng sipain niya na naman ako sa mukha at isang sipa pa sa tagiliran ko na naging dahilan para mapadaing ako ng malakas. "H-Hey! I'm not the enemy here!" inis kong sumbat sa taong bigla nalang umatake sa'kin. Hindi siya sumagot.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, ngunit hindi ko nakita ang mukha niya dahil sunod niya naman akong sinipa sa tiyan kaya napaatras ako. "Argh! I don't wanna fight you, but since you're looking for a fight, fine I'm gonna give it to you," inis kong saad. Inilapag ko sa sahig ang pana at arrows, bago siya tiningnan.

"W-wait, y-you?" napanganga ako ng makita kung sino ang umatake sa'kin. Long black hair, at may part sa buhok niya na braided, there's no mistake...it is her. Ang umatake sa akin ay 'yong babae na masungit at hindi nagsasalita, na ka-tent mate namin nila Jhanah at Smiley.

Kalmado lang ang mukha niya, walang bakas ng galit sa'kin, wala rin namang bakas ng takot at kahit na anong emosyon. "Ha! Why did you attack me? I didn't do anything to you," tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot bagkus ay lumapit sa akin, isang sipa mula sa kanang paa niya ang biglang atake niya. Mabuti nalang at nakita ko agad 'yon kaya naiharang ko ang kaliwang braso ko, ngunit wrong move ata ang ginawa ko dahil hindi ko nakita ang kaliwang kamao niya na papalapit sa mukha ko kaya nasuntok ako. "Ouuuuuch!"

"Y-you really want to fight, huh? Even though I didn't know your reasons, since you attacked me, I must fight back," wika ko. "Don't blame me if I end up bruising you," dagdag ko pa. Pinunasan ko ang dugo na nanggaling sa putok kong labi at tumayo ng maayos.

Jaiho, what are you even thinking? How the hell will you fight her? You don't know anything about martial arts, because you only read books! The f*ck, I'm doomed...

Kahit kinakabahan ako sa loob-loob ko ay hindi ko 'yon pinahalata. Mas maayos ng lumaban at matalo kesa hayaan ko lang siyang sipa-sipain ako. Huminga ako ng malalim at pasimpleng napalunok. Gawin ko nalang yong secret attack ng bida sa binabasa ko.

Mabilis siyang umatake papunta sa akin, sinipa niya ako gamit ang kaliwang paa niya kaya hinawakan ko 'yon. Sumuntok naman siya gamit ang kaliwang kamao niya kaya ihinagis ko ang kaliwang paa niya na naging dahilan para muntikan siyang matumba. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para pumunta sa likuran niya at i-lock ang dalawang kamay niya sa kaniyang likuran gamit ang bisig ko.

"Game over," masaya kong wika. Hindi ko akalain na eepekto rin pala ang secret attack ni Jhanus sa librong Art of Physique na nabasa ko. Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ng babaeng nasa harap ko ngayon. Bakit 'to tumatawa?

Nagtataka ko siyang tiningnan ng bigla siyang yumuko. "What are you d- Arghhhh! Put*!" malakas kong daing. Nabitawan ko siya at napahawak sa ilong ko na may umaagos ng dugo. May namuong luha sa gilid ng mata ko dahil sa sakit ng ilong ko, parang nadurog dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung bakit siya yumuko no'ng una, pero 'yon pala ay binuwelo niya ang ulo niya at malakas na inuntog ang likuran ng ulo niya sa mukha ko.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng pana at pinulot iyon. Nilingon niya ako ng panandalian at tumakbo na palayo dala-dala ang compound bow at arrows. "H-Hey! That's mine!" sigaw ko pero nakatakas na siya. Napaupo ako sa sahig, nakahawak pa rin sa ilong kong tuloy pa rin ang pag-agos ng dugo.

"I'm really not lucky, huh?" nasabi ko nalang sa sarili ko habang nakatingin sa coat ko na puro mantsa ng dugo, though, hindi naman masyadong pansin dahil itim ang kulay ng coat ko. Una, ay 'yong nangyari kagabi kung saan parang nadurog ang ribs ko dahil sa lakas ng pagkakasipa sa'kin ng cryopus na kinalaban ko. Ngayon naman ay durog na ilong ang inabot ko dahil sa babaeng 'yon.

So, 'yong compound bow talaga ang gusto niya no'ng una palang...

Makalipas ang ilang minutong pag-upo ko sa sahig ay tumayo na ako at kinuha ang natitirang laman ng drop chest. Naglakad na rin ako pabalik ng building kung nasaan sila Hanna.

"Oh my, your face is full of blood, what happened? I'm worried," wika ni Hanna.

'Worried' daw siya pero sa pagkain naman ang tingin niya. Kahit kailan talaga, mas mahalaga pa sa kaniya ang pagkain kesa sa akin na twin bro niya.

"You're worried for me? Tch, don't make me laugh," wika ko. Inilapag ko ang mga nakuha ko sa drop chest at naupo, pakiramdam ko na naman ay naubusan ako ng lakas dahil sa laban naming 'yon. Isama mo pa itong ilong ko na hanggang ngayon ay napakasakit pa rin at may paunti-unting dugo pa ring umaagos sa isang butas ng ilong ko.

Kinuha ni Smiley ang first aid kit at naupo sa harap ko. Naglabas siya ng alcohol at cotton ball mula roon. Nagbuhos siya ng kaunting alcohol sa isang cotton ball at pinunas 'yon sa stain ng dugo sa mukha ko. "O-ouchh"

Kumuha pa siya ng isang cotton ball at inilagay 'yon sa isang butas ng ilong ko para mapigilan ang pag-agos. Inayos niya ang first aid kit bago tumingin muli sa'kin.

"Uhmm, T-thank you Smiley," nahihiya kong wika, kahit hindi ko alam kung bakit ako nahihiya. Siguro ay dahil walang silbi ang kapatid ko kaya ako ang nahihiya para sa kaniya? Tulad pa rin ng dati ay ngumiti lang siya bilang sagot. Tumayo siya at akmang aalis na pero hinawakan ko siya sa braso kaya nahinto siya.

"Wait, I just have a question. Do you know the girl whose bed is next to yours? On the tent, I mean," tanong ko. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago nag-aalangang tumango.

"Really? Is she your friend?" tanong ko na naman. Ramdam niya sigurong marami pa akong tanong kaya bumalik siya sa pagkakaupo sa harap ko. Umiling siya bilang sagot.

"Ah, a family member?" tanong ko na naman, pero umiling ulit siya. "A friend of your friend?" tanong kong muli, sa pagkakataong ito ay tumango na siya.

"Ah, so she became an acquaintance of yours because she's a friend of your friend?" pagkaklaro ko, tumango na naman siya.

"Thanks for answering my questions," saad ko, ngumiti muli siya bago tumayo at naglakad palayo, ngunit ilang hakbang palang ang nagagawa niya ng hintuin ko na naman siya.

"Sorry, but can you answer one last question?" nahihiya kong tanong. Tumango naman siya habang nakangiti.

"Are you...mute?"

Tumitig siya sa akin ng halos 30 seconds, napalunok ako sa kaba dahil baka na-offend ko siya dahil sa walang ka-kwenta-kwenta kong tanong. "Ohw, s-sorry for as-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay umiling siya habang nakangiti. Naglakad na siya palapit sa butas na wall at doon siya naupo.

So she's not mute after all?

Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Nakatalikod siya sa kinaroroonan ko kaya hindi niya alam na nakatingin ako sa kaniya. If she's not mute, why is she not speaking? Hindi ba siya napapagod na ngumiti lang ng ngumiti? May traumatic past ba siya kaya takot siyang magsalita? O may pangyayari sa buhay niya dati na nagpahinto sa pagsasalita niya?

"So Bro-thic, what happened to your face?" tanong ni Hanna, umupo siya sa tabi ko habang kinakain ang hindi lutong pasta sa cup noodles.

"There was this girl who attacked me, and took the compound bow that was inside the drop chest," sagot ko. Alam kong pagtatawanan niya ako pero sinabi ko pa rin ang totoo sa kaniya.

"Ahahahaha! A girl overpowered you? Haha, hilarious!" wika niya kasabay ng malakas niyang pagtawa.

"Hey, I don't know anything about fist fighting, and she's really good at martial arts," wika ko.

"You should have used your mana whip or tacet dagger, right?"

"But...I don't wanna hurt her."

"And why's that?"

"Coz she's a girl," nahihiya kong sagot. Tama siya, dapat ginamit ko nalang ang mana whip ko o kaya ang tacet dagger, pero hindi ko 'yon ginamit. Babae siya kaya ayaw ko siyang saktan gamit ang armas, at isa pa, matatawag akong mandaraya kung gumamit ako ng weapon against sa babaeng 'yon.

"Hmmm...well, you're right but still you are a pathetic and hilarious brother," mapang-asar niyang wika. Bumukas nalang ako ng isang cup noodle at kinain ang matigas na pasta sa loob.

Ilang minuto rin ang lumipas bago nagliwanag sa labas, paniguradong tapos na ang sunrise. Tumayo na ako at inayos ang gamit ko, isinukbit ko'ng muli ang mana whip sa tagiliran ko at isinuksok ang tacet dagger sa gilid ng sapatos ko. Inayos ko rin ang pagkakasuot ko ng LED Visor Glasses.

"Are you guys ready?" tanong ko kila Hanna at Smiley. Ngumiti lang si Smiley bilang sagot.

"Yeeeepppppp!" masiglang sagot ni Hanna. Itinago muna namin ang mga natirang pagkain at tubig sa likod ng tumbang lamesa bago kami bumaba at lumabas ng building.

Our fight hunt begins...

"Ah Jaiho, should we all go together or we scatter?" tanong ni Hanna habang iniikot-ikot ang katana na parang baton.

"We should all go together" sagot ko.

"K"

Lumiko kami sa kanang kalye, tahimik pero mabilis ang paglakad na ginagawa namin. Sinisigurado rin naming bawat sulok ng kalye ay tinitignan namin. Hindi kalayuan sa isang building na nasa bandang kaliwa namin ay nakarinig kami ng sigaw. Nagkatinginan kami ni Hanna.

"What's that?"

"I already heard that scream last night...what is it? What is- AHA! it's the green cryopus!" bulalas ko. Tatakbo sana papasok ng building si Hanna ngunit natigil kaming lahat ng biglang mabasag ang malaking salamin sa 4th floor ng building na kaharap na namin. Mula sa loob ng 4th floor ay may nahulog na isang lalaki at isang green na cryopus. May hawak na black katana ang lalaki na sumaksak sa cryopus, at habang hindi pa sila bumabagsak ay mabilis niyang hinila ang tacet dagger na nasa likod niya at sinaksak yun sa cryopus. Tulad nga ng nangyayari ay naging fragmets ang cryopus at ang fragmets ay naging ash.

"Ahhhhh!"

Thud. Gumawa ng malakas na thud ang pagbagsak niya, likod niya ang tumama sa sahig. Tiningnan namin siyang tatlo ng may pag-aalala dahil ilang segundo na ang lumipas mula ng bumagsak siya ay hindi pa rin siya gumagalaw. Linapitan ko siya para tingnan.

"H-hey, you still alive?" tanong ko habang inaalog siya sa balikat. Nakamulat naman siya at nakatingin sa taas pero 'di siya gumagalaw. Oh no, did he die?

"O-o-ouchhh... B-buhay pa...ako...p-patulong...sa p-pagtayo," mahina at hirap niyang sagot. Nakahinga ako ng maluwag, inalalayan ko siya sa pagtayo at pinaupo sa isang malaking bato na malapit lang sa amin.

"Haaaaaa, 'yan nakakahinga na 'ko. Haha, salamat h- uyyy, Jaiho?!" bulalas niya ng makita ng mabuti ang mukha ko. Tiningnan ko siya ng may pagtataka dahil hindi ko siya mamukhaan. Tinanggal niya ang Visor Glasses na suot niya kaya nakita ko ng mabuti ang mukha niya.

"Kel...vin?" nag-aalangan kong tanong.

"Oo pre ako 'to," masaya niyang sagot sabay suntok sa tiyan ko. Napahawak ako sa tiyan ko at pilit na ngumiti habang pinipigilang 'wag mapadaing. Im injured bro, you shouldn't have done that.

"Jaiho, whose this guy?" taas-kilay na tanong ni Hanna. Nakita ko sa peripherals ko na lumapit sa akin si Kelvin.

"Si ALite yan diba? Yieeee, ang ganda niya talaga. Pre, reto mo 'ko," bulong niya sa'kin. Bumulong rin ako pabalik.

"Akala ko ba ayaw mo sa mga inglishero?" tanong ko.

"Sa inglishero lang, pero hindi sa inglishera," natatawa niyang sagot, pabulong pa rin. Napangiwi ako sa sagot niya. So, bawal pa rin akong mag-english pag malapit siya....

"Hanna at Smiley, ito si Kelvin. Nakilala ko sa harap ng T1001," sagot ko.

"What's with you? You're suddenly speaking in tagalog. And T1001, that's our tent number," sagot ni Hanna.

"Yeah, I met him there while looking for you," sagot ko.

"Ohhh, didn't know you were looking for me," natatawang sagot niya. Kita ko na naman sa peripherals ko ang biglang pagbukas ng bunganga ni Kelvin kasabay ng mahinang 'woooow'.

"Huy, reto mo na ako, reto mo na ako," bulong niya na naman.

"And how— i mean—paano ko naman gagawin 'yon? Hindi ko alam kung paano mag-reto," sagot ko sa kaniya. Nanlalaking matang tumingin siya sa akin.

"Pre, No Girlfriend Since Birth ka ba? Paanong hindi mo alam? Sa itsura mong 'yan paniguradong mas marami ka pang gf kesa sakin eh," wika niya, hindi na pabulong dahil rinig na nila Smiley at Hanna. Biglang tumawa ng malakas si Hanna.

"Ahahahaha, Jaiho have lots of girlfriends," sambit ni Hanna habang tumatawa, nakahawak pa siya sa tiyan niya na mukhang masakit na dahil sa kakatawa.

"Woah! Tingnan mo pre, ang dami mo palang gf. Kaya dapat alam mo rin kung paano nagreto," saad naman ni Kelvin. Napatingin ako sa lupa at mahinang nahampas ang sarili kong noo.

"He have lots of girlfriends....inside the book," saad ni Hanna at bigla na namang tumawa ng tumawa. Nagtatakang tumingin sa akin si Kelvin.

"Ano daw? May gf ka sa libro? Anong ibig sabihin no'n?" tanong sa akin ni Kelvin.

"Just don-"

"It means... Wala siyang gf kahit isa," sabat ni Hanna kaya naputol ang sinasabi ko. Bigla na namang tumawa si Hanna, at nakitawa rin si Kelvin pero narinig ko siyang bumulong sa sarili niya.

"Put*, di ko gets."

Naramdaman kong may humihila sa sleeves ng coat ko mula sa likod kaya nilingon ko kung sino 'yon at nakita si Smiley. "Yes? Do you need something?" tanong ko sa kaniya. May itinuturo siya sa may isang building na mga 4 na buildings ang layo mula sa amin. "There's something in there?" tanong ko at tumango siya.

Liningon ko sila Hanna at Kelvin para sabihing may nakita si Smiley pero masaya silang nagkukwentuhan. Ayaw ko namang sirain ang kasiyahan nila kaya hinawakan ko si Smiley sa kamay at tumakbo kami papunta sa ika-limang building.

"Where?" tanong ko. Hinila ako ni Smiley paakyat ng 3rd floor, ng makarating do'n ay inilibot niya ang paningin niya sa paligid. "Uhmm, what did-" lumapit siya sakin at biglang inilagay ang index finger sa labi ko kaya napahinto ako sa pagsasalita. Inilibot niyang muli ang paningin bago pumikit, parang pinapakiramdaman niya ang paligid.

Nang magmulat na siya ng mata ay hinila niya naman ako papuntang 4th floor. Ng makarating do'n ay may itinuro siya malapit sa sabog na pader, do'n ay may nakita akong nag-go-glow na color blue, half lion and half crab ang katawan nito. Blue cryopus???

Tumingin ako kay Smiley na nakatingin rin pala sa akin. "We'll fight it.. together, okay?" bulong ko, tumango naman siya kasabay ng paghawak niya sa mana whip at tacet dagger. Hinawakan ko na rin ang mana whip ko at pinundot ang button kaya nag-glow ng color blue, kay Smiley naman ay kulay yellow ang glow. Tinanguan ko siya bilang senyales na aatake na kami.

Kailangan lang naming isaksak ang dagger sa kaniya, hindi na namin siya kailangan pang patayin.

Ako ang naunang sumugod, iwinasiwas ko ang latigo sa katawan nito na parang shell ng crab, pagkatama ng latigo sa katawan nito ay nanlaki ang mata ko ng biglang nag-bounce pabalik sa akin ang whip at puma-ikot sa katawan ko.

"ARGHHHHHHHHHHH!" malakas kong sigaw dahil parang nasusunog ang katawan ko dahil sa whip na nakapa-ikot sa akin. Natumba ako sa sahig at parang kiti-kiting ikot ng ikot sa sahig. "AHHHHH!" patuloy kong sigaw. Hindi ko matanggal ang glow ng whip ko dahil pagkatumba ko ay nabitawan ko ang hawakan ng mana whip.

Halos maubusan na ako ng boses sa kakasigaw. Kasabay pa ng nakadikit na whip sa katawan ko dahil mukhang nasunog na ang parte ng coat ko na pina-ikutan ng whip.

Ilang segundo pa ang lumipas bago nawala ang glow sa whip ko. Dahan dahan ring inalis ni Smiley ang pagkakapulupot no'n sa akin. Walang lakas na tumihaya ako sa sahig, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Smiley habang nakatingin siya sa'kin. Naka-kneel siya sa bandang kaliwa ko.

"Dont wor...ry, Im...fine," hirap kong saad. Mula sa pagkakahiga ko ay nakita ko ang pag-usok ng katawan ko. Nakita ko rin ang papalapit na cryopus sa kinaroroonan namin, intinaas niya ang isa niyang paa at mukhang balak niyang apakan ang babaeng kasama ko ngayon. Hindi siya napansin ni Smiley dahil nasa akin ang atensyon niya.

"R...run...run!" kahit hirap gumalaw ang katawan ko ay nagawa kong itulak palayo si Smiley kaya kamay ko ang naapakan ng cryopus sa halip na si Smiley.

"ARGHHHH!" sigaw ko, may umagos ring luha mula sa mata ko dahil hindi lang doble, kundi triple ang sakit na nararamdaman ko ngayon kesa sa sakit na naramdaman ko ng mapaso ang katawan ko dahil sa mana whip.

Pakiramdam ko ay na-fracture ang kamay ko or worst, baka durog na durog na talaga ang aking buto sa kaliwang braso.

Itinaas ng cryopus ang isa niya pang paa at akmang aapakan ako sa kabilang kamay, ngunit bago pa sumagi ang paa niya sa kanang kamay ko ay naging fragments ito at ang fragmets ay naging abo. Nang mawala na ito ay nakita ko si Smiley na nakatayo at hawak niya ang kaniyang tacet dagger.

Dali-dali siyang lumapit sa akin, tinanggal niya ang suot na Visor Glasses at hinawakan ang braso kong durog na, napa-daing ako kaya dali-dali niya iyong ibinaba muli. Nakita kong may umaagos na luha sa mata niya, habang nakatingin siya sa katawan ko. Ang sunog na parte ng katawan ko at ang durog kong braso.

"H-Hey, d-dont cry. I-Im fine, no need to cry," wika ko habang pilit na ngumiti. Umiling siya ng ilang ulit, maya-maya ay narinig ko na ang paghikbi niya. Kanina no'ng nakita ko siyang umiiyak ay tumutulo lang ang luha niya at literal na walang tunog ang pag-iyak niya kanina, pero ngayon ay may tunog na ang pag-iyak niya.

"Smiley, don't cry. Dapat nakangiti ka lang diba? Kase Smiley pangalan mo," wika ko, nakangiti pa rin ng pilit.

"I-i-i-im sorry, i-i-its my...f-fault." Nanlaki ang mata ko at bahagyang bumukas ang bunganga ko sa gulat nang magsalita siya. Napakaamo ng boses niya, kaboses niya si Sakura Airi sa Classroom of the elite.

"Y-you...you spoke didn't you?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi siya sumagot dahil tuloy lang siya sa pag-iyak habang paulit-ulit na sinasambit ang salitang "Im sorry."

"N-no, I should be the one to say sorry. Sorry for putting your life at risk, sorry for making you worry," wika ko. Pilit akong umupo at hinawakan ko siya sa pisngi gamit ang kanan kong kamay. Pinunasan ko ang luhang umaagos mula sa mata niya. Tumingin siya sa mukha ko kaya nagtama ang paningin namin, nabigla ako dahil do' kaya hindi ko napigilang mag- stutter habang nagsasalita.

"Y-y-you s-see...i-its m-my...f-fault not y-yours" utal-utal kong sambit. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa pisngi niya at napahawak sa hita ko, nag-iwas rin ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang pagtitig sa kaniya.

Jaiho, what's wrong with you!? Why are you stuttering?! Nakakahiya ka!

Pumikit ako at nag-inhale exhale bago muling nagmulat ng mata.

"Don't worry okay? And don't cr- argh!...I-I didn't scream, that's not me," napatakip ako ng bunganga ng mapadaing ako dahil hindi sinasadyang nasagi ko ang kaliwa kong kamay. Kahit anong pilit ko na ngumiti at ipakitang okay lang ako, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mata ni Smiley.

"I-i-i-im very sorry," wika niya na naman. Umiling ako bago nagsalita. "You don't need to be sorry. Anyways, we should head back. Hanna and Kelvin are probably worried about us," wika ko, pag-iiba ng topic.

Inalalayan ako ni Smiley tumayo. Nakalaylay ang kaliwa kong kamay kaya napakasakit, bawat sway no'n ay napapadaing ako. Tutal mukha naman ng tattered pants ang suot ko, ay pinunit ko ang tela ng pantalon sa kanang binti ko at ibinigay 'yon kay Smiley.

"Can you tie my left arm around my neck?" paki-usap ko sa kaniya. Tumango naman siya at dahan-dahang itinali ang kaliwang kamay ko at isinabit sa leeg ko, para hindi mag-sway sa bawat hakbang ko. "Thanks," nakangiti kong sambit.

Medyo mahapdi pa rin ang nasunog na parte ng balat ko dahil sa mana whip, pero hindi ko nalang 'yon binigyang pansin. Ang inaalala ko ngayon ay itong kamay ko. Paano kung hindi na siya bumalik sa dati? Paano kung tuluyan ng mabali? Paano kung hindi ko na muling maigalaw ang kamay ko?

Bigla kong iwinaksi ang masamang isipin na iyon. Gagaling pa 'to panigurado. Baka next week maigalaw ko na ulit ito. Hooooo, inhale-exhale...

Nang makabalik na kami sa lugar kung saan namin iniwan sila Hanna at Kelvin, ay wala kaming naabutan do'n na kahit sino. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong makita kahit anino man lang nila. "Oyyyy! Kelvin! Hanna! Kelvin! Hanna!" paulit-ulit kong sigaw pero walang sagot na dumarating.

"Where did they go?" tanong ko sa sarili ko habang iniikot ang buong lugar na pinag-iwanan namin sa kanila. Hinanap kaya nila kami? May hinabol kaya silang cryopus kaya wala sila dito? Or, baka bumalik sila sa base para tignan kung bumalik kami do'n?

"I-I hear...s-something," saad ni Smiley. Nakatingin siya sa makipot na daan sa pagitan ng dalawang building sa likuran namin. Liningon ko siya.

"Is it them? Or is it a cryopus?" tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat siya. "I-I don't...k-know," sagot niya. Tumingin ulit ako sa daanan na tinitignan niya, napalunok ako at napatingin sa bali kong kamay. Kung cryopus 'yon, hindi ko 'yon malalabanan sa lagay kong ito at posibleng mailagay sa kapahamakan ang buhay namin pareho. Pero, maari rin namang sila Kelvin at Hanna 'yon.

Pupuntahan o hindi?

"Let's check," wika ko, tumango siya at nagpaumunang naglakad. Sinabayan ko siya sa paglakad hanggang sa makarating kami sa dulo, lumingon si Smiley sa kaliwa at ako naman ay lumingon sa kanan. Nanlaki bigla ang mata ko ng may makitang blue cryopus, malapit lang sa amin pero nakatalikod. Tinakpan ko ang bunganga ni Smiley gamit ang kanan kong kamay at hinila siya pabalik sa makipot na daan.

"Shhhh, there's a blue cryopus," bulong ko sa kaniya at hinila siya pabalik sa lugar namin kanina. "We should go back in our base. We will stay there until the exam is over or until my left hand healed. In my current situation, I'm sure that I can't fight even a single cryopus, that means I cannot protect you. So, we'll just hide until it's over," mahaba kong saad. Napayuko si Smiley matapos ko 'yon sabihin.

"I-Im sorry. B-because of me...your h-han-"

"Shhhh, no no no. It's nobody's fault, okay?" wika ko at tinapik-tapik siya sa balikat. "Ah, I remembered something. The guy back then told us that if we want to withdraw from this exam, we can press this tracking device right?" tanong ko kay Smiley habang nakaturo sa tracking device niya. Nawala ang tracking device sa coat ko, hindi ko alam kung natanggal o nasira dahil sa mainit na whip na pumulupot sa akin kanina.

"Y-yes," sagot niya.

"I will stay here until the exam ends, if you want to stay with me it's your choice. But, if you want to withdraw, it's fine," sabi ko sa kaniya. "So, you wanna stay or you wanna go back?"

"I-I'll stay...w-with you," sagot niya. Palihim akong napangiti dahil sa sagot niya.

"A-are you sure?" tanong ko ulit. Tumango siya bilang sagot. "Thanks for choosing to stay," nakangiti kong sagot. Ngingiti na ulit sana siya pero ng mapadako ang tingin niya sa kamay ko ay biglang nawala ang ngiti niyang iyon.

"Sooooo~ may I know your name?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Nagpilit siya ng ngiti bago sumagot.

"Z-zehiah. Zehiah F-fortez" sagot niya.

"Well then, Nice to meet you Zehiah," wika ko.

"T-the pleasure...i-is mine," nahihiya niyang sagot. Mukhang hindi siya sanay na tinatawag siya sa pangalan niya dahil ng banggitin ko ang pangalan niya ay bigla siyang nahiya.

Should I call her by her given name? Or I call her by the name that I gave her?

"Uhmm. Should I call you Zehiah from now on?" tanong ko. Bigla siyang umiling ng ilang beses.

"C-call me...S-smiley," nahihiya niyang sagot. Nagtataka ko siyang tiningnan sa mukha dahil namumula siya. "Wait, are you sick? Your face is all red," nag-aalala kong wika. Inilagay ko ang likod ng kamay ko sa noo at leeg niya at pinakiramdaman. Hindi naman mainit...

Bigla siyang umatras at nauna ng naglakad. "E-ey, wait!" bulalas ko at agad na hinabol siya sa paglalakad. Hindi niya man lang ako hinintay. Hindi rin ako makatakbo dahil paniguradong magagalaw ang kaliwang kamay ko. Huminto ako sa paglalakad, inayos ko ang Visor Glasses na suot ko at sinundan ko ng tingin si Smiley habang dire-diretso pa rin sa paglalakad, ng walang lingon-lingon.

"So, you like the name that I gave you, huh?" nakangiti kong sambit sa sarili ko.

Nagsimula na akong maglakad. Tumingala ako sa kalangitan, maitim ang mga ulap at nagbabadya ng malakas na ulan. This day gave me a lot of problems.

First, my left arm is now broken. And maybe, the only possibility that this will heal is like 15%. Second, I don't know where Hanna and Kelvin are. But, I hope they're together, so Kelvin can protect her. And Lastly, there's a high possibility that I will fail in this exam, coz starting today, I can't fight cryopus anymore. Or maybe I can still fight them, but only the low level cryopus.

I just hope that me and Zehiah a.k.a Smiley won't be in danger...