webnovel

Chapter 21. "Why can't it be?"

Chapter 21. "Why can't it be?"

Laarni's POV

"Mukhang gusto na kita."

Iniwas ko ang tingin ko rito. Hindi ko makuhang magsalita. Naguguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin? Gusto niya ako?

"Palipasin mo lang 'yang nararamdaman mo. Nadadala ka lang ng panahon." Sabi ko rito. Bumukas na ang elevator at naglakad na ako palabas ng elevator. Hindi ko naramdaman na sumunod siya palabas ng elevator.

Habang naglalakad ako. Parang ang bigat ng pakiramdam ko, tungkol sa sinabi ko. Bakit parang, nag-reject ako ng isang tao? Ano bang ginawa ko? Ang gulo. Sobrang gulo. Hindi ko alam ang sasabihin o ang gagawin ko.

Pag labas ko ng building. Napatingala ako sa kalangitan. Makulimlim na naman ang langit. Habang nakatingin ako sa langit. Naalala ko ang mga ginawa ni Abrylle. Noong sinuutan niya ako ng jacket. Noong ginamot niya ang sugat ko. Noong kumanta siya sa harap ko. Noong niyakap niya ako. Pati na rin ang pagyakap ko sa kanya.

"Tama ba ang sinabi ko?" naitanong ko sa sarili ko. "Ano bang dapat kong gawin?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko palabas ng school. Nang malapit na ako sa school gate. May tumawag na naman sa pangalan ko. Mukhang madalas ang ganitong eksena sa kwentong ito. Ano bang meron sa maganda kong pangalan.

"Arni! Sandali!" nilingon ko ito. Si Lexter, tumatakbo papunta sa akin. Tumalikod na ako at binilisan ang paglalakad ko. Ayaw ko siyang makita o makausap. Alam kong ako ang dahilan ng pag-aaway nila. Nakokonsensya ako.

"Sandali." Nahawakan ako nito sa wrist ko.

"Bitawan mo nga ako Lexter!" ang sigaw ko rito sabay tapik sa kamay niya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito. Nakikita ko ngayon sa mukha niya ang kakaibang Lexter. Wala ngayon sa mukha nito ang pagiging masaya. Seryoso ang mukha nito pati na rin ang tono ng boses nito.

"Malamang uuwi?" tumalikod na ako ulit dito pero bigla na naman ako nitong pinigilan.

"Arni sandali, mag-usap tayo." Sabi nito.

"Lexter wala naman tayong dapat pag-usapan." Sagot ko rito.

"Arni gusto kita!" natigil ako sa paglalakad sa sinigaw niya.

Malamig ang simoy ng hangin. Rinig na rinig ko ang pagihip nito. Padilim ng padilim ang buong paligid. Nagbabadya na ang ulan.

"Arni gusto kita." Pag-uulit nito. Naguguluhan ako sa nangyayari. "Sorry kung gusto kita."

Hinarap ko ito. "Pwede bang tigilan niyo na ako? Tama na! Gulong gulo na ang isip ko!" sigaw ko rito at tsaka tumakbo ng mabilis palabas ng gate.

Leicy's POV

"Arni!" Tawag ko kay Arni. Bigla na lang kasi siyang lumabas agad ng room. Hindi niya man lang ako hinitay. Tsaka ang alam ko, sabay kami nila Abrylle na magpa-practice sa theater club. Lumapit ako rito. "Hindi ka ba magpa-practice?" tanong ko.

"Leicy, naguguluhan nga ako eh, gusto ko munang umiwas sa dalawang 'yon." Sagot nito sa akin. Nakita kong, naguguluahan nga siya. Tsaka parang wala siya sa mood na may kausap na ibang tao.

"Pero Arni sa Friday na ang presentation." Pagpapaalala ko rito.

"Leicy, uuwi na ako. Wala talaga akong gana, pakisabi na lang Abrylle na sorry." Walang emosyon na sabi nito at tumalikod na akin at naglakad palayo.

Habang naglalakad siya palayo. Nakaramdam ako ng lungkot, hindi para sa kanya, kundi para sa akin. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Hinalikan siya ni Abrylle. Pakiramdam ko, nagselos ako sa nakita ko kanina.

Kibit balikat akong naglakad pabalik sa room nang makasalubong ko si Abrylle na lumabas ng room. Nagmamadali itong tumakbo. Susundan niya ba si Arni?

Pumasok na ako sa room at napatingin kay Lexter. Kita kong, seryoso ang mukha nito. Tila may malalim na isiisip. Lumapit ako rito para yayain na siya na pumunta sa theater club at sabihing hindi magpa-practice si Arni. Naupo ako sa tabi nito.

"Uhm Lexter, tara na sa theater club. Hindi raw magpa-practice si Arni, si Abrylle naman lumabas na rin ng room. Baka uuwi na." mahinahon kong sabi rito. Pero nakatingin lang siya ng diretso at hindi umiimik.

Napatahimik ako. Baka isipin niyang, epal ako. Napayuko na lamang ako habang hinihintay na sumagot siya.

"Ayoko munang mag-practice Leicy. Sige na, umuwi ka na rin." Napatingala ako rito. Tumayo na ito sa upuan niya at tumakbo palabas ng room. Napatingin naman ako sa upuan nito at nakita kong naiwan niya ang wallet niya.

Tumakbo ako palabas ng room para habulin siya at isauli 'to. "Sandali Lexter! Yung wallet mo!" sigaw ko pero patuloy lang itong tumakbo. Hinabol ko siya sa elevator pero biglang sumara na ito. Hingal na hingal na ako.

Napatingin naman ako sa hagdan. Wala akong nagawa kundi ang gamitin ang hagdan para sundan siya. Pagdating sa baba, nakita kong patakbo siya palabas ng gate. Hinabol ko siya. Pero napahinto ako ng huminto siya at naroon din si Arni.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa wallet nito. Kasabay ng pagsikip ng dibdib ko.

"Bitawan mo nga ako Lexter!"

"Saan ka pupunta?"

"Malamang uuwi?"

"Arni sandali, mag-usap tayo."

"Lexter wala naman tayong dapat pag-usapan."

"Arni gusto kita!"

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Napayuko na lamang ako habang patuloy na umaagos ang luha mula sa aking mga mata. Tumalikod na ako sa kanila. Dali dali akong tumakbo pabalik sa classroom. Pagdating ko 'don. Wala nang tao. Tulala lang ako habang patuloy na sumasagi sa isip ko ang mga narinig ko kanina.

"Ang tanga mo Leicy...ang tanga mo..." nasabi ko sa sarili ko sa pagitan ng paghikbi ko. "Ang tanga mo..." napaupo na lamang ako sa sahig habang umiiyak na parang bata at yakap ang wallet ni Lexter. "M-mahal kita Lexter..."

Hindi muna ako umuwi sa bahay. Pinapunta ako ni Master Lourd sa hotel para ibigay ang ibang detalye tungkol sa kasal. Inayos ko ang sarili ko. Ayaw kong makita niyang apektado sa gagawin ko, kagaya ng narinig ko mula sa kanya.

"'Yan ang mga dapat mong tawagan para sa kasal Leicy, gusto ko maging maayos ang lahat, mula sa simbahan hanggang sa reception. Ang tungkol sa documents, si Mr. Santos na ang gagawa 'non." Ang paliwanag ni Sir Lourd.

"Ganun po ba, sige po Sir, ako na po ang bahala." Sabi ko rito at tsaka ngumiti, isang pekeng ngiti.

"Mukhang masaya ka sa gagawin mo ah?" natatawa nitong tanong.

"Opo, excited na nga ako eh, tsaka ito ang magiging wedding of the year! Syempre, si Master Lexter ang ikakasal eh." Sabi ko rito.

"Hahaha, nakakatuwa ka talaga." Tumingin ito kay Mr. Santos, napatingin ako rito. At nakita kong nakatingin din ito sa akin. "Mr. Santos, nasaan na bas i Lexter? Pumasok ba siya?" ang tanong ni Sir Lourd kay Mr. Santos. Tumingin naman si Mr. Santos kay Sir Lourd.

"Hindi po Master, sabi sa reception. Hindi pa raw dumarating si Master Lexter." Nagulat naman ako sa sinabi ni Mr. Santos.

"Ano? Hindi pa?" napatingin naman sa akin si Sir Lourd. "Leicy, hindi ba may practice kayo ng presentation ngayon?" tanong naman sa akin ni Sir Lourd. Patay anong sasabihin ko.

"Hindi po, ang sabi niya. Tinatamad daw siyang mag-practice eh." Pagdadahilan ko.

"Alam mo ba kung saan siya pumunta?"

"Hindi po Sir." Ani ko rito.

"Mr. Santos, tawagan mo si Lexter. Leicy, sige na, ayos na muna 'yan sa ngayon."

Lumabas na ako sa office ni Master Lourd. Napahinto ako sa tapat ng pinto at dahan-dahan na tumaas ang kilay ko. Nagtagpo ang mga ngipin ko dahil sa inis.

Naglakad ako paalis ng biglang bumukas muli ang pinto ng office ni Master Lourd. Napahinto ako at napalingon dito. Si Mr. Santos.

"Leicy, pwede ka bang makausap?"

Narito kami ngayon sa café sa hotel. Sabi niya, gusto raw niya akong makausap. Kaya pumayag na ako, baka kasama ito sa kasal.

Kung ide-describe si Mr. Santos. Bata pa naman siya, nasa 23 lang siya ang alam ko. Matagal na siyang secretary ni Sir Lourd. Anak kasi siya ng yumaong secretary nito. Kaya naman pumayag siyang maging secretary ang anak ng pinagkakatiwalaan niyang nasirang secretary.

Ang mukha naman ni Mr. Santos ay misteryoso. Matagal ko na ring kilala siya. Simula ng nagtrabaho ako rito, lagi ko na rin siyang nakikita. Pero madalang kaming magusap. Masyado kasi siyang seryoso. Kaya nakakatakot na kausapin. Simple lang siyang tao, hindi sobrang gwapo, sakto lang. Pero balita ko. Walang siyang girlfriend.

"Anong sasabihin mo Jerod?" tanong ko rito sabay banggit ng first name nito. Nakatingin lang ako rito, naghihintay sa sagot niya.

"Gusto mo ba 'tong ginagawa mo Leicy?" tanong rin ang isinagot niya sa tanong ko. Kumunot naman ang noo ko at naguluhan sa tinanong niya.

"Anong, gusto ko ba ang ginagawa ko?" paglilinaw ko.

"Ito, itong ginagawa mo. Ang kasal ni Master Lexter." Diretso nitong sabi. Base sa nakikita ko, parang naiinis siya. Ngayon ko lang siyang nakita ng ganito.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Ano namang pake mo?" pagtataray ko rito.

"Alam kong wala akong pake. Pero gusto mo bang ayusin ang kasal ng taong gusto mo?" nabigla ako sa sinabi nito. Napatingin ako sa kanya at bakas ang gulat sa mukha.

"P-Paano mo nalaman?"

Natahimik naman ito at iniwas ang tingin sa akin.

"Ewan. Sige, umuwi ka na." tumayo ito at lumabas nan g café. Ano namang nangyari 'don?

Lexter's POV

Narito ako sa bar. Nagpapakalunod sa alak. Pakiramdam ko, broken hearted ako. Di ko alam eh, basta ang alam ko, nasasaktan ako ngayon.

Tumungga ako ulit ng alak. Biglang pumasok sa isip ko si Arni. Noong una ko siyang makita sa pinto ng room namin. Noong pumunta ako sa bahay nila. Noong hinalikan ko siya sa elevator at ang nangyari kanina.

How so stupid I am? Baka naman na-offend o nabastos na siya sa pangalawang paghalik ko sa kanya. And that Abrylle, Ugh! Alam ko ang hilatsa ng pagmumukha niya. Alam kong gusto niya si Arni dahil, kamukha ito ng Mama niya.

Muli akong nagsalin ng alak sa baso ko. Tutunggain ko na sana ito ng may pumigil sa akin. Tinignan ko naman kung sino 'to.

"Leicy? Oh? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko rito. Kahit na lasing ako, malinaw pa naman ang nakikita ko.

"Tama na 'yan Lexter, lasing ka na." ang sabi nito.

"Huwag mo nga ako pigilan." Sigaw ko rito tsaka tinanggal ang kamay niya sa baso ko at tinungga ito. Nagsalin ako ulit ng alak sa baso ko pero pinigilan na naman niya ako.

"Ano ba Leicy? Wag mo sabi akong pigilan eh." Hinawakan ko ang kamay nito, para tanggalin pero bigla niya akong hinawakan ng mahigpit. Napatingin ako sa mukha nito. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"Ano ba Leicy? May problema ka rin ba?" tanong ko rito sa pagitan ng pagsinok ko. "Tara, tagay ka rin." Yaya ko rito.

"Tama na Lexter, oo may problema ako. At ang problema ko ay ang makita kang ganyan!" sabi nito. Natigil naman ako at napatingin sa kanya.

"Oh? Bakit ako na naman? Si Arni nga galit na sa akin, pati ba naman ikaw? Huh. Grabe, ano bang nagawa ko sa inyo?"

"Tama na 'yan, tara na iuuwi na kita." Hinawakan niya ako sa braso pero hinila ko siya palapit sa akin dahilan para mapayakap siya sa akin.

Nagtama an gaming mga tingin. Gulat sa nangyari. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ko, nag-init ang buong mukha ko. Napangiti ako.

"Maganda ka pala Leicy sa malapitan?" sabi ko rito tsaka siya hinalikan sa labi.