webnovel

Chapter 22. "Blazing feelings"

Chapter 22. "Blazing feelings"

Leicy's POV

Damang-dama ko ang init ng halik ni Lexter. Ang gigil ng mga labi niya sa paghalik sa akin. Dilat ang mata ko habang hinahalikan ni Lexter. Ilang sandali pa, bumitaw ito. Nabigla ako ng makita kong umiiyak siya.

"Arni..." sabi nito sa pagitan ng pagiyak niya. Ito ang pangalawang beses na nakita kong umiyak si Lexter. "Arni..."

Muli itong tumungga ng alak. Awang-awa ako sa sitwasyon niya, pero wala akong magawa para pasayahin siya. Samantalang siya, marami siyang bagay na nagawa para mapasaya ako. Pero ako, pakiramdam ko, I'm useless.

Sa condo ni Lexter.

"Ah, ang bigat mo naman Lexter! Ugh!" akbay-akbay ko siya. Ang dami nitong nainom. At sinamahan ko na lang siya dahil wala namang maghahatid sa kanya. "Tignan mo nga, wala ka pang driver, balikan na lang natin bukas yung sasakyan mo sa bar, Ugh! Ano ba, oh, mahuhulog ka, ah! Sandali."

*boogsh*

Napahiga kami rito sa hallway ng condo niya. Hindi ko pwede iuwi si Lexter sa bahay nila ng ganito. Buti na lang at may condo siya.

Muli ko siyang inakbay papasok sa condo niya. Tulog na tulog na siya sa kalasingan. Nakahiga na siya ngayon sa kama. Nakatulog na siya. Naupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hanaplos ko ang buhok nito papunta sa kanyang pisngi.

"Arni..." mahinang binanggit nito ang pangalan ni Arni. Kahit sa pagtulog, si Arni pa rin ang naiisip niya.

"Ako na lang ang mahalin mo Lexter..."

Lexter's POV

Umaga nan g magising ako. Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Tumayo ako sa kama at tinignan kung nasaang lugar ako. Nasa condo ko na ako? Paano ako nakarating dito?

"Ah, ang sakit pa ng ulo ko."

Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Nang mapadaan ako sa sala. Parang may napansin akong kakaiba. Binalikan ko ito at nakita ko si Leicy na natutulog. Inisip ko kung bakit narito siya sa condo ko. Siya kaya ang nagdala sa akin dito?

Pinagmasdan ko ang mukha nito habang natutulog. Payapa ngunit mapapansin mong may lungkot sa kanyang mukha. Nang mga panahong 'yon, naalala kong, matagal ko na rin palang kilala si Leicy.

Habang pinagmamasdan ko ito, bigla namang kumilos ito at nagising. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at nabigla sa mukha kong nakatingin sa kanya.   Unti unti nitong nilapit ang kamay niya papunta sa mukha ko hanggang sa dumampi ang palad niya sa aking pisngi. Nagulat ako sa ginawa niya. Pero bigla itong napaupo ito sa sofa sa gulat.

"Oh? Gising ka na pala." Sabi nito sa akin. Halatang natataranta at paiwas-iwas ang tingin sa akin. Tumango tango naman ako rito. "Patay, akala ko panaginip pa rin." Bulong nito sa sarili.

"Ikaw ang naghatid saken?" tanong ko. Tumango naman ito pero iwas ang tingin sa akin.

Umalis na kami sa condo ko. Di na rin kami nakapasok dahil late na kami nagising. Kinuha ko rin ang kotse kong naiwan sa bar kagabi. Sobra siguro akong lasing kagabi. Ang dami ko yatang nainom. Masakit pa ang ulo.

"Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo mag-kape muna tayo?" tanong ni Leicy sa akin. Napansin niya yata ang madalas na paghawak ko sa sintido ko.

"Sige, tara." Sagot ko rito.

Pumunta muna kami sa starbucks para magkape. Ang tahimik ni Leicy ngayon, para iba ang mood nito. Nakatulala lang din ito.

"May problema ka ba?" tanong ko rito nang mapalingon siya sa akin.

"Ako? Wala. Wala naman. Sayang lang at di tayo nakapasok." Ang sagot nito.

"Edi mamayang afternoon class na lang. Pwede naman 'yun Haha."

"Sige, mamaya na lang." sabi nito sabay inom ng kape. Uminom din ako ng kape.

"Samahan mo muna ako sa bahay, dun ka na rin mag-lunch, tapos sasamahan kita sa bahay niyo para makapagbihis ka."

"Ah, wag na. Uuwi na lang ako." Tarantang sagot nito.

"Ah? Ayaw mo nun, para mas mapabilis ka na. Tsaka gagatos ka pa ng pamasahe."

"Ah—eh, nakakahiya naman kay Sir Lourd." Nakayuko sabi nito.

"Hahaha, ano ka ba, ayos lang. Ngayon? Wala na 'yon si Dad sa bahay. For sure nasa office na 'yon. Tara na." yaya ko rito. Pumayag naman siya sa alok ko.

Pumunta na kami sa bahay. Pasado alas-onse na rin ng umaga ng makarating kami. Pinaupo ko muna siya sa sala para mag-shower na ako.

Habang nagsha-shower ako. Unti unti kong naalala ang nangyari kagabi. Pumunta ako sa bar para maglasing dahil galit sa akin si Arni dahil sa halik na 'yon. Pero ang mas gumulat sa naalala ko, ang paghalik na ginawa k okay Leicy.

"Ugh! Lexter, you're so stupid! Damn you! Idiot! Moron!" sinasabunutan ko pa ang sarili ko habang naliligo.

Leicy's POV

Nang imulat ko ang mga mata ko. Mukha agad ni Lexter ang bumungad sa akin. Nananaginip pa rin ba ako? Dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko para haplosin ang mukha niya. Nang dumampi ang palad ko sa pisngi niya. Parang totoo. Napadilat ako sa gulat at inilayo ang kamay ko sa mukha niya tsaka napaupo sa sofa.

"Oh? Gising ka na pala." Tarantang sabi ko rito habang iniiwas ang tingin ko sa kanya. Nakakahiya naman. "Patay, akala ko panaginip pa rin." Bulong ko sa sarili ko.

"Ikaw ang naghatid saken?" tanong ni Lexter, tumango tango naman ako pero iwas pa rin ang tingin sa kanya. Nakakahiya talaga.

Napagdesisyunan namin na umuwi na. Hindi na rin kami nakapasok sa school dahil late na kami nagising. Pinuntahan din namin yung kotse niya na naiwan dun sa bar. Habang nasa byahe kami, napansin kong panay ang hawak at hilot niya sa ulo niya. Baka may hangover pa.

"Masakit ba ang ulo mo? Gusto mo mag-kape muna tayo?" alok ko rito.

"Sige, tara." Sagot nito habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada.

Pumunta muna kami sa starbucks para magkape. Ang awkward ng sitwasyon namin, walang nagsasalita sa amin. Pakiramdam ko kasi, para kaming nasa isang date. Pero ibang Lexter ang kasama ko. Nakasanayan ko na kasi na masayahing tao siya. Ganito pala siya kapag seryoso.

"May problema ka ba?" nabigla ako sa tanong nito. Nakaupo na kami at umiinom ng kape. Napansin niya yatang lutang ang isip ko.

"Ako? Wala. Wala naman. Sayang lang at di tayo nakapasok." Pagdadahilan ko rito.

"Edi mamayang afternoon class na lang. Pwede naman 'yun Haha." Nabigla ako ng tumawa na siya. Nang mga oras na 'yon, alam kong hindi totoo ang pagtawa niya.

"Sige, mamaya na lang." sabi ko rito at uminom ng kape. Ganun din naman siya.

"Samahan mo muna ako sa bahay, dun ka na rin mag-lunch, tapos sasamahan kita sa bahay niyo para makapagbihis ka." Nanglaki naman ang mata ko sa paanyaya niya.

"Ah, wag na. Uuwi na lang ako." Sagot ko. Baka nandun si Sir Lourd at kung ano pa ang isipin niya pag nalaman niyang magkasama kami magdamag ni Lexter. Hindi ko makakalimutan ang mga narinig ko noon sa office niya.

"Ah? Ayaw mo nun, para mas mapabilis ka na. Tsaka gagatos ka pa ng pamasahe." Pagpipilit nito. Yumuko naman ako.

"Ah—eh, nakakahiya naman kay Sir Lourd." Mahina kong sabi rito.

"Hahaha, ano ka ba, ayos lang. Ngayon? Wala na 'yon si Dad sa bahay. For sure nasa office na 'yon. Tara na." napatingala ako ng tumawa ito. Kahit na alam kong peke ang mga tawang 'yon, gusto ko pa ring makita ang nakangiti niyang mukha.

Pagdating sa bahay nila. Pinaupo niya muna ako sa sala nila, maliligo naman daw siya tapos magla-lunch na kami. Pumayaga naman ako, alam ko namang mabilis lang maligo ang mga lalaki. Ayaw ko kasing mag-stay sa bahay nila. Baka biglang dumating si Sir Lourd.

Napatayo ng may narinig akong parating. Naririnig ko ang boses ni Sir Lourd. Patay! Natataranta na ako. Pagtingin ko sa pinto, nandun na si Sir Lourd at gulat ng makita ako. Ngumiti naman ako rito at bumati.

"Good Morning Master." Ang sabi ko rito.

"Oh? Ang aga mo naman Leicy? Di ka pumasok? Si Lexter?" sunod sunod na tanong nito. Ang akala ko ba, nasa office na siya.

"Ah—"

"Dad! You're here?!" napatingin naman kami sa pagdating ni Lexter. Pababa ito ng hagdan.

"Son, where did you sleep last night?" tanong nito kay Lexter.

"Nasa condo ako Dad, gumawa kasi kami ni Leicy ng project, don't worry, papasok kami sa afternoon class." Sabi nito, nakababa na siya sa sala.

"Ah, I see. Dalawa lang kayo ni Leicy?" tanong ng Daddy niya.

"Ah, No Dad, apat kami 'don. Kasama namin si Arni at si Abrylle. Haha." Natatawang sabi nito. Bakas naman sa mukha ni Sir Lourd ang pagdududa.

"Ah, okay. I just came here kasi may naiwan ako. By the way, we need you later sa hotel. I have something to tell you."

"Sure Dad, after class."

Umakyat naman na si Sir Lourd sa taas.

"Oh ano? Ang galing ko magsinungaling 'no? Hahahaha" natatawang sabi sa akin ni Lexter, napangiti na lang din ako sa sinabi nito.

After lunch, umuwi naman na ako sa bahay para maligo at magbihis. Nandun naman si Lexter sa sala namin. Maliit lang ang bahay namin, sakto lang sa aming dalawa ni Mama. Parang apartment lang 'to. After 30 minutes natapos na akong mag-ayos ng sarili.

"Hay, ang tagal niyo namang mga babae sa shower! Ano bang ginagawa niyo?" iritang tanong nito. Napaka-mainipin talaga nito.

"Sir, babae po kami, dapat malinis sa katawan." Natatawang sagot ko rito.

"Hay, halika na nga, baka mahuli pa tayo."

Sumunod na ako sa kanya sa labas. Ang cute talaga nito pag napipikon.

Pagdating sa school. Halos pagtinginan kaming dalawa ni Lexter ng bumaba ako sa sasakyan niya.

"Gosh! Isang scholar?"

"Yeah! Did you just see that?"

"Yeah! Bumaba siya sa car ni Lexter!"

"This is so annoying!"

Rinig kong sabi ng mga babaeng nadaraanan namin. Niyuko ko na lang ang ulo ko para hindi sila makita. Pero nagulat ako ng biglang hawakan ni Lexter ang kamay ko. Napatingin ako rito.

"Hayaan mo na sila. Mas maganda ka naman sa kanila. Hahaha." Nanglaki ang mata ko sa sinabi nito. Parang nag-init din ang pisngi ko. Ngayon, naglalakad kaming dalawa papasok na magkahawak ang kamay.

Kinikilig ako. Sana di na walang katapusan na ang lalakaran namin.