webnovel

Chapter 5: What a harsh life

Bigla na lang akong napapikit at napaupo paatras nang maramdaman ang pagsaboy ng malamig at maruming tubig sa aking katawan, "Ano ba naman, 'yan?! Kanina ko pa 'to pinapalinis sa'yo, hanggang ngayon hindi mo pa nagagawa?!" halos malasahan ko ang maruming tubig dahil maski ang mukha ko'y nasabuyan.

Nanginginig at nanlalambot na ang aking mga paa at kamay, "P-Pasensya na po, mam. H-Hindi pa po kasi ako kumakain kaya nahihirapan akong gumalaw."

"Problema ba 'yon? Edi kumain ka! Alangan pakainin pa kita!" sigaw niya habang nakatayo sa harapan ko. Ako naman, nanatiling nakayuko.

"Mam!" boses ng isang pamilyar na babae, "Mam, bakit po?" tumingala ako at nakita si Desa na humarang sa harapan ko, "Ano pong nangyari?" tinanaw niya sandali ang sitwasyon ko.

If I don't really need a job, I won't accept something na hindi ka-level ng pinag-aralan ko. Hinabol ko lang naman talaga ang two hundred a day na sahod dito kaya ko tinanggap na maging tagalinis.

"Hindi mo ba 'yan tinuruan ng maayos?" sabay duro ng manager sa akin, "Pinaka-madaling trabaho, hindi niya magawa ng maayos. Ano 'yan lampa?!"

"Mam, pasensya na po. Bago lang po kasi siya rito at kaka-umpisa niya lang ngayong araw," pakiusap ni Desa.

"Hindi ko na yon problema. Kung gusto niyang sumahod ng maayos, magtrabaho rin siya ng maayos. Kung ganyan lang din siya sa unang araw pa lang, tanggalin mo na siya!"

Bigla akong napatingala at nanlalaki ang mga mata. Agad akong gumapang papalapit sa harapan nito at lumuhod, "Mam. Mam, sorry po. Aayusin ko na, pangako. Huwag niyo lang akong tanggalin, kailangan na kailangan ko lang po talaga ng trabaho— okaya kahit pangkain na lang po, mam."

I can't even imagine that someone with latin honor would do such thing as this. Hindi ito ang pinangarap kong trabaho.

"Mam, please!" I even pleaded.

Tinignan niya ang babaeng kasama ko, "Tanggalin mo na 'to. Maghanap ka ng bago," at saka niya kami tinalikuran.

"Mam, huwag naman po. Kailangan ko po ng trabaho. Hindi pa ako kumakain, parang-awa niyo na!" it wasn't in my nature pero nagawa kong yakapin ang mga binti niya.

"Bitawan mo 'ko, nadudumihan ang damit ko, ano ba?!" pilit niyang inaalis ang binti niya sa akin lalo na't nahahawakan ko ang lavender nitong slacks.

"Mam, huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho, please!"

"Get off me! Ano ba?!" pilit niyang tinanggal ang pagkakayakap ko rito hanggang sa marinig namin ang pagkapunit ng isang bagay.

Natigilan at napatingin ako sa binti ni mam at napansin ang punit sa slacks niya. Tulad ko ay nakatingin din si mam pati si Desa sa napunit nitong suot.

Kusa akong napalayo at lumunok. It was actually a bad move. Lumipat sa akin ang tingin ni mam hanggang sa umusok ang tainga at ilong nito. Kusa akong napatingin sa gilid nang maramdaman ang isang mainit na palad na dumampi sa pisngi ko.

Napahawak ako rito hanggang sa magsilabasan ang aking mga luha, "Look what you did! Ang kulit-kulit mo kasi! Minamalas ako ngayong araw na 'to dahil sa'yo!" sabay hila niya sa buhok ko na siyang nakapag-pasigaw sa akin.

"Mam, tama na po!" I can't stop myself but to cry. Sobrang sakit at higpit ng hawak niya. Nilakad niya ang hallway habang hila-hila ang buhok ko. Ni hindi ko nga magawang makatayo dahil madulas ang flooring bunga ng pagmamap ko kanina.

Maski si Desa ay sinusubukan siyang pigilan ngunit hindi ito nagpaawat, "Mam, tama na po 'yan!" saad niya.

"Masakit po!" sigaw ko habang patuloy sa pagragasa ang aking mga luha. Hinawakan ko ang mga kamay niya para alisin sa pagkakahawak sa akin.

"Mam, masakit po! Tama naaa!" pahabol ko. Narating namin ang entrance ng building hanggang sa hilain niya ang buhok ko at parang isang basura niya akong inihagis sa labas dahilan para masubsob ako. Maski ang mga taong dumaraan ay natigilan at napatingin sa amin.

"Huwag na huwag ka ng aapak sa lugar na 'to. Malas ang isang empleyadong tulad mo! Layas!" sabay turo niya sa kung saan.

Napansin niya ata na pinagbubulungan kami ng mga tao sa paligid. Inayos niya ang suot nitong coat at saka ako sinamaan ng tingin bago tinalikuran. Agad na lumapit sa akin si Desa at lumuhod.

"Ayos ka lang ba? Pasensya ka na ha?" inayos niya ang buhok kong nagkalat na sa aking mukha. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko lalo na't pinagbubulungan pa rin ako ng mga tao sa paligid. Nagawa niya akong ipahiya sa harap ng maraming tao just because of one mistake na nagawa ko sa trabaho.

What do you expect? I lived with a job in a higher position than this, can't they just give me time to adjust? Mula sa pagiging manager at sekretarya, naging tagalinis lang ako ngayon.

"K-Kailangan ko ng trabaho, Desa," basag na boses kong saad.

"I know. Pero huwag na dito, kinakawawa ka lang ni mam eh. Sinabihan naman kita kung sigurado ka na ba talaga sa trabahong ito, hindi ba? Kasi unang kita ko pa lang sa'yo, I know you deserve a job other than this, Ishee. You deserve a job higher than this."

"Pero walang tumatanggap sa akin," pag-iling ko. Nagkataon lang na naging backer ko si Desa kaya ako nakapasok dito.

"Subukan mo pa ulit maghanap sa ibang kumpanya, your credentials in Razons Corporation is good enough para makahanap ka ng mas mataas na trabaho. Isa yon sa mga top corporations, dba?"

"Hindi yon ganon kadali, Desa."

"Shhhh, I know. Tahan na, pinagtitinginan na tayo rito. Tayo ka na dyan," nagpunas ako ng mukha at tumayo na rin nang alalayan niya ako. Nakakuha ako ng mga sugat sa binti at braso bunga ng pagkaladkad sa akin ng manager. Isa-isa na ring nagsisialisan ang mga taong nagbubulungan kanina.

"Anong balak mo ngayon?" mula sa malayo ay napatingin ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa isang bench malapit sa gilid ng building. Uminom muna ako ng tubig sa ibinili niyang bottled water sa akin. Sa wakas, nagkalaman din ang tyan ko. Binigyan ko siya ng isang mapait na ngiti at napayuko, "Kailangan ko muna sigurong umuwi sa pamilya ko."

"Hmm, magpahinga ka na muna siguro. For sure naman maiintindihan nila ang sitwasyon mo kung bakit wala kang trabaho," pagngiti niya.

Tiningala ko siya at muling ngumiti, "I hope."

"Oh pano ba 'yan, Ishee? Kailangan ko ng mauna. Magtratrabaho pa ako, alam mo naman 'yon si mam, baka ako naman ang mapagkadiskitahan," tumayo siya at aktong maglalakad.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin, "Desa, thank you nga pala ha? Kung hindi dahil sayo, walang tatanggap sa akin sa trabaho." Siya nga pala yung nakita ko sa counterdesk table na nagsabing cleaning service lang ang available na job. Hindi ko man gusto ang trabaho pero ipinasok niya pa rin ako katulad ng pakiusap ko.

"Wala 'yon, ano ka ba? Alam ko naman ang pakiramdam ng isang aplikanteng naghahanap ng trabaho. Hindi ba may kumukuha sayong kumpanya? Bakit hindi ka na lang don?"

Nagsalubong ang kilay ko, "Ha?"

"Yung lalaking nakita natin kanina."

Kusa akong natigilan, "Dba sabi niya sayo, hinihintay ka niya? Mukha ngang yayamanin eh haha. Bakit hindi mo subukan, mukhang mas maayos naman ang trabaho mo dun?"

Tuluyan ko siyang nabitawan at saka ako napaisip, "Kung ayaw mo, sabihan mo ako. Ako na lang ang mag-aapply sa kanya," bigla akong napatingin sa kanya, "Sige alis na ako, Ishee," kinawayan niya ako at naglakad papalayo, papasok sa building.

Nahagip naman ng mga mata ko ang isang itim na sasakyan sa hindi kalayuan. Naka-parking kasi ito sa no parking area at mukhang mamahalin. Kusa akong napangiti kahit ang totoo, mahapdi ang mga sugat ko.

...3ieguno...