webnovel

Chapter 4: I never thought

Light.

Bigla akong naalimpungatan nang marinig ang malakas na pagkidlat. Mahangin rin at malamig sa paligid. Sa sobrang pagod at antok ko, ngayon ko lang ata napansin na malakas na pala ang ulan.

Just like what I thought, nananaginip nga talaga ako. Being with that man was all a dream.

I have to wash the thoughts away at mabilisang bumangon sa aking kama. Liliparin na ang tinitirhan ko, hindi ko pa alam. Ano ba yan? Ngayon ko lang din napansin na halos basa na rin ang hinihigaan ko. Mula kasi sa pawid na bubong ng tinitirhan ko, pumapasok at pumapatak ang tubig. How unlucky of me.

Naliligo na ako sa ulan, maganda pa rin ang panaginip ko. Maski ang kumot ay basa na rin. Agad akong tumayo at kumuha ng twalya para itakip sa aking ulo. Lumabas ako ng kwarto. Sobrang lakas ng hangin. Minsan ay kumikidlat pa at kumukulog. Sa gulat ko nga ay pumipikit na lang ako para hindi ako lalong kabahan sa kidlat. I have to be strong. Dapat ay sanay na ako sa ganitong bagay lalo na't sanay akong mag-isa... for how many years that I've been alone.

Itinabi ko ang mga dapat alisin na gamit at mga kaldero sa kusina dahil nababasa na rin ang mga ito. Pati nga ang ulingan na pinaglulutuan ko, basa na, including the woods na ginagamit ko sa pagluluto. Hays.

Out of nowhere, ang mabilis kong paggalaw sa pagtatabi ng mga gamit ay biglang natigil. Para akong na-estatwa at inilibot ang tingin sa paligid. Basang-basa na ang lahat ng gamit ko. What's the use kung liligpitin ko pa? Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga.

Malakas man ang ulan, nagpasya akong lumabas. Hindi na rin ako nagpayong at tanging ang twalya lang sa ulo ko ang tanging naging panangga ko. Naglakad ako papalayo sa tinitirhan ko at hindi maiwasan ang maputik na daan. Kailangan ko ring mag-ingat dahil madulas. Hinarap ko ang bahay at maayos na tinignan. Kaya pala halos mabasa na ako, medyo natatangay na ng hangin ang pawid na bubong.

"Ishee?" malakas man ang ulan, dinig ko ang pagtawag sa akin ng kung sino.

Tumingin ako sa likuran at namukhaan siya agad. Halos tangayin na nga rin ang payong niya, "Xeanna?"

"Anong ginagawa mo dyan? Bakit hindi ka pumasok sa loob?" tanong niya. Halos magsigawan na rin kami dahil sa lakas ng ulan.

"Tinitignan ko kasi kung kakayanin pa ba ng bahay ang buhos ng ulan."

"Bakit hindi mo pa kasi pinapalitan ng bubong ang kubo mo? Hindi mo ba alam na may bagyo ngayon?"

"Hindi eh," pag-iling ko.

"Ikaw naman kasi, ang ganda-ganda ng trabaho mo bakit hindi mo man lang magawang ipaayos ang bahay mo— este kubo, hindi man nga bahay yan eh, kubo lang 'yan. Samantalang yung pinapalamon mong pamilya, ayon ang ganda-ganda ng tirahan. Paniguradong masarap ang tulog tuwing gabi. Eh sayo lang din naman galing ang mga nilalamon nila."

Ganito talaga siya, straight kung magsalita kahit macoconsider na batang ina. Yes, mas bata siya sa akin, twenty years old at pinalayas sa kanila dahil maagang naging nanay.

"Ano ka ba? This is not the time to talk about them. At isa pa, I was willing to give them anything naman, it's not their fault. Ikaw, may bagyo na bakit nasa labas ka? Nasaan si Xien?" parang wala kasi siyang hawak na bata.

"Ah, iniwan ko muna sandali. Naubusan na kasi siya ng gatas, kailangan kong bumaba muna at bumili."

"Ha? Hindi ba delikado kung mag-isa siya?"

"Masunurin naman na bata 'yon. Sige, mauna na ako Ishee bago pa tuluyang lumakas ang ulan!" sigaw niya na naglakad na.

"Sige, mag-iingat ka."

Tuluyan na rin siyang nawala sa paningin ko. Natatanaw ko naman kahit papaano ang paligid dahil sa kidlat kahit kadalasan ay nagugulat ako. Back to Xeanna. Halos pareho lang naman kami ng sitwasyon, siya siguro ang macoconsider ko na pinaka-kapitbahay ko rito. Nasa dulo kasi ang tirahan niya samantalang ang tinitirhan ko naman ay nasa bandang gitna. Parehong nababalutan ng mga puno ang bahay naming dalawa.

Well at least, walang kapitbahay, walang tsismosa.

Eto ako ngayon at nakatayo habang pinagmamasdan ang loob ng bahay. Hindi ko na nagawang matulog mula kaninang madaling-araw dahil sa ulan. Tumigil na rin naman ito at sumikat na ang araw, 'yon lang, basang-basa ang paligid ko at maski ang mga gamit ko.

Hinigpitan ko ang hawak sa envelope at lumabas na ng bahay para bumaba at magikut-ikot sa syudad. Mala-bundok kasi ang pinanggagalingan ko. Naputikan na nga rin ang suot kong heels. Hindi naman ako makapag-tapak dahil madumi sa daanan.

Anyways, city na rin naman kasi ang dadatnan ko pagbaba ng bundok. It might take twenty to thirty minutes para makababa. Isa-isa kong inilibot ang lahat ng matataas na building na nakikita ko. I really have to find a job.

I feel so uncomfortable dahil pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. They are all too busy scrutinizing me from head to toe. Mamasa-masa pa kasi ang suot ko dahil nabasa ng ulan kagabi maski ang drawer ko. Can't they just mind their own business? Hindi ko na lang sila pinansin. I will not waste a drop of energy on them. Basta ang mahalaga, makahanap ako ng trabaho sa malalaking kumpanya... except for one.

Tumigil ako sa tapat ng isang mataas na building. Sa sobrang taas nga ata, masakit na ang leeg ko kakatingala. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at humakbang papasok sa loob. Dumiretso ako sa counter at nginitian ako ng babae roon, "Good morning mam, how may I help you?" masayang bati niya.

"Hello, I am here to apply for any specific job. Regarding my curriculum vitae, I am bringing it with me."

"Full name, mam?" nagta-type pa siya sa monitor sa harap nito na parang may hinahanap.

"Ionne Sheiñelle Velrama," sagot ko.

"Any appointment po for today's application?"

Nakatingin lang ako sa kanya, clearly unaware of what to respond, "What?"

"Nagpa-appointment po ba kayo beforehand for your job application?"

"No," pag-iling ko, "I am clearly unaware of that."

Online appointment ba dapat?

"I am so sorry, mam. But we only accept job applicants na nagpa-appointment through online."

"Hindi ba pwedeng i-consider? Dala ko naman ang resume ko and other documents," iniangat ko ang hawak kong envelope, "It is also posted outside na you are hiring and there is no thing such as online appointment na required."

"I am so sorry, mam, but even if I let you in, if wala ang name niyo sa appointment, hindi rin po kayo papapasukin."

"Ganon ba?" ngumiti ako, "I guess, magpapa-appointment na lang muna ako. Thank you then."

"With that, I can let you in. I'll be waiting, mam," she smiled as if she's giving me hope. Maybe she felt the same noong nag-aapply pa lang siya. Reasonable.

Napaupo ako sa isang bench. Iilang kumpanya at building na ang pinasukan ko pero wala pa rin. Halos lahat sila, online appointment. Wala pa naman akong phone. How will I even register or make a schedule for an appointment? May mga iilang kumpanya na pinasahan ko ng papel, but I can't be assure if tatawagan nila ako or even, kung matatanggap ako. As far as I know, my credentials are sufficient to impress them.

Inalis ko muna ang heels na suot at hinilot ang aking paa. Pinagtitinginan pa nga ako ng ibang dumaraan but I didn't mind them. Half-day na nga akong nagpapasa ng resume at hindi pa kumakain. Wala rin kasi akong pera.

I think, kailangan ko munang umuwi para magpahinga pero nahagip ng mata ko ang isa pang mataas na building. I think this will be the last na papasahan ko ng resume bago ako umuwi.

Isinuot ko ang heels at muling naglakad papasok sa building. Dumiretso ulit ako sa counter at binati ang babae, "Good morning, miss. Ano pong kailangan niyo?" bungad niya.

"Hi, magpapasa sana ako ng resume."

"For what job po?"

"Anything, kahit ano na lang basta kailangan ko ng trabaho," maski ang pagiging formal ko ay nawawala na dahil sa pagod.

Kumuha siya ng folder at abalang inililipat 'yon na parang may hinahanap. Nagpakawala ako ng buntong-hininga na inilibot ang tingin sa paligid.

Nagrereklamo na ang tyan ko. Myghad, gutom na ako, I swear, pero wala akong pera. Anong gagawin ko kung sakaling hindi ako makahanap ng trabaho ngayon? I'm starting to overthink. Palagay ko ay maiiyak na ako but still, I can't cry here.

"As for now," hinarap ko ang babae, "The available job is only for the cleaning service lang po," tinignan niya ako. Napaisip naman ako. Mas mataas pa ang pinag-aralan ko kesa sa oportunidad na nasa aking harapan.

Ayaw ko sana, pero wala na akong choice, "Pwede na ba akong magstart ngayon?" I asked.

"Mam? Sigurado po ba kayo?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "You seem to be overqualified po for this job."

"Ayos lang. Need ko lang talaga ng trabaho."

"You don't have to hire her, she's under my company," sabay kaming napatingin sa isang boses na nanggaling sa likuran.

Halos manigas ako sa kinatatayuan nang matanaw ang isang pamilyar na mukha. Those brown orbs of a man's eyes. Tila nawala ang kanina ko pang tinatago na pagod. A lot of questions came in my mind. Natanaw ko pa ang isang babaeng may mahaba at diretsong itim na buhok sa likuran niya. Kinawayan ako nito at nginitian.

That woman.

Lalo akong nanigas sa kinatatayuan nang humakbang ang lalaki papalapit sa akin, "Where have you been these past few days, Miss Velrama? I was waiting for you to come back."

When I snapped back to reality, I slowly realized... it wasn't a dream. Ang inakala kong panaginip lang ay totoong nangyari. Everything really happened. I knew it. Tandang-tanda ko na ang nangyari.

I crossed my arms at pinagtaasan siya ng kilay, "You were waiting for me? Sa pagkakatanda ko, ako ang naghintay sa'yo ng matagal."

"You left without permission," sagot niya, "Do you know how badly your absence affected my transactions that night?" para pa siyang nanunumbat.

"That's not my problem, you never came back," sagot ko, "Nakalimutan mo atang may kasama ka, that's why I left. Do you expect me to still wait that long?"

"Yes, because you work for me."

"Never did I apply," pag-iling ko.

"No one will accept you in any companies."

"Paano ka nakakasigurado?" natawa na lang ako. Mas gusto ko atang panaginip na lang lahat ng nangyari. The guts of this man. May tinatago din pala siyang sama ng ugali. Bakit ba siya nandito?

"Of course, I know everything, Miss Velrama. Rossino La Vaille is your only choice now. It's only my company that is willing to hire you."

"No, ayaw kong maghintay sa wala," diretsong sagot ko.

He thinks so highly kung iisipin niyang I will easily let that thing slip ng ganon-ganon na lang.

"You waited for hours, I waited for days. Now, we're even."

"Dami mong sinasabi," pabulong ko na tumingin sa paligid.

And now I am here lying on my wet hard bed again, overthinking for a while. I have been computing my total expenses monthly in my head, plus yung damages ng bagyo sa bahay ko.

But anyways,

How dare he make me wait that night?

...3ieguno...

I honestly do not have an idea where this story's going. As I've said, this is just a draft.