webnovel

Ang Nakamamatay na Sitwasyon

Editor: LiberReverieGroup

"Medyo malaki-laki ang kikitain natin mula sa tendon ng ocelot monster na iyan." Lumikha ng "CHI" sound ang Ghost Blade ni Luo Feng noong hiniwa nito ang buntot ng ocelot para kunin ang nag-iisang transparent tendon mula rito. Tumingin si Luo Feng kay Wei Tie at tumatawang sinasabi na, "Ang lakas niyo talaga Kuya Tie. Parang wala lang kasi nung tinamaan ka ng commander ocelot kani-kanina lang. Natakot ako talaga noong dumura kayo ng dugo pero ngayon mukha kang di nasaktan!"

"Baliw ka ba? Mas malala ang sasapitin ko kung lulunukin ko iyon kaysa idura!" pabirong sabi ni Wei Tie habang siya'y tumawa.

"Sige kunin na natin ito ng isa-isa," tawa ni Chen Gu.

Maganda ang mood ng bawat miyembro ng Fire Hammer Squad. Umupo si Gao Feng nang pasquat sa gilid ng twin tailed ocelot bago simulang idissect ito. Walang duda na ang twin tailed ocelot ang pinakamahirap makuhanan ng material mula sa lahat ng napatay nilang ocelot ngayon ngayon lang.

"Mukhang suwerte si Luo Feng sa grupo natin ah! Biruin mo, nakapatay na agad tayo ng dalawang magkasunod na commander level na halimaw sa unang araw ng pagdating natin dito!" Tawa ni Gao Feng habang dinadissect niya ang commander ocelot.

"Hahaha, kung ganoon ay dapat niyo akong pasalamatan captain! Dahil tandaan niyo, ako ang nagdala kay Luo Feng sa grupong ito!" Tawa ni Chen Gu.

Tuwang tuwa na nagtawanan ang buong grupo.

"Huh?"

Dumilat ng husto ang mga mata ni Luo Feng na para bang nasusunog ang kanyang buntot. Naramdaman niya muli ang tensiyon sa kanyang buong katawan na huli niyang naramdaman noong kumuha siya ng reaction speed examination na kung saan ay umilag siya sa mga paparating na rubber bullets. Makikita ang isang bala na mabilis na papunta sa kanya habang hinahawi nito ang hangin sa kanyang madaanan!

Mas mabilis ng sampung beses ang balang ito kaysa sa mga rubber bullets na ginamit sa reaction speed examination kaya hindi na nagawa ni Luo Feng na sumigaw pa para magbabala sa kanyang mga kasama.

Dahil sa sobrang stress mula sa pangyayaring ito, ang buong katawan ni Luo Feng ay nagsimula nang maglabas ng adrenaline kasabay ng sobrang bilis na pagtibok ng kanyang puso. Tumaas ang bawat isang buhok sa kanyang buong katawan at kahit ang kanyang spiritual force ay napush hanggang sa limit na hindi pa nito naabot kailanman!

Isang life or death situation!

Ang survival instinct ng isang tao ang naging dahilan kung bakit ang katawan at spiritual force ni Luo Feng ay agad-agad na nareach ang kanilang limit!

"PU"

Pinunit ng armor piercing bullet ang hangin na madaanan nito habang mabilis na papunta sa utak ni Luo Feng.

Ginamit ni Luo Feng ang lahat ng kanyang lakas para maitaas ang ipinapangdissect niyang Ghost Blade para masalag ang paparating na bala. At habang ang kanyang wrist ay naglalabas ng lakas para maitaas ang hawak-hawak niyang Ghost Blade, naramdaman niya na mayroon pa siyang oras para maglabas pa muli ng lakas mula sa kanyang katawan!

At ang lahat ng nangyari pagkatapos ay parang fated na! Nang malaman ng kanyang isipan na nasa panganib ang kanyang buhay, kusang naglabas ang kanyang katawan ng pangalawang lakas bilang suporta sa lakas na ginagamit na ng kanyang katawan habang ang kanyang isipan at katawan ay napush na sa kani-kanilang mga limits!

Ang unang stage ng Nine Stage Thunder Blade!

Nagawa na rin niya ito!

Dahil dito ay mabilis niyang naitaas ang hawak-hawak niyang Ghost Blade!

"Bilisan mo pa!" Ginamit na ni Luo Feng ang kanyang spiritual force sa kanyang Ghost Blade para lalo pang mapabilis ang paggalaw nito!

"Tumigil kang bala ka!"

Walang delay na pinabagal ng kanyang spiritual force ang paparating na armor piercing bullet. Dahil dito ay napabagal niya ito mula sa dati nitong bilis na mach 4 papuntang mach 1! At nang marinig ang napakalakas na tunog na "CLANG!", natamaan ng Ghost Blade ni Luo Feng ang armor piercing bullet.

Tumama ang dulo ng armor piercing bullet sa blade ni Luo Feng bago ito tumalbog papunta sa ibang direksiyon.

"PENG!"

Ang isa pang armor piercing bullet ay mabilis na papunta sa ulo ng captain nilang si Gao Feng. Ayon sa plano ng Tiger Fang Squad, plano nilang patayin ang pinakamalakas na miyembro nito na si Gao Feng bukod kay Luo Feng. Kaya madaling mahula na ang dalawang bala na iyon ay para kay Luo Feng at Gao Feng!

At hindi namamalayan ng nagdidissect na si Gao Feng ang paparating na bala dahil nakatalikod ito sa pinanggalingan nito.

"PU!" madiin na hiniwa ni Gao Feng ang katawan ng commander ocelot mula sa napakatigas na balahibo nito. Dahil dito ay gumalaw ang kanyang buong katawan ng husto na nakapagpadaplis sa paparating na balang papunta sana sa kanyang ulo. At noong nararamdaman na niya ang tigas mula sa balahibo ng commander ocelot---

HU!

Ay dumaplis ang napakabilis na armor piercing bullet sa tainga ni Gao Feng. Ang hangin mula sa balang ito ay sapat nang dahilan upang magdugo ang tainga ni Gao Feng.

"PENG!"

Walang awang tumama ang balang dumaplis kay Gao Feng sa balikat ni Zhang Ke na nasa tabi lang ni Gao Feng. At dahil sa balang ito na kayang tumagos mula sa napakatigas na armor ng mga commander level na halimaw ay agad na nadurog nito ang mga buto at muscles sa balikat ni Zhang Ke. At sa isang sandali pa ay…"PU-CHI", sumabog ang kanang balikat ni Zhang Ke at matapos nito ay nagsimula nang tumalsik ang dugo nito na para bang isang fountain.

"AAAAAAHHHH!!" Napasigaw ng sobrang lakas si Zhang Ke sa sobrang sakit.

"Isang bala na pang sniper rifle!"

Agad na tumingin si Gao Feng sa wasak na balikat ni Zhang Ke habang tumatalsik ang dugo nito. Namula ang mga mata ni Gao Feng sa sobrang lakas ng pagtalsik ng dugo mula sa balikat nito. Matapos ng ilang sandali ay sumigaw siya ng "May mga kalaban!"

"Nasaan ang mga hayop na iyon!" galit na galit na sigaw ng Wei Jia brothers.

Mabilis na kumilos ang bawat miyembro ng Fire Hammer Squad habang galit na galit na sumisigaw ang mga ito. Walang sinuman sa kanila ay sinubukang tumayo sa parehong puwesto dahil alam nilang inaasinta sila ng isang sniper na di kalayuan sa kanilang posisyon. Sinuwerte lang si Gao Feng kanina sa paparating na bala dahil sa sobrang tigas ng dinadissect niya na halimaw.

"BANG!" "BANG!" "BANG!" "BANG!"

Apat na putok ng baril ang maririnig ng di kalayuan sa puwesto nila Luo Feng!

"Doon!" Galit na galit na tumingin ang bawat miyembro ng Fire Hammer Squad sa pinanggalingan ng mga putok ng baril!

Makikita ang mabilis na paggalaw at pagkawala ng ilang anino sa rooftop kung saan nanggaling ang mga putok ng baril.

"Mga miyembro iyon ng Tiger Fang Squad!" Gigil na gigil na sinabi ni Gao Feng "TIGER FANG!!!".

Hindi naaninag ni Luo Feng ang mga salarin sa dahil hindi ganoon kalinaw ang kanyang mata para makakita ng ganoong kalayo bukod sa mabilis na pagtakas ng mga miyembro ng Tiger Fang Squad. Malinaw na kinakailangan mo ng kahanga-hangang mata para makita ang mga ito ng malinaw mula sa malayo! At ang paglinaw ng mga mata ay nakadepende sa lakas at ganda ng iyong pangangatawan. Kaya walang duda na si Gao Feng lang ang nakakita sa mga ito dahil mayroon siyang pangangatawan na halos pumapantay na sa isang 'intermediate level warlord.'

Kaya siya lang ang nakakita sa mga tumatakas na miyembro ng Tiger Fang Squad ng klaro.

"Ang Tiger Fang Squad? Ang Tiger Fang Squad na kinabibilangan ni Zhang Ze Hu?" Ang tanging nagawa na lang ni Luo Feng sa pangyayaring iyon ay magalit ng husto. Siyempre, alam na niya dati pa na miyembro si Zhang Ze Hu ng Tiger Fang Squad, "Sinubukan niya talaga akong patayin?"

Napakalagim ng mga pangyayaring iyon!

Dito na nagsimulang maramdaman ni Luo Feng na hindi totoo na mapayapang namumuhay ang mga fighter sa isa't isa!

"Zhang Ke!"

"Old Zhang!"

Ang ilan sa kanila kasama si Luo Feng ay pumunta sa sugatang si Zhang Ke. Namumutla ang mukha nito habang nakahiga sa lupa malapit sa kanila. Makikitang nawasak ng tuluyan ang kanang balikat nito at maging ang battle uniform niya ay napunit dahil sa lakas ng balang tumama sa kanya kani-kanina lang. Mabilis namang tinapalan ng bandage ni Chen Gu ang pinagmulan ng pagtagas ng dugo mula sa namumutlang si Zhang Ke.

"Ako 'to Zhang Ke! Sinalo mo ang balang iyon para sa akin!" sabi ni Gao Feng habang nakahawak sa nagdudugo niyang tainga.

"Kuya Zhang!" sabi ni Luo Feng habang mahigpit na nakasara ang dalawa niyang kamao at namumula ang kanyang mga mata sa sobrang galit.

Kung hindi dahil sa kanyang Kuya Zhang at Kuya Chen ay baka hindi makakasama si Luo Feng sa grupo ng Fire Hammer Squad.

"Hindi ito maganda!" biglang nagbago ang itsura ng kanilang captain na si Gao Feng "Tumakbo na kayo!"

Nagpaputok ang Tiger Fang Squad ng anim na bala bago ito tumakbo paalis. Dalawa rito ay para kay Luo Feng at Gao Feng, habang ang apat naman dito ay para sa grupo ng halimaw na nasa kanilang paligid. Maririnig ang malakas na pagalulong ng mga halimaw na ito matapos daplisan ng mga putok ng baril kani-kanina lang at ngayon lang narealize ng mga miyembro ng Fire Hammer Squad kung bakit nagpaputok pa ng apat na beses ang mga miyembro ng Tiger Fang Squad.

"Napakasama ng mga hayop na ito!"

"Gusto nilang mamatay tayong lahat!"

"Bilisan niyo at tumakbo na tayo!"

Kinarga ni Wei Qing ang duguang si Zhang Ke sa kanyang likuran bago sila tumakbo ng mabilis palayo sa mga halimaw.

"RUMBLE~~" makikita ang napakaraming bilang ng mga iron fur boars na paparating mula sa kalye sa kanilang harapan. Ang bawat isa sa mga ito ay may malalaking katawan kaya mararamdamang yumanig ng malakas ang lupa na para bang mayroong lindol nang tumakbo ang ilang daan na iron fur boars papunta sa Fire Hammer Squad. Namutla ang mukha ng bawat miyembro ng Fire Hammer Squad nang marinig nila ang malakas na tunog mula sa mga halimaw mula sa kabilang direksyon.

Doon rin makikita ang nakakaalarmang bilang ng mga halimaw na sumusugod papunta sa kanila. At bukod sa mga horned boars ay makikita rin ang mga lion mastiff tigers mula sa direksyon na iyon. Kung susumahin, may bilang itong higit sa 1000 na halimaw.

"Malaking problema ito."

Namutla ang bawat miyembro ng Fire Hammer Squad sa mga nakikita nila!

"Umakyat kayo sa pader na ito!" utos ni Gao Feng.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Mabilis na umakyat ang Fire Hammer Squad sa sira-sirang pader na iyon. Ginalit ng apat na putok na iyon ang mga nananahimik na mga halimaw sa paligid. Alam ng mga ito na tao lang ang may kayang gumawa nito sa kanila kaya nagkaisa ang mga ito nang makita nila na ang umaakyat na Fire Hammer Squad sa pader na iyon---

"RUMBLE~~" ibinaba ng mga horned boars ang kanilang mga ulo at binangga ang sira sirang pader na siyang sumira rito ng tuluyan matapos ang deka-dekadang taon mula noong Grand Nirvana Period.

Muling nagbago ang mga itsura ng bawat isa sa kanila nang makita nila ang papasugod na mga halimaw sa kanilang likuran matapos nitong sirain ang pader na tinalunan nila.

"Mga kasama! Oras na para tumakbo tayo ng kanya kanya. Malaki ang tiyansa sa paraang ito na may mabuhay pang kahit isa sa grupo natin!" sigaw ni Gao Feng habang namumula pa rin ang mga mata nito sa sobrang galit, "Kung makatakas ako dito, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ito!!!"

"Maghiwahiwalay na tayong lahat para makatakas!" Gigil na gigil din ang magkapatid na Wei Jia brothers.

Kahit na ang isang advanced warrior ay mahihirapang tumakas sa libo libong mga halimaw na humahabol dito.

"Ang hayop na si Zhang Ze Hu, saka iyang Tiger Fang Squad!" naramdaman ni Luo Feng na ginawa ito ng Tiger Fang Squad dahil napagastos niya ng 100 million ang miyembro nilang si Zhang Ze Hu para sa kanyang pamangkin, "Hindi iyon gagawin ng Tiger Fang Squad nang walang dahilan! Kung hindi dahil sa akin ay siguradong maayos pa si Kuya Zhang hanggang ngayon!"

Mabilis na naramdaman ni Luo Feng ang kunsensiyang bumabalot sa kanyang puso bukod sa intensiyon niyang pumatay ng tao!!!

"Zhang Ze Hu! Tiger Fang Squad!" Makikita na pulang pula na ang mga mata ni Luo Feng.

"Captain! Kuya Chen!" Sigaw ni Luo Feng.

Ang sigaw na ito ang nakapagpatingin kay Gao Feng, Chen Gu at sa Wei Jia brothers kay Luo Feng nang buong gulat. Gigil na gigil na sumigaw si Luo Feng ng, "Sundan niyo ako! Makakaligtas tayong lahat ng sama-sama!!!". Matapos nito ay maririnig ang isang "HU" sound at makikitang isa-isang lumulutang sa ere ang mga throwing knives ni Luo Feng habang umiikot sa paligid niya.