webnovel

New Character

Jake's POV

Ang saya lang ng nangyari kanina. Sobrang saya. Matapos ng eksena namin ni Ari sa Jollibee kanina, dumiretso na kami sa panonood ng movie na favorite namin: The Conjuring. We always see to it kasi na kahit sobrang busy namin sa mga buhay buhay namin ay may time pa din kami sa isa't isa. We are inseparable, just like a glue na hindi kailanman maghihiwalay.

"Ano naman tinatawa tawa mo diyan?" dinig niyang sabi ng kabarkada niyang si Sam.

"Wala." sagot niya naman dito.

"Wala? E para kang timang diyan na pangiti-ngiti tapos sasabihin mo wala? Wag nga ako Brad!"

"E sa wala nga."

"Osya, sabi mo e. Ooo na lang ako kahit alam kong nagsisinungaling ka. Anyway, san ka ba galing kanina at na late ka na dito sa get together party natin?"

Nasa isang resto bar sila ngayon. Get together party kasi nilang magkakaibigan at isang planning party na rin para sa isang kabarkada nilang ikakasal na.

"Sinamahan ko kasi si Ari kanina. Nanood kami ng Conjuring." sagot niya habang tumutungga ng beer.

Nagbago ang mukha nito ng marinig nito ang pangalan ni Ari at nabuo ang isang mapang-asar na ngiti sa mga labi nito.

"Ahhh .. Si Ari.."

"Oo, si Ari. E bakit ganyan ang mukha mo?"

Tumabi sa upuan niya si Sam sabay sabing, "Sabihin mo nga sa akin, bro. Kayo na ni Ari no?"

"Ano? Kami ni Ari? Hindi no! Mag bestfriends lang kami nun."

"Naku tol, bestfriends mo muka mo!"

"Oo nga, mag bestfriends lang kami! No more, no less." sagot niya rito with full conviction.

"Talaga??? Sabi mo yan ha..."

"O bakit naman ganyan reaksyon mo?" tanong niya dito ng mapansin niyang nagliwanag ang muka nito sa sagot niya.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng muka nito, tila nahihiya at sinabing, "Kasi tol, matagal ko ng gusto si Ari e. Kaso lagi naman kayong magkasama kaya bilang paggalang sa'yo, di ko inisip na ituloy yung pagporma sa kanya."

Nagulat siya sa narinig mula dito. "Ito? May gusto kay Ari? Bakit di niya nahalata?"

"Tol, galit ka ba?" nagulat siya ng marinig itong magsalita.

"Ha? Hindi ah! Bakit naman ako magagalit? Di ko naman girlfriend yun."

"Kung hindi ka talaga galit at talagang bestftiend lang ang tingin mo sa kanya, pwede ba akong manghingi ng favor?"

Parang alam na niya ang tatanungin nito sa kanya, at parang ayaw niyang tulungan ito. Kilala niya si Sam, numero unong babaero ito at hindi ata siya makakapayag na mapabilang lang sa mga babae nito si Ari.

"If you are going to ask me to help you about Ari, it's a big no for me." sagot niya sabay lagok muli ng beer.

Kitang kita sa mukha nito ang pagkagulat sa narinig nito mula sa kanya. Tumungga ito sa hawak nitong bote sabay sabing, "Akala ko ba bestfriend mo lang siya?"

"Oo nga, pero kilala kita Sam. Babaero ka at di ako makakapayag na mapabilang sa mga babae mo si Ari. Iba na lang, Sam. Huwag si Ari."

"Alam kong babaero ako pero gusto ko talaga si Ari. Noon pa. Ikaw lang talaga ang tinitignan ko kaya di ko siya pinopormahan."

Tinignan niya ang mukha nito. Seryosong seryoso ito na bihira niyang makita sa happy-go-lucky attitude nito.

"Ganito na lang, papayagan kitang pumorma kay Ari. PERO hindi kita tutulungan o ilalakad. Make her fall for you even without my help."

Nagliwanag ang mukha nito sa sinabi niya. "Sige tol, promise! Gagawin ko ang lahat para mapasagot ko siya! Atleast alam ko na hindi ka magiging sagabal sa panliligaw ko sa kanya. Thanks tol!" sabi nito sa kanya sabay abot ng kamay nito sa kanya.

"Sige na. Basta yung sinabi ko sa'yo ha, huwag mong lolokohin si Ari kung hindi, kahit kaibigan pa kita, babasagin ko talaga ang mukha mo."

"Oo naman! Basta sa kasal namin best man ka ha!"

Napatingin siyang bigla sa sinabi nito, "Kasal agad? Hindi ka pa nga nanliligaw sa kanya e. Sure ka na masyado ha."

"Talaga! Mapa oo ko lang siya, hindi ko na patatagalin, aayain ko na siyang magpakasal. Wala e, antagal ko ng sinikil tong damdamin kong ito. Nyemas kung alam ko lang na wala kayong relasyon e di dapat noon pa ako nanligaw!"

"E san mo ba nakuha na kami?"

Uminom muna muli ito sa beer na hawak nito bago sumagot. "Hindi naman kasi kailangan tanungin. Kung makikita ninyo ang tingin ng ibang tao sa inyo, hindi kayo magkaibigan lang. May sarili kayong mundo at parang ang hirap pumasok o pumagitan sa inyo."

"Madumi lang ang utak ninyo. Parang kapatid lang ang turing ko sa kanya."

"Sabi mo e. Basta wala ng bawian. Liligawan ko siya, pasasagutin ko at bawal kang umepal ha. Basta may blessing ka na para sa amin."

"Oo nga, ang kulit mo."

Tumigil na sila sa pag-uusap ng dumating na ang iba pa nilang mga kaibigan.