webnovel

Ito na ba talaga?

"O, andiyan na ang boyfriend mo." dinig niyang sabi ng ka officemate niyang si Janella.

"Boyfriend? Ko? Sino?" tanong niya rito with confused face.

Tinignan siya nito ng tumatawa tawa, "Sino pa ba? E di si Jake."

"Naku hindi ko naman boyfriend yun. Bestfriend ko yun." sagot niya dito.

"Whatever girl, basta ako ang alam ko, di kayo friends lang hahaha! Sige na, puntahan mo na baka mainip yun magalit pa sa akin."

"Sige, salamat!" Lumabas na siya sa office nila and there, she saw him. The man who is her bestfriend. Kung dati payatot ito noong high school sila, hindi na ngayon. Years give him more dignified look at naging malaman ito. Hindi payatot, hindi rin naman sobrang macho na feeling mo mamamatay ka kapag niyakap ka.

"Bakit ang tagal mo?" tanong nito sa kanya ng makalapit siya rito.

"Di mo naman kasi sinabi na pupunta ka ngayon e. Malay ko ba?"

"Yeah, I know. Sorry."

Nabigla siya ng hinawakan nito ang mga kamay niya. Shocks! Ito na naman siya oh! Sabi ng marupok ako e! Pero siyempre, kunwari balewala lang sa kanya ito.

"So, spill it out. Bakit ka andito?" she asked him kahit na nga naba bother na siya sa paghawak ng mga kamay nito sa kanya.

"Date tayo." sabi nito sa kanya habang tinitignang mabuti ang mga kuko niya. "Beb," pagpapatuloy nito, "Kailan ka nagpabago ng nail polish?"

"Kahapon", sagot niya. "San tayo pupunta? Kakalabas lang natin di ba?" Saka pwede ba, bitawan mo na kamay ko? Pasmado ka e!" sabay hila ng mga kamay mula rito.

"Alam mo Beb, ang sungit mo. Meron ka?"

"Siraulo! Pero bakit nga? I know na may dahilan kung bakit bigla bigla kang gumaganyan sa akin. Dapat next month pa ang schedule natin e."

"Basta... Pumayag ka na please..." ngumungusong sabi nito sa kanya habang wala ng makitang mata mula dito. Nasabi niya bang weakness niya ang mga chinky? Those eyes are sooo cute. Hay naku, marupok level 1000 na naman ako.

"OKAY, Sige na. As always talo ako sa'yo! Hintayin mo ko hanggang uwian ah!"

"Yehey! Alam ko namang di mo ko matitiis e! Kaya love kita e! Pakiss nga!"

"Kiss mo mukha mo! Basta wait mo na lang ako! Nakakasira ka ng hanapbuhay ko e! Sana ba babayaran mo sweldo ko..."

Bumalik na siya sa loob ng office nila at itinuloy ang trabaho. It's already 4:30 pm, need pa nitong maghintay ng 30 minutes pero kasalanan naman nito kung bakit maghihintay ito sa kanya e. Bahala na ito sa buhay nito, malaki na ito.

--

"Andito na tayo." narinig niyang bulong nito sa mga tenga niya.

"Sorry, nakatulog pala ako." sagot niya rito habang tinitignan sa labas kung nasaan sila.

"Halika na Beb. Labas na tayo." sabi nito sabay labas ng sasakyan nito. Habang pinagmamasdan niya ito, may nabubuo ng pagtataka sa kanya kung bakit sila nandito. "It's been years" nasa isip niya.

"Beb??"

"Coming..."

Habang naglalakad silang dalawa, di niya mapigilang hindi humanga at magreminisce sa mga nakikita niya. "Wala pa ding pinagbago.."

"Jake, bakit tayo nandito?"

"Seriously, nakalimutan mo ang event ngayon?" tanong nito sa kanya.

Napaisip siya sa sinagot nito. Ano bang petsa ngayon?

"Shocks!" sigaw niya. "Sorry, Beb!" alam niya na ang event ngayon.

"Happy 12th Anniversary!" bati nito sa kanya sabay abot ng menu sa kanya. Nandito sila ngayon sa paborito nilang kainan nung high school sila. Isa itong cozy na retro themed diner na mala "Riverdale" ang dating nag ooffer ng American food na talaga namang favorite nilang dalawa.

"Happy 12th din." bati niya din rito na may ubod tamis na ngiti sa mga labi. "Sana anniv na lang natin as mag jowa..." sabi ng mahaderang utak niya.

Dumating na ang order nilang food. Large fries, dalawang double decker hamburgers at ang pamatay ng resto na ito, ang over creamy nilang milk shakes.

"Jake, bakit parang sobrang special ng anniv natin ngayon?" tanong niya rito habang ngumunguya ng burger.

"Ahm kasi anooo..."

Pinagmasdan niya ang itsura nito na parang kabang kaba. Gosh, this is it na ba? Mawawala na ba ako sa friendzone?, hopia mode na ako teh!"

Hinawakan nitong muli ang mga kamay niya at halos matunaw na siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya..

"Beb, pwede ba kitang..."

---

Okay, hanggang dito muna. Gawin ko muna trabaho ko giys, see yah!