webnovel

Kabanata 14

KABANATA 14

-AMANDA-

"GABI NA pero gising ka pa. Maaga pa ang biyahe natin bukas."

Napalingon ako sa nagsalita. Nginitian ko lang siya ng magtama ang paningin namin. He smiled back and walked towards me. Umusog ako ng kaunti at para bigyan din siya ng espasyo.

Kasalukuyan kaming nasa balcony ngayon. Kanina pa tapos ang laro namin. Pagkabalik namin ni Cee ay nawala na sa mood si Veatrice. Tinanong ko si T kung bakit pero hindi niya alam. Naiwan daw sina Simoun at Veatrice dahil ginawa niya rin ang dare niya. Mukhang tinuloy nila ang laro kahit wala kami. I tried asking Simoun pero nagkibit balikat nalang siya.

"Something is bothering you?" he asked and I just nodded.

Kung may isang tao man akong pinagkakatiwalaan ay si T iyon. He knows me too well that he definitely figured out my secret. Alam na niya ang tungkol sa amin ni Cee.

"About him?" he asked again.

"Yes" maikling tugon ko.

"What about him." tanong niya saka humarap sa akin ng nakahalukipkip.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa hangin na dumadampi sa balat ko saka tumingin sa kanya. Kita kong iniinspeksyon niya ako. Alam kong sari saring haka haka na ang nasa utak niya ngayon. Hindi na rin ako magugulat kung mapupunto niya kaagad ang problema ko.

"He wants me back."

"And you agreed?"

Kaagad akong umiling. Mabilis man akong madarang sa mga pinaggagagawa niya sa akin pero hindi ko pa rin kayang ibigay ang gusto niya.

"Anong problema doon?" nagtatakang tanong niya.

"I didn't agree but I'm letting him kiss me. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko." gulong gulong sagot ko sa kanya.

Bumuntong hininga ako at saka bumaling muli sa mga bituin na kanina ko pa tinititigan.

"Kasi mahal mo siya. That's the answer." narinig kong sagot niya pero hinayaan ko nalang.

Alam ko. Alam kong mahal ko siya kaya nga hindi ko matiis. Kaya lang ayoko. Ayoko ng makagawa pa ng mali sa kapatid ko.

"I want to forget him but how?" I wondered still looking at the stars.

"Stay away. Ikaw na ang lumayo kasi hanggat nandito ka sa iyo mababaling ang atensyon niya. At hindi rin siya mawawala sa isip mo. Kung patuloy mo siyang makikitang kasama ng kapatid mo masasaktan ka lang din. Kung patuloy pa ring nasa iyo ang puso ni Cee mas lalo lang lumalaki ang kasalanan niyo kay Veatrice. You said you don't want to hurt your sister but having his heart is like hurting your sister too." mahabang isplika ni T.

Tama ang mga sinabi niya. Hanggat nandito ako sa akin mababaling ang atensyon ni Cee. Kukulitin niya ako at hindi sapat ang palagian kong pagtanggi. Hindi rin epektibo ang pagtanggi ko kung sa tuwing may sasabihin siya o gagawin siya ay nagtatatalon na ang puso ko.

Tama rin siya na sa tuwing nakikita kong magkasama ang kapatid ko ay parang binibiyak ang puso ko. Pero anong magagawa ko? Siya ang legal.

Muling bumaling ang atensyon ko sa kanya. Nakatingin na rin siya sa langit na para bang may iniisip. I wonder what is it. Hindi naman niya sinasabi sa akin ang mga hinanakit niya. I trust him but I don't know if he trust me too.

"Hindi naman madaling lumayo T." saad ko.

"Madali kung kakayanin. Come with me Amanda. Pwede kitang ihanap ng trabaho. As an accountant or teacher kaya kitang ipasok. Kung problema mo ang tutuluyan mo I can help you. Alam kong tutulungan ka din ni Simoun." baling niya sa akin.

Pero umiling ulit ako.

"Hindi ko naman pwedeng iwanan si Veatrice." pagdadahilan ko.

"Para sa kanya ang paglayo mo Amanda. Kung ayaw mo, pare pareho lang kayong mahihirapan." agad niyang sagot.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. Humawak siya sa pasamano ng balcony at saka tumingin sa kawalan.

Mula sa kinatatayuan namin ay dinig na dinig ang paghampas ng alon. Hindi ko maiwasan ang maikumpara ang sarili ko sa alon. Malakas ang bugso nito na parang damdamin ko. Kahit umaatras ay pilit pa ring bumabalik sa lupa.

"Do you know the story The Moth and the Lamp?" he asked out of nowhere.

"Of course. Why?"

Sa dami ng pwede niyang sabihin ngayon bakit ang tanungin kung alam ko ang kuwentong iyon ang naisip niya.

"The moth keeps on getting near the lamp kahit pa pinagsabihan na siya nung nanay niya. So he ended up getting burned. Sigurado ako kung may paa lang ang lampara baka siya na mismo ang lumayo para hindi masaktan ang gamo gamo." pagkukuwento niya.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Siya naman ay diretso pa rin ang tingin.

What is he trying to imply?

"You see Amanda, Cee is the moth and you are the lamp. Sa story hindi buhay ang lampara kaya wala itong kakayahang lumayo but in your case you have the power you only have to have a will." aniya na hindi lumilingon sa akin.

"I don't have any issue regarding your relationship with Cee. Pwede naman, kaya lang siguraduhin niyong wala kayong niloloko. Siguraduhin niyong wala kayong tinatapakan na tao." dagdag pa niya.

Hindi ko maitatanggi na sa hinaba haba ng usapan namin ay lahat ng sinabi niya ay may punto.

Ako na ang dapat umiwas. Walang mangyayari kung mananatili ako sa tabi nila. Mas lalo lang madadagdagan ang kasalanan ko.

Mahal ko siya pero isa siyang tukso na dapat iwasan.

"Give me time to think about it."

SA PALAGAY ko ay limang oras lang ang naging tulog ko baka nga mas mababa pa. Pinagisipan ko ang naging paguusap namin ni T kagabi.

Paano nalang si Veatrice kapag lumayo ako? Walang titingin sa kanya. But on the other hand, I trust my sister. Alam kong hindi niya pababayaan ang pagaaral niya maging ang sarili niya.

"Good morning."

Lumingon ako sa nagsalita. Si Simoun na kalalabas lang sa kuwarto niya. Nakapikit pa ang isang mata niya tanda na kagigising lang niya.

"Anong oras nga pala ang alis?" tanong ko sa kanya.

Naghikab muna siya saka sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.

"Sabi ni T pagkatapos daw ng lunch." sagot niya. "Seven o'clock palang naman pwede pang matulog." aniya saka muling talikod at pumasok sa kuwarto niya.

What's with him? Sa pagkakaalam ko nauna siyang natulog sa amin ni T kagabi?

Naglakad nalang ako patungo sa hagdan. Bumaba ako ng hagdan at agad na nagtungo sa kusina. Inaantok pa ako pero ayoko ng matulog kaya napagpasyahan kong magtimpla ng kape.

Nadatnan ko doon si T na nagtitimpla ng kape. Inaalok niya ako na siya na ang magtitimpla ng sa akin at pumayag naman ako.

Kaming dalawa palang ata ang gising kahit kaming dalawa ang nahuli sa pagtulog.

"Sorry." O muttered.

"For what?" he asked while pouring some coffee on the cup.

Ako naman ay naupo sa isang high chair na nakapwesto malapit sa dulo.

Island style kasi ang kitchen nila. Isa sa gilid na nakadikit sa pader at isa sa gitna. Nasa gilid ang mga materyales sa pagluluto habang sa gitna ang washing area at preparing area. Sa preparing area ay may tatlong high chair.

"Hindi mo ata naenjoy ang bakasyon mo." sagot ko.

"Vacation for me is not doing any work. Nakakastress ang trabaho ko." sagot niya saka inilapag ang tasa ng kape sa harap ko.

"Edi thank you nalang."

"Thank me when you're already fine. Doon ko lang masasabi sa sarili ko na mabuti akong kaibigan."

"Soon. I'll be thanking you."

"Sabi mo 'yan. Basta pagisipan mo na 'yung sinabi ko kagabi."

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko na rin nagawang humigop sa kape ko ng maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng shorts ko. Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext. Si Veatrice.

From: Veatrice

Ate pwede ka bang pumunta dito sa may cottage malapit sa bahay nila Kuya T?

Iyon ang laman ng text message. Nagtataka man ay agad din akong nagreply.

To: Veatrice

Wait me.

Lumingon ako kay T at saka nagpaalam. Kaagad akong nagpunta sa sinabing cottage ni Veatrice. Nadatnan ko siya doon na mag isa at nakatitig lang sa dagat.

"Veatrice!" I called her name.

"Ate."

She looked at me with her eyes swelling. She cried. She really cried but why!

"My god Veatrice! Why are you crying?" pasigaw kong tanong saka dali daling lumapit sa kanya pero bago pa man ako makalapit ay...

lumuhod siya.

Lumuhod siya sa harap ko.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin lang sa kapatid ko na nakaluhod. She held both of my hands and cried out loud.

Why?

"Ate please. I'm begging. Tell Cee to comeback to me. Hindi ko kaya ng wala siya. Ate" aniya sa gitna ng pagtangis niya.

"He broke up with me kasi sabi niya mahal ka niya. Ate please, akin na lang si Cee." patuloy pa rin siya sa pagmamakaawa.

Hindi ako makapaniwala. Dapat ngayon ay inaaway na niya ako o 'di kaya ay sinasaktan pero heto siya nakaluhod at nagmamakaawa. Ang kapal ko namang kabit. Pinaluhod ko ang legal.

"Get up Veatrice." utos ko sa kanya na pilit siyang pinapatayo.

"No. Hindi ako tatayo dito hanggat hindi siya bumabalik sa akin ate. Mahal ko si Cee ate. Please sa akin na lang siya. Alam kong ikaw ang nauna pero ate, hindi ko kaya ng wala siya."

Sa sinabi niya ay pakiramdam ko ay tinusok ako ng isang daang kutsilyo. I should be the one kneeling while begging for her forgiveness but what happened?

Dahil nga ayaw niyang tumayo ay ako na mismo ang umupo para magpantay ang mga mukha namin. I cupped her cheeks and looked directly on her eyes.

She's so sweet, nice and innocent. Mas lalo akong naguiguilty. Masyado siyang mabait! She doesn't deserve to kneel infront of her immoral sister. It was my fault for not suppressing my feelings! Dapat magkabilaang sampal ang ibinibigay niya sa akin pero nagmamakaawa siya.

Hinihingi niya sa akin ang isang taong sa umpisa palang ay sa kanya na.

"He's all yours Veatrice. I am already letting him go."

-XXX-

Suggest kayo ng kanta😂😂 I can smell epilogue😂😂chars joke lang😂😂 Medyo malayo pa😂😂