webnovel

Character Introduction

Ramon Ferrer- isang mapagmataas, mayabang at laging nang-aabuso sa buhay ng magkapatid na sila Lucile at Emily. Siya ay isang District Manager ng Bugas Lending Corporation.

Lucile Sanches- Mapagmahal at maalahaning kapatid ni Emily. Siya ay nagtratrabaho sa isang Mall bilang Sales Lady.

Age: 24 years old at balingkinitan

Emily Sanches- Ang pangunahing bida sa ating kwento. May taas na 4'9", may mahaba at maitim na buhok hanggang sa pwetan at tulad ng kanyang kapatid ay balingkinitan din. Siya ay masunurin at maalahanin din.

Age: 16 years old

Nina Gomez- Isa sa mga matalik na kaibigan  at kaklase na din ni Emily. Tulad ni Emily, pareho lang sila ng pangangatawan, laging nakasuot ng sunglasses at hanggang leeg ang kanyang buhok. Mahilig magbasa ng mga libro, mag-aral at madalas naglalagi sa School Library. May taas siyang 5'0" at balingkinitan din ang katawan.

Age: 16 years old.

Althea Bautista- Isa sa mga kaibigan at kaklase ni Emily. Siya'y may pagka-athletic at mahilig sa ilang mga Sports. May pagka-tomboy din siya ng dahil na rin sa hilig niyang manuntok ng mga lalaki, lalo na sa dalawang bastos nilang kaklase. Ang katawan niya ay balingkinitan, may maikling buhok na hanggang Tenga at taas na 5'2" at bahagyang mas matangkad kaysa sa tatlo niyang kaibigan.

Age: 16 years old.

Claire Dominguez- isa sa mga kaibigan at kaklase ni Emily. Siya simple at mahiyain, ngunit madalas may laman ang kanyang mga nasasabing salita. May mahaba siyang buhok na hanggang sa kanyang likod, taas na 5'0" at balingkinitan din ang katawan

Age: 16 years old.

Isaac Marquez- isa sa apat na gwapong estudyante na pinagkakaguluhan at isa ding manlalaro ng basketball sa kanilang paaralan. Siya ay may tangkad na 5'6", kayumangging balat at katamtaman ang kanyang pangangatawan.

Age: 16 years old.

Edward Gonzales- isang SGO President at isa din sa apat na School heartthrob sa kanilang paaralan. Siya ay matalino, masipag at manlalaro din ng Chess. May taas na 5'1" at bahagyang payat ngunit may konting muscle sa kanyang katawan.

Age: 16 years old.

Daniel Rivera- Isa din sa apat na Heartthrob ng kanilang paaralan. Di gaya ng ilan sa tatlong pinagkakaguluhan ng mga babae, siya ay reklamador, mainitin ang ulo at mayabang dahil na rin sa lagi niyang ipinagmamalaki ang kanyang magandang mukha. Isa rin siyang manlalaro ng Soccer/Football. Tulad ni Isaac, siya rin ay may taas na 5'5" at katamtamang pangangatawan. Ngunit siya ay may maputi at makinis na balat.

Age: 16 year old.

Axel Sarmiento- isa sa apat na heartthrob na pinagkakaguluhan ng mga babae. Di gaya ni Daniel, siya ay mabait, gwapo at manlalaro din ng Soccer/Football. May taas na 5'4", katamtamang pangangatawan at bahagyang kayumanggi ang kulay ng kanyang balat.

Age: 16 Years old.

Allan at Allen Velasco- Ang kambal na kinaiinisan nang lahat ng mga babae sa kanilang paaralan. Kaya sila kinaiinisan ng lahat ay dahil na rin sa ugaling bastos at sa hilig nilang mamboso sa mga kababaihan. Ang Kambal ay parehong may taas na 5'1", kayumanggi at payat.

Age: pareho silang 16 years old.

Ruby Fajardo- Siya ang isa sa tinatawag na "3 bitches" ng grupo ni Emily at isa sa mga Bully sa kanilang eskwelahan. Siya ay maarte, mahilig maglagay ng kolorete sa mukha at kinaiinisan ng ilang mga estudyante. May taas na 5'3", maputi, balinkinitan at makinis ang balat.

Age: 16 years old.

Ivy Hernandes at Samantha Gomez- Sila ang mga kasama, alalay o kaibigan ni Ruby dahil sa lagi silang kasama nito. Sila din ang  tinawag na "The Three Bitches" ng grupo ni Emily at "The Bullies" naman ang tawag ng ilan sa mga estudyante. May taas na 5'3" si Samantha, samantalang 5'0" naman si Ivy, at parehong balingkinitan, maputi ngunit di gaanong kakinisan ang kanilang mga balat.

Age: parehong 16 years old ang dalawa.

Jackson Salazar- ang pangunahing Bully sa kanilang eskwelahan at takot ang lahat ng mga estudyante sa kanya dahil wala siyang sinasanto mapalalaki man o babae, maliban sa tatlong babaeng kanyang kasama. Siya ay may taas na 5'7", maskulado, may hikaw sa ilong at bahagyang mahaba ang buhok hanggang leeg. Siya ang pinakamatandang estudyante sa paaralan nila Emily dahil dalawang beses siyang hindi naka-graduate at sa kadahilanan din na makitid ang kanyang utak.

Age: 18 years old.

Sir Joey Dela Cruz- Siya ang Grade 10-A Adviser nila Emily at ang kanyang mga kaklase. Mabait, magaling magturo ngunit strikto, at prangka sa kanyang mga estudyante.

May taas siyang 5'5", gwapo, medyo maputi at makinis ang balat.

Kit Zacarias- Ang lalaking laging tahimik at puro kaweirduhan ang kanyang ginagawa. Isa din siya sa mga kaklase ni Emily sa Section 10-A at walang guro o estudyante sa kanilang paaralan ang makakapagsabi kung anu talaga ang tumatakbo sa kanyang utak. Dahil sa sobrang tahimik ng lalaking ito, minsan ay naiintriga na rin ang ilang mga estudyante, kabilang na ang grupo ni Emily na malaman ang kanyang tunay na pagkatao.

Siya ay may taas na 4'11" at halos magkasintangkad sila ni Emily. Maputi at makinis din ang kanyan balat.

Age: 16 years old.

Mrs. Maribel Sarmiento- Vice-Principal ng Seladona Junior Science High School. May taas na 5'3", maputi, makinis ang balat at sexing katawan.

Age: 44 years old

Amancio "Ansyong" Aguire Jr.- Panganay na anak ng Aguire Clan at ang pumalit na Chief Executive Officer ng Aguire Aegis Industries. May tangkad na 5'7", maputi, payat na pangangatawan, makinis ang balat at kulay abo ang kanyang buhok. Isa sa Uncle ni Kit.

Age: 45 years old

Aguire Aegis Industries- Ang pang Pangatlong pinakamayaman at pinakamalaking kumpanya sa buong bansa. At ang pinagkakatiwalaang kumpanya ng Gobyerno na tagagawa ng Bullet Proof Gear ng mga sundalo at pulis, mga Sandatang pandigma, Self-Defense Gear at Items, at kasama na ang Armored Limousine ng Presidente ng bansa.

Amelia Aguire-Zacarias- Ina ni Kit. Pangalawang anak ng Aguire Clan. May ari ng PULSE Clothing Company. Isa sa may-ari ng pinakamalaking brand ng damit. May taas na 5'3", maputi, makinis ang balat at katamtamang pangangatawan.

Age: 40 years old.

Mark Aguire- Bunso sa Aguire Clan at Director ng Aguire Aegis Industries. Isa sa Uncle ni Kit. May pagka-immature at laging happy-go-lucky. May taas na 5'5", maputi, makinis ang balat, bahagyang payat ngunit may muscles sa katawan.

Age: 25 years old.

Cordelia "Lola Delia" Aguire- Lola ni Kit at laging sumusubaybay sa kanyang apo. May taas na 5'1", maputi, medyo kulubot ang balat, payat na pangangatawan at may maputing buhok.

Age: 65 years old.

Mang Temyong- Matandang lalaki na laging lasing at nakatambay sa Store sa harap ng bahay nila Kit. Kainuman nila Eliasar at Impong. Madalas lang tumatambay si Kit sa Store para lang makinig sa mga kwento nito. May taas na 5'6", kayumangging balat, at maputing bujok.

Age: 56 years old.

Mang Saroy- May-ari ng Store na nasa harap ng bahay ni Kit at ang matandang lalaki na Referee sa mga nag-iinuman. Lolo ng Kambal na sila Allan at Allen. Siya ay may taas na 5'7", payat na pangangatawan, medyo maputi at kulubot na balat, at puting buhok na bunga na rin ng katandaan.

Age: 70 years old.

Mang Selmo- Balasador ng Baraha sa mga nagsusugal sa tapat ng Store. Malaking misteryo pa rin sa lalaking ito kung anu ang itsura ng kanyang mga mata dahil na rin sa lagi itong nakasuot ng itim na sun glasses.

Siya ay may taas na 5'5", katamtaman ang pangangatawan, kayumangging balat

Age: 55 years old.

Mang Eliasar- Matandang lalaking laging nandaraya sa sugal. Kainuman ni Temyong at Impong. May taas na 5'5", katamtaman ang pangangatawan, kayumangging balat Age: 55 years old.

Mang Impong- Matandang lalaking laging natatalo sa sugal. Kainuman ni Temyong at Eliasar. May taas na 5'5", katamtaman ang pangangatawan, kayumangging balat

Age 55 years old.

Minor Characters:

Aling Saling- Nanay ni Nina at tindera ng gulay sa palengke.

Mang Erme- Tatay ni Nina at isang Tricycle Driver.

Boché Banene- Dating manager ni Lucile na ngayon ay Empleyado na ng PULSE clothing company.

Mang Teburcio- kagawad sa Barangay kung saan nakatira si Kit.