webnovel

Chapter 1- Introducing Characters

Sa isang napakaaliwalas at tahimik na umaga, isang malakas na maingay ng dalawang taong nag-aaway ang naririnig mula sa ibaba ng kanyang kwarto.

Si Emily, ay nakahiga sa kanyang kama, at nagising siya sa ingay ng mga ito. Dahil sa ingay ito, tumayo si Emily sa kanyang kama, tsaka dahan-dahan siyang lumabas mula sa kanyang kwarto at maingat na naglakad pababa ng hagdan.

Habang papalapit siya sa pintuan ng kusina, lalong lumalakas ang ingay na kanyang naririnig hanggang sa naging malinaw sa kanyang pandinig ang pagtatalo ng dalawang tao. Kaya nagtago siya mula sa likod ng pintuan upang pakinggan ang mga nagtatalo sa kusina.

Lalaki: "LUCILE! Bakit hindi ka nagising ng maaga para magluto ng agahan?!"

Lucile: "Sorry, Honey! Napasobra ang tulog ko! H-Hindi ko sinasadya na magising ng late! Tsaka sobrang napagod din ako sa mga gawaing-bahay kahapon!"

Lalaki: "Hindi mo ba alam?! Mayroon akong appointment sa aking kliyente ngayon! At ayokong pumunta sa trabaho ng walang laman ng aking tiyan! Kaya lutuin mo na ang ulam nang MAKAALIS NA AKO!"

Nilakasan ni Lucile ang apoy sa stove at mabilis niyang niluto ang kanilang agahan. Malungkot at tahimik naman nakikinig si Emily sa likod ng pinto ng kusina at napag-alaman niyang ang ate niyang si Lucile at ang boyfriend nitong si Ramon ang nagtatalo.

Nang matapos maluto ni Lucile ang kanilang agahan, agad kumain si Ramon at nagreklamo pa ito sa lasa ng pagkain.

Ramon: "Ano ba eto?! ADOBO?! NAPAKAALAT!"

Lucile: "Eh pasensya na Honey! Hindi ko natantya yung nailagay kong asin sa mechado! Pinagmamadali mo kasi ako!"

Ramon: "Hindi mo natantya?! Sinasadya mo naman ata?!"

Lucile: "Pasensya na talaga! Hindi ko nga sinasadya!"

Hanggang sa naubos ang pasensya ni Ramon at tumayo ito sa mesa tsaka niya sinigawan si Lucile habang dinuduro niya ito sa kanyang ulo.

Ramon (angry): "PINAGTATAASAN MO BA AKO NG BOSES HA?! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, NAKIKITIRA LANG KAYO NG KAPATID MO SA PAMAMAHAY KO! KUNG HINDI MO AKO NAKILALA, HINDI MAKAKAPAG-ARAL SA ISANG MATINONG ESKWELAHAN ANG KAPATID MO! KAYA MATUTO KANG GUMALANG SA TAONG SUMUSUPORTA SAYO!"

Napaluha namang nakikinig si Emily sa likod ng pinto ng kusina habang nagagalit si Ramon at pinagsasabihan ang kanyang ate. Hanggang sa nagsalita muli si Ramon.

Ramon (irritated): "MAKA-ALIS NA NGA, KAHIT KAILAN! WALA KANG TALAGA KWENTA!"

Sa sobrang galit, kinuha ni Ramon ang kanyang business bag sabay padabog ng umalis ng kanilang bahay nila.

Pagka-alis ni Ramon, mabagal na naglalakad si Emily papasok sa kusina at nilapitan ang kanyang ate.

Emily (crying): "Ate ayos lang po ba kayo?"

Lucile (sniffs): "Oo, Emily. Ayos lang ako."

Emily (crying): "Ate? Hindi ba niya kayo sinaktan?"

Lucile: "Huwag kang mag-alala. Hindi niya ako sinaktan. Tsaka, kita mo naman. Wala ka naman nakikitang galos sa aking mukha, hindi ba?"

Emily (sniffs): "Ate? Bakit kailangan pa nating manatili sa kanya? Puwede naman tayong umalis kung gugustuhin man natin, hindi po ba?"

Sandaling hindi kumibo si Lucile ng marinig niya ang katwiran nito. Hanggang sa nagsalita pang muli si Emily.

Emily: "Kung hindi lang sana naaksidente sina Itay at Inay, siguro maayos pa ang buhay natin hanggang ngayun at hindi tayo nakikitira sa kanya."

Matapos itong sabihin ni Emily, naalala ni Lucile kung gaano kasaya at maayos ang estado ng kanilang pamilya bago maaksidente ang kanilang ng mga magulang sa karambola ng mga sasakyan, dalawang taon ang nakakaraan.

Napansin din ni Lucile na sinisisi pa ni Emily ang biglaang pagpanaw ng kanilang magulang dahil sa mahirap na sitwasyong kinalalagyan nila ngayon.

Kaya ipinaintindi ni Lucile sa kanyang bunsong kapatid ang kanilang sitwasyon nila.

Lucile: "Emily, makinig ka. Hindi kasalanan ng magulang natin ang kanilang pagkawala, kaya huwag mo din silang sisihin kung wala na sila sa piling natin ngayon. Pero sa ngayon, kailangan natin si Ramon upang makaraos tayo sa pang-araw-araw na pangangailangan natin. Tsaka kung hindi dahil sa kanya, hindi ka makakapagpatuloy sa pag-aaral, hindi ba? Kaya pagpasensyahan mo na rin siya kung ganun na lang ang pakikitungo niya sa atin."

Emily: "Pero Ate?! Bakit sa lahat pa ng mga lalaki sa mundo, siya pa ang pinili mong makasama?! Hindi mo ba nakikita?! Minamaltrato ka niyang parang katulong!"

Lucile (concerned): "Emily? Bunso, alam kong nag-aalala ka sa akin dahil sa klase ng pag-uugali na mayroon si Ramon. Pero siya lang ang may kakayahang tustusan ang mga pangangailangan natin dahil sa maganda ang kanyang estado niya sa buhay at isa din siyang Branch Manager ng isang Lending Company. Kaya siya ang choice ko. Pero, huwag mo sanang isipin na hindi kita mahal ha? Mahal na mahal kita at kailangan mong makapagtapos sa iyong pag-aaral kung gusto mong makaalis tayo sa pader niya."

Sandaling pinag-isipan ni Emily ang sinabi ng kanyang kapatid at napagtanto nyang may punto ito. Kaya humingi ng tawad si Emily.

Emily: "Ate, tama po kayo. Siya nga po ang nagtustos sa mga gastusin natin at pati na rin sa pag-aaral ko. Pero huwag po kayong mag-alala, mag-aaral po akong mabuti at kapag nakapagtapos po ako, maghahanap ako ng magandang trabaho para makaalis na tayo sa pamamahay niya. Tsaka sorry din po kanina kung naiinis po ako sa inyo. Parang kasi pinagtatakpan niyo po siya."

Lucile: "Emily, hindi ko siya pinagtatakpan. Pero pakisamahan na lang muna natin siya habang nakikitira tayo sa pamamahay niya. Kaya magtiis na lang muna tayo habang hindi ka pa nakakapagtapos sa pag-aaral. Tsaka speaking of pag-aaral, kumain ka na ng agahan at maghanda ka na din sa pagpasok mo sa eskwela. Baka ma-late ka sa iyong klase."

Emily: "Opo, Ate."

Matapos mag-usap ang dalawang magkapatid, agad kumain ng agahan si Emily tsaka siya naghanda sa pagpasok sa eskwela.

Matapos nakapaghanda at maisuot ang kanyang damit pang-eskwela, agad kinuha ni Emily ang kanyang bag tsaka siya nagpaalam sa kanyang Ate at umalis ng bahay.

Pagka-alis ni Emily, sumunod namang umalis si Lucile upang magtrabaho sa isang Mall bilang isang Sales Lady ng isang sikat na tindahan ng sapatos.

Pagdating ni Emily sa Seladona Junior Science High School kung saan sya nag-aaral, nakita niya sa hallway ang ilang mga estudyante.

Kasama na din ang tatlong babaeng naghihintay sa harap ng kanilang Classroom at binati nya ang mga ito.

Emily: "Good morning Nina! Good morning Claire! Good morning Althea!"

Nina: "Good morning din, Emily."

Althea: "Talagang pina-isa-isa mo pa kami binati ha? Anong nakain mo at parang buhay na buhay ang dugo mo ngayon?"

Emily: "Wala naman, Alt. Excited lang ako sa araw na eto."

Nina: "Talaga? Excited ka? O excited ka lang makita yung mga crush mo?"

Emily (Blushing hard): "Hindi ah! Tsaka crush mo din sila, di ba Nina? Bakit sa akin mo pinapasa ang pagkakagusto mo sa kanila?!"

Nina (Blush): "Hoy! Ikaw lang ang babaeng sobrang makabati ng "Good Morning" sa kanila kapag dumadaan yung mga pogi sa hallway!"

Althea: "Tumigil na nga kayo! Pag-aawayan niyo pa yung mga lalaking iyan! Tsaka nakikita kong paparating na yung dalawang mga bastos!"

Napatingin sa direksyon ng Entrance ng eskwelahan sina Nina at Emily kung saan nakatingin si Althea.

Masama naman ang naging tingin ng dalawang babae matapos makita ang dalawang lalaking naglalakad sa hallway.

Lalaki1: "Uy! Good Morning Girls!"

Lalaki2: "Na-miss niyo ba kami?! Pero kami, na-miss namin kayo ni Utol."

Althea: "Walang Good sa Morning kung kayong dalawa ang nakikita namin sa umaga!"

Nina: "Oo nga! Walang araw na maganda sa aming mga babae kapag kayo ang nasa paligid!"

Emily: "Allen at Allan! Tumigil na nga kasi kayo sa pambabastos at paninilip sa CR ng mga babae!"

Kilala sa bansag na Pervert Twins sina Allen at Allan dahil sa mga kalokohang paninilip ng dalawa sa CR ng mga babae.

Kaya halos lahat ng babae sa kanilang eskwelahan ay galit sa kanila. Ngunit bina-balewala ang galit ng mga babae sa kanila dahil parang nag-eenjoy pa ang kambal sa kanilang ginagawa.

Allan: "Gusto niyo kaming tumigil sa paninilip? Sige! Titigil kami."

Allen: "Basta't ipakita niyo sa amin ang ilalim ng palda ni CLAAAAAAAAIIIIIREEEEEE!"

Claire (shocked): "Huh?! ANO?!"

Biglang sinuntok ni Althea sa mukha ang dalawa sabay pinagtatadyak ang sikmura ng mga ito kung saan nawalan ang kambal ng malay.

Althea: "Asa pa kayo mga Gunggong!"

Lingid sa kaalaman ng lahat, tanging si Claire ang natitirang babae na hindi pa nasisilipan ng kambal. Kaya ganun na lang ang pagnanais nilang masilipan si Claire.

Nina: "Kaya nga! Asa pa kayo!"

Claire: "Huh?! Kit?! Kanina ka pa ba dyan sa likod ko?!"

Nagulat si Claire ng mapansin niya ang isang kaklase nilang lalaki na tahimik na nanonood sa kanilang likod.

Napalingon naman sila Nina, Emily at Althea sa direksyon ni Claire at maging sila ay nagulat din.

Althea: "Teka?! Paano ka nakarating dyan sa likod ni Claire?!"

Emily: "Oo nga! Kit! Saan ka ba dumaan?!"

Nina: "Kit! Hindi kaya, isa kang buhay na pruweba na nakapaglalakbay ka sa iba't-ibang dimension?!"

Hindi sumagot ang lalaking tinatawag nilang Kit. Sa halip, umupo ito ng nakakrus ang mga binti, binaliktad ang kanyang katawan at ipinatong ang kanyang ulo sa bag na nasa sahig habang nakasandal ang kanyang likod sa pader sabay pikit ng kanyang mga mata.

Nang mapansing tilang nagyoyoga ito, napangiwe ang apat na babae sa kaweirduhang ginagawa ni Kit.

Emily: "Grabe... Ang weird niya."

Nina: "Oo nga. Sinabi mo pa."

Althea: "Paano kaya siyang nabubuhay sa mga kaweirduhang na ginagawa niya sa buhay?"

Claire: "Wala din akong ideya."

Nina: "Pero hindi man lang niya tayo sinasagot. Parang wala siyang nakikitang tao."

Althea: "Hayaan mo na siya, Nina. Wala namang makakapagsabi sa Eskwelahan na ito kung bakit siya ganyan?"

Emily: (Ang weird nga niya. Tsaka sayang naman ang itsura niya. Pogi pa naman.)

Claire: "Guys! May panganib..."

Nina (puzzled): "Ha?! Panganib? Anong panganib?"

Althea: " Tama ka nga, Claire. Panganib nga."

Muli na namang napatingin sa hallway entrance sina Nina at Emily sa tinitihnang direksyon nina Althea at Claire.

Nakita nila ang grupo ng tatlong babae na may magagandang suot ng mga kwintas, hikaw at nakamake-up, kasama ang malaking lalaki sa kanilang likod.

Tila nagbago ang ihip ng hangin ng makita nila ang mga ito.

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination.

Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All Rights Reserve. Do not distribute, transmit, publish, modify, display or any manner without the prior permission from the author.

If you have some feedback, just comment below and it is much appreciated by the author.

Thank you and good day.

sakuranene18creators' thoughts