webnovel

Chapter 22- Half Day

Tatlong araw matapos ang mga nakakaboring at nakagawiang pakikinig ng mga estudyante sa lessons ng kanilang mga guro, dumating na din ang araw ng Biyernes. Ang huling araw sa linggong ito, bago ang hinihintay ng mga estudyante na Halloween party at Pista ng mga patay sa susunod na linggo.

Nataon naman na sa araw ding ito, magkakaroon ng meeting ang mga guro at mga staff ng eskwelahan. Kaya maagang i-dinismiss ang klase ng mga estudyante sa hapon.

Magkakaibigan at close man sa isa't isa sila Emily, Nina, Althea at Claire, may kanya-kanyang lakad naman ang mga ito.

Kung kaya't magsimula muna tayo sa oras kung saan abala sa pagkain ng pananghalian ang apat na magkakaibigan, matapos marinig ang anunsyo ng meeting ng mga guro sa hapon.

Althea: "Grabe Guys! Ang ganda talaga ng mga nangyayari ngayong araw!"

Emily: "Oo nga eh. Di ko akalain na wala tayong klase mamayang hapon. Tapos long week-end pa simula bukas."

Nina: "Tsaka huwag niyo din kalimutan na may Halloween party din tayo dito sa School next week at kinabukasan Pista naman ng patay."

Althea: "Talagang mag-eenjoy tayo sa haba ng bakasyon natin sa susunod na linggo. Pero paano pa kaya sa susunod na buwan? Eh di mas lalong mahaba ang bakasyon natin."

Claire: "Alt, papasok pa lang tayo sa buwan ng Nobyembre. Pero Disyembre na agad ang inaalala mo?"

Althea: "Aba! Siyempre, Claire! Sinong hindi matutuwa sa Disyembre?! Isipin mo? Mayroon tayong Christmas Party, tapos Pasko, tapos Simbang Gabi at ang higit sa lahat, sobrang haba na bakasyon hanggang New Year!"

Nina: "Alt, hindi naman sa sumasang-ayon ako kay Claire pero pinaabot mo na hanggang January ang inaasam mong bakasyon. Hindi ka ba nag-aalala na baka mapaaga din tayo ng graduation diyan sa iniisip mo?"

Althea: "Ha? Graduation?"

Emily: (Oo nga pala. Malapit na din pala kami mag-Graduate at huling taon na din namin sa Junior High. Parang nakakalungkot isipin na magkakanya-kanya na rin kami ng papasukang School sa Senior high.)

Sandaling hindi kumibo ang magkakaibigan matapos mapag-usapan ang tungkol sa graduation. Ngunit binasag ni Althea ang katahimikang sandaling bumalot sa kanilang pag-uusap.

Althea: "Alam niyo? Ang tumatakbo sa isip ko sa ngayon ay ang mag-enjoy na muna sa mga nalalabing oras na kasama ko ang mga kaibigan ko at mahal ko sa buhay. Kaya huwag na muna natin isipin ang graduation na yan. Total matagal pa naman darating ang graduation."

Emily: (Enjoyin ang nalalabing oras na kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay? Mukhang magandang ideya yan ah.)

Nina: "Kung sabagay, Tama ka, Alt. Kaya naman, aalis na muna ako."

Althea: "Aalis ka na agad, Nina?

Claire: "Nina, hindi pa tapos ang lunch break. Saan ka pupunta?"

Nina: "Basta guys! May importante kasi akong aasikasuhin. Kaya sa chat na lang tayo mag-usap. Buh-Bye!"

Umalis mula sa kina-uupuang mesa si Nina tsaka ito naglakad paalis ng Canteen.

Emily: "Guys! Aalis na rin ako."

Althea: "Emily? Ikaw din?"

Emily: "Oo, Alt. Naalala ko, pupunta pala ako sa Mall para mag-grocery. Kasi sinabihan ako nang Ate bago ako umalis ng bahay kanina. Kaya sa Chat na rin tayo mag-usap."

Althea: "Okay. Ingat sa daan."

Sumunod namang umalis si Emily mula sa kanyang inuupuan at lumabas din ito mula sa Canteen. Naiwan namang nagtataka sina Althea at Claire dahil sa biglaang pag-hila Nina at Emily.

Althea: "Claire, sa tingin mo? May importante ba talagang lakad sila Emily at Nina?"

Claire: "Hindi ko alam. Puwede rin naman kasi na nagpapalusot lang silang dalawa para samahan ang mga Jowa nila."

Althea: "Ahh...Oo nga pala may Jowa na pala ang dalawang yan. So? Anong plano mo naman ngayon? Wala naman tayong gaanong gagawin dito sa School."

Claire: "Siguro nga, wala tayong klase ngayong hapon. Pero babantayan ko pala ang Computer room mamayang 1 PM."

Althea: "Ha?! Babantayan mo ang Computer Room?! Pero bakit?!"

Claire: "Iniutos ni Sir Joey, bago sya umalis para kumain ng tanghalian. Tsaka may makakasama naman daw akong magbabantay din sa loob ng Room kaya huwag kang mag-alala sa akin."

Althea: "Claire, alam kong hindi ako dapat nag-aalala sayo pero sigurado akong umaaligid sa paligid yung dalawang gunggong na magtatakang silipan ang ilalim ng palda mo."

Claire: "Alam ko, Alt. Pero huwag kang mag-alala, hindi makakapasok sa loob ng Computer room ang Kambal dahil isang linggong paglilinis sa mga banyo sa bawat Classroom ang parusa sa kanila. Magmula noong nahuli ulit sila sa pagchecheat. Siguro sa mga oras na ito, nasa 3rd floor na sila ng School building at abala sa paglilinis."

Althea: "Kung sabagay, may punto ka. Siguro, mag-iikot na lang ako paligid habang hinihintay na matapos ang school hours at magsiuwian ang karamihan sa mga estudyante. Total, sa ating apat, ako lang ang walang ginagawa."

Claire: "Kung ganun, umalis na rin tayo. Kasi malapit ng mag-ala una ng hapon."

Althea: "Sige."

Matapos mag-usap sina Althea at Claire, agad tumayo at sabay na lumabas ng Canteen ang dalawa tsaka sila naghiwalay paglabas nila sa pinto upang asikasuhin ang sarili nilang mga lakad. Kung saan, sa puntong ito, magsisimula na ang ating kwento sa araw na ito.

Madako muna tayo sa Library, ilang minuto matapos umalis si Nina sa Canteen upang asikasuhin ang sarili nitong lakad.

Kung saan, abala siya sa pangungulekta ng mga nagkalat na libro sa reading area na ikinalat ng mga estudyante na gumamit rito. At upang tulungan din si Isaac sa pagbabantay sa Library.

Isaac: "Nina, salamat talaga sa pagsama mo sa akin dito sa library. Hindi ko kasi alam ang gagawin kung wala ka."

Nina: "Isaac, basta ikaw. Lagi akong handang tumulong kung may problema ka sa pagsasa-ayos at pagbabalik ng mga librong iniwan nung mga pasaway."

Isaac: "Oo, salamat talaga. Tsaka pasensya na rin kun-"

Student Boy1: "SHHHHH! HUY! Ang ingay niyo! Di niyo ba nakikita ang karatula? Nakalagay oh! Keep Silent!"

Isaac: "Ay...Sorry..."

Nina: "Ah..Okay, Sorry." (Kung makapagsita naman sa kapwa estudyante, wagas!! Siya naman itong halos sumigaw kung manita.)

Isaac: "Nina....Alam kong nadisappoint ka sa ugali nung isang nagbabasa dito. Pero pagpasensyahan mo na ha? Kasi ganyan talaga ang mga tao dito."

Nina: "Okay lang. Hindi naman ako dismayado sa ugali nila. Basta't kasama kita, hindi ako madidismaya."

Isaac: "Haha...Ang sweet naman ng sinabi mo. Dapat ako ang nagsasabi ng mga salitang iyan sayo, hindi ba?"

Nina: "Eh...Ikaw naman kasi itong humihingi ng tulong sa akin. Kaya ako na nagsabi. Pero ang mabuti pa, kunin na natin yung mga ginamit na libro at ibalik na lang natin sa shelf."

Isaac: "Oo, Mabuti pa nga."

Nagpatuloy sa pangongolekta ng mga librong ginamit sina Nina at Isaac. Nang makulekta nila ang lahat ng libro at mapansing wala na ding gaanong mga estudyante na nagbabasa sa loob ng Library, ibinalik nang dalawa ang mga librong kanilang naipon sa tama nitong mga lalagyan. Ilang minuto ang lumipas at malapit na sanang maibalik ng dalawa ang huling libro, nagulat sila ng makita ang numero at kung saan ito nakalagay.

Isaac: "Nina? Tama ba ang nakalagay na numero sa librong to?"

Nina: "Ha? Bakit naman?"

Isaac: "Kasi ang nakalagay? Number 520."

Nina: "520? Ibig sabihin nakalagay yan sa shelf na may nakalagay na....Hundred....Twenty..."

Natulala na lang bigla si Nina ng makita ang shelf na kinalalagyan ng librong kanilang hawak. Ang problema, nakalagay pala ang libro sa pinakamataas na parte ng isang malaking kabinet na may taas na 10 Feet sa likod na parte ng Library.

Nina: "Teka! Kasing taas na bubong ng bahay na namin yan ah! Tsaka sino bang tao ang nagbabasa sa librong eto?!"

Isaac: "Uhm...Nina. Habang wala ka pa kanina, nakita ko sa Log book kung sino ang nagbasa sa libro na iyan."

Nina: "Kung ganun, sino ba itong tao na ito na nagkaroon ng interest na basahin ang mabigat at napakakapal na librong ito na may Title na "The Insane Adventures of Jett!"

Isaac: "Si Kit."

Nina: (Pambihira! Minsan napapaisip na rin ako na nakakairita na rin ang mga ginagawa ni Kit sa ibang tao.)

Isaac: "Sa nakikita ko, ang tanging magagawa na lang natin ay ang kunin ang hagdan sa likod nang maibalik na natin ang librong iyan sa dapat nyang kalagayan."

Nina: "Oo. Mukha nga. Kung ganun, Pakikuha na lang ang hagdan, Isaac."

Matapos sabihan ni Nina si Isaac, agad kinuha ni Isaac ang hagdan at dinala ito sa lokasyon kung saan nila ibabalik ang librong binasa ng kanilang kaklase.

Isaac: "Heto na yung hagdan, Nina. Kaso medyo may kahabaan din itong gamit nilang hagdan dito sa library."

Nina: "Okay lang yan, Isaac. Tama lang iyan para maibalik ko na yan mabigat na libro na iyan."

Isaac: "Teka? Sinasabi mo bang ikaw ang aakyat sa hagdan?"

Nina: "Oo. Tsaka kapag ikaw ang umakyat, baka bumigay itong handan sa bigat mo."

Isaac: "Ah...Ganun ba?" (Nina, matangkad lang ako tsaka wala naman kinalaman ang tangkad sa bigat ng tao.)

Nina: "Sige. Aakyat na ako Isaac. Nang maibalik ko na itong perwisyong libro na sa dapat niyang kalagyan. Tsaka paki-alayan mo na lang yung hagdan dito sa baba."

Isaac: "Nina, Mag-iingat ka sa pag-akyat."

Pagkaposisyon ni Isaac sa hagdan, dahan-dahan namang umakyat si Nina upang ibalik ang libro. Habang umaakyat si Nina, hindi naman mapakali si Isaac dahil sa tuwing sinusubukan niyang tumingala sa itaas upang kamustahin si Nina, nakikita naman niya ang ilalim ng palda ni Nina. Ngunit hindi malabanan ni Isaac ang tukso na tumingala sa ilalim ng palda ni Nina. Kaya pinanindigan na lang niya ang kanyang ginagawa at tumingala na lamang siya sa kanyang nakikita. Hanggang sa marinig niya ang boses ni Nina.

Nina: Hayan! Nabalik ko na! Perwisyo naman yan mabigat na librong iyan! Isaac baba na ako ha?"

Pagtingin ni Nina sa ibaba ng hagdan, napansin niya ang pananahimik ni Isaac na nakatitig sa kanya. Hanggang sa dumapo sa kanyang isipan ang dahilan kung bakit hindi man lang kumikibo si Isaac at napatili na lang si Nina sa kanyang hinala.

Nina: "Aahhh! Isaac! Huwag mo kong tignan!"

Isaac: "N-Nina! Sandali! Huwag mong-!"

Bago pa man sabihin ni Isaac ang kanyang babala, agad binitawan ni Nina ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak sa hagdan para lamang takpan ang kanyang palda. Ngunit kapalit naman nun ng kawalan nya ng balanse na dahilan din para malaglag sya patalikod sa hagdan. Pagkalaglag ni Nina, sakto namang nahulog ito sa mismong katawan ni Isaac na siyang nasa ibaba ng hagdan. Ngunit nasaktan naman si Isaac sa pagkakasalo sa katawan ni Nina. Agad namang umupo sa sahig mula sa pagkakahiga ni Nina sa katawan ni Isaac.

Nina: "O...Oww.."

Isaac: "A....Araaay...Parang nabali ata ang ribs ko... O...Okay ka lang ba, Nina?....Nina?....."

Nang mapatingin si Isaac kay Nina, nakita nya ang pagdaloy ng luha sa mga mata ni Nina. Sa sandaling ito, naisip ni Isaac na labis na natakot mula sa pagkakalaglag si Nina sa hagdan. Kung kaya't bahagyang bumangon si Isaac sa kanyang pagkakahiga at lumapit siya kay Nina. Napayakap naman si Nina nang lumapit si Isaac sa kanyang tabi.

Isaac: "Tahan na Nina. Huwag ka na umiyak. Nasalo naman kita di ba?"

Nina: ....Oo nga...<sniff>.....Nasalo mo nga ako.....<sniff>.....Pero....Sobrang natakot ako!...<sniff>...."

Isaac: "Nina, walang mangyayaring masama sayo basta nandito ako. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Kaya huwag ka nang umiyak."

Nina: "....Tsaka....<sniff>...Bastos ka din..."

Isaac: "Pasensya na, Nina. Kasalanan ko din. Patawarin mo sana ako."

Patuloy na niyakap ni Nina si Isaac habang ito ay umiiyak. Niyakap din naman ni Isaac si Nina upang ito ay mahimasmasan. Ngunit nakatulog naman ito sa dibdib ni Isaac dahil sa labis na pag-iyak. Kung kaya't naisip na lang ni Isaac na gisingin na lamang si Nina pagdating ng oras ng uwian.

Dumayo naman tayo sa Soccer field, kung saan naglalakad si Althea papunta sa School Gate para bumili ng Siomai sa Store na malapit rito. Nang bigla na lang may tumamang bola ng Soccer sa kanyang ulo. Hindi man siya gaanong nasaktan pero naiinis siya sa nangyari. Ngunit lalo pa siyang nainis nang malamang si Daniel ang sumipa sa bola na tumama sa kanyang ulo.

Daniel: "Oy! Pakikuha naman ang bola! Kailangan ko kasi magpraktis!"

Althea: "Oy ka diyan?! Hindi ka ba marunong magsorry sa taong nasaktan mo?! Alam mo bang tumama sa ulo ko yung bola ha?!"

Daniel: "Eh malay ko bang tumama sa ulo mo ang bola! Hindi ko kasi nakita."

Althea: (Aba! Salbahe ka rin ha?! Sinabi na ngang tumama ang bola mo sa ulo ko! Hindi ka man lang magsorry?! Maturuan nga kita ng leksyon!)

Dahil sa hindi maayos na pakikipag-usap ni Daniel at sa pautos nitong pagpapakuha sa bola, galit na kinuha ni Althea ang bola tsaka siya lumapit kay Daniel.

Althea: "Eto na ang bola mo."

Daniel: "Uy! Salama-!"

Akala ni Daniel, iaabot ni Althea ang bola sa kanyang mga kamay. Ngunit biglang binitawan ni Althea ang bola mula sa sarili nitong mga kamay at nang makarating ang bola sa ibaba ng kanyang tuhod, Bigla itong sinipa ng malakas ni Althea. Pagsipa niya sa bola, mabilis itong tumalsik at tumama ito ng malakas sa mukha ni Daniel. Pagtama ng bola sa mukha ni Daniel, tumalsik naman ito sa malayo at pumasok sa loob ng masikip at lumang Storage Room na lalagyan naman ng mga Sports equipment na malapit din sa Field.

Daniel: "Aray! Ang sakit nun ah?!"

Althea: "Oh ngayon?"

Daniel: "Bakit mo ginawa yun?! Halos paduguin ng pagsipa mo sa bola ang ilong ko!"

Althea: "Eh bakit? Hindi ka man lang humingi ng pasensya sa pagtama ng bola sa ulo ko!"

Daniel: "Hindi ko nga nakita kanina kung tumama ang bola sa ulo mo. O kaya, baka nagsisinungaling ka lang!"

Althea: "At sa anong dahilan naman para magsinungaling ako sayo?!"

Daniel: "Eh...Baka nagpapapansin ka sa akin, tulad ng ibang babae dyan dahil sa......."

Sandaling hindi kumibo si Daniel, sabay sinuklay nito ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri sa kanang kamay na para bang inaakit nito si Althea habang may tumutulong dugo sa kanyang ilong. Tsaka siya nagsalita.

Daniel: ".......Ka-pogian ko....."

Hindi gaanong naakit si Althea sa ginawa ni Daniel ngunit bahagyang namula ang kanyang pisngi hindi dahil sa pogi ang lalaking nasa kanyang harap. Kundi sa kayabangan nito.

Althea: "Hoy! Ang kapal mo! Huwag mo nga akong itulad sa mga babaeng araw-araw na nagpapapansin sayo! Baka gusto mong sipain ko pa yan ipinagmamalaki mong gwapo na mukha?!"

Daniel: "Oy! Huwag naman! Masisira na ng tuluyan ang mukha ko niyan! Tsaka pinadugo mo na nga yung ilong gamit nung bola!"

Althea: "Huwag mo nga akong tawaging "Oy!" May pangalan ako!"

Daniel: "Oo alam ko. Althea ang pangalan mo. Nasanay lang ako na tinatawag na "Oy!" yung mga taong hindi ko gaanong kilala."

Althea: "Baka gusto mong makilala yung kanang kamao ko na dadampi sa pisngi mo?!"

Daniel: "Althea, huwag ka namang ganyan! Kawawa na ang gwapo kong mukha sa pananakit mo!" (Grabe! Ang bagsik naman ng babaeng eto! Parang hindi siya babae! Kung humingi na lang kaya ako ng tawad sa kanya nang hindi na niya sirain ang gwapo kong mukha?)

Althea: "Eh kung ayaw mo palang masira ang gwapo mong mukha, eh di humingi ka ng tawad!"

Daniel: "Patawarin mo ako kung natamaan kita ng bola kanina. Sana mapatawad mo ako."

Halos maluwa ang mga mata ni Althea sa pagkamangha ng marinig nyang humingi ng tawad si Daniel. Taliwas sa inaakala niyang magyayabang pa lalo si Daniel. Ngunit mali pa rin ang inakala nya.

Althea: "Huh? Seryoso ba yan?"

Daniel: "Oo. Pero may hihingin akong pabor sayo."

Althea: (Sinasabi ko na nga ba. Ayaw umamin sa pagkakamali ang lalaking to.) "Sige. Anong pabor?"

Daniel: "Tulungan mo akong hanapin yung bolang pinatalsik mo kanina."

Althea: "Kung yung bola ang inaalala mo, nakita kong pumasok sa loob ng lumang Storage room kanina. Hanapin mo na lang dun."

Daniel: "Sigurado ka? Baka nagsisinungaling ka lang?"

Althea: "Nakita ko nga! Doon pumasok ang bola! Kung gusto mo samahan pa kitang hanapin doon sa loob ang bola!!"

Daniel: "Oo. Mabuti pa nga. Para makita ko kung nagsasabi ka nga ng totoo o hindi."

Althea: (Hay! Ang kulit! Sinabi na ngang nasa loob ng Lumang Storage room!)

Dahil ayaw maniwala ni Daniel sa sinasabi na Althea, pumunta sila sa lumang Storage room kung saan bukas at nakatiwangwang ang pinto nito. Tsaka pumasok sa loob sina Daniel at Althea. Pagpasok nila, hindi namalayan ni Daniel na niasara pala nito ang pinto.

Daniel: "Nasaan na yung sinasabi mong bola?"

Althea: "Ehh....Sigurado ako. Nandito lang yun." (Paanong nangyaring nawawala ang bola? Nakita ko lang kanina na pumasok yun dito sa loob. Baka nasa silong lang yun ng mga kabinet na nandirito.)

Daniel: "Hay.....Baka wala naman dito at namalik mata ka lang."

Althea: "Nandito lang yun! Sigurado ako! Puwede ba?! Pakitulungan mo na lang ako sa paghahanap?!"

Bahagyang nakaramdam ng pagkataranta si Althea ng mapansing hindi nito matagapuan sa loob ng lumang Storage room ang bolang kanilang hinahanap.

Hanggang sa mahanap ni Daniel ang bolang kanyang ginagamit sa pagprapraktis at hawak na nito sa kanyang mga kamay.

Daniel: "Oy....Althea. Nakita ko na."

Althea: "Saan? Saan mo nahanap?"

Daniel: "Sa ilalim ng malaking kabinet."

Althea: "Kung ganun, naniniwala ka na ba sa akin?"

Daniel: "Oo at pasensya na kung nagduda ako sayo."

Althea: "Bakit naman?"

Daniel: "Akala ko kasi, tulad ka ng iba babae na nagpapansin sa akin."

Althea: "Gaya ng sinabi ko, hindi ako nagpapapansin! Tsaka kasalanan mo yan kasi napaka-gwapo mo!"

Daniel: "Bakit? Ayaw mo ba sa gwapo?"

Namula ang mukha ni Althea nang tanungin siya ni Daniel kung ayaw ba niya sa gwapo o hindi. Ngunit pinilit na lang magsungit ni Althea sa kabila na nagugustuhan niya ang kagwapuhan ni Daniel.

Althea: "Ehh....H-Hindi naman sa ganon. Pero ayaw ko sa mga lalaking mayabang at salbahe!"

Sandaling hindi kumibo si Daniel ng marinig mula kay Althea ang gusto nito sa isang lalaki. Hanggang sa naisip niyang alamin pa ang mga gusto ni Althea sa isang lalaki.

Daniel: "Kung ganun, maliban sa ayaw mo sa mayabang at salbaheng pag-uugali sa isang lalaki, ano naman ang gusto ugali na dapat mayroon sa gusto mong lalaki?"

Althea: "Siyempre! Mabait, magalang, maalalahanin, masipag, matalino, may pakisama sa pamilya ko at tsaka........Hoy! Bakit mo nililista sa papel ang mga sinasabi ko?!"

Daniel: "Wala lang. Bakit masama ba? Malay mo, may kakilala akong tao na katulad sa gusto mong ugali ng lalaki."

Althea: "Hay! Kalimutan mo na nga ang mga sinabi ko! Tsaka lumabas na tayo sa lugar na eto! Naalala ko, may pupuntahan pa pala ako sa labas ng Gate!"

Nang bubuksan na sana ni Althea ang pinto ng lumang Storage room, may napansin syang kakaiba sa Door knob ng pinto.

Althea: "Huh? Teka?! Ba't ayaw bumukas?!"

Daniel: "Ayaw bumukas ang alin?"

Althea: "Siyempre! Ano pa ba?! Eh di yung pinto! Naka-ilang ikot na ako sa Door Knob ayaw pa rin bumukas!"

Daniel: "Tabi ka nga saglit. Subukan kong buksan."

Nang si Daniel ang sumubok na buksan ang pinto, pina-ikot din nito ang Door Knob na tulad din sa ginawa ni Althea. Ang problema, napansin ni Daniel na nasa kabilang parte ng pinto sa labas ang Manual Door Knob at ang hinahawakang Door Knob na nasa loob ay ang Knob na binubuksan gamit ang susi. Sa madaling salita, baliktad ang pagkakalagay sa Door Knob at nakadagdag din sa pagiging palyado ng Door Knob ang kalumaan din nito. Kaya naman...

Daniel: "AAAAAHHHH! Hindi Puwede to! Kulong tayo pareho dito sa loob!"

Althea: "Hoy! Tumahimik ka nga! Wala namang magagawa yan pagsigaw mo!"

Daniel: "Kung ganun, anong gagawin natin?! Paano tayo makakalabas?!"

Althea: "Eh di gumawa ka ng paraan!"

Upang mabuksan ni Daniel ang pinto, sinubukan nitong sinipa ang pinto sa pag-aakalang masisira niya ito. Ngunit hindi niya inakala na napakatibay ng pintong kanyang sinisipa sa kabila ng kalumaan nito. Hanggang sa itinigil na lang ni Daniel ang pagsipa dahil sa pagod.

Daniel: "Hay.....Grabe. Ang tibay naman ng pinto na to. Saan ba gawa ito? sa puno ng Narra?"

Althea: "E-Ewan."

Tila napansin at nagtaka si Daniel ang biglang pananahimik ni Althea na nakaupo sa isang malaking kahon, katabi ang isang kabinet. Kung kaya't tinanong nya ito.

Daniel: "Anong nangyari sayo? Kanina lang napaka-energetic mo at halos bugbugin mo na ako sa inis. Bakit biglang natameme ka na lang diyan?"

Namumula ang mukha ni Althea at ayaw nitong kumilos sa kanyang kinauupuan na tila kinakabahan sa maari niyang sabihin kay Daniel. Hanggang sa pinilit siyang kinausap ni Daniel.

Daniel: "Oy! Althea! Ano bang problema mo?! Sabihin mo nga kung bakit ka ngayon nagkakaganyan?!"

Althea: ".....Na....Naiihi ako....."

Daniel: (WHAT?!)

Tila pinagsakluban ng langit at lupa at sunod-sunod na mga kamalasan at problema si Daniel matapos malamang naiihi si Althea at pinipilit na pigilan ang kanyang pag-ihi sa maling oras, lugar at pagkakataon. Nagsisimula na ding mapaisip si Daniel na tila may dalang kamalasan ang bolang kanyang ginagamit sa pagprapraktis.

Daniel: "Pambihira! Bakit pa sa lahat ng pagkakataon, ngayon ka pa naiihi?! Eh wala namang CR dito!"

Althea "Ehh...Hindi ko naman ginusto na maihi sa oras na ito! Tsaka talagang naiihi ako kapag.....ninenerbiyos.."

Nang marinig ni Daniel ang sinabi ni Althea, naisip nito na dahil sa pagkakakulong nila sa loob ng Storage room ang dahilan kung bakit ito ninerbiyos. Kaya ito naiihi siya ngayon.

Daniel: "Oh sige ganito, Total hindi naman tayo makakalabas dito sa malas na Storage Room na ito at tayo lang na dalawa ang nandito. Siguro, iihi mo na lang diyan sa gilid."

Althea: "Anong akala mo?! Sineswerte?! Hindi ako iihi sa lugar na ito! At lalo na diyan sa harapan mo!"

Daniel: "Kung hindi mo ilalabas yan ngayon, magkakasakit ka sa pantog! At ayoko naman na magkasakit ka nang dahil sa akin! Kaya umihi ka na diyan at tatalikod ako!"

Althea: "Si-Sigurado ka? Hindi ka ba titingin sa akin?"

Daniel: "Oo. Pangako. Hindi ako titingin sayo."

Matapos sabihin ni Daniel na hindi siya titingin kay Althea, pumunta at hinarap lang ni Daniel ang pader bilang pangako na hindi siya titingin kay Althea. Kasabay nito, ibinaba ni Althea ang kanyang pang ilalim tsaka siya umihi. Naririnig ni Daniel ang tunog ng ihi ni Althea na tumatama sa sahig, gusto man magpadala sa tukso si Daniel ngunit naalala niyang may isa siyang salita at pinanindigan ang kanyang sinabi. Habang umiihi, nagustuhan ni Althea ang paninindigan ni Daniel at sa pagtupad sa kanyang sinabi.

Kaya naisip ni Althea na may respeto din pala si Daniel sa mga babae at kailangan lang niyang lubos na makilala ito upang kanyang maunawaan ang tunay na pag-uugali nito.

Nang matapos sa pag-ihi si Althea agad niyang itinaas ang kanyang panloob at inayos ang kanyang palda tsaka niya sinabihan si Daniel na pwede na itong humarap.

Althea: "Daniel, tapos na ako."

Daniel: "Kung ganun, okay ka na? Maginhawa na ang pakiramdam mo?"

Althea: "Tsaka salamat sa sinabi mo kanina. Hindi ko akalain na concern ka din pala sa ibang tao."

Daniel: "Oo na. Walang anuman."

Althea: "So? Anong plano? paano tayo makakalabas dit-!"

Hindi pa natatapos ang tanong ni Althea, biglang bumukas ang pintuan ng Storage room. Ang problema, si Allan ang bumukas ng pinto upang ibalik ang mga gamit panglinis ng mga CR mula sa labas at nagkaroon ng maling iniisip si Allan nang makita sina Daniel at Althea sa loob.

Allan: "Teka?! Anong ginagawa nyong dalawa dito sa loob?!"

Daniel: "A-Allan?! T-Teka?! Nagkakamali ka ng iniisip! Wala kaming ginagawang-!"

Althea: "Allan! Huwag kang-!"

Allan: "Haha! Lagot kayo!"

Biglang tumakbo si Allan papunta sa eskwelahan upang ipagkalat sa lahat ng estudyante ang kanyang maling akalang nakita. Hinabol naman siya nila Daniel at Althea upang magpaliwanag.

Allan: "Hoy! Lahat kayo! May gumagawa ng milagro sa Storage Room!"

Althea: "Allan! Itigil mo nga yan! Mali ang iniisip mo!"

Daniel: "Allan!! Bubugbugin kita kapag nahuli kita!"

Matapos makulong sa Storage room ng matagal, hinabol nila Daniel at Althea ang nagkakalat ng maling balita na si Allan bago pa ito makarating sa loob ng paaralan.

Habang naghahabulan sila Daniel, Althea at Allan sa labas ng eskwelahan, madako naman tayo sa Computer room kung saan inatasan na magbantay si Claire ng kanyang guro na si Sir Joey, kasama ang dalawa pang estudyante na inutusan din ng kanyang Adviser.

Pagdating ni Claire sa Computer room, nagulat ito nang makita ang mga estudyante na mula sa iba't ibang Grade at Section na nakatambay at abala sa paglalaro ng Computer games, bilang pampalipas ng oras habang hinihintay ang oras ng uwian.

Claire: (Seryoso ba si Sir Joey? Hinahayaan nya lang na maglaro ang mga estudyante sa Computer room?! Hindi ba dapat, ginagamit ang mga Computer ng School para sa Research at paggawa ng Assignment?!)

Maliban sa mga pasaway na estudyante na kanyang nakita sa Loob ng Computer room, tila napanatag ang loob ni Claire ng makita at malaman niyang makakasama din si Axel sa pagbabantay ng Computer room. Lumapit at kinausap naman ni Axel si Claire nang makita nitong nakatayo sa pinto at tulala sa dami ng mga estudyanteng naglalaro sa loob ng Computer room.

Axel: "Aba! Claire! Inutusan ka rin ba ni Sir Joey na magbantay dito sa Computer Room?"

Claire: "O-Oo, Axel." (Hi-Hindi ako makapaniwala! Makakasama ko si Axel sa pagbabantay sa Computer room! Pero, alam ba ni Emily na magbabantay si Axel dito?)

Axel: "Ayos! Hindi na ako mababagot sa pagbabantay dito sa Computer Room!"

Claire: "Huh? Hindi mababagot? Bakit naman?"

Axel: "Kasi yung isang kasama natin dito... Ehhhhh...Mukhang abala sa pagbabantay at paninita ng mga maiingay na estudyante."

Sabay itinuro ni Axel ang lokasyon ng sinasabi nitong pangatlong kasama nila na magbabantay sa Computer room. Sinundan naman ng tingin ni Claire ang itinuturo ng daliri ni Axel hanggang sa makita nito kung sino at saan nakapwesto ang kanilang kasama.

Claire: "Huh?! Si Kit?! Tsaka anong ginagawa niya sa itaas ng Kabinet?! At paanong hindi man lang bumibigay ang Kabinet sa bigat niya?! Tsaka anong hawak niya?! Baril?!"

Axel: "Hindi, Claire. Cross Bow yung hawak niya. Tsaka wala akong ideya kung para saan nya pinaplanong gamitin yung Cross Bow?"

Hanggang sa may nag-ingay na estudyante sa PC 5 at sinampolan ito ni Kit.

Student Boy1: "YES! VICTOR-!"

Agad pinaputukan ni Kit ng hawak nitong Cross Bow, ang estudyanteng maingay.

Student Boy1: "AHK!"

Nagulat at hindi naman inakala nina Claire at Axel na ang dulo ng palaso ni Kit ay kahalintulad at kasing laki rin ng kamao na gawa sa Aluminum na bakal. Kumbaga, para ka na rin nasuntok sa mukha kapag tumama ang bala ng Cross bow ni Kit sa taong matatamaan nito. At tulad ng inaasahan, nawalan ng malay ang estudyante matapos matamaan ng bala ng Cross bow ang mukha nito. Tsaka niya sunod-sunod na pinatamaan ng kakaibang bala ang mga nag-iingay na estudyante. Nang maubusan siya ng Bala, bumaba ito mula sa kabinet upang pulutin ang mga itinira niyang mga kakaibang mga bala. Ngunit hinarangan siya ng mga galit na estudyante na kanyang sinita.

Student Boy2: "Hoy! Ang yabang mo, Kit! Gusto mo talaga ng away?!"

Student Boy3: "Huwag mo na ngang tanungin!! Hindi lang naman magsasalita yan! Upakan na lang nati-!"

Bago pa man matapos ang sasabihin ng isang estudyante para awayin si Kit, naglabas ng Flashlight si Kit at itinusok ang dulo nito sa kaaway. Tsaka biglang nangisay at tumumba sa sahig ang naturang estudyante.

Student Boy2: "Te-Teka?! Flashlight na may Taser?!"

Tumango si Kit sa sinabi ng estudyanteng mang-aaway sana kanya bilang pagsang-ayon na 2 in 1 Taser/Flashlight ang ginamit ni Kit para kuryentehin at pabagsakin ang kasama nito. Hanggang sa tinitidigan ni Kit ang estudyanteng nakatayo sa kanyang harapan.

Student Boy2: "Teka?! Sandali! Hindi na ako mag-iingay! Promise! Lalabas na ako dito sa--AAHHK!-"

At gaya sa naunang estudyante, itinusok din ni Kit ang hawak nitong Taser/Flashlight sa kasama nito na nakuryente din at nawalan ng malay. Tsaka hinila ni Kit ang collar ng damit nang tatlong walang malay na mga estudyante at inilabas mula sa Computer Room.

Nang makita ng iba pang mga estudyante ang ginawa ni Kit, naisip na lang nilang tumahimik at wag nang mag-ingay sa loob ng Computer room. Matapos nitong mailabas ang mga estudyanteng pasaway, pinulot ni Kit ang lahat ng bala ng kanyang Cross Bow at bumalik sa itaas ng Kabinet kung saan sya nakapwesto. Napangiwe na lang sila Axel at Claire sa gilid matapos makita ang mga ginawa ni Kit.

Axel: "Grabe.....Wala talagang patawad ang lalaking eto. Talagang gagawin lahat, mapabagsak lang sa lupa yung mga pasaway. Tsaka ang boring din niyang kausap kasi hindi man lang siya sumasagot. Para akong nakikipag-usap sa pader kapag sinusubukan kong makipagkwentuhan sa kanya."

Claire: "Ga-Ganun ba? Sa.....Nakikita ko....Mukhang nagagawa naman ni Kit ang resposibilidad niya bilang bantay ng Computer room...Hehehe....." (Pero hindi ko ineexpect na....Sa marahas na paraan didisiplinahin ni Kit ang mga nag-iingay na estudyante.)

Axel: "Uhmm....Kung ayos lang sayo, Claire, sa labas ng Computer room na lang tayo magbantay. Mukhang Under-Control naman ni Kit ang room. Tsaka, baka patamaan pa tayo dito ni Kit ng hawak niyang Cross bow."

Claire: "O-Oo. Ma-Mabuti pa nga."

Sa takot na mapagbalingan din ni Kit ang mga kasama nitong magbabantay, pinili na lang nina Axel at Claire na magbantay na sa labas. Pagdating nila sa labas, agad namang nag-umpisa si Axel na magkwento kay Claire tungkol sa sarili nitong mga opinion.

Axel: "Hay! Grabe! Nakahinga na rin ako ng maluwag! Kinikilabutan talaga ako kapag kasama ko si Kit. Para bang, basta ka na lang niya sasaksakin sa likod kapag maisip niyang manakit ng tao."

Claire: "Ganun ba ang pakiramdam mo kapag kasama mo si Kit? Ang sa akin lang parang normal naman siya."

Axel: "Oo. Ako nga rin! Ganun din ang tingin ko sa kanya nung una natin siyang nakaklase noong Grade 7. Kaso habang nakakasama natin siya ng matagal, ang hirap palang basahin ang takbo ng utak niya."

Claire: "Oo. Tama ka, Axel. Kaya nga, nag-iingat din ako kapag nasa paligid si Kit."

Axel: "Sa tingin mo? Saan kaya nag-aral ng Elementary si Kit? Siguro sakit siya ng ulo sa dating niyang School."

Claire: "Oo. Siguro nga."

Matapos masabi ni Axel ang sarili nitong opinion, nag-umpisa namang magtanong si Claire tungkol sa kalagayan ng relasyon ni Axel kay Emily.

Claire: "Axel, kamusta naman kayo ni Emily?"

Axel: "Uhm....Kami ni Emily? Okay naman kami."

Claire: "Okay naman kayo? Anong ibig mong sabihin?"

Axel: "Ehh...Ano....Lagi naman kaming nag-uusap. Pero hindi siya gaanong nagkukuwento tungkol sa personal niyang pamumuhay."

Claire: "Oo. Napansin ko din yun sa kanya. Hindi siya gaanong nagkukuwento tungkol sa kung anong nangyayari sa loob ng kanilang bahay."

Axel: "Ha? Hindi siya nagkukwento ng personal niyang pamumuhay? Eh di ba, mag-bestfriends kayo?"

Sandaling hindi kumibo si Claire matapos marinig ang tanong ni Axel. Kung kaya't para malinawan ang kanyang kausap, sinabi ni Claire kung ano ang talagang namamagitan sa kanilang apat.

Claire: "Oo, Axel. Magbest friends kami nila Emily, Althea at Nina mula ng nagkakilala kami noong Grade 7. Naging maganda ang samahan naming apat at madalas kaming lumalabas at tumatambay sa loob ng Mall after ng uwian. Pero sa aming apat, tanging si Emily lang ang hindi nagkukuwento tungkol sa kanyang mga ginagawa sa kanilang bahay. Kumbaga, iniiwasan niyang mapag-usapan ang sitwasyon sa bahay nila."

Axel: (Ayaw pag-usapan ni Emily ang tungkol sa bahay nila? At pilit niyang tinatago yun mula pa noong Grade 7 pa kami? May kinalaman kaya ito sa nasaksihan ko noong nakaraang araw?)

Claire: "Tsaka sa tuwing sasabihan namin si Emily na pupunta kami sa bahay nila, palagi niyang sinasabi na may pupuntahan siya at wala siya lagi sa bahay nila. Kaya magmula noon, hindi na hinihikayat si Emily na pumunta sa bahay nila."

Axel: "Ga-Ganun ba... Siguro may dahilan si Emily kung bakit ayaw niyang napag-uusapan ang tungkol sa bahay nila? Tsaka malay mo, mayroon mabuti siyang dahilan kung bakit ayaw niya kayong dalhin sa kanyang bahay?"

Claire: "Siguro nga, Axel. Pero sana man lang, si Emily na mismo ang magsabi sa amin ng kanyang mga dahilan. Makikinig naman kami kung gugustuhin niya."

Axel: "Oo. Sana nga. Tsaka parang lumalabas na wala pa rin siyang tiwala sa akin bilang Boyfriend. Pero bigyan lang natin siya ng oras, alam kong sasabihin nya rin ang kanyang mga dahilan."

Claire: "Speaking of pagiging Boyfriend, Alam ba ni Emily na magbabantay ka sa Computer Room?"

Nang marinig ni Axel ang tanong ni Claire, pabola nitong sinagot ang kanyang tanong. Hanggang sa mapag-usapan na nila ang tungkol sa pagkakaibigan at pagiging magkaklase nila noong nasa Elementary pa sila.

Axel: "Oo, Claire. Sinabihan ko siya kanina at sinabi niya rin sa akin na maggrogrocery din siya. Kaya eto, nandito ako ngayon at kasama mo sa iyong tabi."

Claire: "Hehe...Oo nga eh. Tsaka ang hilig mo talagang mambola. Kahit noong Grade 6 pa tayo, ang hilig mong bolahin ang mga Teachers natin."

Axel: "Eh siyempre! Kung kailangan mo ng mataas na grades, dapat bolahin mo ang mga matatanda nating mga Teachers. Tsaka natutuwa naman sila kapag binobola ko sila."

Claire: "Oo na. Sa sobrang pambobola mo, hindi na sila naniniwala sayo, kahit na natutuwa pa sila. Tsaka napagkakamalan tayong magjowa noon kasi sa akin mo pinapraktis yung mga pambobola mo."

Axel: "Oo nga eh. Mukhang napasobra nga ako."

Sandaling hindi nagkibuan ang dalawa matapos maalala ni Axel ang mga sinasabi nitong mga pambobola kay Claire noong nasa Elementary pa sila. Tila nailang si Axel nang maisip nito kung naapektuhan ba si Claire ng kanyang mga pambobola at nag-aalala siya na baka naniniwala pa rin si Claire sa kanyang mga sinabi. Hanggang sa lalo pang nailang si Axel nang may ipina-alala pa si Claire tungkol sa isang pangyayari noong sila'y nasa Elementary pa.

Claire: "Axel.... kung maalala mo, di ba nagkaroon tayo ng Field Trip noong Grade 6?"

Axel: "Ah...O-Oo."

Claire: "Nag-Field trip tayo noon sa isang Botanical Garden pero mga pasaway pa tayo noon. Sinabihan tayo nang Teacher natin na mag-lunch sa Reception Area pero imbis na mag-lunch, naglaro pa tayo ng tagu-taguan kasama ang ilang mga kaklase natin."

Axel: "Oo. Naalala ko din yun."

Tahimik at nakatingin lang si Axel sa sahig habang pinapakinggan si Claire dahil sa pagkailang nito sa ikinikuwento ni Claire. Nagpatuloy pa rin si Claire sa kanyang kwento.

Claire: "Tapos habang tinataguan natin yung taya nating kaklase, naghanap ako ng matataguan sa likod ng mga halamanan sa Garden hanggang sa hindi ko namalayan na may hinuhukay palang mga isang metro na butas ang mga Care Taker ng Botanical Garden. Kaya nahulog ako sa butas at napilayan yung kanan kong paa."

Axel: "...Oo.."

Claire: "Umiyak ako ng husto, matapos kong mahulog sa butas. Tapos bigla kang dumating, siguro dahil narinig mo yung malakas kong pag-iyak at sinundan mo yung pinaggagalingan ng tunog. Noong nakita mo akong umiiyak sa loob ng butas, imbes na magtawag ka ng tulong, lumundag ka din sa loob ng butas at tinanong mo ako kung bakit ako umiiyak?"

Axel: "Uhm...Medyo katangahan yung ginawa kong yun. Nakikita ko na ngang napilayan ka, tinanong pa kita kung bakit ka umiiyak?"

Claire: "Sa totoo lang, naiinis ako sa ginawa mo kapag naalala ko yun. Pero....."

Kasabay ng pagkwento ni Claire sa ginawa ni Axel sa kanilang Field Trip noong Grade 6 pa sila, ay ang pagngiti nito sa habang inaalala ang nangyari.

Claire: "Natutuwa ako, sa tuwing maalala ko yung pagpasan mo sa akin sa likod mo. Tsaka mo pinilit na inakyat yung gilid ng butas. Tapos dinala mo ako sa Reception Area. Kaso pinagalitan naman tayo nang Teacher at mga magulang natin nang malaman nila ang nangyari sa atin."

Axel: "Oo. Talagang pinagalitan tayo nang husto pag-uwi natin sa mga bahay natin. Halos hindi na nga nila ako palabasin ng isang linggo matapos ang nangyari sa Field Trip."

Claire: "Ako nga rin."

Muling hindi nagkibuan ang dalawa matapos ikwento ni Claire ang tungkol sa kanilang dalawa noong nasa Elementarybpa sila. Ilang sandali pa, binasag ni Claire ang katahimikan na bumabalot sa kanilang paligid.

Claire: "Axel....magmula noong nangyari yun, hindi mo na ako gaanong kinakausap. Anong nangyari sayo?"

Patuloy na nanahimik si Axel at hindi sinagot si Claire. Hanggang sa nagtanong pang muli si Claire.

Claire: "Axel, anong nakita mo kay, Emily?"

Nagulat si Axel nang marinig nito ang pangalawang tanong ni Claire. Ngunit sinagot naman ni Axel ang kanyang tanong.

Axel: "Ang totoo, gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam na nagmamahal sa taong hindi ko gaanong kilala."

Claire: "A-Axel?! A-Anong ibig mong sabihin?!"

Nagulat si Claire nang marinig ang dahilan ni Axel. Pero magtatanong pa sana si Claire nang biglang nag-Ring ang bell at biglang nagsilabasan ang mga estudyante mula sa loob ng Computer room. Hanggang sa nagsalita si Axel.

Axel: "Claire, mauuna na ako ha?! Kailangan ko pa kasing umuwi ng maaga. Pakisabi kay Emily na uuwi na ako ng maaga ha? Kita na lang tayo ulit bukas!"

Claire: "Teka! Sandali!"

Tsaka tumakbo ng mabilis si Axel kasabay ang ilang mga nagsisi-uwiang mga estudyante. Naiwan naman si Claire sa harap ng Computer room at naghihinala ito kay Axel na baka pinaglalaruan lang nito ang pagiging Boyfriend/Girlfriend nila ni Emily. Ganun pa man, pumasok si Claire sa loob ng Computer Room at kinuha ang kanyang bag tsaka siya naglakad na papunta sa Gate.

Pagdating ni Claire sa Gate, nakita niyang naghihitay si Althea, Nina at Isaac. Tsaka sila sabay na umuwi sa kanilang mga bahay. Ngunit habang naglalakad, nag-aalala si Claire sa sinabi ni Axel sa kanya at ipinagdarasal na sana'y hindi mangyari ang kanyang hinala.