webnovel

Chapter 21-Another Announcement

Pagdating ng kanilang guro na si Sir Joey sa loob ng classroom. Agad siyang binati ng kanyang mga estudyante at agaran din siyang nagsalita sa harap ng klase.

Sir Joey: "Good Morning Class!"

10-A Students: "Good morning din po, Sir."

Sir Joey: "Bago natin simulan ang klase, may sasabihin akong importanteng announcement para sa inyo."

Nagbulungan ang mga estudyante matapos marinig ang sinabi ng kanilang guro tungkol sa isang importanteng annunsyo. Ngunit tila hindi na nagulat ang grupo ni Emily sa sasabihin ng kanilang guro.

Emily: (Importanteng announcement? Sigurado ako, magpapaquiz siya agad sa amin.)

Nina: (Sir, lumang style niyo na po yan. Sigurado kaming surprise quiz ang sasabihin po ninyo.)

Althea: (Hindi na ako magugulat kung quiz na naman iyan sasabihin ni Sir.)

Claire: (Quiz yan. Sigurado ako.)

Sir Joey: "Guys! Makinig! Alam naman nating lahat na next week ay Nobyembre na at igugunita na naman natin ang Pista ng mga patay kung saan bibisitain na naman nating ang mga yumao nating mga mahal sa buhay? Kaya naman, ang payo ko sa inyo, bisitain niyo ang mga patay ninyo nang hindi sila ang bumisita sa inyo."

Student1: "Sir, huwag naman po kayo ganyan. Kinikilabutan ako sa payo ninyo."

Student2: "Oo nga po, Sir. Huwag naman po kayong manakot."

Student3: "Sir, Tama po ang payo niyo. Bibisitain ko na po ang matagal ko nang patay na Lola ng hindi niya ako bisitain."

Sir Joey: "Oo na at bahala kayo kung bibisita kayo o hindi. Anyway, sa susunod na linggo, magkakaroon din tayo ng Halloween party dito sa ating eskwelahan at depende na lamang din sa inyo kung gusto n'yong sumali at makisaya."

Nang marinig ng mga estudyante ang tungkol sa magaganap na Halloween party, naghiyawan at nag-ingay ang karamihan sa mga estudyante.

Allan: "Yes! Halloween Party!"

Ruby: "Is this for real? Magkakaroon ng Halloween party ang School?"

Jackson: "Hahaha! Pagkakataon ko na to para ipakita ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan!"

Samantha: "Jackson, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo? Mambubugbog ka ng estudyante sa kasagsagan ng Halloween Party?"

Ivy: "Samantha, ang akala ni Jackson sa Halloween ay araw ng pambubugbog. Kaya huwag mo ng asahan na mag-iisip yan ng tama."

Pero bago pa man mag-ingay ng husto ang mga estudyante, muli na namang nagsalita ang kanilang guro.

Sir Joey: "Okay! Tumahimik na muna ang lahat! Alam kong excited na naman kayo sa magaganap na event next week dahil first time ninyong makaka-experience na magkaroon ng Halloween Party dito sa school. Pero as usual, may bayad pa rin ang lahat ng makikiparticipate sa Halloween Party. Kaya naman, sa kasagsagan ng event, may babayaran kayong 100 pesos lang naman na Entrance Fee para sa lahat ng gustong sumali. Pero huwag kayong mag-alala dahil kasama na ang pagkain at inumin sa binayaran ninyong Entrance fee. Tsaka open din ito sa publiko, kaya asahan niyo na dadagsain tayo ng mga tao mula sa iba't ibang lugar."

Emily: "A-Ano? Dadagsain tayo ng maraming tao?"

Althea: "Wow! Masaya ang Halloween Party ng ating School kung open ito sa publiko."

Nina: "Oo nga!"

Claire: (Hmmm.....parang may mali. Di ba, Private School ang aming Eskwelahan? Bakit open sa public ang event ng aming School?)

Sir Joey: "At Guys! Bago ko makalimutan, kinakailangan na lahat ng magpaparticipate sa party ay magsuot ng kanilang Halloween Costume. Dahil hindi makukumpleto ang Halloween Party kung wala kayong Costume at may prize din na 5,000 pesos ang ibibigay sa participant na may pinaka-nakakatakot na Costume. Kaya galingan ninyo sa pagsusuot ng inyong mga Costume."

Nagbulong-bulongan ang ilan sa mga Students kung ano ang kanilang susuotin nila para sa Halloween Party.

Ruby: (Most Scary costume? Sige! Sisiguraduhin kong ako ang may pinaka nakakatakot na costume! At tatalunin kita Emily! Nang mapansin ako ng aking Axel my love!)

Ivy: (Aba? Seryoso si Ruby? Mukhang alam ko na kung ano ang isusuot naming costume ni Samantha.)

Samantha: (Kung ganyan ang mukha ni Ruby, automatic isusuot naming tatlo ang Costume na iyon.)

Jackson: (Katatakutan ninyo akong lahat sa Halloween party! Dahil uupakan ko lahat ng hindi matatakot sa akin! Hahaha!)

Emily: (Siguro, hiramin ko na lang yung Fairy Costume na ginamit ni Ate noong nasa High School pa siya. Para hindi ako sobrang nakakatakot sa mata ni Axel. Baka ma-offend siya kapag nakakatalot ang itsura ko.)

Nina: (Sa wakas! Maisusuot ko na rin ang aking Witch Costume!)

Claire: (Puting dress na lang siguro ang isusuot ko. Para mukha akong White Lady.)

Althea: (Pakiramdam ko, parang hindi Halloween Costume ang ipapasuot sa akin ng nanay ko kapag nalaman niyang may Halloween Party kami. Bakit pa kasi kailangan pang mag-Costume lahat ng sasali?!)

Daniel: (Hahaha! Ako ang magiging pinaka-gwapong Bampira!)

Axel: (Ano kaya isusuot ko? Halata na kasi sa ngisi ni Daniel na Vampire Costume ang kanyang isusuot.)

Isaac: (Bagay kaya sa akin ang Wizard costume?)

Edward: (Hahaha! Sa wakas! Magagamit ko na rin ang aking Mad Scientist Costume!)

Allan at Allen: (Ninja Costume!)

Matapos ianunsyo ng kanilang guro ang tungkol sa magaganap na Halloween party sa susunod na linggo, isinunod naman niyang inanunsyo ang isa pang mahalagang bagay na magaganap sa araw ding ito.

Sir Joey: "So Guys! Maliban sa magaganap na Halloween Party, magaganap din sa araw na ito ang inyong Surprise Quiz. Kaya naman, maglabas na kayo ng 1/2 lengthwise sheet of paper at lagyan niyo na ng bilang from 1 to 20."

Nang marinig ng mga estudyante ang biglaang anunsyo ng kanilang guro tungkol sa kanilang Surprise Quiz, nataranta at nagkandarapa sa paghahanap ng papel at ballpen sa loob ng kanilang ang ilang mga estudyante. Habang ang ilan naman ay nakihingi na lang papel sa kanilang mga katabi.

Emily: (Sinasabi ko na nga ba! Magpapaquiz si Sir!!)

Axel: (Buti na lang ginaya ko na rin ang pagrereview ni Emily kanina. Kung hindi, baka wala na naman akong mailalagay na sagot sa papel ko ngayon.)

Nina: (Buti malakas din ang "Gut feel" ni Emily at nakapaghanda kami sa Surprise Quiz.)

Ruby: (OMG! Quiz na agad?!)

Allan: (Lagot! Wala kaming na-review sa mga notebook namin ni Utol!)

Daniel: (Kainis naman! Sana nakisabay na lang ako sa pagrereview ni Axel kanina. Pero dahil wala akong nareview, dating gawi na lang ulit siguro ang gagawin ko.)

Matapos makapaglabas ng papel at ballpen ang mga estudyante, agad sinimulan ng kanilang guro ang kanilang quiz matapos nitong ilagay ang projector at ipinakita sa blackboard ang mga tanong na sasagutan ng mga estudyante.

Naging tahimik ang buong klase nang masimulan ng mga estudyante ang kanilang quiz. Maliban lang sa mga estudyanteng hindi nakapaghanda at muling dumidiskarte ang mga ito sa pangongopya sa kanilang mga katabi.

Daniel: (Pambihira talaga! Wala man lang akong maalalang sagot sa mga tanong sa harap! Siguro magkunwari na lang akong may Stiff Neck para makita ko ang sagot sa papel ni Axel.)

Habang nagkukunwaring may Stiff neck si Daniel, kakaibang uri ng pandaraya naman ang ginagawa nang Kambal na sina Allan at Allen.

Allan: (Haha! Buti nag-audio record ako ng mga lessons ni Sir nung mga nakaraan. At buti na lang, mayroon din kaming bluetooth earpiece na kulay brown na hindi mahahalata ni Sir kahit na mapadaan pa siya sa pwesto namin.)

Allen: (Hahaha!! Ang galing mo talaga, Tol!!)

Sa kabilang parte naman ng classroom, dumidiskarte naman sila Ruby, Ivy at Samantha sa pandaraya kung saan nagpapasahan ng papel ang mga ito at nakabantay sa bawat pagkilos ng kanilang guro.

Ruby: (This time, I won't allow na mahuli kami ulit na nagchecheat. I'll make sure na si Sir won't notice us.)

Ilang minuto matapos ang quiz, pinahinto ng kanilang guro ang mga nagsusulat na mga estudyante at inutusan nitong ipasa ang kanilang mga sinagutang papel sa harap ng kanilang row. Sinunod naman ng mga estudyante tsaka ito kinuha ng kanilang guro. Nang makuha ni Sir Joey ang mga papel, agad siyang nag-check sa mga ito.

Makalipas ang limang minuto, inanunsyo ni Sir Joey ang may pinakamataas na score at gaya noong nakaraan, si Kit pa rin ang nakakuha ng mataas na marka sa kanilang Quiz. Ngunit maliban sa anunsyo kay Kit, meron pa syang announcement sa klase.

Sir Joey: "Guys! Maliban kay Kit dito na nakakuha ng mataas na score, gusto kong iannounce din sa inyo na before lunch, maiiwan sa classroom ang mga pangalan na aking babanggitin."

Nina: "Ha?! May maiiwang mga estudyante dito sa room kasama si Kit?"

Emily: "Nina, sa tingin mo? Mga running for honor students kaya ang mga pinapaiwan ni Sir dito sa room?"

Nina: "Hindi ko alam. Parang mga running for honor ang ipapaiwan nya."

Sir Joey: "Okay Class! Makinig! Maiiwan sila, Daniel, Allan, Allen, Ruby, Samantha, Ivy at Jackson. The Rest, pwede nang lumabas after ng klase sa umaga."

Tila nagkaroon ng ideya ang grupo ni Emily at kasama na ang ilang estudyante sa kung ano ang dahilan kung bakit ipinapaiwan sa klase ang mga taong nabanggit. Gayun pa man, sinimulan ng kanilang guro ang bago nilang lesson sa araw na ito.

Ilang oras matapos ang klase sa umaga, nagsilabasan mula sa bawat classroom ang mga estudyante upang bumili ng pagkain at ang iba naman ay nananghalian sa Canteen. Gaya ng inaasahan ng karamihan at ng grupo ni Emily, pinagalitan ni Sir Joey ang mga ipinaiwan niyang mga estudyante dahil sa pandaraya kanilang quiz at pinarusahan ng paglilinis ng mga banyo ang mga ito pagkatapos ng klase sa hapon.

Pinagtsismisan naman ng mga napadaang mga estudyante ang mga naiwang mga kaklase ni Emily sa loob ng kanilang Classroom.

Student Girl1: "Grabe...nandaya na naman sa Quiz yung grupo ni Ruby?"

Student Girl2: "Oo. Hindi na rin sila nadala."

Student Girl1: "Pero buti nga sa kanila. Kung makapagpaalis kasi sila nang estudyante sa tinatambayang waiting shed labas, akala mo naman kung sino silang may-ari ng school?"

Student Girl2: "Kung sabagay, tama ka."

Student Girl3: "Pero ba't nasali si Daniel sa mga pinaiwan? Nagcheat ba siya?"

Student Girl2: "Hindi. Pero balita ko nangopya daw siya ng sagot sa katabi."

Student Girl1: "Kawawa naman ang Daniel ko. Siguro naging desperado na siya sa pagsagot ng kanyang Quiz. Except dun sa Kambal. Kahit idropped na sila ng Teacher, okay lang sa akin."

Althea: "Hoy! Kayong tatlong Marites! Magsilayas nga kayo diyan sa harap ng Classroom namin! Tsismis na lang kayo ng tsismis diyan!"

Student Girl1: "Ang KJ naman ng amasonang to! Maka-alis na nga!"

Student Girl2: "Oo. Sinabi mo pa!"

Student Girl3: "Amasona! Inggit ka lang kasi loyal ang pag-ibig namin para kay Daniel!"

Althea: "Bugbugin ko kaya kayo nang makita niyo hinahanap niyo ha?!"

Nagsitakbuhan ang talong estudyanteng babae nang akmang pagsususuntikin ni Altea ang mga ito.

Nina: "Alt, hayaan mo na sila. Hindi ka naman inaano."

Althea: "Hindi nga. Pero naiinis ako sa tatlong Marites na yan!"

Emily: "Tatlong Marites?"

Althea: "Oo. Tatlong Marites pero magkakaiba ang kanilang apelyido."

Claire: "Magkaibang apelyido?"

Althea: "Oo guys. Sila ay si Marites Abaya, Marites Mangaoang at Marites Quezon. Kaklase ko sila noong nasa Elementary pa kami at wala ng ginawa ang tatlong iyan kundi ang magkwentuhan."

Nina: "Grabe.....Talagang kilalang kilala mo sila ha?" (Akala ko Marites lang ang tawag sa mga tsismosa. Di ko alam na literal na tunay pangalan pala nila ang Marites)"

Althea: "Oo, Nina. Sinabi mo pa."

Matapos palayasin ni Althea ang mga Tsismosa sa harap ng kanilang Classroom, pumunta ang grupo ni Emily sa Canteen upang kumain ng pananghalian. Sumunod naman sa Canteen ang mga pinaiwang mga estudyante matapos silang sermonan ni Sir Joey at kumain na rin ang mga ito ng pananghalian.

Matapos ang pananghalian, bumalik ang mga estudyante sa kanilang mga classroom at nang tumunog ang bell, nagpatuloy ang klase sa hapon.

Ilang oras matapos ang klase sa hapon, inimpake ng mga estudyante ang kanilang mga ginamit na ballpen at mga notebook sa bag tsaka sila umuwi sa kanilang mga bahay. At gaya ng nakagawian ni Emily, uuwi na naman siyang malungkot at nag-aalala sa maari nilang kahihinatnan nang kanyang Ate sa bahay na kanilang tinitirahan.