webnovel

Chapter 20- Kataka-taka

Kinaumagahan matapos makauwi si Emily mula sa dalawang araw na camping trip nito, muling binulabog ang umaga ng ingay nang galit na si Ramon sa live-in partner nitong si Lucile.

Ramon: "HOY LUCILE! Bumangon ka na diyan at magluto ka na ng almusal natin dahil nagtext ang boss ko sa akin na maraming akong kliyente sa opisina namin at hindi pa ako nakakapagalmusal!"

Lucile: "Honey, pasensya ka na kung late na naman ako sa pag-gising kasi napagod ako sa mga gawaing bahay kahapon."

Ramon: "Wala na akong pakialam sayo kung pagod ka kahapon sa mga gawain mo dito! Bumangon ka na lang  dyan at mahuhuli na ako sa trabaho!"

Lucile: "Okay, sige honey, babangon na ako sa kama."

Agad bumangon si Lucile upang magluto ng agahan. pagdating nito sa kusina, laking gulat nito nang makitang may nakahanda ng almusal para sa kanilang tatlo.

Emily: "Good morning Ate!"

Lucile: "Good morning din, Bunso. Ikaw ba ang nagluto ng almusal natin?"

Emily: "Opo, Ate. Ako nga po."

Lucile: "Aba? Ang bait naman ng bunso ko. Tsaka buti nakapagluto ka ng maayos na almusal."

Sumingit si Ramon sa usapan ng magkapatid at nagmamadali itong inutusan ang dalawa nitong kasama.

Ramon: "Hoy! Kayong dalawa! Hindi ba kayo kakain?! Kung ayaw niyong kumain, eh di mauuna na akong kakain! Mahuhuli pa ako sa trabaho ko sa bagal ninyong kumilos dyan!"

Lucile: "Oo na honey. Pasensya na at kakain na rin kami."

Agad umupo ang tatlo sa mesa upang kumain. Ngunit sa pagkakataong eto hindi nagreklamo si Ramon sa kinakain nitong agahan.

Ramon: "Buti pa si Emily, marunong magluto ng agahan! Hindi kagaya mo, Lucile, na palagi kang palpak sa pagluluto!"

Lucile: "Grabe ka naman sa akin. Hindi ko naman sinasadyang mapa-alat o masunog ang mga pagkaing niluluto ko."

Ramon: "Talaga?! Hindi mo sinasadya?! Halos araw-araw kang nagluluto ng kakainin natin, hindi mo man lang maluto ng maayos ang pagkaing niluluto mo! Bakit hindi mo gayahin yan bunso mong kapatid na marunong magluto?!"

Bago pa man mag-away sa hapag ang dalawa nitong kasama, nagsalita si Emily upang awatin ang mga ito.

Emily: "Tama na nga po iyan Ate at Kuya Ramon! Tsaka Kuya Ramon, di ba nagmamadali po kayong pumasok sa inyo pong trabaho? Baka mahuli na po kayo kapag hindi niyo na po binilisan ang pagkain po ninyo."

Ramon: "Kung sabagay may punto ka, Emily. Dalian niyo na rin kumain diyan kung ayaw niyong mahuli din sa mga pasok ninyo."

Nagpatuloy sa pagkain ng agahan ang tatlo at nagmamadali pa rin sa pagkain si Ramon. Nang matapos kumain si Ramon, maaga itong umalis palabas ng bahay, habang ang magkapatid ay naiwan sa pagliligpit at hinugasan ang mga kinainang plato.

Habang naghuhugas ng mga plato si Emily, may biglang naisip sabihin si Lucile sa kanya.

Lucile: "Emily, okay ka lang ba?"

Emily: "Opo Ate. Okay lang po ako. Bakit po Ate?"

Lucile: "Wala lang, kasi kanina ko pa napapansin parang iba ang ikinikilos mo. May problema ka ba Emily?"

Emily: "Wala naman po, Ate. Tsaka okay lang po ako. Kaya huwag po kayong mag-alala sa akin."

Lucile: "Sige. Sabi mo eh. Pero kung may pinoproblema ka, huwag kang mahiyang magsabi sa akin ha?"

Emily: "Opo Ate."

Pagkatapos magligpit ang magkapatid, naghanda sa pagpasok sa eskwelaha si Emily at sa trabaho naman ang kanyang Ate.

Pagdating ni Emily sa school, agad siyang binati ng kanyang mga kaibigan sa labas ng kanilang classroom.

Nina: "Good Morning, Emily"

Emily: "Good morning din, Nina."

Althea: "Balik na naman sa normal ang klase natin."

Emily: "Kaya nga, Alt. Boring na naman ang araw dahil sa mga Teachers natin na mahilig mag-lecture."

Ngunit napansin ni Claire ang biglaang pananahimik ni Emily kung kaya't tinanong nya eto.

Emily: "........"

Claire: "May problema ka ba, Emily?"

Althea: "Oo nga naman, Emily. Bakit parang ang tamlay mo ngayon?"

Emily: "Wala lang to, Guys. Okay lang ako. Tsaka malapit na pala mag-ring ang Bell. Ang mabuti pa siguro pumasok na tayo sa loob ng Classroom natin."

Althea: "Emily, sabihin mo na kasi kung ano ang problema mo. Baka makatulong kaming tatlo sa problema mo diba Claire at Nina?"

Nina: "Oo nga naman!"

Claire: "Oo."

Emily: "Ano ka-kasi uhm-!!"

Bago pa ituloy ni Emily ang kanyang sasabihin, saktong dumating ang panggulong kambal upang batiin ang grupo ni Emily sa hallway.

Allan: "Good morning!! Girls!!"

Allen: "Oo nga!! Good Morning!!"

Althea: "Hay....nandito ulit ung dalawang mahilig mamboso!"

Allan: "Oy.....Alt. Hindi kami nandito para mamboso. Nandito kami para batiin kayo ng "Good Morning". Di ba, Tol?"

Allen: "Oo nga!"

Nina: "Oo daw? Pero alam naming may pinaplano na naman kayong hindi maganda kapag nandito kayo sa paligid. Kaya lumayo nga kayo sa amin!"

Claire: "Tama sina Althea at Nina sa mga sinasabi nila."

Allan: "Nakakahurt naman kayo ng feelings! Nangangamusta lang naman kami ah?"

Allen: "Oo nga!! Tsaka gusto lang namin kamustahin si Claire! Diba tol?"

Allan: "Oo, Tama!"

Althea: "Siguro hindi niyo pa rin nakakalimutan ang mga ginawa ninyong mga kalokohan sa amin doon sa Camp! At pati pa ba naman dito sa school, may plano pa kayong bosohan si Claire?!"

Nina: "That is correct, Althea, sa mga sinasabi mo!"

Allan: "Wala kaming pinaplanong masama. Promise namin yan!"

Allen: "Oo nga!"

Nina: "Promise daw? Sa tingin niyo, maniniwala pa kami sa mga pinagsasasabi niyo sa amin ha?!"

Althea: "Oo nga!"

Nang mapansin ni Claire ang pananahimik ni Emily, kinausap niya ito upang alamin ang nilalaman ng isip ni Emily.

Claire: "Emily? Wala ka ata imik dyan? Okay ka lang ba talaga?"

Emily: "Okay lang ako Claire. Kaya huwag mo na ako aalalahanin pa."

Claire: "Sigurado ka ba?"

Emily: "Oo naman."

Biglang sumingit sa usapan ang mga kaibigan ni Emily at Kambal kay Claire at Emily.

Allan: "Emily, sabihin mo sa amin kung sino ang nang-aaway sayo para maupakan namin ni utol?!"

Allen: "Oo nga! Para naman hindi ka na niya saktan ng ganyan."

Althea: "Wow naman guys. Ipagtatanggol niyo si Emily sa nanakit sa kanya? Samantalang hindi niyo nga kayang protektahan ang mga sarili ninyo sa pambubully ni Jackson."

Allan: "Althea, ibang sitwasyon kasi ang katulad ni Jackson. Malaki siya at matangkad. Kaya hindi namin siya pinapatulan."

Nina: "Ang sabihin niyo, sadyang madali lang kayong upakan ni Jackson. Kaya huwag na kayong mag-abala pang protektahan si Emily kung kayo lang naman ang kawawa sa huli."

Althea: "Oo nga."

Allan: "Hindi ba kami puwedeng maging concern kay Emily? Kahit minsan lang?!"

Althea at Nina: "Hindi!"

Allen: "Bakit hindi?"

Nina: "Hindi. At sumunod na lang kayo."

Althea: "Tama si Nina. Kung ayaw n'yong ako mismo ang mangpilipit sa mga leeg niyo."

Magkasamang iniunat ni Althea ang kanyang mga kamay paharap kung saan lumagatok ang kanyang mga daliri. Sinyales ito na handa na siyang sakalin ang dalawang lalaking kanyang kinaiinisan.

Allen: "Okay! Susunod kami. Madali naman kaming kausap ng kapatid ko. Di ba, Tol?"

Allen: "Oo nga."

Althea: "Good! Atleast nagkakaintidihan tayo. Tsaka malapit na rin magsimula ang klase kaya ang mabuti pa, pumasok na tayo sa loob ng classroom."

Allen: "Oo. Mabuti pa nga." (Grabe. Nakakatakot palang magbanta ang babaeng to.)

Pumasok ang mga grupo ni Emily, kasama ang Kambal sa loob ng classroom. Pagpasok nila, tuwang-tuwa si Nina dahil nakita niya ang kanyang jowa na si Isaac na nakaupo sa upuan at naghihintay sa kanya..

Nina: "Good morning, Isaac."

Isaac: "Good morning din, Nina."

Nina: "Kanina ka pa ba dyan sa loob ng classroom natin?"

Isaac: "Ahh....Hindi Nina. Kararating ko lang. Pero sabi ni Edward, pinaka-una daw dumating si Kit dito sa room."

Nina: "Ha? Siya ang pinaka-una?"

Isaac: "Oo. Pero ang ipinagtataka ni Edward...."

Nina: "Ipinagtataka ang alin?"

Isaac: "Pagbukas ni Edward sa room, nakaupo na si Kit sa kanyang upuan at nakasimangot na nakatitig sa pinto. Kaya nagtaka siya kung paano nakapasok si Kit sa Classroom? Tsaka sabi pa niya, naka-lock naman ang pinto at bintana. Kaya sobrang siyang nagtataka kanina."

Nina: "Aah....Ganun ba? Oo nga. Nakakapagtaka nga yun. Sige, uupo na rin ako sa upuan ko. Baka kasi biglang dumating ang Subject Teacher natin."

Isaac: "Okay, Nina."

Nina: (Grabe....Tao pa ba itong si Kit? Kahit sinong tao, magtataka talaga sa ginawa niya?)

Umupo ang grupo ni Emily sa kanilang mga upuan at hinihintay na lamang ang pagdating ng kanilang Subject Teacher. Magkalipas ang ilang minuto, dumating sina Daniel at Axel sa classroom. Ngunit si Ruby, biglang hinarangan si Axel sa pinto.

Ruby: "Good morning, Axel my love!"

Axel: "Ano bang problema mo, Ruby? Bakit nakaharang ka dyan sa pinto?!"

Ruby: "Grabe ka naman, Axel. Hindi ba kita puwedeng batiin man lang ng "Good Morning" ha?"

Axel: "Puwede pero hanggang bati lang. Tsaka sigurado ako na may iba ka pang pakay kaya ka humaharang diyan sa pinto."

Ruby: "Eh bakit, Axel? Masama bang humarang sa pinto? Makita ka lang? Tsaka puwede mo pa naman akong maging Girlfriend kung aagawin kita mula kay Emily."

Axel: "Huwag mong subukan na gawin pa yan dahil hindi naman kita gusto. Okay? Kaya tumabi ka na diyan sa pinto."

Ruby: "Axel, anong nagustuhan mo kay Emily? Why do you like her?"

Axel: "Simple lang, Ruby. Mabait siya at hindi siya maarte."

Ruby: "Puwede ko naman gawin yung mga ginagawa ni Emily sayo ha."

Axel: "Hindi kayo magkatulad ng ugali ni Emily. Kung maaari lang, Ruby. Umalis ka na lang diyan sa pinto."

Daniel: "Oo nga naman, Ruby. Tama si Axel sa mga sinasabi niya sayo. Tsaka lumayas ka nga sa pinto! Hindi lang si Axel ang papasok sa loob ng room!"

Habang pinapakinggan ang pag-uusap nila Axel, Ruby at Daniel sa pinto. Tahimik namang nakikinig si Edward sa kanyang upuan malapit sa pinto.

Edward: (Grabe ka naman Daniel. Babae pa rin yan kausap mo. Hindi ba marunong makipag-usap eto ng maayos? Tsaka isa pa, napansin kong nasasaktan si Ruby sa mga binibitawang salita ni Axel sa kanya.)

Axel: "Ano, Ruby? Hindi ka pa ba aalis dyan?"

Ruby: "Okay, fine!"

Walang nagawa si Ruby sa mga sinabi ni Axel kaya tumabi na lang siya at hinayaang pumasok ang dalawang lalaki. Sa pagkakataong ito, lalo lang nainis si Ruby kay Emily.

Ruby: (Kung ayaw mo, Axel my love, sa akin. Then dapat hindi din kayo pwedeng maging magjowa ni Emily!)

Nilapitan naman ni Axel ang kanyang girlfriend na si Emily at kinausap ito.

Axel: "Anong ginagawa mo ngayon, Emily?"

Emily: "Ah eto ba? Nagbabasa ako ng mga notes natin noong mga nakaraan."

Daniel: "Bakit naman, Emily?"

Emily: Baka sakaling may quiz ulit kay Sir Joey. Kaya nagrereview na ako."

Axel: "Oo nga pala. Si Sir Joey, mahilig palang magpaquiz sa atin yun ng biglaan."

Edward: "Buti pina-alala niyo sa amin na mahilig siyang mag-surprise quiz. Magrereview na rin ako para may maisagot din ako."

Daniel: "Okay. Ako din."

Nagreview ang ilan sa mga 10-A students upang hindi mapagalitan at maparusahan ng kanilang guro na si Sir Joey sakaling magpa-quiz ito. Ang ilang naman sa mga estudyante ay patuloy lang sa pakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaibigan.

Hanggang sa dumating at pumasok sa kanilang kwarto ang kanilang guro.