webnovel

Prologue

Ito ay gawa sa isang piksyon. Ang anomang pagkakahalintulad ng mga pangalan, pangyayari, lugar at kung ano pa man ay nagkataon lamang at di sinasadya. Babala sa makulit na imahinasyon ng inyong baguhang manunulat. Inaasahan ang matinding pang-unawa habang nagbabasa.

Inaasahan ang mga pagkakamali sa gramatika kaya inaasahan ang inyong pang-unawa.

-------------

Isang matikas na lalake ang naka-upo sa kanyang trono sa loob ng palasyo. Kapansin pansin ang kanyang gintong korona na nakapatong sa ulo nito, maging ang kanyang kasuotan ay kulay ginto.

Makikita sa kanyang mukha ang kalmado at seryosong expresyon. Tinatapik tapik ng kanyang hintuturo ang upuan na kanyang inuupuan, senyales na meron siyang hinihintay.

Di nga nagtagal ay isang maputing nilalang ang biglang nagpakita sa kanyang harapan, ngunit ang mas nakakamangha dito ay ang mga kumikinang na kulay puting pakpak sa kanyang likuran. Marahan itong yumuko upang magbigay galang sa lalakeng naka-upo sa trono.

"Mahal na hari, ngayong araw na ang itinakda" malumanay na sabi ng nilalang.

Yumuko ang hari at huminga ng malalim. "Oras na para siya ay umuwi, sa kanyang totoong tahanan, na kanyang paghaharian. Humayo ka at tuparin ang ating napag-usapan"

Muling yumuko ang nilalang sa hari at biglang nabalutan ng liwanag ang kanyang buong katawan bago tuluyang naglaho.

Samantala ang hari ay may galak na ekspresryon na makikitaan sa kanyang mukha. 'Sapat na ang labingwalong taong pangungulila. Muli, tayong dalawa ay magkikita at pagharian at protektahan ang buong kaharian ng Manta. Anak.'