(Shantell POV)
Tinanggal ko ang headphone sa aking ulo matapos ko mapatay ang final boss sa isang larong kinaaadikan ng mga kapwa ko players. But sorry sila, I manage to defeat the boss together with my team and we are the first team who finished the game.
Tumayo ako at inunat unat ang aking katawan. Napatingin ako sa orasan at madaling araw na pala. 2:30 am to be exact.
Uminom ako ng gatas na tinimpla ko kanina pa kaya naman malamig na ito ng ininum ko bago tuluyang pumunta sa kama at natulog, bago tuluyang sinara ang aking mga mata ay bumulong ako sa aking sarili na may mapaklang ngiti sa labi. 'Happy birthday self'
8:30 am ay muli akong nagising gawa ng ingay ng aking alarm clock. Ilang oras lang ang tulog ko pero okay lang. Babawi nalang ako mamaya.
Well as you can see, I live alone in this condo unit, nag-aaral din ako sa isang kilalang university, ibig sabihin nun mahal ang tuition fee.
Nagtataka kayo kung bakit naaafford ko ang ganitong lifestyle? Well kahit ako nagtataka din. You know why? Buwan buwan akong nakakatanggap ng pera sa aking bank account. Noong una pinaimbistigahan ko ito pero wala, as in wala akong nakuhang sagot kaya hinayaan ko nalang at ipinagpasalamat ang lahat.
Hindi rin kaso saken ang tuition fee since I am a scholar, as long as namemaintain ko ang spot ko sa top 1 at mataas na grades.
Some says I am a gifted child, talented, matalino, maganda, and other positive adjectives. But not for me. I feel empty. Lumaki ako sa isang bahay ampunan. When I am at the age of 4, may mag asawa ang umampon sakin. May kaya sila sa buhay since pareho silang may trabaho, mabait din but then namatay sila sa car accident when I was in the age of 7.
Today is the end of the month of June, pumunta muna ako sa bank to check my balance. Pagkalabas ng resibo ay naningkit ang mata ko, dalawang buwan na simula ng huminto ang nagbibigay ng pera sa account ko. Hindi naman ako nababahala since I still have 10 million, pero nakakapagtaka lng.
Umalis na ako doon at dumeretso sa university. I am a second year student, IT ang course ko. Pagdating ko sa IT building ay napangisi ako dahil kaliwa't kanan nanaman ang nagtatanong on how to defeat that boss. What is the strategy at kung ano ano pa. Since tapos ko naman na yun ay binigyan ko ng advice ang mga classmates ko.
Pumasok ang prof namin na si miss Gabriella, kaya nagkaroon nanaman ng hugis puso ang mata ng mga kaklase kong lalake. Well Miss Gabriella is 25 years old and trust me para siyang anghel, ang ganda niya.
"Goodmorning Class" malumanay pa nitong sabi and we responded of course.
Ngumiti si miss Gabriella bago muling nagsalita. "I would like to congratulate miss Reese for clearing the game." Naghiyawan naman ang mga kaklase ko samantalang ako ay ngumiti na lamang.
Tinotolerate ng aming prof ang aming pagiging gamer since makakatulong daw ito in the future kung sakaling gagawa na kami ng sarili naming games. Yung iba nga na games ay siya mismo ang nagrerecommend sa amin as long as we know our limitations, ibig sabihin okay lang maglaro as long as don't let your acadamics failed.
After our class ay patungo ako sa office ni miss Gabriella since pinapunta niya ako dito. Naabutan ko itong may hawak na gintong memory. Iniisip ko na isa nanaman itong klase ng laro.
"Maupo ka muna" sabi nito na sinunod ko naman.
"Miss Reese, I recommend you this," sabay abot sa akin ng gintong memory. "This will be the last game that I will give to you, and I'm sure that the emptiness that you feel will all fulfill."
Nasa elevator ako papunta sa condo ko, hawak hawak ko pa din ang gintong memory habang iniisip ang mga huling sinabi ni miss Gabriella. Anong alam niya sa buhay ko? O bakit parang may alam siya?
Kinakabahan ako habang nagloloading sa screen ng computer ko ang memory na binigay niya. Hindi ko na nagawang magbihis at dali dali na itong itry. Naeexcite ako at the same time kinakabahan!
100% successfully loaded. Ayan ang nakikita ko sa screen, napakunot ang noo ko dahil wala namang nangyari o lumabas na game or kahit link. Susubukan ko na sanang kunin ang memory ng biglang isang bilog na itim ang nabububuo sa screen.
Pinagmasdan ko itong mabuti, I also try to click the portal or what is it called. Ngunit walang nangyari. Ngunit ilang segundo lang ay napabalikwas ako ng tayo at napaatras, napapikit din ako ng aking mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa screen ng aking computer! What the Eff!!
Nakaramdam ako ng hilo, at parang hinihila ako ng computer papasok dito. Nataranta akong kumapit sa aking kama ngunit wala itong silbi dahil maging ito ay natatangay! Ano bang nangyayari!!
Tila mas lumala pa ang pagkahilo na aking nararanasan, maya maya pa nga ay tuluyan na akong napabitaw sa kama. Naramdaman ko na lamang ang pag-ikot ng aking paligid at ang tuluyang pagkawala ng aking malay.
(Someone's POV)
Nakayuko ako sa harap ng isang lalake, ang hari. Ang hari na pinamumunuan ang isang kaharian ng Manta. Lahat ng mamamayan ar nirerespeto ito dahil sa taglay nitong talino at lakas. Hindi ko magawang tignan ito sa mga mata kaya nakayuko lamang ako.
"Naramdaman ko ang pagbukas ng lagusan sa isang maliit na nayon. Sabihin mo sa akin kung tama ang hinala ko" malumanay nitong sabi.
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. "Mayroon pa po ba akong maipaglilingkod mahal na hari?"
"Maraming salamat sa paggawa ng misyon na ito, ito ay isang hindi mababayaran na utang na loob. Sa ngayon nagpapasalamat ako ng lubusan maging sa iyong angkan. Tapos na ang iyong misyon kaya maaari ka ng umalis"
Muli akong tumango ngunit nababakas ang pag-alala sa aking mukha. Kaya napilitan akong tignan ang hari sa kanyang mga mata.
"Ngunig mahal na hari, ayaw niyo po bang gabayan ko muna siya? Masyadong delekado sa kanya ang mga bagong bagay."
Sa loob ng mahabang panahon, nakasama at nakikita ko siya kaya hindi na siya iba para sa akin. Para ko na din siyang kapatid.
"Ang kanyang pag-eensayo ay magsisimula na, hahayaan ko siyang matuklasan ang kanyang sarili maging ang mundong kanyang ginagalawan. Matalino siya kaya alam kong mapagtatagumpayan niya ang pagsubok na ito. "
Ayan ang huling katagang sinabi ng hari bago ako lubusang umalis sa kastilyo. Tapos na ako sa lugar na ito kaya mas mabuti kung ako ay umuwi sa kinabibilangan kong angkan, ang mga anghel.