"Ikaw ha may hindi ka sinasabi sa'kin, kaya pala palagi ka sa mga program ng hospital dahil sa kan'ya ha," pang aasar niya pa sa'kin. Napairap nalang ako sa mga sinasabi niya. Marami siyang tinatanong kung ano ano tulad ng kung type ko ba si Migo o ano pa! Yun?Type ko? Sa panget ng pag mumukha at ugali non magugustuhan ko yun? Kung kuya niya pa, pasok sa standards ko.
Nandito kami sa condo ni Kuya Rail, nag papahinga. Hindi niya parin ako nilulubayan sa pang aasar. "Kayo na ba?" kinikilig niyang tanong. Agad akong umiling habang nag luluto para sa hapunan namin.
Pinandirihan ko ang tanong niya."Hindi ah! Kadiri naman." Halos masuka ako nang sabihin niya yun.
"Bakit hindi? I mean he's so nice and besides I think he likes you. You guys are really like couple. Ayaw mo ba sa taga ust na magaling mag tennis na engineering and plus gwapo pa at matalino? Kung ako saiyo jojowain ko na agad yan! Tsaka anong edad mo na ba? 23 diba? Para ka namang 18 kung umasta eh!"
Napailing ako sa sinabi niya. "No way," i whispered. "No...over my dead body. Kahit pa ata kung sino siya o anak man ng pangulo yan, hinding hindi ko yun papatulan. I swear Kae ayoko,"
"Naku baka mamaya kainin mo yang sinabi mo na hindi mo siya magugustuhan."
"Iw kae. My standards is so high at wala pa siya sa kalahati non."
"Naku ha baka nag sisinungaling ka lang. Sige na sabihin mo na ano ba talaga kayo?"
Humarap ako sa kaniya, nag dadalawang isip kung sasabihin ko ba yung nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim bago nag salita.
"I like someone....."
"Migo?"
"Dr. M-martin." Napaawang ang labi niya ng marinig kung ano ang sinabi ko. Tinawag ko ang pangalan niya at tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala.
"Mag bestfriend talaga tayo! Parehas tayo ng standards hay naku!" Bigla siyang sumigaw at kinurot ako, kilig na kilig pa nga. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil suportadong suportado siya. Habang kumakain kinukwento ko sa kaniya kung paano kami nag kakilala, kung saan at kailan.
Nag daan ang mga araw at bumalik nanaman ako sa tahimik na buhay na walang maligalig na tao ang nang b-bwiset. Nandito ako sa cafeteria at nag re-review para sa exam namin. Nang tawagin ang pangalan ko agad akong dumako sa counter. My jaw dropped when I saw him again.... Migo. Nakasuot siya ng pang laro kaya naman alam na alam ko na agad kung bakit nandito siya. Nagulat siya nang nakita ako pero mas nagulat siya sa pag tawag ng barista sa kan'ya at sa binigay nitong milktea.
"Mr. Yvo." Tinignan niya ang iniinom niya at nakitang may naka pangalan dun na 'Ruth'. Inis ko siyang tinignan!
Tumalikod na ako at ramdam na ramdam ko ang pag sunod niya saakin.
"Hoy avery sorry.... hindi ko alam tinawag din yung sa akin kanina eh." Hindi ko siya pinansin at umupo nalang para mag review. Umupo siya sa tapat ko at ibinigay sa akin ang in-order niyang milktea. May nakasulat dun na name na 'Yvo'. I rolled my eyes and refused to take it. "Tanggapin mo na yan parehas lang naman ang flavor eh," pamimilit niya.
Padabog ko iyong binuksan at ininom at nag review. Tahimik lang siyang tumitingin sa mga binabasa ko na para bang walang maintindihan sa mga ito, tama ngang yvo name mo silent y VO-BO!
"Hoy Migo tara na daw sabi ni coach!" Isang lalaki ang lumapit sa amin. Dumako ang tingin niya sa akin at nag palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa. "Nag da-date pala dito, nakakahiya naman. Miss pwede ko bang hiramin tong kaibigan ko?" Tinaasan ko siya ng kilay at umakto naman siya na parang takot na takot.
"Bakit ka nag papaalam sa'kin? Hindi ko naman ka-ano ano yan." Padabog kong niligpit ang gamit ko at kinuha ang milktea na iniinom ko. Maaga pa kaya pwede pang kumain sa room. Nasamid sa iniinom na tubig si kae na para bang may nakita saakin na kakaiba.
"Yvo pa nga, diba ang name ni Migo ay Miguel Yvo Santos ikaw ha kaunti nalang pag kakamalan kong pinag sasabay mo silang dalawa." I rolled my eye's and finished drinking my milktea. Agad ko itong tinapon.
"Bwiset ka talaga," i whispered.
Nang matapos ang exam nag aya si Kae na pumunta sa dapitan. Hassle andaming tao. Kumain kami ng kwek kwek at kung ano ano pa. Gutom na gutom ako kaya naman marami akong binili. Umupo muna kami sa may mini bench at pinag masdan ang mga taong nag kukumpulan. Bumuntong hininga ako at kumain nalang napapaisip kung kailan kaya ako magiging malaya katulad nila.
Im here in the terrace, i feel someone staring at me. I saw my mom. She walks and sit besides me.
"How are you?" she asked. Should i say that im not okay anymore that i don't want to do this shit anymore.
"Im fine." I looked away. Naiiyak ako pero pinilit kong pigilan dahil ayokong maging mahina sa harapan niya. Narinig ko ang buntong hininga niya, may sasabihin pa sana siya pero sinabi niya nalang na inaantok na siya. I wiped my tear's and go to my room.
Gusto kong magalit sa kanila, paano nila natitiis na pag masdan ako at panoorin na nasasaktan at nahihirapan? Paano nila nakakayanang sabihin na masaya ako sa kursong pinili nila? Paano nila natatanong sa akin kung okay lang ba ako? Kung kamusta ba ako? Isa pa bang tungkulin ng magulang yan?
Wala akong sa wisyong pumasok kaya naman napansin ito kaagad ni Kae at Achilles pero imbis na kausapin ako ay nanatili nalang silang hindi ako kausapin. Kalmado lang ako buong araw at hindi na nag sasalita pa. Habang nag lalakad kami papuntang lab, nangunot ang noo ko ng biglang may tumawag saakin.
"Hello?"
[Hi Doc! Free ka ba ngayon? Isasauli ko sana itong coat mo nandito ako sa cafeter--.] Binabaan ko siya ng tawag at pinatay ang cellphone ko para walang istorbo. Na-bwiset ako nang marinig ko nanaman ang boses ni Migo. Bwiset na nga ako kanina mas na bwiset pa ako ngayon.
Nang matapos ang performance namin, binuksan ko ulit ang cellphone ko at nakita ko kung gaano karami ang missed call.
'48 calls?'
Nag paalam ako kay Kae na pupunta lang ako saglit sa cafeteria. Inayos ko ang coat ko bago pumasok sa loob.
"Ohh." Abot niya saakin ng isang paper bag. Tinanggap ko ito at nag tataka kung bakit mabigat eh hindi naman mabigat yung coat ko. Pinag masdan ko siya at napag tanto na naka suot siya ng mask at at jacket, feeling artista lang." Sorry pala sa nangyare kahapon hindi ko talaga sinasadya kase naman yung baris--," hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng biglang pumasok si Kae na hingal na hingal. Agad dumako ang tingin niya saakin at lumapit.
"Ruth! Oh my gosh! Andyan yung crush mo!" Nanlaki ang mata ko at sinenyasan siyang huwag maingay dahil nasa likod ko lang ang kapatid ng tinutukoy niya. "Tara na andyan si Doc Martin!" Mas lalo lang lumaki ang mata ko sa binanggit niyang pangalan. Hinigit niya ang palapulsuhan ko at tatakbo na sana ng biglang mag salita si Migo.
"Ano?" Parehas kaming natigilan. Mabilis ang tibok ng puso ko at parang ngayong araw ay mabubuking na ako. Sa ngayong mga oras gusto ko nalang bumuka ang lupa at kainin ako ng buhay. Dumako ang tingin niya sa akin, hindi manlang siya kumukurap! Tinitignan niya akong mabuti at tinitignan kung tama ba ang narinig niya.
"Gusto mo yung...kapatid ko?"