\
\\
...
Ang tribo ay inatake ng kanilang kalaban. Namatay sa pakikipaglaban ang pinuno. Kaya ang pumalit sa puwesto ay si Talahib. Nais ni Talahib makipagisang dibdib kay Luntian. Hindi pumayag si
Luntian. Dahil labag ito sa kanyang kalooban. Kaya nung gabing iyon na syang dapat makipagisang dibdib siya kay Talahib, inaanyaya niya si Ceith na tumakas at lumayo sa tribo.
Naglakbay sila sakay ng isang kabayo. At nakarating sila sa matataas na bundok. Hangang sa napadpad sila sa isang kuweba.
Sabi ni Luntian, "Dito sa kuweba na ito naninirahan ang isang pantas na sinasabi ng aming nakakatanda. Sa kanya natin malalaman kung paano tayo makakaalis sa daigdig na ito."
At naglakad sila papasok sa loob ng malaking kuweba. Si Ceith naman ay nagrereklamo dahil sa maraming mga insekto na kumakagat sa kanyang binti, "Bastusin naman talaga ang mga insekto na ito!"
Nang napasok nila ang sulok ng kuweba, natagpuan nila ang pantas na sinasabi nila.
Tinanong sila, "Ano ang ginagawa niyo rito? Siguro magnanakaw kayo. Nais niyo nakawin ang aking naitabing pagkain."
Nagpaliwanag agad si Ceith, "Naku! Hindi po, Lolo. Katunayan, napadaan kami dito. Sinamahan ako ni Luntian. Sabi kasi niya, kayo raw makakatulong sa amin kung paano kami makakaalis sa daigdig na ito. Hindi kami taga rito. Sa katunayan, napadpad lang kami rito dahil sa mga kuwintas na suot namin."
Nakita ng pantas ang mga kuwintas na suot nila. Sabi niya, "Ah! Magaganda ang mga kuwintas na iyan. Yari sa pilak. Ang pinakamatibay na mineral."
Saka sila pinaupo ng pantas para makinig sa kanyang isalaysay, "Ang mga kuwintas na iyan ay syang makakatulong sa pagbasak kay Duke Remingham, ang tiyuhin nina Haring Felipe at Prinsesa Monica. Sa pagkakaalam ko, ang kuwintas na iyan ay niregalo ng isang makapangyarihan na pantas sa kanilang mga ninuno. Hangang naipasa na ito sa kani-kanilang mga kaapu-apuhan. "
Taka ni Ceith, "Ha? Marahil ang matanda nagbigay sa akin nito ay isa ring pantas. At miyembro siya ng pamilya ni Haring Felipe."
At inalok na ng pantas sila kumain ng hapunan.
"Mukhang gutom na gutom kayo. Tara, saluhin natin itong niluto ko." sabi niya.
At sabay silang kumain sa hinanda ng pantas.
\
\\
...
-END-