webnovel

Chapter Four

\

\\

...

"Tulungan natin sila, Ceith. Ang kanilang kaharian ay nanganganib. Kalat na sa buong kapuluan ang trahedya. At ang mga kuwintas na ito ay siyang patunay kaya napadpad tayo rito. Sinasabi ko ito sa iyo, dahil katulad mo rin ako. Hindi rin ako kabilang sa tribo. Dayo rin ako. Marahil may mahalaga tayong misyon kaya napadpad tayo rito." sabi ni Luntian.

Nagtataka si Ceith sa sinasabi ni Luntian, "Hindi kita maintindihan. Ibig sabihin, hindi ka taga rito? At marahil galing ka rin sa daigdig ko?"

At pinagpatuloy pa ni Luntian ang kuwento, "Wala akong maalala sa nakaraan ko. Hangang sa nakita na lang ako ng pinuno ng tribo na palakad-lakad sa damuhan. At kinupkop na rin nila ako."

Nang sila ay umuwi na sa kuta ng mga tribo, doon na rin sinalaysay ng pinuno kung paano niya nakita si Luntian.

"Noong panahon na iyon, kaming mga kalalakihan ay nangangaso sa kagubatan para makahanap ng makakain. Nakita namin ang isang napakagandang bata. Siya ay iyak ng iyak at tila takot na takot. Dinala namin siya sa tribo at aming kinupkop. Tinuring namin siyang tunay na anak at pinangalanan namin siyang Luntian."

Kaya tama nga ang hinala ni Ceith. Dahil napapansin niya na iba ang hitsura ni Luntian sa mga katribo.

\

\\

...

-END-

Next chapter