webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · Historia
Sin suficientes valoraciones
41 Chs

Chapter 3

Nangunot ang noo ko sa nabasa pero agad din tinanggap nang mabuo ang imahe sa utak ko. Ang lalaking ipapakasal sa akin at alam kong maraming paraan ito para makuha ang numero ko.

Hindi ko na nareplyan nang maaga akong naka tulog at pag gising ko ay agad akong naligo at nagbihis bago mag almusal.

"Where are you going, honey?" Tanong ni Dad at naka polo pa ito papasok sa opisina.

"I me-meet ko lang po si Clark," Sya kasi ang magtuturo sa akin mag drive at dadalhin nito ang lumang sasakyan nya, takot na baka mabangga ko ang bagong sasakyan nito.

"Be safe."

"Thanks dad, you too." Kaunti lamang ang kinain ko kaya mas nauna pa ako kay Daddy.

***

Mabilis akong nakarating sa Suburban Place dahil doon ang sabi nya. Dapat nga ay inihatid na lang nya ako! Nagbayad pa tuloy ako nang kamahal mahal sa taxi.

"You're late, Ms. Melendes."

"Eh kung hinatid mo ako, edi sana wala kang reklamo ngayon." Pagtataray ko na ikinatawa naman nya.

"Let's go at may date pa ako mamaya." Pumayag na rin ako at nagpunta nang driver seat, Kinakabahan.

"Seat belt." Paalala nya kaya kinuha ko ang seat belt at inilock iyon nang mabuti. Tiningnan ko pa ang gas kung puno ito.

"Don't worry, pina gas ko yan kaso bawas na dahil ginamit ko." Napa irap ako dahil sa kalokohan nya.

"Game na." Naiinip sa sabi ko at doon na nga kami nagsimula. Sa una ay muntik pa kami mabangga dahil street ang lugar na ito.

"Dahan dahanin mo naman." Hinihingal na sambit nya animo'y kinakabahan.

"Mag tiwala ka nga." Dinahan dahan ko ang pag drive noon kahit paikot ikot lamang kami.

Naging smooth naman sa huli at nasasanay na rin. Ang bilis nang plano nina Mommy at Daddy, kaya naman nandito ako ngayon kasama ang pinsan ko na si Clark.

"Gutom kana?" Tanong ko sa kanya nang magpalit na kami nang pwesto.

"Oo, daan na tayo sa KFC at nandoon na ang i d date ko."

"Iiwan mo na ako mag-isa don?" Sarkastikong sambit ko.

"Ipapakilala ko sya sa'yo. Hindi kita iiwan." Natawa ito sa kanyang sinabi.

Tiningnan ko ang cellphone ko at tinitingnan kung may text paba yung unknown number pero wala naman na. Maski isa ay wala yata akong natanggap na text ngayon.

"Wala kapa yatang nagiging boyfriend hanggang ngayon?" Pagtataka nya habang focus sa pagmamaneho. Nagulat ako doon dahil bigla na lang sya nagbubukas ng topic.

"Wala akong panahon para dyan." Sambit ko habang nag i scroll sa Facebook gamit ang data ko.

"Bakit naman? Ang lungkot naman ng buhay mo." Ramdam ko ang pang-aasar nya kaya naman binaba ko ang cp at tiningnan sya.

"Kuntento lang talaga ako sa ganito." Kibit balikat na sabi ko at tumingin sa labas. "Hindi pa naman kasi sya dumadating sa buhay ko eh. Hihintayin ko na lang."

"Tatanggapin mo naman ba sya sa buhay mo?" Sumeryoso naman ang tanong nya.

Kaya naman nilingon ko sya. "Oo naman, kahit sino pa yan"

Hindi na kami nakapag usap nang makarating kami sa KFC resto. Sabay kaming pumasok pero inuna nya ako dahil Ladies First daw.

Nilingon ko ang tao don at hindi naman gaanong karamihan at naagaw nang atensyon ko ang babaeng naka upo doon.

Kinulbit ko si Clark. "Nandon yung girlfriend mo." Bulong ko habang nakapila kami.

"Hindi ko sya girlfriend." Natawa ito.

"Sya, I order mo na lang ako nang spicy chicken at bucket of fries." Kinuha ko sa shoulder bag ang wallet ko nang magsalita sya.

"Ako na magbabayad." Nagtaka ako pero pumayag na rin.

"Sige." Minsan lang din naman maka libre, bakit tatanggihan ko pa diba?

Nagpunta ako dun sa babae. Cute ang itsura nya at itim na itim ang buhok. May kapayatan sakin at kayumanggi ang kulay, dahil maputi ako at brown naman ang buhok ko.

Bakit ko ba pinagkukumpara tsk.

"Hi miss." Bati ko na ikinagulat nito. Ang ganda nya ha.

"H-hello po." Sagot nito. Medyo mahiyain, shy type na pala ang type nito ni Clark.

"Naka order kana?" Feeling close na sabi ko at nakapanghalumbaba, tinititigan sya.

"Yes po." Mukha ngang nahihiya. Bastos rin naman kasi ako makitungo at umupo agad sa harapan nya.

"Actually nandito si Clark umo order lang. Wait mo na lang." Hindi na sya sumagot kaya hindi ko na lang din pinansin, baka mamaya ay umalis nalang ito bigla sa harapan ko at humanap nang bagong pwesto.

"Here's our order." Lapag ni Clark sa harapan at madami iyon, para siguro sa babae na hindi ko alam ang pangalan.

"Clark!" Nagulat ako nang yakapin nya ito.

"Mia"

"Friends?" Tanong ko kay Clark kaya naman tiningnan nila ako parehas.

"With benefits," Humalakhak naman ito sa kalokohan nya.

Napa irap ako at saktong may tumatawag sa akin. Kaya naman nagpaalam na muna ako sa dalawa bago ko sagutin.

"Hello?"

"Can you come here pls?" Nagtaka ako na parang malungkot ang boses ni Veil.

Tiningnan ko na muna ang dalawa bago ko sya sagutin.

"Nasaan ka?"