Matapos akong ilibre ni Veil ay nauna na rin sya dahil nag text na sa kanya ang Girlfriend nya. Yes, He has a GirlFriend named Aisha. Medyo mataray pero feel ko naman ang pagiging mabait nya sa ibang tao.
Nag ce-cellphone lamang ako habang naiwan dito sa Starbucks. Nang medyo ma bored ay lumabas na ako habang hawak ang hindi ko pa nauubos na coffee ko.
I was wearing a silver sandals at nag dress nang yellow hanggang tuhod kaya naman komportable ako sa suot ko at dala ang shoulder bag na white.
Nagpunta na muna ako sa mga damitan at tumingin kung mayroong bang maganda at balak ko na rin mamili upang makapaghanda sa ibang okasyon at ayun na lang ang aking susuotin.
"Xy!" Nagulat ako sa tumawag sa akin at pinag taasan ko nang kilay nang matanaw ko kung sino ang kumakaway.
"Tyron." Simpleng sambit ko at hindi ko malaman kung bakit naligaw ang tukmol na ito dito sa Mall.
"What are you doing?"
"Uhmm." Tiningnan ko ang damit na hawak ko bago ipakita ito sa kanya.
"Oh? Bibilhin mo? Sagot ko na." Akmang kukunin nya nang ilayo ko ito sa kanya bago ibigay ang wala nang laman na coffee.
"Pahawak lang at isusukat ko ito." Hindi ko na sya pinag salita at dumeretso na papasok sa sukatan.
Mabilis akong natapos at kinuha ang black off should dress bago binayaran agad gamit ang card ko.
Pagkalingon ko ay wala na siyang hawak na pinapahawak ko kaya naman kumunot ang noo ko. "Nasaan na?" Lahad ko sa kamay ko.
"Tinapon ko na." Ngiti nito bago kinuha ang bitbit kong bagong pamili. "Yaman mo talaga." Matapos tingnan kung ano ang laman noon.
"Magulang ko ang mayaman." Cold na sagot ko. Hindi malaman ang dahilan kung bakit minsan ay wala ako sa mood kapag nakikita siya.
"Don't worry, tina try ko nang mag move-on sa'yo, Xy. Kaya please lang, huwag naman ganito ang pakikitungo mo sakin oh." Pagmama kaawa nya. Humarap ako sa kanya nang nakahalukipkip.
"Are you sure?" Nagdududa kong tanong.
"Oo naman, tara na." Bigla nya akong inakbayan na ikinagulat ko kaya naman inalis ko agad ang braso nya sa balikat ko.
"Social Distancing." Sambit ko at kinuha na rin ang bitbit kong pinamili sa kanya.
Umorder na muna ako nang bucket of fries sa KFC bago kinuha ang mga pinamili ko sa kanya. Nagpa alam na rin ako dahil ayokong mabastusan siya sa akin.
Nag taxi ako pauwi dahil wala pa naman akong sasakyan at dahil hindi pa ako marunong mag drive. Kailangan ko pa nang time para magkaroon nang schedule sa pagtuturo.
Pagdating sa bahay ay nandoon na sina Mommy at Daddy. Nag bless ako bitbit ang tinake out ko bago ako nauna sa kwarto.
Pinatong ko na muna ang gamit ko sa gilid nang kama bago magbihis. Ramdam ko ang pagod ko kaya naman matapos magbihis ay inihiga ko ang sarili ko at tumingin sa kisame.
'Bagay naman sila nang Girlfriend nya at suportado ako doon. Pero bakit parang hanggang ngayon ay hindi nya pa ipinakikilala sa akin nang harapan ang girlfriend nya?' Tanong ko sa aking isip nang mag vibrate ang cellphone ko.
Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang nag text.
From: Veil
'I'm enjoying. Next time papakilala ko na siya sa'yo.'
Nireplyan ko na lang sya nang 'ingat' bago kinuha ang take out ko at kinain yon. Paborito kong fries ay KFC dahil sa sobrang sarap nito at hindi ka magsasawa.
Nagulat pa muli ako nang mag vibrate ang cellphone ko pero number lang ang nakalagay doon.
From: 09*******21
'See you soon, My Future Wife <3
A/N: Iba po ang lalaki na ie-engaged kay Xyria. Kung sa story po ni Daven at Desiree at si Mike Western. Pangalawa na pong lalaki ang magiging fiancé nya at mababasa ninyo po sa ibang chapters. Thank you! <3