webnovel

Chapter 9

"Right!....left!!!" Nag wa-warm up ako ng makita kong nag lalakad si Ethan kasama si Jonathan patungo sa dereksyon ko , napa-kunot naman ang noo ko at inalala kung may usapan ba kami ngayon. Ilang araw na rin kaming sabay mag lunch lagi ni Jonathan at sa mga naka lipas na araw ay hindi na namin kasabay ang mga ka-banda niya o ang mga kaibigan ko, minsan pa nga ay hinatid niya pa ako sa bahay kasama syempre ang driver niya. This week hindi kami masyadong nag kikita pag uwian dahil abala ako sa pag te-training ng badminton at siya naman sa banda kaya nakapag tataka na nandito siya ngayon.

"Sir wait lang ah" pag papaalam ko sa coach namin at sinalubong na sina Jonathan at Ethan "bakit kayo nandito?"

"Gusto naming makita kung magaling ka ba talaga" pang-aasar ni Jonathan

Tumawa naman si Ethan kaya napatingin ako sakanya "Honestly we really want to watch you"

"Chiu! Bilisan mo!" Narinig ko ang tawag ni coach

"Sige upo muna kayo diyan, tawag na ko eh" sabi ko sa kanilang dalawa at tumalikod na ko para maka pag umpisa na sa training

Naka talikod ako sakanila kaya hindi ko makita ang kanilang reaksyon mas okay din yun kasi hindi ako madi-distract. Maya-maya pa ay may dumating ng mga higher grade, hindi ko makita kung saan sila dahil naka talikod ako pero pakiramdam ko ay dun din sila umupo sa bleachers sa likod ko.

"Wooohh sexy naman ni Chiu!"

"Ang kinis ng legs Annie ah!"

Narinig kong sigaw ng ilang seniors. Nag change court kaya ngayon ay naka harap ko na sila.

"Ano bayan bakit nag change court agad?" Sabi ng isang senior "ang ganda ganda ng view eh!"

Nakita kong ilan sakanila ang mga naka fling ko kaya siguro alam na nila ang pangalan ko, sad to say at nakalimutan ko na ang mga pangalan nila. Napatingin naman ako kay Jonathan na katabi na ang duffel bag ko at masama ang tingin sa mga seniors, hindi niya na rin kasama si Ethan.

Matapos ang dalawang oras natapos na ang training, kaya dumeretso ako sa bleachers kung nasan ang duffel bag ko, nagulat ako ng makita si Jonathan na dala ang tubigan at towel ko, inabot niya sakin ito.

"Salamat" sinampay ko lang sa balikat ko ang towel dahil inuna kong uminom ng tubig ngunit nagulat ako ng kuhain ito ni Jonathan at sinimulang punasan ang noo ko "a-ako n-na"

Binigyan niya lang ako ng tingin na nag sasabing wala kong karapatan na tanggihan ang kung ano mang ginagawa niya ngayon.

"Awit may boyfriend na pala"

"No she don't do boyfriends baka fling lang"

"Sayang naman"

Narinig kong bulong-bulungan ng mga lalaking seniors ngunit hindi ko sila tiningnan dahil tila napako na ang mata ko sa lalaking mag pupunas ngayon ng aking pawis, napalunok ako at medyo tumingala ng bumaba ang pag punas niya sa aking leeg.

"Done" inabot niya sakin ang towel ko ng matapos niya nakong punasan

"T-thanks" halos hindi ako maka-tingin sakanya dahil sa pinaghalong kilig at hiya

"Hindi ka pa ba mag bibihis?" Bumaba ang tingin niya sa aking damit kaya napatingin din ako dun, naka black cycling lang ako at white t-shirt na nabasa na dahil sa pawis kaya medyo nakikita na ang bra ko ngunit hindi naman ganon kabastos tingnan.

"Mag papahinga lang ako saglit then mag sha-shower na"

Napa tingin naman siya sa mga seniors na kanina ay naka upo sa bleachers at ngayon ay paalis na "kilala mo ba sila?"

"Yung iba naka... fling ko" tinitigan ko siya upang makita ang reaksyon niya dahil naalala ko dati nang sabihan niya kong malandi at ang basehan niya ay ang mga seniors na naka fling ko.

Medyo kinabahan ako ng tingnan niya ko sa mga mata "may ka-fling ka ba ngayon?"

"Wala!" Agad na sagot ko

"Sabi nung isa you don't do boyfriends daw, ibig sabihin wala kang naging boyfriend?"

"W-wala"

Nakita kong tumango lang siya, hindi ko na alam ang sasabihin kaya dumeretso nalang ako sa duffel bag at kinuha ang extra kong damit, papunta na sana ng shower room ng inagaw ni Jonathan ang damit ko at tiningnan, nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakatingin siya extra undies ko

"A-akin na nga yan!" Agad kong inagaw sakanya ang damito ko

Tumikhim siya at muling tumingin saakin "bakit ganyan ka iiksi ang sinusuot mo?"

Napatingin naman ako sa isang extra cycling ko at over size na gray t-shirt "dito ako komportable eh"

"Hindi sapat na komportable ka dapat iaayon mo sa lugar ang mga sinusuot mo, paano kung mabastos ka?" Hindi ko mapigilang mangiti dahil sa pag aalala sa tono niya, sandali niyang kinuha ang kaniyang bag at may kinalkal duon "oh yan ang suotin mo"

Tiningnan ko ang inabot niya saking jogging pants kaya napanguso ako "masyadong malaki ito"

"May garter yan kaya sasakto yan sa bewang mo" tiningnan niya ako ng seryoso "bilisan mo at mag bihis ka na, masyadong maraming lalaki ang nakatingin sa binti mo"

Habang nag sha-shower inalala ko ang mga ginagawa at pinapakita saking trato ni Jonathan ayoko mang mag assume pero hindi mapigilan ang pagsibol ng konting pag asa sa puso ko

"Magugustuhan kaya niya ko?"

Pagka labas ko ng shower room nakita ko muli siya sa bleachers na naka upo at nag hihintay sakin kaya agad akong lumapit at umupo sa tabi niya habang nag pupunas ng basang buhok.

"Nasaan pala si Ethan?" Nagulat ako ng bigla niyang agawin ang towel na hawak ko, pinatalikod niya ako tas siya na ang nag punas sa basa kong buhok

"May family dinner kaya maagang umuwi" sinulyapan ko siya sa likod ko at nakita kong parang seryosong seryoso siya sa ginagawa

"Speaking of dinner, sabi ni mommy bukas dun ka mag dinner sa bahay tutal sabado naman at papaunlakan niya ang sinasabi mong gusto mo siyang maka-usap tungkol sa pagaakusa mo saakin"

"Sige, pupunta ako"

Sa araw na yon ay muli niya kong hinatid sa bahay. Hindi ako maka tulog ng maayos sa gabing iyon dahil tuwing inaalala ko ang gaganaping dinner bukas ay kinakabahan ako.

Jonathan: papunta na ko

Tinitigan ko ang huling chat ni Jonathan bago ako bumaba sa hapag. Nakasuot ako ng isang blue na simpleng dress, naabutan ko si mommy sa baba na inuutusan ang ilang kasambahay, pinabalik niya dito ang mga kasambahay dahil nag aalala siya kapag ako lang mag-isa.

"Wala pa ba ang bisita mo?"

"Papunta na daw po"

"Ma'am nandyan na po ang bisita" sabi ng driver ni mommy

Tumingin siya saakin "ikaw na ang sumalubong sa bisita mo"

Agad naman akong nag lakad palabas sa dinning area at nakita kong nakaupo na si Jonathan sa sofa sa may sala. Agad siyang tumayo ng makita ako.

Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa "ah h-hindi ko alam na formal dinner pala"

Napa tingin ako sa kanyang suot na plain white t-shirt , maong pants at leather shoes "okay lang, ahm tara na?"

"Alam kong hindi ka mahilig sa bulaklak pero nag dala padin ako" sabay abot niya sakin ng bouquet ng red rose, katulad ng ibinigay niya sakin dati, napatingin ako sa isa pang bulaklak na hawak niya "ah para ito sa mommy mo"

"Mahilig siya sa sunflower" sabay tingin ko ulit sa isang bugkos ng sunflower na dala niya

"Sakto pala"

Nag lakad na kami papuntang dinning area at nakita kong naka tayo na si mommy malapit sa upuan niya at hinihintay kami.

"Good evening ma'am" bati ni Jonathan sabay abot kay mommy ng bugkos ng sunflower

"Good evening" nagulat ako ng bumeso si mommy kay Jonathan na hindi niya madalas ginagawa sa mga taong kakakilala niya pa lamang "umupo na kayo at kumain na tayo"

Naupo ako sa tabi ni mommy at sa harapan namin ay si Jonathan, nag simula na kaming kumain ng mag-salita siya

"Ah ma'am I'm here to explain—" naputol ang sasabihin sana ni Jonathan ng itaas ni mommy ang kanyang kamay sabay salita

"No need to explain it, ibabalik ko ang allowance ni Annie kung yun ang gusto mo" nanlaki ang mga mata ko dahil dun ngunit mas nagulat ako sa sumunod na sinabi ni mommy "you're Jonathan Co right? The second son of Athena Co and Jacob Co"

"Y-yes ma'am" halatang nagulat din si Jonathan dahil alam ni mommy ang kanyang pangalan at pati ang mga magulang nito!

"Mom h-how did you know?"

"Well Athena Co is my friend way back highschool"

"Ma'am let me apologize about what happened last—"

"Apology accepted" akala ko ay yun na ang pinaka nakakagulat na sasabihin ni mommy ngayong gabi ngunit hindi pa pala "and don't call me ma'am just call me tita"

Omaygosh kahit sila Jenny ay hindi niya pinapatawag na tita sakanya nung unang kita palang nila! Napatingin ako ng gulat kay Jonathan

Anong bang meron sa lalaking ito? At maski ang nanay ko ay bumabait sakanya

Bumaling naman siya sakin ng nakangisi at tila ba nag yayabang

"Finish your food at pag ka tapos ililibot ka ni Annie sa bahay"

Ganun nga ang nangyari, matapos namin kumain ay umakyat na si mommy sa kanyang office at nilibot ko si Jonathan sa bahay

"Ito naman ang dance studio" pag papakita ko sakanya sa ika-apat na pinto, nasa ikatlong palapag na kami ng bahay

"Napaka modern pala ng bahay niyo" puna niya sabay libot ng paningin "sumasayaw ka?"

"Hiphop" tipid na sagot ko, hindi ako masyadong komportable na kaming dalawa lang ang nag uusap at masyado pang tahimik ang paligid.

"Ito naman ang music room" pakita ko sa susunod na pinto

Tinitigan ko siya habang pumapasok at nakita kong kumislap ang kanyang mga mata sa nakita "wow kumpleto kayo ng instrument"

Nakita kong nag lakad siya papunta sa mga iba't-ibang klase ng gitara "kumpleto kami ng instruments pero piano lang ang kaya kong tugtugin"

"Hindi ka marunong mag gitara?" Napailing ako "hmm si Yasmin marunong"

Napakunot ako ng noo dahil dun, kaya ba niya nagustuhan si Yasmin ay dahil marunong din mag gitara ang babaeng yun?

"Hindi ako marunong pero mabilis ako matuto!" Agap na sagot ko

Hindi ko alam ngunit pag angat niya ng tingin sakin ay nakangiti na siya "gusto mo turuan kita?"

Hindi na ko nag dalawang isip at tumango, hinatak niya ang walang sandalang silya at pinaupo ako

"Tuturuan kita ng ilang cords" sabay abot sakin ng gitara

Kumalabog ang dibdib ko ng kumuha ulit siya ng isang upuan at pumewesto sa aking likod at dahil walang sandalan ang silyang kinauupuan ko ay ramdam ko ang dibdib niya sa likod.

"Ganto" hinawakan niya ang mga daliri ko at idiniin sa mga strings para sa tamang cords

"A-ah g-ganito?" Hindi siya sumagot kaya napa tingin ako sakanya "Jonathan?"

Nakatitig siya sa mga mata ko ngunit unti-unting bumaba ang mga tingin sa aking labi hanggang sa...

.

Shit that was my first kiss