webnovel

Chapter 8

Pag karating ko ng bahay nag linis lang ako ng katawan at handa ng matulog ng maisipan kong buksan ang facebook ko

"Shit!" Napamura ako ng makita ang notification ko "omaygosh ang tagal kong hinintay ito!!!"

Para na kong tangang tumitili at gumugulong-gulong sa kama ng makita ko ang friend request ni Jonathan na one hour ago pa. Nang matauhan ako ay inaccept ko na agad ang friend request niya. Biglang tumunog ang messenger ko

Jonathan Co sent you a message

Shit shit shiiiittt

Jonathan: Hi, ang tagal mong iaccept yung friend request ko ah

Woooow!!! Samantalang ako ilang linggo ko ng sinend sakanya dati ang friend request ko tapos never naman niyang inaccept kaya binura ko nalang

Me: ngayon lang kasi ako nag open ng social media eh

Jonathan: ganun ba

Me: oo

Nag hintay ako ng ilang minuto sa reply niya pero sineen niya na lang kaya nag iisip ako ng topic na pwede naming pag usapan ng biglang tumunog ulit ang messenger ko.

Jonathan: so nasabi mo na ba sa mommy mo na gusto ko siyang makausap para makapag paliwanag?

Dali-dali akong nag type ng reply

Me: hindi pa, hindi pa kasi sila umuuwi ni daddy

Jonathan: bakit nasan ba sila?

Nag dalawang isip pa ko kung sasabihin ko ba sakanya o hindi, habang nag iisip ako tumunog ulit ang messenger ko hudyat na may nag chat sakin, akala ko si Jonathan yun pero nag kamali ako

Ethan: hi!!

Me: hello

Ethan: kumain ka na?

Nag taka ako sa tanong niya pero sinagot ko pa din

Me: oo

Nasa kalagitnaan ng pag ta-type si Ethan ng biglang nag chat ulit si Jonathan

Jonathan: may ka-usap ka bang iba?, baka nakaka abala ako, papaalala ko lang na sabay tayo ulit mag lunch bukas.

Mag rereply na sana ako kaso nag chat ulit siya

Jonathan: Goodnight

Tapos bigla siyang nag offline. Hays

Mag ooffline na rin sana ako pero nakita kong ang daming chat ni Ethan

Ethan: anong kinain mo?

Ethan: ang tagal mong mag reply okay ka lang ba?

Ethan: sabay tayo mag lunch bukas

Me: sabay kasi kaming mag lunch ni Jonathan bukas eh

Mabilis na nag reply si Ethan

Ethan: edi sasabay ako sainyo

waaag!! Gusto ko sanang sabihin yan kaso naisip ko na baka nga kasama ulit namin ang mga kaibigan niya, ayoko namang mag assume na gusto niyang kaming dalawa lang.

Me: sige

Hindi ko na hinintay ang reply niya at nag offline na ako agad.

Naka ngiti pa ako bago matulog ng maalala ko ang sinabi ni Ethan sakin kanina

"Gusto ni Jonathan si Yasmin kaya wag ka ng umasa"

"ayoko lang na masaktan ka"

Gusto niya si Yasmin, pero gusto rin kaya siya ni Yasmin? bakit naman ako titigil sa ginagawa ko wala naman akong masamang ginagawa, hanggat hindi ako nasasaktan hindi ako titigil.

Yan ang nasa utak ko pero iba ang sinasabi ng puso ko.

Kahit masaktan ako hindi ako titigil.

"Hoy bakit ba panay tingin mo sa orasan ha?" Tanong ni Jenny na katabi ko, kanina ko pa kasi hinihintay ang lunch break ewan ko pero naeexcite talaga ako.

Nang mag ring ang bell, hudyat na lunch break na ay agad akong nag ayos ng gamit

"Hoy san ka pupunta?" Tanong ni Chellesy sakin pero hindi ko na ito pinansin at dere-deretsong nag lakad

Bago ako maka labas ng classroom narinig ko ang sinabi ni Jenny kaya napangiti ako "hayaan mo na yan Chellesy lalandi yan at paniguradong sabay sila ni Jonathan na kakain"

Pag karating ko sa cafeteria wala pa si Jonathan kaya ako na ang pumili ng table, dun ako umupo sa medyo maliit na round table na may apat na upuan.

"Hi!" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko na si Jonathan kaya napa ngiti ako

"Hiii!!" Mas masiglang bati ko

Umupo naman siya sa tapat ko at nilagay ang mga librong dala niya sa lamesa kaya napatitig ako dun

Grabe naman itong lalaking ito kahit na kakain ay nag aaral pa din

Napa titig ako sakanya ng may napansin

"What's with the look?"

"Hindi mo kasama ang mga kaibigan mo?"

"Ah b-busy sila eh, meron kasi kaming quiz after lunch kaya nag rereview sila"

Nanlaki ang mga mata ko at naisip na baka nakaka istorbo ako sakanya dahil sa lunch na ito.

"Sana sinabi mo agad, sige na mag review ka na lang" nag aalalang sambit ko, patayo na sana ako ng hawakan niya ang aking palapulsuhan kaya napatingin ako dun

"O-okay lang" nanatili ang titig ko sa kamay niyang naka hawak sa pulso ko hanggang sa tanggalin niya ito "gutom na din kasi ako"

"Ah! Ganun ba? Naisip ko lang kasi na baka nakaka istorbo ako"

"Annie hindi ka istorbo sakin" seryosong sambit niya kaya napatitig ako sa kanyang mata at tila ba may mga paro parong nag wawala sa tiyan ko "tara na order na tayo?"

Sabay kaming umorder, inorder ko ang lagi kong inoorder na, carbonara, fried and burger

Habang kumakain kami nag babasa siya at ako naman ay pinag mamasdan siya, nagulat ako ng bigla siyang nag angat ng tingin sakin

"Why?" Masungit niyang tanong kaya napanguso ako sabay iling, nakita kong bumaba ang tingin niya sa pagkain ko "yan din ang order mo kahapon ah"

"This is my favorites"

"You know what, masama na yan lagi ang kinakain mo" tiningnan niya ko ng seryoso sa likod ng kanyang eye glasses, napatitig ako sakanya kasi parang mas gwapo siya pag may suot na salamin. Napa kurap kurap ako ng tinanggal niya ang eye glasses niya na para bang alam niyang pinagnanasaan ko siya "hindi porket paborito mo yun na ang lagi mong kakainin"

"Pasensya na, pag nagustuhan ko kasi ang isang bagay yun nalang ang pinag tutuunan ko ng pansin....hindi na ko tumitikim ng iba" nangunot ang noo niya, maski ako hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinabi ko "anyway kumain ka muna, wag kang basa ng basa diyan kasi kahit maraming laman yang utak mo kung walang laman ang tiyan mo hindi ka din makakapag isip ng maayos"

Tumitig muna siya sakin sandali bago sinimulang kumain.

Maya-maya pa nagulat ako ng may humawak sa mga balikat ko mula sa likod

"Hi!" Sabay halik sa aking pisngi, medyo nagulat ako sa ginawa ni Ethan pero inisip ko na friendly kiss lang yun na parang beso "sorry I'm late"

Napatingin ako kay Jonathan na naka kunot na ang noo ngayon ng mag salita siya "bakit ka nandito"

"Nag paalam ako kay Annie kagabi na sasabay ako sa lunch niyo and pumayag siya" sabi ni Ethan habang umuupo sa tabi ko

Sakin naman tumingin si Jonathan ngayon na may mapanghusgang tingin "pumayag ka?"

"Ah oo k-kasi—" hindi pa man natatapos ang paliwanag ay pinutol niya na ang mga salitang dapat sasabihin ko

"Okay" bumalik siya sa pag babasa

Suplado

"Kumain ka muna bago mag basa" paalala kong muli kay Jonathan ngunit tinitigan niya lang ako sandali at bumalik na ulit sa pag babasa

"Hays nagugutom na ko kaso ang haba pa ng pila!" Napatingin si Ethan sakin habang hawak ang tiyan niya "Annie pwedeng akin nalang yang carbonara?"

Napatingin naman ako sa carbonara na nakalahati ko na, okay lang naman na ibigay ko ito sa kanya dahil may burger at fries pa naman ako

"Sige" pag payag ko kaso bago pa man makuha ni Ethan ang plato ko ay kinuha na ni Jonathan iyon at mabilis na inubos ang carbonara sabay abot kay Ethan ng plato niya na puno pa ng kanin at beef steak

"Ayan na lang akin ang kainin mo Ethan ubos na ang carbonara ni Annie" napatitig pa si Ethan ng saglit dun sa plato at parang nag aalangan pang kuhanin yon "ano hindi mo ba kakainin?"

Kinuha na ni Ethan ang plato at nag simula ng kainin ang kaninang pag kain ni Jonathan, napatingin naman ako sa tinidor ko kanina na iniikot ikot at pinaglalaruan ni Jonathan sa kanyang kamay, iyon din ang tinidor na ginamit niya sa pag kain ng carbonara ko kanina. Nang laki ang mga mata ko ng may napag tanto

Indirect kiss!!! Shit

"Uyy Chellesy una na kayong umuwi ah" sabi ko kay Chellesy habang nag liligpit ng gamit dahil uwian na "pupunta pa kong music room"

Hindi na nag tanong si Chellesy kung bakit at pumayag nalang "sige"

Pupunta akong music room ngayon dahil inanyayahan ako nila Ethan at Jonathan manuod sa band practice nila

"Hi" bati ko ng maka pasok sa music room naroon na sila David, Alvin, Ethan at Jonathan

"Hi! Annie" hahalik na sana sa pisngi ko si Ethan ng bigla akong hinatak ni Jonathan

"Tara, upo ka muna dun" turo niya sa may sofa sa gilid

Habang nag lalakad ay nakita ako ni David kaya pumunta siya sakin upang mag beso at bumati "nandito ka pala Annie"

"Hello" nahihiyang bati ko pabalik sakanya

"Annie hindi mo kasama ang loves ko?" Tanong ni Alvin na papalapit ma din samin

"Hindi eh" muka naman siyang nalungkot dahil dun

"Start na tayo" sabi ni Ethan na nag simula ng mag assemble ng mga instrument kaya tumulong na sakanya sina Alvin at David

Napatingin naman ako kay Jonathan na nakatingin pa rin pala sakin "hindi ka pa tutulong dun?"

"Umupo ka lang diyan at manood, tingnan mo kung maganda ba ang gagawin namin"

Naka ngiti naman akong tumango kaya tumalikod na siya at nag simula na ring tumulong sa mga kabanda, habang nag aayos sila ng instruments ay nilibot ko ang paningin sa buong music room at nakita kong may piano sa gilid, nag dadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba yun o hindi dahil sabi ni Jonathan ay umupo lang ako ngunit sadyang natutukso ako kaya nag simula na kong mag lakad papalapit sa piano, ito lang ang nag iisang instrumentong kaya kong tugtugin. Umupo ako sa upuan sa harap nito, nag simula akong pumindot ng iilang keys hanggang sa hindi ko namalayang tumutugtog na pala ako.

Nang matapos ko ang piyesa na Perfect by Ed Sheeran nagulat ako ng may pumalakpak sa likod kaya napatingin ako rito.

"Marunong ka palang tumugtog?" Naka ngiting tanong ni Ethan

"Ah oo, p-piano lang ang kaya kong t-tugtugin" nahihiyang sabi ko, lalapit na sana siya sakin ngunit naunahan na siya ni Jonathan na hinatak agad ako palapit sa sofa

"Diba sabi ko maupo ka lang? Paano kung maka sira ka?" Bakas sakanyang muka ang iritasyon

"H-hindi ko naman nasira"

"Kahit na!" Napatingin ako sa kanya sa gulat ng pag taasan niya ko ng boses

Ang ayoko sa lahat ay ang sinisigawan ako tss

"Ang OA mo naman, nasira ko ba? Hindi naman ah" iritang sagot ko sakanya at sinamahan ko pa ng irap

Ano bang problema ng lalaking ito

Pumagitna samin si Ethan "Tama na Jonathan, tama naman si Annie wala siyang nasira, tara na start na"

Tumitig muna sakin si Jonatha at nag start na nga sila, si Jonathan ang base guitar, si Alvin naman ang drummer, si David ay hawak ang isa pang gitara at si Ethan ang vocalist nila

Una nilang tinugtog ay ang The Day You Said Goodnight by Hale, grabe ang ganda ng boses ni Ethan kaso hindi ko siya gaanong napapansin kahit alam kong naka titig siya sakin dahil nasa kay Jonathan ang atensyon ko, bawat kalabit ng daliri niya sa string ng gitara ay sinusundan ng mga mata ko, napaka cool niyang tignan.

Maya-maya ay nag tawag ng break si Alvin, tumawag ata sakanya si Jenny. Nagulat naman ako ng may biglang pumasok sa music room

"Yasmin!" Napatingin ako kay Jonathan na umaambang yayakap kay Yasmin "dalawang araw kang absent ah anong nangyari?"

"Ano bayan Jonathan pawis ka mag punas ka nga" nakita ko kung paanong pinunasan ni Yasmin ang pawis ni Jonathan gamit ang kanyang panyo, nakita ko din kung gaano kalawak ang ngiti ni Jonathan habang tinitingnan si Yasmin

Ouch

Napa tingala ako sa taong humarang sa paningin ko at nakitang si Ethan ito, nagulat ako ng hawakan niya ang aking pulso at hinatak palayo doon

Napatingin ako sa paligid, nakita kong nasa parking lot kami

"sabi ko diba na ayokong nakikitang nasasaktan ka" binatawan niya na ko

"Hindi naman ako nasaktan" giit ko

Tiningnan niya naman ako ng deretso sa mga mata "hindi ka nasaktan?"

"K-konti lang" napayuko ako habang sinasabi yun

Napasinghap siya dahil sa sinabi ko "Iuuwi na kita"

"Pero hindi pa tapos yung practice niyo"

"Mas gusto kong wag tapusin yun kesa makitang nasasaktan ka"

"Hello?" Sagot ko sa unknown number na tumawag sakin kinagabihan

"Dapat hindi ka sumasagot ng tawag kapag hindi mo kilala" sabi ng nasa kabilang linya

"Sino ba ito"

"Jonathan" nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig

"p-paano mo nakuha ang number ko?"

"Naiwan mo yung wallet mo sa music room, dun ko nakita ang number mo" buti nalang pala at hinatid ako ni Ethan at ng kanyang driver sa bahay kundi baka nag one two three ako sa jeep "ibibigay ko nalang sayo bukas pag nag lunch tayo"

Shit so sabay ulit kaming mag la-lunch? Omaaaygossh nag didiwang nanaman ang puso ko

"Anyway sabi ni Ethan sumama daw ang pakiramdam mo kaya iniuwi kana niya"

Naalala ko nanaman ang nangyari kanina, kung paano siya ngumiti ng hanggang langit nung punasan ni Yasmin ang pawis niya

"Okay ka lang ba?" Tanong niya

"O-Okay lang ako"

"Sorry nga pala kanina Annie at nasigawan kita, nag aalala lang ako baka maka sira ka at mapatawag ka ulit sa discipline office tapos pagalitan ka ulit ng mommy mo"

Napangiti naman ako dahil dun at medyo na guilty dahil sinagot ko pa siya kanina ng pabalang gayong nag aalala lang naman pala siya sakin "Okay lang yun,salamat sa pag aalala"

Okay lang ako Jonathan, ipag papatuloy ko ito hanggang sa mapasakin ka, wala na kong pake kung masaktan man ako. Okay lang ako....