webnovel

Chapter 2

Pag ka-uwi ko sa bahay as usual walang tao kundi ako lang. Nakakatawang isipin na ang laki-laki ng bahay namin pero lagi akong mag-isa. Paheras busy si mommy at daddy sa work nila, dati may mga kasambahay kami kaso mas komportable ako pag mag-isa lang kaya ayun pinaalis nalang ni Daddy.

Naka higa na ko sa kama habang iniisip kung anong mang yayari sa bukas. Nakaka-excite pumasok araw-araw lalo na pag may insperasyon ka para pumasok.

"Haaaayy kailan kaya ako mapapansin ni Jonathan?" Tanong ko sa sarili,medyo kinabahan ako kasi baka may ibang sumagot eh mag-isa lang naman ako sa bahay.

Minsan pinapahalata ko na kay Jonathan na sinusundan ko siya kaso wala paring effect, manhid ata yun eh.

Kinabukasan same routine lang. Sinundan ko si Jonathan sa senior high building tsaka ko tuluyang pupunta sa building namin, araw-araw ganun lang ang nangyayari, walang interaksyon na nagaganap sa pagitan namin ni Jonathan. Kaso parang iba ang araw na ito.

"Oyy President daw at Vice!!" Sigaw ng isa kong classmate. Nag ka-tinginan kami ni chellesy, siya ang president namin at ako naman ang vice.

Sabay kaming lumabas sa room para paunlakan ang kung sino mang nag hahanap samin.

"Shit" naibulong ko. Nagulat ako ng makita si Jonathan sa tapat ng pinto.

Takte di ako maka paniwala na nasa harap ko siya, I mean never ko siyang naka face to face as in neveeerr tapos ngayon nandito siya sa harap ko, jusko sana pala nag suklay ako, bakit kasi walang nag sabi sakin na si Jonathan pala yung nag hahanap samin?

Bakit niya kaya kami hinahanap, dati iniimagine ko na gusto niya ko tapos mag tatapat siya sakin tapos sasabihin niya na...

"Annie gusto kita..."

"Ahm miss?"

Tapos sasagot ako ng

"Gusto din kita!"

"W-what?"

Nanlaki ang mga mata ko ng na-realize ko na

Tang...i...na

What thheeeeee fucking fffuuucckkk nasabi ko ba? n-nasabi ko ba na g-gusto ko siya? Teka pero diba nag iimagine lang naman ako? Oo tama imagination lang yun hahaha tama tama dapat di ako kabahan

"H-ha? May s-sinabi ba ko?" Yan nalang ang nasabi ko sa sobrang kaba, tumingin ako sa tabi ko at nakitang wala na si Chellesy

Bwiset iniwan pa ko

"You just said na you like me"

Fuck nasabi ko nga, shit anong gagawin ko

"Anyways ito yung s-survey f-form paki sagot nalang" inabot niya sakin yung survey form tiningnan ko ito at kinuha. Tatalikod na sana ko pero may pumasok sa utak ko na sigurado akong pag sisisihan ko pag katapos kong masabi ito

"Oo gusto kita" medyo nagulat siya, tss ngayon lang ba may umamin sakanya? I bet not "gusto kita bakit? Ano naman sayo? Wala ka ng pakealam dun" tuloy-tuloy na sabi ko

Shit shit ano bang ginagawa ko?

Lumunok siya at sinundang mabuti ng mga mata ko ang pag taas at pag baba ng adam's apple niya

Jusko ispiritu ng kalandian lubayan mo ako

"Tama ka wala nga kong pake" sabi niya sabay talikod

Tumalikod siya, tumalikod siya, nag simulang mag-lakad palayo sakin at naiwan akong tulala dahil sa mga kataga niyang sinabi

"Tama ka wala nga kong pake"

"Tama ka wala nga kong pake"

"Tama ka wala nga kong pake"

"Tama ka wala nga kong pake"

Huh! As if naman may pake ako? Ano naman kung wala siyang pake sakin! Atsaka crush ko lang naman siya ah! Napaka sama niya!!! Hindi man lang niya naisip kung may masasaktan ba sa sinabi niyang yun.

Pero wala kong pake! Hindi ako nasasaktan! ako???? Ako na si Annie Chiu masasaktan kasi na-reject ni Jonathan Co? Huh! Neknek niya!!!

"Tama ka wala nga kong pake"

"Tama ka wala nga kong pake"

"Tama ka wala nga kong pake"

"Tama ka wala nga kong pake"

Shit I just got rejected

"Annie Chiu are you listening?!" Naputol ang pag iisip ko ng masigawan ng teacher

Letche dumaan na ang dalawang oras si Jonathan at ang sinabi niya sakin ay alam parin ng utak ko

"S-sir?" Medyo kinakabahan kong tanong sabay tayo

"I said explain this poem"

Tiningnan ko ang nasa bored, it's a japanese poem. Binasa ko ng sandali at nag umpisa ng mag explain

"Well for me the poem means, don't worry about your past and just think about the future"

"How about the present?" Naka taas na kilay na tanong ni Sir

"Enjoy your present while doing the things you need to do, just go with the flow. Savour every moment so that you'll never regret anything in the end"

Yan ang tingin ko sa buhay, hinahayaan ko ang tadhana, never akong nagreklamo sa mga ginagawa ng tadhana sinasabayan ko lang ito at ini-enjoy.

Ganun din ang gagawin ko ngayon. Ipag sasawalang bahala ko ang nasabi ko kay Jonathan kanina at hahayaan ang tadhana na gawin nito ang trabaho niya.

Sasakyan ko ang bawat laro ng tadhana

Mag titiwala ako sa tadhana

Aasa ako sa tadhana

Dahil naniniwala ako sakanya, naniniwala ako na lahat ng nangyayari ay naka takda na