webnovel

CHAPTER 1

"Shiiiittttt, napaka gwapo talaga ni Ranz Kyle!!!" Tili ko matapos kong makita ang bagong post ni Ranz Kyle Guerrero sa IG "hays kailan ko kaya siya makaka-collab?"

"Collab?" Nag tatakang tanong ng pinsan kong si Ate Krizzia

"Yes collab!!!" Hyper ko namang sagot "as in collab sa pag sasayaw o kahit sa dance practice man lang maka sama ko siya"

"Paano mo makaka collab yun bukod sa sobrang sikat na nun, eh hindi mo naman sineseryoso ang pag sasayaw mo"

Totoo naman hindi ko kasi sineseryoso ang pag sasayaw maraming nag sasabi na talent ko daw yun kaya seryosohin ko na pero para sakin hobby lang yun, kumbaga pang palipas oras ganern ang mas pinag tutuunan ko ngayon ng pansin ay ang pag tutula ko at pag sali sa mga spoken word contest

"Ate kasi naman mas gusto kong tutukan ang—" hindi niya na ko pinatapos marahil kabisado niya na nga ang linya kong ito

"Spoken word?, bakit hindi mo ba kayang pag sabayin?"

"Eh basta! Gusto ko isa lang,ayokong pinag sasabay"

"Bahala ka nga" sambit niya sabay tingin muli sa laptop "uy nag post si Jonathan sa IG niya"

Sus Jonathan Jonathan hay siya lang naman ang nag iisang lalaking niloko ako pinag palit ako sa bestfriend niyang babae, nakakagigil pag buhulin ko silang dalawa eh

Pero Joke lang hindi niya ko niloko crush ko siya simula nung grade 7 ako kaso wala hanggang ngayong grade 10 na ko siya parin ang crush ko tsk napaka loyal ko diba? O san ka pa? Akin ka na!

Pero wala na kong pake sakanya wala na talaga, never na kong magkakaron ng pake—

"Patingin!"

"Oh sabi mo nung isang araw wala ka ng pake dito sa chinese na toh?" Inirapan ko nalang si ate

"Basta patingin nalang" sabi ko sabay kuha ng laptop niya

As usuall langit nanaman ang bagong post na picture niya sa IG, halos lahat ata ng post niya puro langit. Kung hindi sunset, sunrise naman. Ewan ko ba sa lalaking toh gusto na atang mapunta sa langit eh

"Bakit kasi hindi mo nalang siya i-follow sa IG?" Tanong ni ate

"Ayoko nga!"

"Bakit nga kasi?"

"Eh kasi hindi niya ko fina-follow back! Tapos ikaw na hindi naman niya kakilala finallow back ka kaagad"

Nakakainis iisipin ko ng may galit sakin ang Jonathan na yun, pano ba naman nung grade 7 ako inaadd ko siya sa facebook pero di niya inaccept ang akala ko sadyang hindi lang siya active sa social media pero nung si Amber na bestfriend ko ang nag add sakanya aba'y wala pang limang minuto inaccept niya agad.

Tapos eto pa syempre di ako sumuko hinanap ko pati IG niya dalawang taon na kong naka follow sa kanya pero never niya kong finallow back samantalang itong si ate Krizzia wala pang dalawang araw finallow back niya agad. Letcheng lalaki may favoritism.

"Hay nako bakit ba crush na crush mo yun? Sige sabihin na natin na gwapo nga tapos chinese din kalahi natin pero di ka naman gusto"

"Ouch sakit naman mag salita ate" madramang sabi ko habang naka hawak sa dibdib

"Eh totoo naman atsaka ang tanga-tanga mo kasi may mga nanliligaw naman sayo kaso lagi mong binabasted, una sasabihin mo kasi feeling mo hindi sila seryoso" tumingin siya sakin "pero in the end si Jonathan parin ang dahilan mo kung bakit mo sila binabasted"

"Ate alam mo naman na YES to landi ako pero NO to jowa, kaya kahit sinong manligaw sakin di ko talaga sasagutin noh"

"Sus kahit sino? Kahit si Jonathan?"

"In every rules there is an excemption, so he's excempted syempre"

"Ewan ko sayo, mang iiwan ka pero nag papakabaliw sa isang lalaki"

Yeah that's true, I flirt with boys just to have fun and then when I got bored ayun iiwan ko na but of course I always make sure na parehas kami ng guy ng gusto and that is just to have fun atsaka ganun din naman sila sakin eh when they got bored iiwan din nila ko mas madalas nga lang na ako yung unang nag sasawa kaya ako din ang unang nang iiwan.I don't want serious relationship duuh

"Eh anong magagawa ko masyado kong loyal kay Jonathan"

Si Jonathan na hindi man lang alam na nag eexist ako

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil mabuti akong estudyante charot, sandali muna kong nag hintay sa waiting shed sa labas ng school at maya maya pa nakita ko na si Jonathan

Pumasok na siya sa school at syempre sinundan ko siya. Sinabayan ko siya mag lakad, nasa mag kabilang dulo kami ng malawak na hallway, siya sa kanan at ako naman sa kaliwa, kaya hindi niya naman ako mapapansin atsaka isa pa busy siya sa phone niya, may ka text ata.

kung sino man yang ka text mo sana maputulan ng daliri yan

Pinag masdan ko siyang maiigi, madilim pa dahil nga maaga pa masyado hindi pa naka bukas ang lahat ng ilaw pero nakikita ko pa din ang muka niya dahil sa liwanag ng phone niya.

Actually hindi naman siya gwapo, singkit na mga mata, matangos na ilong, manipis na labi at sobrang puti ng balat parang pinag lihi sa gatas halatang pure Chinese siya.

Hindi talaga siya gwapo pero ewan ko ba, napaka amo ng muka niya yung tipong parang hindi kayang gumawa ng masama parang anghel—

"Ouch!" Nagulat ako ng may nabunggo ako

"Ay hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh, nabunggo ka tuloy sa maganda kong katawan" sabi ng naka bunggo sakin

Tiningnan ko muna ulit si Jonathan kaso huli na kasi naka pasok na siya sa room nila

"Oh Annie ikaw pala" napa tingin ako sa letcheng naka bunggo sakin "bakit ka nandito sa senior high buiding? Miss mo ko noh?"

I look at him with full of confusion

"Wait don't tell me hindi mo ko naaalala?" Hindi maka paniwalang sagot niya "aray ko ansakit naman sa pride"

"Sino ka ba?"

"Aw di niya talaga ko naaalala" umarte pa siyang kunwaring nasasaktan "I'm Jayson Valenciano, isa ko sa mga naka fling mo"

Mas gusto kong ka-flirt ang mga higher grade or mas matanda sakin ayoko sa mga mas bata sakin o sa mga ka-edad ko, masyado kasi silang immature. Yung tipong pag iniwan mo mag da-drama sa social media parang mga kulang sa aruga kairita

"Ow, yah I remember you na"

"So bakit ka nga ba nandito sa senior high building?" Nag tatakang tanong niya "ay teka nakita kong tinitingnan mo si Jonathan Co kanina, bagong target mo ba yun?"

"Wala ka ng pake dun" inirapan ko siya

"Haynako wag ka dun hindi marunong lumandi yun mabo-bored ka lang, balik ka nalang sakin Annie" naka ngising sabi niya

Napangiwi ako dahil dun. Isa sa mga rules ko eh kapag iniwan ko na or iniwan na ko hanggang dun nalang yun never may mangyayaring comeback.

"Ayy oo nga pala hindi ka bumabalik sa mga napag sawaan mo na"

Napataas nalang ang isang kilay ko at nilagpasan siya

"Oh san ka pupunta?"

"Junior high building duuuh"

"Hahaha naka limutan mo na ata ang daan papunta sa building niyo dahil sa ka-gwapuhan ko" tinuro niya yung opposite direction ng pinuntahan ko

Napairap nalang ako

Hay bakit ko pa ba kasi sinundan si Jonathan?