"Sigee naaa, pleaseee"
"Hindi nga pwede Skye, masyado kasi syang private, tahimik din, nakakahiya naman sa tao" Pagdadahilan ni Gem kaya napasimangot ako.
Si Gem ay kaibigan ko na same course nung lalaki na naggigitara.
Nangangalap ako ng Information, baka kasi magkakilala sila and it turns out na magkaklase sila. Pero ayaw nya sabihin ang pangalan eh
"Libre nalang kitang lunch sa Monday" Pangungulit ko pa din.
"Ang kulit mo naman Skye, balita ko may Girlfriend daw yon" Sabi nya pero wala akong pakealam. FRIENDS LANG NAMAN EH
"Iccrush ko lang naman eh"
"Baka madamay ako sayo Skye ha"
Umiling naman ako
"Hindi ko dadawit pangalan mo, sige na, crush from afar lang naman ang peg ko if ever" Sabi ko.
Konti nalang mapipilit ko na sya, konting push pa!
"Sure ka ba dyan?" paninigurado nya.
Hindi ba kapanipaniwala?!
"Oo ngaaa, sige na"
Napabuntong hininga nalang sya
"Lewis" Bulong nya
Nanlaki naman ang mata ko. Lintek, ang pogi ng pangalan.
"Surname?" Excited na sabi ko
"Anderson"
"Lewis Anderson" Bulong ko
Ang pogi talaga kahit surname.
"May iba ka pang alam tungkol sa kanya?" Naeexcite na sabi ko.
Umiling sya.
"Bihira lang sya magsalita, laging may kausap sa cellphone kapag vacant, paminsan minsan may dalang gitara, madaming nagkakagusto sa kanya sa building namin pero basted eh, mukang loyal sa girlfriend"
Napasimangot naman ako. Basted?
Dapat ko bang ikatuwa na loyal sya? Pero sa iba?
"Yun lang?"
Sinamaan nya naman ako ng tingin
"Demanding naman nito, di kasi kami close"
Tumahimik ako habang nagiisip ng iba pang tanong. Minsan lang kasi sya pwede kaya kailangan sulitin.
"May kaibigan ba sya sa inyo?" Panguusisa ko
"Wala, pero may kasama sya nung nakaraan na lalaki eh, kaibigan siguro" Sabi naman nya
"Kilala mo?"
Umiling sya
"Anong year?"
"Hindi ko alam, pero base sa I.D Business Administration eh"
Napangiwi ako. Ang layo ng building namin sa Business Administration.
"Sige! Salamat! Pupunta ako sa room nyo bukas! Bibigay ko yung libre ko!"
"Yun lang ba ang dahilan?"
Napangisi naman ako
"Pagluluto kita ng lasagna" Sabi ko nalang saka tumayo.
"Salamat uli"
Tumayo na din sya
"Ayusin mo Skye!"
Natatawa naman akong tumango
"Agatchu Bitch"
Sumaludo naman sya ng pabiro bago lumabas ng Cafe
Ilang minuto pa akong nagdaydream sa loob ng cafe bago lumabas.
Pumunta ako ng mall para bumili ng Ingredients para sa Lasagna.
Nang makabili na ako ay pumunta naman ako sa Filipino Restaurant na pinagtatrabahuhan ni Papa.
Maaga pa kaya konti palang ang tao.
Umalis din naman ako dahil mukang busy sila lahat.
Sayang naman
Naglakad lakad pa ako at nagiisip ng kailangan kong bilhin nang may mapansin ako.
Ilang beses pa akong napapikit dahil baka naghahallucinate lang ako pero hindi.
Si Lewis talaga sya.
May kasama syang lalaki, halos kasing tangkad lang nya, sigudo ito yung Business Ad. na sinasabi ni Gem. Papunta sila sa isang Boutique
Naglakad ako papalapit
Napatigil naman ako sa paglalakad nang magsalita si Lewis
"Dito ka na?" Tanong nya.
Halos mahimatay naman ako sa kilig. Bakit pati boses ang pogi?
"Oo, wala naman akong alam dyan" Natatawang sabi nung lalaki na kasama nya.
"Sige, Salamat" Sabi ni Lewis saka Ngumiti
Ngumiti. Lintek na ngiti yan, makalaglag panty talaga.
Pumasok na si Lewis sa boutique.
Hindi ko alam kung papasok din ako, kinakabahan ako.
Yung kasama nya nalang kaya ang lapitan ko muna?
Kinakabahan talaga ako.
"Hi!" Nagaalangang bati ko dun sa lalaki
Napatingin naman sya sakin saka ngumiti.
Mas maganda ngumiti si Lewis
"Bakit?" Tanong nya
Bakit nga ba?
"Ah hehe, sa St. Martin ka din ba?" Tanong ko.
Walang kwenta talaga ako kausap
Tumango naman sya saka ngumiti
"Ah oo, pano mo nalaman?" natatawang sabi nya
"Napapansin kita sa building nyo" Sabi ko
HANGAL KA SKYE, HINDI KA PA NAKAKARATING SA BUSINESS ADMINISTRATION BUILDING!
Nilahad ko naman ang kamay ko
"Skye Isley"
Inabot nya yon
"Adrian Cueto"
Napatango naman ako
"Ano bang course mo?"
"Tourism!" Sabi ko saka ngumiti
"Ang layo ah" Natatawang sabi nya na naman
"May gusto kasi sayo yung kaibigan ko kaya nakarating ako sa inyo!" sabi ko nalang saka ngumiti
Saan nanggaling yon?! Arrghh bwiset
"Ah ganon ba?" Sabi nung lalaki
Tumango tango naman ako saka ngumiti
Magsasalita pa sana ako nang lumabas si Lewis sa boutique
Halos maubusan naman ako ng hininga nang mapatingin sya sakin pero agad ding inalis
"Tapos ka na?" Sabi ni Adrian
Tumango si Lewis
Nagtatakang napatingin na naman si Lewis sakin kaya naman napatawa si Adrian
"Ka school mate natin" Pagpapakilala nya sakin
Shit.
Inabot ko ang kamay ko saka ngumiti
"Skye Isley"
Hindi nya inabot ang kamay ko
"Lewis"
Ang sungit.
Napangiti nalang ako saka binaba ang kamay ko
"Pasensya ka na, maselan eh" Natatawang sabi ni Lax
"Maselan sya? Saan?" Nagtatakang tanong ko
Baka may allergy? Saan naman? Sakin?
"Yung Girlfriend nya ang maselan" Sabi ni Lax saka humagalpak ng tawa
"Tara na nga" Sabi naman ni Lewis na mukang nabadtrip
Naunang naglakad si Lewis kaya humabol si Lax saka kumaway sakin
Nakangiti naman akong kumaway pabalik
"Inggat!" sigaw ko pa bago tumalikod na din para umuwi.
Maselan yung Girlfriend? Ano yon, bawal sya hawakan? WOW HA
Pero atleast nakalapit na ako sa kanya, nakausap ko na din kahit konti lang.
MASAYA akong pumasok ng bahay namin pagkauwi ko.
"Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong sakin ni mama
"Nakasalubong ko po yung crush ko kanina" Sabi ko saka pumunta sa kanya dahil mukang kaskype nya si Kuya
"Kuyaa!" Nakangiting sabi ko
"Narinig ko yon Skye!" Sabi ni Kuya
"Crush lang yon kuya!" Sabi ko naman
"Siguraduhin mo lang!"
"Nako, masipag naman magaral tong si Skye, mukang responsable na at pwede na ng mag boyfriend" Sabi naman ni Mama kaya lalo akong napangiti kahit tutol ako sa sinabi nya
Kung alam mo lang, Ma, malayo sa pagiging masipag magaral ang anak nyo.
"Kailangan ipakilala muna sakin Skye" Sinserong bangit ni kuya
"Opo! Noted!" Sabi ko saka pumasok na sa kwarto ko.
Sa sobrang Good mood ko ngayon ay maglilinis ako ng kwarto!
Sana maulit para araw araw linis ang kwarto ko.