Napatitig ako sa full-size mirror sa kwarto ko.
Ang ganda ko talaga.
Nakabihis ako ng simpleng dress, sneakers at Korean backpack.
Nakangiti akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa kusina.
Nakaluto na kanina pa yung lasagna, ngayong umaga ako pupunta para hindi pa haggard
"Ma, alis na po ako!" Sigaw ko, nasa garden na naman si mama eh.
"Inggat!" Rinig ko pang sigaw nya bago ako makalabas ng bahay.
Hapit na ang mga tao dito sa University dahil malapit na ang Final submission ng requirements pero saka na ako maggagawa
Nakangiti akong pumasok at pumunta sa harap ng building nila Lewis
Kahit hindi naman sya ang pupuntahan ko ay excited pa din ako, iisipin ko nalang na sya ang dadalhan ko ng Lasagna
Mauuna ang klase nila ng 15 mins kesa samin kaya nagadjust ako ng oras
Agad akong pumunta sa Room nila, may ilan akong nakakasalubong na kilala ako pero hindi ko kilala, nginingitian ko naman sila
Bumuntong hininga muna ako bago binuksan ang Room nila
Agad hinanap ng mata ko si Lewis bago si Gem
"Uy Skye, sino hanap mo?" Rinig kong sabi ni Rex, kakilala ko
"Si Gem?" Tanong ko kahit si Lewis talaga ang hinahanap ko at this moment.
"Kaaalis lang, babalik din yon" Ngumiti naman ako at tumango
"Gusto mo intayin mo na dito, maya maya pa ang klase namin" Alok nya
"Hindi na, dito nalang ako sa labas" Nakangiting sabi ko saka lumabas.
Baka maabutan ako ng Prof doon, mapapahamak pa ako.
Ilang minuto pa akong nakatayo sa harap ng Room nila bago dumating si Gem
"Akin yan?" natatawang sabi nya habang nakatingin sa hawak kong Paper bag
"Oo, si Lewis?" pabulong kong sabi
Kinuha naman nya yung paper bag
"Wala ba sa loob?"
Umiling naman ako
"Nakita ko na eh, di ko lang alam ngayon" Sabi nya kaya napatango nalang ako
Sayang naman, sya pa naman dahilan kaya ako nageffort magbihis ng ayos.
"Salamat dito" sabi nya
Tumango nalang uli ako saka tumalikod.
Nakakainis naman. Excited pa man din ako pumasok
Binagalan ko pa ang lakad ko incase na dadaan sya pero wala talaga
Akmang lalampas na ako sa building nila nang marinig ko na naman ang paborito kong kanta
Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan yung spot na kung saan ko sya unanang nakita. Hindi nga ako nagkamali dahil nandon sya
Pero iba ngayon, muka syang problemado. Yung tipong troubled ang aura nya.
Tinitigan ko sya, naggigitara uli sya, same song, Wonderful tonight
Maya maya lang ay tumigil na sya saka sumandal sa upuan
Hindi ko marining ang sinasabi nya pero mukang magkaaway sila.
Hindi na ako nagtangka pa lumapit dahil baka lalo kaming hindi maging magkaibigan pag nangialam ako ngayon
"HOY skye! Kanina ka pa tahimik"
"Ha?" maang na tanong ko kay Daisy na mukang naiinis na
"Tapos na ang klase, ano bang nangyari sayo?"
Umiling ako
"Ano nga?"
Umiling uli ako
Baka pagalitan nya ako eh
"Isa.." pagbibilang nya kaya napatingin naman ako sa kanya
"Wait! Eto na, sasabihin ko na" Sabi ko
Baka magalit eh, hirap pa naman nya suyuin
"Nakita ko uli si Lewis kanina" Pagsisimula ko na syang ikinataas ng kilay nya
Mukang alam nya na kung saan pupunta ang usapan namin
"Naggigitara sya, pero mukang magkaaway sila ng Girlfriend nya eh"
Humalumbaba ako habang sya ay sumandal
"Maselan daw Girlfriend nya sabi ni Adrian" Pagtutuloy ko
"Adrian?"
"Kaibigan nya"
"Pano mo nakilala?"
Ngumisi naman ako na parang sinasabing "ako pa!"
"Tuloy mo" Sabi nya
"Hindi nya ako kinamayan non dahil maselan daw ang Girlfriend nya sabi ni Adrian "
"Hindi ba parang ang arte naman ng girlfriend nya?" Sabi ko kaya binatukan nya ako
"Pag ganon maarte na agad? Sigurado ka bang totoo yung sinasabi ng Adrian na yon?"
Napatigil naman ako. Pano nga kung hindi? Oa na ba ako?
"Gustong gusto mo na ba talaga si Lewis na yan?" Seryosong tanong nya sakin
"Ang mysterious nya kasi" Pagdadahilan ko
"Malay mo kaya mo lang yan naiisip dahil sa pagkagusto mo kay Lewis? At kung totoo man yan, sino ka ba para pigilan sya? Hindi ka nga nya kilala eh" Sabi ni Daisy
Napanguso nalang ako. Grabeng Realtalk naman non.
Pero sa halip na malungkot ay napangiti ako
"Edi magpapakilala ako!" Sabi ko kaya mas lalong ngumiti
Napailing nalang sya sa turan ko
"Mapapahamak ka lang sa gagawin mo"
Umiling ako
"Madali kausap si Adrian, kakaibiganin ko"
"Mabait ba yan?"
"Oo, kaya lang.."
Naisip ko yung nagawa kong kalokohan
"Sabi ko may kaibigan akong may gusto sa kanya" Sabi ko
"May gusto sa kanya si Gem?" Tanong nya
Halos dalawa lang kasi sila ni Gem na solid friend ko eh
Umiling ako
"Hindi ko pwede idawit si Gem eh, pwede bang ikaw nalang yung may gusto sa kanya?" Nagaalangang sabi ko
Nanlaki naman ang mata nya
"Ano?!! Baliw ka na ba?"
Napapikit ako sa sigaw nya saka tinignan sya
"Sorry na, mabait naman yun eh, pwede mo ba akong samahan sa building nila ngayon?"
"Saan ba yan?" masungit na tanong nya
"Business Ad"
Agad syang umiling
"May klase pa tayo, 20 mins from now"
"Saglit lang naman eh"
"Hindi ako pwede, ikaw nalang, pagagayanin nalang kita ng notes pag nalate ka, sanay ka naman eh" sabi nya kaya napanguso ako
Wala na akong magagawa, ako na nga lang.
"Alis na ako"
"Goodluck!"
PARANG tanga ako ngayon na nagtatanong kung nasan ang si Adrian.
Nasa Building na nila ako pero hindi ko naman sya makita, baka nasa klase na.
Naiinis akong tumalikod para sana bumalik nasa Building namin nang...
"Aray naman!" Sigaw ko nang may nakabungguan ako
"Sorry"
Agad akong napatitig sa muka nung lalaking nakabangga sakin
Shit.
"Lewis" bulong ko
Kumunot naman ang noo nya
"Una na ako" sabi nya saka akmang lalagpas
"Wait!" Napatakip naman ako sa bibig ko dahil masyadong napalakas ang sigaw ko
Humarap sya sakin at nagtataka akong tinignan
"Si Adrian? Hinahanap ko kasi, hindi ko makita" Nakangiti kong sabi
Tinuro naman nya ang Room na nasa harap na gilid namin
"Thanks!"
Tumalikod na uli sya saka naglakad
"Saan ka?" tanong ko
"Kay Adrian din" sagot nya
Dapat pala narecord ko ang boses nya, ang cute kasi
Tumango tango ako saka ngumiti kahit hindi nya nakikita
Kumatok sya saka inexcuse si Adrian, ako naman ay nasa likod nya.
"Uy, bakit?" Natatawang sabi ni Adrian nang makalabas sya
Tinuro naman ako ni Lewis kaya napatingin sakin si Adrian
"Skye, diba?"
Tumango naman ako saka ngumiti
"Bakit?"
Napatingin ako kay Lewis, hindi ako makapag focus!
"Pwede ba tayo magusap? Kahit mamaya" Tanong ko
"Tungkol saan?"
"Uhm.."
Sasabihin ko bang tungkol kay Lewis? Sa harap pa talaga nya?
Tumawa lang si Adrian saka tumango
"Sa gate 2 nalang tayo magkita, mamayang 3, pwede ka ba?"
"Oo! Sige, salamat" Sabi ko saka tumalikod
Bakit kaya pumunta don si Lewis? May klase kaya sila!
Agad akong tumakbo pabalik dahil may klase pa din pala ako.
Nang makarating ako sa Room ay nasa halos patapos na. Dalawang klase pa ang pinalampas ko bago mag alas tres, yung isa ay tinulugan ko lang.
Nagmamadali akong naglalakad papunta sa Gate 2, 3 ang tapos ng huling klase ko, late na ako ng ilang minuto dahil nagayos pa ako ng gamit, naiwan ko na nga si Daisy eh.
Napahinga ako ng maluwag nang wala pa si Adrian, nakakahiya kung ako yung late.
Ilang minuto lang ay dumating na sya
"Tara sa Guard house" Yaya nya sakin
"Bakit doon?"
"Ang init, malakas Aircon doon"
Nang malapit na kami ay binati nya yung Guard
"Manong! Patambay po uli saglit ha" Sabi ni Adrian habang nakangiti
"Sige!"
Pumasok naman kami.
Maliit lang ito pero malakas nga ang Aircon
"Anong paguusapan?" Tanong nya saka umupo sa monoblock chair
"Ano kasi.." Sabi ko saka umupo din
Nakakahiya naman tong pinasok ko
"Tungkol ba kay Lewis?" Natatawang sabi nya
Tumango ako kaya naman mas lumakas ang tawa nya
"May iba ng lumapit sakin dahil nagkakagusto sila kay Lewis pero sumuko din, basted!" Sabi nya habang may kung ano ano pang guestures na ginagawa
"Pano mo nalaman?" Nahihiya kong sabi
"Halata eh, habang kinakausap mo ko sa mall, tingin ka ng tingin sa boutique" Nagmamalaking sabi nya
"Bakit binabasted?"
"Loyal sa Girlfriend nya"
Napabuntong hininga naman ako
"Pwede mo ba akong sabihan kung anong nangyayari kay Lewis?"
"Hindi pwede uy, pano ba kayo nagkita?"
Kinwento ko naman sa kanya yung nangyari
"Ahh" Tumatango na sabi nya
"Sige na, friends lang naman"
Umiling sya
"Hindi talaga pwede eh, pero dahil muka ka namang iba sa mga nagkakagusto sa kanya, iba nalang ipakwento mo sakin" Natatawang sabi nya
"Kahit ano! Basta tungkol kay Lewis" napailing naman sya sa kakulitan ko
"Pinsan ko sya kaya matagal na din kaming magkakilala, hindi naman masungit talaga yon, nagbago lang dahil sa Girlfriend nya...Siguro pag natauhan yon, babalik din sa dati, pero sa ngayon, mukang walang balak eh"
Napatango naman ako
"Pwede mo ba ako iupdate kung anong ginagawa nya?" Nagaalangang sabi ko
"Sa totoo lang, tanga yon eh, kaya kung may balak kang saktan yon, wag mo na ituloy" Seryosong sabi nya
"Hindi, Ang mysterious nya kasi tapos, ayon nga"
Tumango naman sya, mukang nagets ang pinipin point ko.
"Sige na nga" Sabi nya
Binigay ko naman ang number ko sa kanya para maupdate nya ako.
"Last na ngayon, Pwede ba malaman kung bakit sya nagpunta sayo kanina?"
Napatawa naman sya
"Makulit talaga" Pabirong sabi nya
"Nagpasama sya sakin bumili ng Lecheflan para sa Girlfriend nya"
Ehh? yun na yon?
"Para saan ang Lecheflan?"
Nagkibit balikat naman sya
"Nagccrave daw eh"
Nanlaki naman ang mata ko
"BUNTIS?!"
Agad syang umiling saka humagalpak ng tawa
"Hindi, gusto lang daw"
"May klase sina Lewis noon ah?" Nagtatakang tanong ko
"Basta para sa Girlfriend, gagawin nya"
Napatigil naman ako. Tanga nga talaga sya
"Tara na?" pagyayaya ni Adrian sakin
Tumango ako saka lumabas na din
Narinig ko pa syang nagpasalamat sa Guard bago kami lumabas
"Yung binili nyang damit sa boutique? Sa girlfriend nya din ba?" Mahinang tanong ko, parang nagegets ko na ang nangyayari, mostly pang babae yung mga damit sa boutique
"Oo eh"
Ang materialistic naman ng Jowa nya.
"Ang tanga nga" Komento ko kaya napatawa si Adrian
"Wag mo gagayahin Girlfriend nya. Sige, una na ako" Natatawang sabi nya
Tumango naman ako at nagpasalamat
Hindi ko pa din magets kung bakit nya yon ginagawa
Napabuntong hininga nalang ako saka umuwi