NALASING na yata aking tiyahin, para na syang magigiba sa kakatawa sa kwentuhan naming tatlo ni Ate Issa. Paano'y hindi naman ito talaga umiinom.
Nag-umpisa na akong maglipit ng mga kalat at pinagkainan para mapagaan ko ang gagawin ni Ate Issa. Napagtanto kong mag-isa lang syang kumikilos, wala syang katulong. Hindi rin naman sya tutulungan ng tiyahin ko dahil nakainom na ito at hindi ito talaga marunong magligpit maski na sa bahay nila.
"Ako na d'yan, Pogi!" pigil ni Ate Issa, "mamaya ko na lang 'yan gagawin."
"Okay lang po, Ate Issa, tulungan na kita," pagmamagandang-loob ko.
"Sige na mare, para may makatulong ka, marami-rami ka pang liligpitin mamaya," sang-ayon sa akin ng aking tiyahin.
*************************************
"Hindi ka na bumalik," nguso ni Cindy pagpasok nya ng bahay. Nakaalis na rin ang mga bisita nya na nag-iwan nang napakaraming kalat sa labas.
"Sorry Cindy, sa susunod na lang. Nahihiya kasi ako sa barkada mo," pagdadahilan ko ulit.
"Bakit ang pogi mo?" walang anong hinawakan nya ako sa mukha. Napakurap-kurap ako sa kanyang ginawa. "Bukas 'pag 'di na ako lasing, pogi ka pa rin kaya?" bulong nya sa akin.
"Lasing ka na Cindy! Sabi ko h'wag magpapakalasing at marami pang liligpitin," ani Ate Issa sa kanya. Naisip kong baka nagselos sya sa paghawak ni Cindy sa mukha ko kaya bahagya akong lumayo.
"Birthday ko tapos pagliligpitin mo 'ko." nguso ni Cindy sa ina.
"Birthday mo nga, eh andami nyo namang kalat sa labas," reklamo ni Ate Issa.
"Bukas na lang 'yan 'Ma, lasing na 'ko. Aakyat na 'ko."
"Bukas ha, magliligpit ka," habol ni Ate Issa kay Cindy pag-akyat nito ng hagdan papunta sa silid nito.
"Opo 'Ma, bukas," natalisod ito sa kalasingan paghakbang sa hagdan. Natawa pa sya sa nangyari.
"Goodnight Jan," malambing na paalam ni Cindy sa akin.
Nagdalawang-isip akong batiin si Cindy ng goodnight. Nakasimangot kasi si Ate Issa. Tumango na lang ako.
"Nakakahiya naman, bisita pa talaga ang nagliligpit.."
"Sanay ako dito Ate Issa, hayaan mo lang na tulungan kita."
"Napakaswerte mo nga naman sa pamangkin mo, mare. Kung sana si Cindy marunong din sa gawaing-bahay," naiiling nyang sabi.
"Ay nako, oo mare, maswerte ako talaga d'yan, sanay 'yan sa lahat ng gawain. Sana lang hindi magbago gaya ng ibang boy ko no'ng tumagal na, mareklamo na," ani Tiya Dela, tumayo na ito sa kinauupuan. "Sya mare, uuwi na ako at baka hanapin na ako ng asawa ko. Iwanan ko na lang 'tong si Janjan para may makatulong ka muna magligpit."
Lihim akong natuwa sa sinabi na iyon ni Tiya Dela. Sa wakas ay masosolo ko na rin si Ate Issa. Iniisip kong tagalan ang paghuhugas ng pinggan o ayain itong uminom para matagal-tagal kaming magkakasama.
"Alam mo ba pauwi Janjan? Dire-diretso lang tapos pagdating sa kabilang kanto ay lumiko ka sa kaliwa."
Nalito ako sa sinabi ni Tiya Dela na direksyon, napakamot ako sa ulo. Hindi ko matandaan ang dinaanan namin papunta dito sa bahay ni Ate Issa, paano'y habang naglalakad kami ay lumilipad ang isip ko sa excitement na makikita ko syang muli. Napa-oo na lang ako dahil baka isama na lang tuloy nya ako pauwi at matatapos na itong masayang gabi na ito ng buhay ko.
*************************************
Nang matapos nyang ihatid ng tingin ang aking tiyahin sa may gate ay inumpisahan na nyang ligpitin ang mga naiwang kalat sa labas.
Dagli akong lumabas para tulungan sya. Inisa-isa kong ipunin ang mga nagkalat na basyo ng bote ng alak at softdrinks samantalang sya naman ay namulot ng basura na diretso nyang sinisilid sa itim na garbage bag.
Sa payuko-yuko nya ay sumisilip ang kanyang malulusog at mapuputing dibdib sa kanyang suot na sleeveless blouse.
"Ate Issa," tawag ko sa kanya saka sumenyas sa bandang leeg ng damit nya.
Hinawakan nya ang dibdib sabay tumawa.
"Ay 'sos kala ko naman kung ano, okay lang 'yan ikaw lang naman ang nakakakita. Tinanggal ko na nga rin 'yung bra ko."
Namula ako sa sinabi nya. Tila ayos lang sa kanya na nakikitaan ko na sya. At talagang sinabi pa nya na nagtanggal na sya ng bra.
"B-bakit po tinanggal nyo na?" pagkuway nahiya ako sa tanong ko.
"Mainit eh!" hinapit nya ang damit kaya bumakat ang maliliit na tuldok sa pink na damit nito. Kunway nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi ka pa ba nakakita ng s**o?" walang anong tanong nya sa akin.
"S-sa nanay ko po," hindi ko sya tiningnan, kunway nagpaka-busy ako sa pagpupulot ng basura.
"Syempre 'yung sa nanay mo," tawa nya ulit. "Eh nakakita ka na ba ng s**o ng ibang babae bukod sa nanay mo?"
"Hindi pa po."
"Hindi pa? Hindi ka pa ba nagkaka-jowa?"
Jowa. Alam ko ang ibig sabihin noon. Kasintahan.
"Nagka-jowa naman po, pero wala namang gano'n, hindi ko naman nakita."
Nagkaroon din naman ako ng kasintahan noong nasa probinsya pa ako pero wala naman sa isip ko noon na kailangan kong makita ang dibdib ng naging kasintahan ko. Tamang sabay umuwi pagkagaling sa eskuwelahan at tuksuhan lang naman ang pagiging magkasintahan namin.
"Kahit sa magazine hindi ka pa nakakita??!"
"Ah nakakita naman po, tska sa mga pelikula. Pero hindi pa sa personal," pag-amin ko.
"Edi ibig sabihin, virgin ka pa? Hindi ka pa nakaka-ano?"
"H-huh? Hi-hindi pa po."
"Talaga??! 'Di nga? Hahaha!" ang lakas ng tawa nya.
Pinagpapawisan na ako. Hindi dahil sa ginagawa naming pagliligpit kundi dahil sa hindi ko inaasahang pag-uusisa nya.
"O baka naman hindi ka pa tuli?"
"Tuli na po ako. 10 palang ako nagpatuli na ako."
"Ano'ng klaseng tuli? 'Yung pukpok o sa duktor?"
"Sa duktor po, 'yung libre kapag bakasyon."
"Masakit?"
"Ah eh… masakit po, syempre."
"Maganda naman ba ang gupit?"
"A-ano po?"
"'Yung pagkakagupit ba?"
Napatanga ako sa tanong nya na iyon. In-imagine ko ang alaga ko kung maganda ba ang itsura nito.
Humalakhak sya ulit nang natagalan ako sumagot.
"Sorry naman sa mga tanong, pinagpapawisan ka na tuloy."
Tila nakahinga ako nang maluwag nang nilubayan na nya ako. Inabutan nya ako ng isang basong malamig na tubig.
"Oh ayan uminom ka, baka atakihin ka na sa puso d'yan," tatawa-tawang sabi nya.
*************************************
Inumpisahan ko nang hugasan ang mga pinaggamitang kaldero sa kusina habang sya naman ay abalang naglalagay sa mga container ng mga natirang pagkain para ilagay sa ref.
"Late na pala. Dito ka na matulog," ani Ate Issa nang makita ang orasang nakasabit sa pintuang naghihiwalay sa kusina at sala nila.
Lihim akong kinilig na gusto nyang dito na ako sa bahay nila matulog. Kagyat iyong nabawi nang maalala ko ang masungit na mukha ng aking tiyahin.
"Uuwi po ako, hahanapin ako ni Tiya Dela."
"Alam mo ba ang daan pauwi?"
"Opo."
"Maniwala ako sa 'yo eh hindi ka naman umaalis sa tindahan. Baka mamaya may makasalubong kang adik d'yan mapagtripan ka pa. Ite-text ko na lang si Tiya Dela mo, sasabihin ko bukas na lang kita pauuwiin. Ipagdala mo na lang sya nitong cake at macaroni salad. Gustong-gusto nya 'to eh."
"S-sige po."
Gusto kong lumundag sa tuwa. In-imagine ko ulit ang pagkakagupit ng alaga ko kung maganda pa. Pakiramdam ko may magandang mangyayari sa amin ngayong gabi na ito. Pero agad ko iyong winaksi sa isip, sobrang bastos. Hindi naman siguro ganoon, baka naman concern lang talaga sya sa akin na mapagtripan nga ako ng mga adik.
Pumina sya sa likod ko para kumuha ng sandok na nakasabit sa taas ng lababo. Nadikit ang kanyang katawan sa akin nang pilit nyang abutin ang mga sandok. Hindi ako umurong para bigyan sya ng daan, hinayaan din lang nya na nahihirapan sya sa pag-abot ng kailangan nya. Maliit lang syang babae, lumampas lang sya nang bahagya sa balikat ko. Kumunyapit pa sya sa likod ko maabot lang ang pinagsasabitan ng sandok. Napakainit ng katawan nya.
"Eto ba?" kinuha ko ang sandok na pilit nyang inaabot.
"Pwede naman palang ikaw na lang ang umabot eh, hahaha!" kahit dis-oras na ng gabi ay malakas pa rin syang tumawa.