webnovel

4 - THE SLEEPOVER (SPG)

"DITO ka na lang sa sofa matulog, Pogi," binigyan nya ako ni Ate Issa ng unan at kumot saka tinutok sa akin ang electric fan, "kung gusto mong maghilamos andoon lang ang CR. Dalawa lang kaming babae ng anak ko dito kaya behave ka lang ha."

"Huh? Opo naman, hindi naman ako gano'n."

"May tiwala naman ako sa 'yo, kung wala edi kanina pa kita pinauwi. Ano'ng oras ka ba gumigising sa umaga?"

"Mga 6 AM po. Linggo naman po bukas, sarado ang tindahan."

"Naku konti na lang pala ang itutulog mo."

"Okay lang po 'yon, saka hindi naman ako talaga natutulog agad pagkahiga."

"Oh ano pa'ng ginagawa mo?"

'Iniisip ka,' iyon sana ang gusto kong isagot. 

"Wala po, kung anu-ano lang, minsan nagbabasa."

"O baka nagj*-j*kol ka pa bago matulog. Hahaha!"

J*kol. Alam ko rin ang salitang iyon. Madalas ko iyon marinig sa biruan namin ng mga kasama ko sa bigasan. Iyon ang ginagawa para makaraos lalo na kapag nakaka-imagine ng maganda at sexy. Pero kahit naman laging nasa isip ko si Ate Issa bago matulog ay ni minsan hindi sumagi sa akin ang mag-j*kol. 

"Hindi po no!" depensa ko. Ikinakatuwa nya talagang batuhin ako ng mga green jokes nya. 

"Sige ite-text ko si Tiya Dela mo, sabihin ko mga alas-syete na kita ihahatid.

Pagkuway nagpaalam na syang matutulog.

"Akyat na 'ko Jan, pahinga ka na rin. Bukas paggising mo mag-aalmusal tayo."

******

MAY isang oras na rin yata akong nakahiga pero ayaw akong dalawin ng antok. Namahay pa yata ako. 

Naiisip ko si Ate Issa. Tulog na kaya sya? Ano kaya ang itsura ng kwarto nya? Dalawa lang sila sa bahay ng anak nya sabi nya. Nasaan kaya ang asawa nya? Hindi ko pa nakikita ang asawa nya kahit isang beses. Pihadong gwapo ito at matangkad dahil kahit hindi kamukha ni Ate Issa si Cindy ay maganda ito at matangkad. 

Nagpanggap akong tulog nang marinig kong may bumukas na pinto. Tahimik na bumaba ang anino sa hagdan. 

Si Ate Issa. 

Tuloy-tuloy syang pumasok sa kusina.

Hindi rin sya nagtagal sa kung ano man ang ginawa nya sa kusina, narinig kong humakbang sya pabalik sa sala.

"Gising ka pa?"

Kumilos na ako. "Opo eh, hindi ako makatulog."

"Malamok ba? Mainit?" Inayos nya uli ang pwesto ng electric fan, may hawak na syang baso na walang laman.

"Hindi naman po ga'no," ewan ko kung malamok ba o mainit ang hindi gaano na sinagot ko. 

Matagal syang nakatayo sa tabi ng electric fan at tinitingnan ako sa pagkakahiga ko sa sofa. Magtatanong na sana ako kung bakit nang bigla syang nagsalita. 

"Halika," aya nya sa akin. 

"S-saan?"

"Shhh..." wika nya, tila ayaw nyang gumawa ako ng ingay. Kinabahan ako.

Hinawakan nya ang kamay ko. Umakyat kami nang dahan-dahan sa hagdan.

Dalawa ang kwarto sa second floor nila. Una nyang binuksan ang kwarto sa bandang kaliwa. Hula ko ay kay Cindy iyon. Sumilip sya saglit sa loob saka tahimik na isinara ang pinto. Nagtungo na kami sa isa pang kwarto.

Pinapasok nya ako sa loob, tanging ang ilaw ng street light lang sa kabilang street ang nagpapaliwanag sa buong kwarto, pero aninag na aninag ko ang suot nyang manipis na damit pantulog at maliliit na butil na parang mais na bumabakat sa kanyang dibdib.

Tumikhim ako. Pero wala akong laway. Natuyo yata ang lalamunan ko bigla.

"Ate Issa," mahinang tawag ko sa kanya.

"Shhh..." sinaway nya akong muli. 

Pinatugtog nya ang radyo na nasa harap ng kama. Pumailanlang ang malamyos na love song sa buong kwarto. 

"Ang ingay mo eh, baka magising si Cindy."

Tumuro ako sa sahig dahil baka sa sahig ng kwarto nya ako patutulugin nang bigla nya akong tinulak paupo sa gilid ng malambot na kama sabay sampa nya paharap sa akin. 

Nagulat ako sa kanyang ginawa. Napahawak ako sa maliit nyang bewang para hindi ako tuluyang mabuwal. Inumpisahan nya akong paghahalikan sa aking leeg habang nagmamadaling nilililis ang aking t-shirt. 

"Ate Issa," bulong ko, "hindi ako marunong."

"Okay lang, tuturuan kita," palipat-lipat ang kanyang halik sa magkabilang leeg ko. Nangilabot ang buong katauhan ko sa ginagawa nya. 

"Ate Issa... Ate Issa, teka po," awat ko sa kanya. 

"Ano ba 'yon?" nilaglag nya ang mga balikat nya, ang bilis mangalahati ng pasensya nya.

"P-pwede bang ano, makigamit muna ng banyo? Naligo naman ako pagpunta ko dito kaso pinagpawisan kasi ako kanina sa pagliligpit. Nakakahiya naman sa'yo baka lasang pawis na ako," nagpaliwanag ako agad. Baka kasi isipin ni Ate Issa ayaw ko ng gagawin namin at bigla akong ipagtulakan palabas.

Natawa sya sa akin, lumipat sya ng upo sa kama. 

"Ayun ang CR. May extra d'yan na toothbrush sa cabinet. Help yourself," ani Ate Issa habang sinusuklay ang mahaba nyang buhok ng daliri. 

CR pala ang makitid na pinto malapit sa pinto ng kwarto. Akala ko ay built-in lang na cabinet. Dali-dali akong naligo at nag-toothbrush. Galit na galit na ang alaga ko mula pa kanina nang hinawakan ni Ate Issa ang kamay ko. Hindi ko na pinansin ang pagwawala nya, tutal makakatikim na rin naman sya ng langit ngayon. Buti na lang at natuto akong mag-ahit ng b******o ko sa baba mula noong napasok ako sa bigasan. Naririnig ko kasi ang kantyawan ng mga kasama ko tungkol dito, pangit daw kapag merong b****l. Marumi raw at mas humahaba ang t**i kapag wala nito. At totoo naman, pakiramdam ko ay mas humaba pa ng kalahating pulgada ang kargada ko. 

Nakaupo sa gilid ng kama si Ate Issa nang lumabas ako ng banyo. Iniwan ko na ang mga damit ko na nakasabit sa CR. Dilat na dilat ang mata nyang nakatitig sa kahubdan ko. Pakiramdam ko ako si Machete.