webnovel

NOATHAST ACADEMY (SCHOOL OF DEATH)

(TagLish) An evil monster needs a heart that truly loves him in order to make him fully human again, but how is this mystery connected to the most prestigious school in town?

envieve · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
13 Chs

Chapter 9: Silhouette

Chapter 9

NAGISING ako nang may gumagalaw sa buhok ko. It feels relaxing though.

    Dinilat ko ang isang mata ko tapos pinikit din. Pinaling ko ang ulo ko sa kabilang side dahil nangangalay na ang leeg ko.

    "Ang gulo mo naman."

    Doon ko na-realize na si Hades ang nakita ko nang saglit kong idilat ang mata ko. Inaantok pa kasi ako pero nawala ito nang marinig ko siyang magsalita.

    Umayos ako ng upo at pinagmasdan siya, tapos yung buong room. Tahimik dahil kami lang ang tao.

    Tumingin uli ako kay Hades... tapos sa buhok kong tinitirintas niya. And then I looked at him again. He looked so damn bored at ang buhok ko ang napagdiskitahan niya.

    Kinuha niya ang band sa wrist ko at itinali sa dulo ng ginawa niyang braid sa buhok ko.

    How long have you been here? Have you watched me sleeping the whole time?

    Yan ang gusto kong tanungin sakanya. Ngunit, eto ang nasabi ko, "Mga baliw ata ang nag-aaral dito. Kanya kanya kayo ng mood. Ang hihirap niyong ispelingin. Tss."

    Bahagya siyang tumawa tapos binitawan na ang buhok ko dahil tapos na niyang itali. He then looked at me. Eto na naman siya kung tumitig... ang lagkit... parang nakakalunod.

    "Don't ever forget you're one of us." Ni-pat niya ang ulo ko.

    Tama nga naman, I'm one of the students here.

    Mayamaya, narinig naming bumukas ang pinto. Pumasok si Ezraic, isa siya sa mga kakaunting close ko sa classmates namin. He's a nerd but fun to be with.

    "Hi, Ezraic!" tawag ko sakanya.

    Hindi ko alam pero parang ang lalim ng iniisip niya. At nakita ko kung paano siya magulat nang makita kami ni Hades. Siguro nagtataka siya kung bakit kami magkasama.

    Nginitian niya ako. "Naiwan ko yung libro ko sa Entrep," sabi niya.

    Tumango-tango ako at nag-wave ng kamay bago siya umalis.

    Nabalik ang atensyon ko kay Hades nang ilapag niya sa desk ko yung phone niya.

    "Akin nalang?" biro ko.

    "Gusto mo?" He looks amused.

    Tumawa ako at kinuha ang phone niya. The screen is showing the numbers, in which, asking me to input my phone number. So I did. We're partners sa isa school activity that's why he's asking for it.

    Pero bakit parang ang saya ko? WTF. Na-contaminate na ba ako sa mga kababaihan dito? Am I having a crush on Hades?

    Akala ko pa naman kay Malcolm ako magkaka-crush.

    So inamin ko na nga talagang crush ko si Hades? Tsk.

    "Magpakilala ka ah," sabi ko habang binabalik yung phone niya.

    "I'll see you then." Tumayo siya at nagsimula ng umalis.

    "Malamang classmate pa din tayo sa next subject."

    Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pinto ng room.

    May napansin akong silhouette ng babae ang nakasilip sa bintana pero agad itong nawala. Napaisip ako. Baka guni-guni ko lang.