webnovel

Pursuers

Editor: LiberReverieGroup

"Ang tagal mong tinago ang Holy Blood, Barbara. Sa wakas, nahanap ka na namin!"

Hindi pinansin ng mga anino si Marvin, sa halip nakatuon ang atensyon ng mga ito kay Barbara at Jo.

Napansin ni Marvin ni mayroong malabong naka-imprenta sa pagitan ng kanilang mga kilay.

Bloodthirst!

Ang limang dumating ay mga Vampire expert mula sa Dark Side.

"[Pursuer] Huntson!" Biglang nagbago ang reaksyon ni Barbara.

Ang namumuno sa mga Vampire ay gwapo at may maamong mukha, pero sa kasamaang palad, mayroon siyang peklat sa kanyang mata kaya masama itong tinginan.

Isa siyang Pursuer!

Ang mga Pursuer ng Dark Side ang taga-tugis at taga-patay ng mga traydor.

Sa kabuoan, hindi hihigit sa limampung Vampire ang may ganitong titolo, at ang baybayin sa kanluran ay napakaraming mga expert.

'4th rank Pursuer.'

'Ang iba pa ay mga 3rd rank at halos kapareho ni Karoth.'

Hindi naman nagbago ang reaksyon ni Marvin.

Hindi siya pinansin si Marvin ng mga ito, kaya naman natatawa siya.

Ito ay dahil isa siyang tao. Malinaw na alam ng Dark Side ang pinagkaiba ng mga Human at Vampire, at mukhang isang ordinaryong Human lang si Marvin.

Kahit na mayroon siyang mahinang awra ng mga Vampire, at marahil matagal na niyang kasama ang dalawang ito.

Hindi alam ni Huntson na ang pagiging kampante niya ang pinakamalaking pagkakamali niya!

Ang atensyon nila ay nakatuon lahat sa maliit na katawan ni Jo.

Makikita ang kasakiman sa mukha ng lahat ng Vampire ng Dark Side.

Iyon ay Holy Blood, ang purong bloodline na iniwan ng pinaka-unang Primogenitor. Kung makukuha nila ang kapangyarihang ito, maaari silang maging mga Great Duke Legend Vampire na kayang tapatan ang lakas ni William

Sa kasamaang palad, hindi nila makakayanan ang kapangyarihan ng Holy Blood kapag nilamon nila ito. Noong bata pa si Jo, mayroon nang sumubok nito.

Ang sino mang umunok ng kapangyarihan ng Holy Blood ay magiging alipin sa kapangyarihan nito at walang habas na papatay na parang walang sariling pag-iisip.

Mas nakakatakot pa ito kesa sa Bloodthirst!

Kaya naman, wala silang magagawa kundi tingnan lang ito habang paulit-ulit nilang pinapaalala sa kanilang sarili na mas mahalaga ang kanilang buhay!

Kung madadala nila si Jo sa kampo ng mga Dark Side, siguradong bibigyan sila ng malaking pabuya ng mga Elder.

Ito lang ang nais nila, kasama na si Pursuer Huntson. Isinuko niya ang pagkakataon na humimlay at mapalakas ang sarili para hanapin si Jo, maghapon at magdamag hanggang sa naramdaman na nga nito ang awra ng Holy Blood.

Kaya naman sabik na sabik siya!

"Bata, sumama ka sa amin, Hindi ka naming sasaktan."

"Alam mo kung gaano kalalang krimen ang pagtataksil sa Dark Side." Walang pusong paalala ni Pursuer Huntson.

"Pero kapag nakuha namin siya, patatawarin naming ang lahat ng nagawa mo," sabi ni Huntson kay Barbara.

Hindi tanga ang mga Elder ng Dark Side. Si Jo ang susi sa pag-angat ng Dark Side, alam nilang kapag sinaktan nila ang ina-inahan nito, sa oras na magising ang bloodline nito, siguradong hindi sila patatawarin nito.

Isa pa, matagal nang plano ng Dark Side na gamitin si Barbara para ma-kontrol si Jo.

Simple lang ang utos kay Huntson. Dalhin ang dalawa sa kanila nang hindi sinasaktan ang mga ito.

Mahirap ang misyon na ito, pero higit na mas malakas si Huntson kesa kay Barbara. Habang si Jo naman ay bata pa at hindi pa nakakatikim ng dugo, kaya hindi ito makakalaban sa kanila.

'Kapag natapos ko ang misyon na ito, baka makakuha pa ako ng Reverse Cross Medal, pati isa o dalawang Dense Blood Nucleus.'

Masaya naman si Huntson habang iniisip ito.

Nagngalit ang ngipin ni Barbara, binabalak niyang itaya ang lahat para labanan ang mga Vampire na ito!

Alam niya kung gaano kawalang modo ang Dark Side. Kung hahayaan niyang mapunta si Jo sa mga kamay nila, delubyo lang ang idudulot nito!

Ayaw niyang makitang maging halimaw si Jo gaya ng Great Duchess ng Caste Tulip noon!

Pero noong mga oras na iyon, sumabat ang boses mula sa likuran ng mag-ina, "Mukhang babae at bata lang ang kaya ng mga Vampire ng Dark Side."

Agad namang napukaw ng mga salita ni Marvin ang atensyon ng limang Vampire.

Sumimangot si Huntson, pero bago pa siya makapagsalita, sumugod na si Marvin!

Dahil nakapagdesisyon na siyang babaguhin ang kasaysayan, hindi na niya hahayaang makuha ni Huntson si Jo.

Kasing bilis ng kidlat ang kilos ni Marvin dahil sa Godly Dexterity. Sa isang iglap nasa harapan na siya ni Huntson.

Nagulat si Huntson. Umabot na sa sukdulan ang bilis ni Marvin.

Sadyang hindi siya makaka-iwas dito dahil sa sikip ng lugar!

Pero marami nang karanasan sa pakikipaglaban ang Pursuer. Ang katawan ay agad na naging isang paniki kaya naman naiwasan nito ang dagger ni Marvin.

Pero hindi kasing swerte ni Huntson ang ibang mga Vampire.

Pagkatapos hindi tamaan ni Marvin si Huntson, gumamit siya ng Shadow Escape at napunta sa likod ng isang Vampire.

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makaiwas ito at agad na pinutol ni Marvin ang ulo nito!

Ang unang tunay na labang ng [Curved Dagger – Azure Leaf]. Sa gaan nito ay hindi na mapigilan ni Marvin ang kanyang sarili.

Hindi na niya kailangan gumamit ng lakas. Sa sobrang talim nito ay pakiramdam ni Marvin ay parang naghihiwa lang siya ng mantikilya nang putulin niya ang ulo ng Vampire!

Namutla naman sa takot ang tatlo pang Vampire.

Ang kanilang bilis ang pinakamalakas nilang alas, pero ngayon ay tila nilalamon sila ng bilis ni Marvin!

"Sino ba ang lalaking ito!"

"Parang pamilyar ang mukha niya?"

"Ah! Siya si MA…"

Agad na tumakas ang tatlo. Ang isa sa kanila ay gumamit ng Low Flight, tila namukhaan nito kung sino si Marvin.

Pero sa kasamaang palad, hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi at nahati na siya sa dalawa!

3rd rank Vampire. Wala itong Fatal Injuries Immunity, at kung mayroon man siya nito, dahil sa mga [Azure Leaf], hindi ito tatagal nang tatlong atake!

"Woosh!"

Sa isang iglap, ibinuhos ni Marvin ang lahat para umatake na parang espiritu at hindi nagmintis ang lahat ng kanyang pag-atake!

Paglipas ng limang segundo, apat na Vampire ng Dark Side ang agad niyang napatay!

Ito ang kapangyarihan ng Godly Dexterity at ng isang Legendary Weapon. Malaki na ang nadagdag sa lakas ni Marvin!

Wala nang kahirap-hirap sa kanya ang pagpatay sa mga 3rd rank class holder!

Natahimik ang buong basement.

Apat na malamig na bangkay ang nakabulagta habang kumakalat ang pulang dugo sa lapag.

Nagmamadali naman tinakpan ni Barbara ang mat ani Jo sa takot na maakit ito sa dugo.

Pero ang ikinagulat niya ay bumabalik na sa normal ang temperatura ng katawan ni Jo kasabay ng pagkawala ng mga senyales ng paglabas ng Holy Blood.

Alisto naman na naiwang nakatayo si Marvin, itinuon niya ang kanyang perception sa mga pagbabagong mangyayari sa dilim.

Alam niyang hindi basta-basta susuko si Huntson, kahit na sapat na ang lakas na ipinakita niya para matakot ang maraming tao.

Pagkatapos maging paniki, mas gumagaling sa pagtatago ang mga Vampire. Pangkaraniwan lang ang perception ni Marvin kaya mahirap para sa kanya hanapin ito sa walang hanggang kadiliman.

"May paraan ba kayo para mahanap siya?" Pabulong na tanong ni Marvin.

Natigilan si Barbara. Hindi niya alam kung bakit siya tinulungan ni Marvin, pero mas mabuti naman siguro ang legendary hero na ito kumpara sa Dark Side, hindi ba?

Dati siyang miyembro ng Dark Side, pero nakawala siya mula sa Bloodthirst sa pamamagitan ng espesyal na pamamaraan, kaya hindi na niya matutunton kung nasaan si Huntson.

Kaya naman umiling ito.

Sumimangot si Marvin. Sa sobrang bilis naging paniki ni Huntson, hindi siya nakakuha ng kahit anong maaaring gamitin para sa Night Tracking kaya hindi niya ito magagamit.

'Sumuko na ba siya? Hindi! Siguradong aatake si Huntson nang palihim.Kailangan maging alisto ako.'

Makikita ang kaba sa mga mata ni Marvin.

Sariwa pa sa kanyang isipan ang pag-atake sa kanya nang palihim ng Shadow Prince. Hindi na hahayaan na maulit ni Marvin ang pagkakamaling iyon.

Siguradong hindi niya mapapalabas si Hunston sa pinagtataguan nito!

Pero biglang tumuro si Jo sa isang sulok na madilim at sinabing, "Ayun siya!"

Agad naman gumamit si Marvin ng Night Boundary!

Umabot sa sukdulan ang kakayahan ng Darksight ng mga Night Walker. Itinuon niya ang kanyang paningin, at nakita nga niya ang isang paniki sa direksyong itinuturo ni Jo.

Biglang pinagaspas ng paniki ang pakpak nito at sinubukan tumakas.

Pero dahil sa sikip ng lugar, nahirapan siyang makaalis!

Maraming nilalaman ang Storage Item ni Marvin.

Isang lambat ang humarang kay Huntson bago pa ito makalipad palayo.

Pero hindi ito tunay na lambat, isa itong magic staff na mayroong enchanment na [Fishing Net].

Kumpara sa Spider Web, ang Fishing Net ay mas akma para sa mga Vampire!

Nahuli naman ng Fishing Net ang paniki at kumisap-kisap ang kulay pilak na liwanag dito. Mayroong nakakabit na pilak na dagger sa lambat!

Ginawa talaga ang Fishing Net ability nito para mapigilan ang mga Vampire!

Pagkatapos mahulog ni Huntson sa patibong, agad siyang bumalik sa Human-shape.

Pero nakalapit na agad si Marvin. Agad naman silagn naglaban.

Pero kahti na isang noble Dark Side Pursuer si Huntson, hindi nito matapatan si Marvin dahil sa Godly Dexterity nito.

Ang mga sandatang hawak ni Huntson ay hindi pangkaraniwan, pero dahil sa mabagsik na Azure Leaf na daggers… nasira ang mga ito pagtapos ng tatalong atake!

'Kahit na wala itong Armor Break o Disintergration na property, mayroon naman itong mga lihim na property!'

'Ang mga sandatang ito na ginamit ng Great Elven King ay napakaganda!'

Masaya si Marvin. Mas bumagsik ang kanyang mga atake. Sinamantala niya ang hindi pagiging hand ani Huntson at ginamit niya ang Night Beheading!

"Woosh!"

Isang kumislap ang liwanag kasabay ng paglipad ng isang ulo.

Tila hindi mapakali ang walang ulong katawan ni Huntson, pero inapakan ni Marvin ang ulo nito.

Paglipas ng ilang sandali, tumigil na ang katawan ni Huntson at sa wakas ay namatay na ito.

Sa logs ni Marvin may isang nagsasabing nakakuha siya ng 1000 battle exp.

'1000 exp na lang ang nakukuha sa pagpatay ng 4th rank expert ngayon… pababa nang pababa ang nakukuha kong exp.'

Napailing si Marvin.

Pagkatapos nito, tiningnan niya ang mag-ina. "Kung may tiwala kayo sa akin, sumunod kayo sa akin."

"Malinaw na alam na nila ang tungkol sa lugar na ito. Hindi magtatagal at darating ang mas maraming mga Dark Side Vampire."

 .

Tulirong tiningnan ni Barbara si Marvin, bago tiningnan si Jo at saka ito tumango.

Sa dakong hilaga ng Ruins Citu, isang ordinaryong Ancient Castle ang nakatayo sa tuktok ng bundok.

Napapaligiran ito ng kagubatan at makapal na hamog.

Underground, sa Ancient Castle.

Dahan-dahang minulat ng isang Vampire Marquies ang kanyang mga mata at sinabing, "Namatay si Pursuer."

"Namatay siya dahil sa paghahanap ng Holy Blood."

"May mga taong palihim na kinukuha ang Holy Blood. Baka isang miyembro ng Bright Side!"

 .

Isang kaakit-akit na babae na mayroong lakas ng isang Vampire Marquis ang nakaupo sa harap nito.

Sumimangot ang babae, "Kasing lakas natin si Hunston… Hindi kaya si Gwyn ang may kagagawan nito? O isang Bright Side Elder? Hindi naman siguro si William, hindi ba?"

"Pabangis nan ang pabangis ang Bright Side. Ang lakas ng loob nilang pumatay sa loob ng dominyon natin!"

"Mabuti na lang at nakumpirma na natin ang lokasyon ng Holy Blood. Nasa Ruins City!"

"Magpadala ng mas maraming Pursuer!"

"Hindi na kailangan!" Sabi ng isang matandang boses,"Hindi mo na kailangan makialam sa bagay na ito. Hayaan mon a si Stephanie ang umasikaso nito."

Nanlamig ang mukha ng dalawang Vampire, na tila ba may mga alaala silang gustong kalimutan. "Si Stephanie?"

"Kelan pa siya nagising?" mabilis na tanong ng babae. "Sigurado ka bang hindi kakainin ng baliw na iyonang nagtataglay ng Holy Blood? At saka miyembro siya dati ng Bright Side!"

Biglang umalingawngaw sa kanyang tenga ang isang kabigha-bighaning boses. "Ganoon ba kayo katakot na dalawa sa akin?"

"Hindi ko kakainin ang bata. Pero kayong dalawa…"

Dalawang naghihinagpis na sigaw ang umalingawngaw sa Ancient Castle!

Paglipas ng sampung minute, isang paniki ang lumipad papalabas ng Ancient Castle at nagtungo sa Ruins City!

'Gusto kong malaman kung sino ang nakatalo kay Huntson nang ganoon-ganoon lang.'

'Ano kayang lasa niya.'