webnovel

Holy Blood

Editor: LiberReverieGroup

Kaagad naman nawala ang gulat sa mukha ni Marvin.

Kahit na nakakita siya ng "dating kakilala", sa orihinal na mga panyayari, isang taon pa bago siya nagpakita. Sa pagkaka-alala niya, hindi pa ito ang panahon ng [Bloodthirsty Witch].

Kumalma siya at pinagmasdan ito, ninanamnam niya ang napakagandang surpresa na ito.

Marahil dahil matagal nang hindi nagkakaroon ng kliyente ang Swing Inn kaya masigasig siyang sinalubong ng may-ari.

Humingi si Marvin ng pagkain at mainit na sabawa kasama ng isang tahimk na kwarto bago siya magpahinga dito.

May nakasunod na maliit at mahiyaing babae sa may-ari. Mukhang kasing tanda ng batang ito si Isabelle.

Nahihiya itong nagtago sa likog ng may-ari. Maya't maya ay titingnan nito si Marvin.

At sa tuwing ngingitian siya ni Marvin, muli itong magtatago.

Napakaganda ng babaeng ito.

Kinagabihan. Nagising si Marvin mula sa kanyang pagtulog.

Sa lamesa, may tinapay at karneng lumamig na. Kumuha siya ng isang basong gatas at nag-isip.

Masasabi niyang swerte na nagbukas na ang Sruha, pero naghinala naman si Marvin dahil maaga niyang nakasalamuha ang Bloodthirsty Witch.

Kung hindi siya nagkakamali, ang may-ari ng Swing Inn ay tinatawag na Barbara at hindi ito pangkaraniwang tao. Dati siyang miyembro ng Dark Side!

At mas espesyal ang batang babae. Kahit na hindi siya isang Vampire, nakasalalay sa kanya ang revival mission ng Dark Side.

Nasa batang babaeng ito ang Holy Blood ng Vampire Duchess, ang bloodline ng primogenitor na si [Yin].

Makapangyarihan ang bloodline na ito. Basta magising ito, makakakuha ang batang babae ng lakas na kapantay ng kapangyarihan ng Duchess, lakas ng isang Legend.

Sa plano ng Dark Side, ang batang babae na si Jo ay magiging kanilang pinuno at pamamahalaan nito ang buong baybayin sa kanluran.

Lalo pa at dahil sa interaksyon ng hangganan ng Norte at Katimugan, hindi na pinapansin ng South Wizard Alliance ang dakong kanluran.

Ito na ang pagkakataon nito na makawala mula sa pamamahala ng Wizard Alliance.

Matagal nang pinaplano ng Dark Side ang bagay na ito. Sa laro, nagtagumpay sila.

Kahit na hindi alam ni Marvin ang mga pangyayari, alam niya na mayroong powerhouse sa Dark Side na kayang tapatan si Duke William ng Bright Side.

Ito lang ang piraso ng impormasyon tungkol sa [Dawn of Vampires: Dark and Bright].

Sa pagpapalawak na iyon, opisyal nang pumasok sa core stage ng Feinan ang mga Vampire. Nagsimula ito sa Chaotic Wolrd pagkatapos ng Great Calamity hanggang sa makalabas sila dito.

Sadyang may kanya-kanyang mga ideolohiya ang Bright at Dark Side. At hindi maaring magsamang mamuhay ang dalawang panig.

Para naman sa mga manlalaro, hinabol ng mga ito ang mga benepisyo. At dahil sa may kabaliwang taglay ang Dark Side, karamihan sa mga manlalaro ay piniling tumulong sa misyon ng Bright Side. Sa huli, mapuksa na ang Dark Side, at kakaunti na lang ang natira.

Noong mga panahon na ito, si Marvin, bilang Ruler of the Night, ay tumulong din. Dati siyang lumaban kasama si Duke William ng Bright side para puksain ang hindi mabilang na pugad ng mga Dark Side. At dahil dito, kabisadong-kabisado na niya ang katawan ng mga Vampire.

Habang si Bloodthirsty Witch na si Jo, tinanggal ng Great Duke William ang kanyang Holy Blood at nabaliw ito.

Hanggang doon na lang ang naaalala niya tungkol dito.

Sa pagkakaalam niya, ang ina-inahan ni Jo na si Barbara, ay miyembro ng Dark Side. Pero dahil sa mga pangyayari, tinalukuran ito ni Barbara at piniling mamuhay nang mag-isa sa mundo ng mga mortal. Habang nagtatago siya sa pagtugis sa kanya ng Dark Side, ginawa niya ang lahat para mapigilan ang Holy Blood ni Jo pero hindi siya nagtagumpay.

Masyadong malakas ang kapanyarihan ng Holy Blood, at ang pilit na pagpigil dito ay magdudulot lang ng mas malalang kahihinatnan.

Sa huli, nahanap ng Dark Side ang kanilang pinagtataguan. Walang nagawa si Barbara kundi ibigay si Jo at mula sa isang inosenteng bata, naging isang Witch na ito na binubuhay ng Holy Blood.

Nagpatong-patong ang mga bangkay kung saan man maputna si Jo. Walang makapigil sa kanyang pagka-uhaw sa dugo at pagpatay. Tanging si Barbara lang ang kayang pigilan ito nang bahagya at pabalikin siya sa pagiging isang normal na batang babae.

Pero bahagya lang ito.

Naalala ni Marvin na bago mamatay si Jo, aksidente niyang napatay si Barbara. Marahil ang mga hindi maipaliwanag na ginawa niya sa kanyang huling laban ay dahil umaasa siyang maililigtas pa siya.

Hindi dapat pinapasan ng isang batang babae ang mga ganitong bagay.

Hindi alam ni Marvin kung anong nangyari kay Jo bago ito, pero alam niyang ngayong dumating na ang pagkakataon na ito, maaari na niyang baguhin ang sitwasyon.

'Kahit na nagpakita ang Bloodthirsty Witch isang taon pagkatapos ng Great Calamity, iyon ang panahon na nagising siya mula sa pagkakahimbing.'

'Kaya masasabing ang bloodline sa kanyang dugo ay nabuhay nab ago pa iyon.'

'Hindi ko lang alam kailan kikilos ang Dark Side…'

Nag-iisip na nakaupo si Marvin sa upuan.

Hindi rin siya isang mabuting samaritano. Kahit na inosente si Jo, ang Holy Blood na mayroong siya ay ang pinakamahalaga kay Marvin.

Hindi lang iisa ang property ng Holy Blood. Kaya nitong gawing makapangyarihan ang isang tao o pwede rin mabaliw ang isang tao dahil dito.

Kapareho nito ang Book of Nali. Kung wala kang sapat na Wisdom, hindi mo kakayanin ang kapangyarihan nito.

Puro ang isipan ni Jo at malaki pa ang maaaring ilakas nito. Kung may gagabay sa kanya, kaya niyang tanggapin ang kapangyarihan ng Holy Blood nang hindi nahuhulog sa [Bloodthirst] ng Dark Side. At dahil doon magkakaroon ng isa pang makatwirang Legend.

Mahalaga din ang mga Vampire sa plano ni Marvin.

Ang pagkalaban sa mga god ay isang bagay na hindi niya kakayaning gawin nang mag-isa. At dahil dito, ang mga Barbarian at mga Vampire ang isa sa mga pinakamagandang kakampi ni Marvin.

Dahil ang dalawang race na ito ay hindi sinasamba ang mga God, kundi ang kanilang mga ninuno!

Ang paniniwala nila ay nakapaloob sa kanilang bloodline, sa kanilang mga ninuno, at sa mga susunod pang henerasyon.

Kaya naman, ang kanilang race ay isang malaking kabastusan sa mga god!

Pagkatapos na sunod-sunod ipamalas ng mga god ang kanilang kapagnyarihian sa Feinan, ang mga Vampire at mga Barbarian ang mga una nilang pinunterya. Mas maswerte ang mga tao at iba pang mga race.

Dahil ang mga walang pinaniniwalaan ay maaari pa ring makuha.

Habang ang mga naniniwala sa kanilang mga ninuno, isa lang ang kanilang kapupuntahan, kamatayan.

Hindi mahihina ang mga Vampire at Barbarian, kaya kahit na nagtulong-tulong ang mga god, hindi nila nagawa tuluyang puksain ang mga ito.

Ang dalawang race na ito ang magandang gawing kaalyansa ng White River Valley.

Sa kasamaang palad, hindi masyadong nakakasalamuha ni Marvin ang dalawang race. Ang isang Barbarian na nakilala niya ay natakot sa kanyang mga kaibigan noong nagpunta sila sa malamig na bahagi ng Norte. Mukha siya ang pumoprotekta sa tribo ng mga Barbarian. Habang ang Vampire lang na nakasalamuha niya ay si Gwyn.

Wala siyang naalala tungkol sa kanya noon kaya sa tingin ni Marvin ay namatay na ito bago pa ang Great Calamity.

Matindi ang labanan sa pagitan ng Bright Side at Dark Side. Ang isang henyo na gay ani Gwyn ay siguradong pupunteryahin ng Dark Side.

'Mukhang pagkatapos ng misyon ko sa Pambo Sea, oras na para kausapin ang Great Duke William'

'Nakasama ko naman siyang lumaban noon… sa kasamaang palad, hindi ko alam kung makukumbinsi ko ang makasariling matanda na ito sa ngayon.'

Napabuntong-hininga si Marvin.

Pero hindi niya inasahan na biglang bibilis ang tibok ng kanyang puso!

Sa isang malamig na basement.

Nagkukulay-ube na ang labi ng isang batang babae na balot ng kumot. Dilat ang kanyang mga mata at makikita ang pagka-inosente sa mga mata nito.

"Pinun…pinuntahan niya uli ako para hanapin," sabi ng batang babae.

Malumanay naman siyang niyakap ng babae. "Wag kang matakot, Jo, nandito si mama. Walang mananakit sayo."

Bahagyang kumalma si Jo.

"Mama, nilalamig ako," bulong ng bata.

Makikita ang pag-aalala sa mukha ni Barbara.

"Gusto kong uminom ng mainit," sabi ni Jo.

Biglang nagbago ang mukha ni Barbara!

Hindi kailanman sinabi ito ni Jo noong hindi pa nabubuhay ang Holy Blood!

"Gusto mo bang uminom ng mainit na gatas?" Pinilit niyang manatiling mahinahon at malumanay na tinanong ang bata.

"Mainit na gatas? Gusto kong uminom ng kulay pulang mainit…."

"Mama, uhaw na uhaw na ko… gusto kong uminom ng mainit…" Pagmamaka-awa ni Jo.

Nanlumo si Barbara.

Pero biglang napasigaw si Jo, "May masamang tao!"

Agad namang napunta ang atensyon ni Barbara sa lumulutang na anino!

Ito ay Low Flight, isang innate skill ng mga Vampire!

Makikita ang pagkasindak sa mukha ni Barbara. "Nahanap niyo pa rin kami?!"

Sa kanyang pananaw, ang isang taong gumagamit ng Low Flight ay siguradong isang Vampire.

Hindi nangahas na magtalaga ng mga tauhan ang Bright Side sa kanlurang baybayin. Ang kanilang laban ay tumitindi na. Kung mayroong Vampire ng Bright Side sa lugar na ito, siguradong aatakihin ito ng grupo ng mga Dark Side expert.

Siguraong ang mga pupunta dito ay mga tauhan ng Dark Side na matagal na niyang pinagtataguan!

Habang iniisip ito, hindi niya mapigilang kagatin ang kanyang labi.

Hindi niya maaaring hayaang mapunta sa mga ito si Jo!

Inilabas niya ang isang dagger na gawa sa pilak mula sa kanyang manggas.

Pero may malumanay na boses na biglang nagsalita sa kanilang likuran. "Nakakapagod sigurong magtago mula sa mga Dark Side habang pinapangalagaan ang batang 'to, no?"

Napatalikod sa takot si Barbara at nakita ang isang binatang mahinahong nakatayo sa kanilang likuran.

Parang multo itong kung kumilos. Sa ganitong pagkilos, siguradong isa itong Half-Legend Vampire!

Humarang si Barbara sa harap ni Jo para protektahan ito. "Anong kailangan niyo? Ibibigay ko ang gusto niyo, basta wag niyong gagalawin si Jo."

Sumilip si Jo mula sa kumot at tinitigan si Marvin. "Wag mong sasaktan si Mama!"

"Kundi kakagatin kita hanggang sa mamatay ka!"

Pagkatapos sabihin ito, ang kanyang mga pangil ay biglang tumubo at naging matalas!

Sumimangot sina Barbara at Marvin. Hindi na mapigilan ni Jo ang kapangyarihan ng Holy Blood!

"Anong gagawin ko? Hindi niyo ba ako nakikilala?" naiilang na sabi ni Marvin.

Natigilan si Barbara. Di nagtagal, isang apoy ang kumislap sa basement at malinaw nang nakikita ni Barbara si Marvin.

"Ikaw … Ikaw si Vicount Marvin ng White River Valley!? Gulat na sabi ni Barbara.

Kumurap si Jo, nawala na ang kanyang mga pangil. Magsasalita dapat ito nang biglang bumugso ang hangin sa loob ng basement!

"Woosh!"

Ilang anino ang biglang lumitaw.

"Holy Blood… Nakaka-amoy ako ng Holy Blood," mababang sabi ng isang anino.