webnovel

The Twins Went Missing (6)

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1935: Nawala ang Kambal (6)

Kaagad na napakiramdaman ni Qin Chu ang pag-aalala ni Huo Mian kaya't nilapat niya ang kamay niya sa likod nito para mas maging komportable ang asawa niya.

Tumingala si Huo Mian kay Qin Chu at ngumiti.

Nagkaroon sila ng tahimik na kasunduan.

At narinig na nga nila ang malakas na tawanan sa likod nila.

Bukod pa doon, naririnig nila ang mga pagmumura sa Ingles. Naiintindihan nina Huo Mian at Qin Chu ang mga sinsabi ng mga lalaki.

Nandilim kaagad ang mukha ni Qin Chu…

Natakot si Huo Mian na baka may matinding gawin si Qin Chu kaya pinaalalahanan niya ito, "Honey, busog na ako. Bumalik na tayo sa kwarto."

Nasa ibang bansa sila at ayaw na niyang gumawa ng gulo.

Wala rin silang mga kasamang bodyguard. Ang limang gangster ay mga malalaking tao.

Ang isang matalinong tao ay 'di na pipiliing gumawa ng gulo na ikapapahamak lang din niya.

Capítulo Bloqueado

Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com