Chapter 1934: Nawala ang Kambal (5)
"Tingin mo ba talaga 'di ko naaalala?" Natawa si Huo Mian.
Nagkatinginan sila at napangiti; alam nila ang iniisip ng isa't isa kahit 'di nila sabihin.
Apat na taon na ang nakalilipas, bumalik na si Qin Chu sa China at pinakasalan si Huo Mian. Kahit na 'di siya ang pinakamabait na lalaki sa mundo sa buong prosesong 'yun, handa pa rin si Huo Mian na ituloy ang pagpapakasal…
Mabuti na lang at binigyan nila ang isa't isa ng ikalawang pagkakataon…
Isang beses, nasa kotse sina Qin Chu at Huo Mian nang may tumugtog na kanta sa radyo. Sa oras na 'yun, nagkwento si Qin Chu tungkol sa California.
Sabi ni Qin Chu ay magandang lugar ang California at isang araw ay dadalhin niya dito si Huo Mian.
Siya yung tipo ng tao na pinaninindigan talaga ang mga pangako niya at nagsisikap na gawing totoo ang mga ito.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com