Chapter 1933: Nawala ang Kambal (4)
"May seryosong bagay tayong kailangang pag-usapan," seryosong sagot ni Huo Mian.
"Ano 'yun, Honey?"
"Sa susunod nating lifetime, gusto ko ako naman 'yung lalaki at ikaw 'yung babae, tapos ako 'yung magppropose sa'yo. Okay?" ngumiti si Huo Mian.
"Bakit?"
"Kasi syempre ikaw 'yung babae dahil marahan ka at mabait, marunong kang magluto saka gumawa ng gawaing bahay. Tapos marunong ka pang mag-blow dry! Sobrang galing mong babae!" Pagpuri ni huo Mian kay Qin Chu.
"Kaya lang…kung ako 'yung babae, 'di kita pakakasalan," mabagal na sagot ni Qin Chu.
"Bakit naman hindi?" kaagad na sumimangot si Huo Mian.
"Kasi 'di ka magiging masyadong hot," biro ni Qin Chu.
Akala niya ay magagalit si Huo Mian pero nagkrus lang ang mga braso nito at sumagot, "Importante ba talaga ang pagiging hot? Eh kahit naman anong ganda o gwapo walang pinagkaiba kapag nakapatay na 'yung ilaw?"
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com