webnovel

My Saturday Girl

Teenage boy who hates worms and a Teenage girl who hates basketball player. The girl is tutoring the boy every saturday. Can love be formed between two troubled hearts.

wackymervin · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
32 Chs

Chapter 16

Chapter 16

Vinson's POV

Anong mayroon kanila Seth and Andrea? Bakit parang close na close na silang dalawa? Pagdating ko kanina sa room magkatabi sila wala pa kasi si Jade ng oras na iyon at baka hindi parin siya makakapasok, baka masama parin ang pakiramdam nito. Muli ko silang tinignan, nagtatawanan pa ang dalawa at mukhang masaya. Napansin ni Oliver na nakatingin ako sa dalawa, kaya nilapitan ako ng loko at tinapik ang braso ko.

"Mukhang nagkakamabutihan na ang bestfriend mo at ang babae mo ah?" tinignan ko siya ng masama saka umupo na sa upuan ko sabay sabing.

"Una sa lahat, Andrea is not my girl and secondly they are just laughing. Ano bang mali sa ginagawa nila?"

"Ang mali ay iyang nararamdaman mo." sinipa ko si Ethan at napangiwi siya sa ginawa ko.

"Adik. Bumalik ka na sa pwesto mo, parating na si Mam." sabi ko sa kaniya nang biglang dumating si Jade.

Si Jade nga ba ito? Para kasing hindi e. Ang laki ng pinagbago niya. Nagpagupit siya ng buhok, tapos naglagay din siya ng makeup at lipstick at sobrang ikli rin ng skirt niya at nakabukas pa ang isang butones sa uniform niya na kung saan sumisilip ang cleavage niya. Napansin kong nanlaki ang mga mata ni Ethan siniko ko siya at sinabi ko na si Jade iyan.

"Fuck! I know, pero she's hot as hell." luwa parin ang mga mata ni Ethan at nakanganga pa siya ng minutong iyon.

Huminto siya sa harapan nila Seth at Andrea, unang binati ni Seth ang kapatid niya pero hindi nakatingin si Jade sa twin brother niya kundi sa babaeng kausap nito. Si Andrea naman ay nakatingin sa kaniya mula ulo hanggang paa at pansin na pansin sa mga tingin niya ang pagtataka.

"Magaling ka na ba?" tanong ni Andrea kay Jade.

"Magaling?" reak ni Jade sabay tingin sa kapatid niya.

"Ayan ba ang sinabi ng twin brother ko? Oh no, dear. I just went to paris at nagpa-salon lang ako doon at nagshopping na rin, i just went back earlier kaya i still have jetlag." pati ang pagsasalita niya iba na rin. Parang umarte at bumagay naman sa kaniya sa ipinapakita niyang ugali. Pero hindi ganito ang Jade na kilala ko.

"Salamat at okay ka lang, nagaalala talaga ako." naluluhang sabi ni Andrea saka siya lumapit kay Jade at niyakap niya ito ng mahigpit. Pero si Jade parang wala lang sa kaniya iyong yakap na ginawa ng kaibigan niya at dahan dahan niyang tinanggal ang kamay ni Andrea sa kaniyang katawan.

"What was that?" maarteng tanong niya kay Andrea tapos may kung anong kinuha siya sa loob ng bag nito at nagspray siya sa katawan niya.

Nanlaki ang mga mata ni Andrea at halatang Nagtataka ito sa mga nangyayari.

"Jade anong problema mo?" tanong ni Andrea sa kaniya.

"I don't have problems with you, ikaw baka may issues ka sa akin," sabay tingin nito sa direction ko? Ah, anong koneksyon ko sa sinasabi niya?

Napahinto lang sila nang pumasok ang isa sa mga classmate namin at sinabi niya na malapit na raw ang teacher namin. Kaya umupo na si Jade, nakalimutan ko na may Long quiz pala ngayon. Narinig ko pang sabi ni Jade na galingan raw ni Andrea kasi hindi siya magpapatalo sa isang ahas.

Bakit niya tinawag na ahas si Andrea?

Pagkatapos ng long quiz, ang nakakuha ng malaking score ay si Jade, pinalakpakan siya ng mga classmates namin. Tapos sumunod naman ay si Andrea, halos isang puntos lang raw ang lamang ni Jade kay Andrea, pero hindi siya mukhang masaya. Siyempre sino pa ba ang pinakamababa, ako na naman. Nakakahiya.

After ng class ay nilapitan ko si Andrea, tinawag ako ni Seth at pinaalala niya na may practice raw kami sa gymnasium ngayon, alam ko naman iyon pero para kasing kailangan ako ni Andrea ngayon.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi." galit na sagot niya.

"I know."

"Anong you know, hindi ako okay kasi ikaw na naman ang mababa kanina sa quiz, ano na naman bang ginawa mo kagabi?" napakamot ako ng ulo, akala ko kung ano na iyong ikinagagalit niya iyon pala naiinis siya dahil mababa ang nakuha ko sa quiz.

"Sorry, nag-ml kasi kami nila Paulo kagabi."which is true naman, nagyaya ang mga gago kaya nakalimutan kong magreview.

"Kung seryoso ka talaga at gusto mong makapasa, please tulungan mo naman ang sarili mo okay?" saka niya kinuha ang bag niya at lumabas sa room.