webnovel

My Saturday Girl

Teenage boy who hates worms and a Teenage girl who hates basketball player. The girl is tutoring the boy every saturday. Can love be formed between two troubled hearts.

wackymervin · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 17

Chapter 17

Andrea's POV 

Ahas? 

Saan nanggaling iyon? Saan ko siya banda inahas at papaano ko siya inahas? 

Kaagad na pumasok sa isip ko si Vinson. Ibig bang sabihin ay gusto niya si Vinson? Bakit hindi nalang niya sinabi? Edi sana hindi na ako nagpresenta na maging tutor niya. At kung gusto niya iwasan ko iyon gagawin ko naman. Pero, para tawagin mo akong ahas kahit na wala naman talaga akong ginawang masama sa iyo, wala sa akin ang problema. 

Ikatlong sabado

Sa bahay nila Vinson kami nagreview, the last time na nandito ako medyo intense dahil sa nangyaring interview thing pero sa tingin ko okay na kami ng Mommy niya, i hope so. 

Pagdating ko ay naabutan ang mommy niya at isang lalaki, marahil ito ang Daddy ni Vinson tapos siya pababa siya ng minutong iyon. 

"Oh, she is Andrea the tutor of Vinson," pagpapakilala pa sa akin ng Mommy ni Vinson ss lalaking nass harapan niya. Mukha siyang businessman sa suot palang niya at may itsura din ito ah. Pero parang ang layo sa mukha ni Vinson. Napansin ng Mommy nito na pababa na rin pala ang anak niya kaya pinasabay na niya ito sa lunch nila at niyaya na rin niya ako. Wala na akong nagawa kesyo humindi ako at hindi pa kasi ako nagtatanghalian ngayong araw. 

Siya pala si Tito Rudy, ang boyfriend ng Mommy niya. Ang dahilan kung bakit hindi magkaayos ang pamilya ni Vinson as much na gusto niyang ayusin. Tinanong tanong pa niya ako kung taga saan ako, kung anong trabaho ng parents ko at sinagot ko ang lahat ng mga tanong niya. I told him na ulila na ako na that i live on my own, and i am a scholar student in Treston. Namangha siya sa narinig niya sa akin. Masyado pa raw akong bata para mamuhay ng magisa and he's sorry for my lost raw and i said its okay. Mukhang okay naman siya, sa tingin ko mabait naman siya. 

Habang kumakain kami ay tahimik lang si Vinson halatang ilang parin siya sa presensya ng lalaking iyon sa kanilang bahay. Kaya pagkatapos naming kumain ay kaagad na kaming pumasok sa loob ng kwarto niya, nakakaloka nga itong Mommy niya na wag raw kaming magsesex dalawa, masyado pa raw kaming bata. Napailing nalang ako at napatingin kay Vinson na halatang nahihiya. 

"Virgin?" sabi ko pagkatapos kong makapasok sa loob ng kwarto niyang napakalaki. Ang linis, parang hindi kwarto ng isang lalaki. May lagayan ang mga plaque niya sa pagiging MVP niya tapos napansin ko na may mga medals siya noong elementary days niya. 

"Anong Virgin ang sinasabi mo?" reak niya. 

"Shhh. Oh, honor student ka naman pala. Anong nangyari?" tanong ko sabay muling harap sa kaniya. Umupo siya sa swivel chair at humarap sa computer niya't binuksan ito. Mukhang alam ko na kung anong nangyari. Marahil dahil sa paghihiwalay ng parents niya, natrauma siya kaya nawalan na siya ng gana at tanging basketball nalang ang kinakapitan niya. Basketball nalang ang nagpapasaya sa kaniya. 

Kaya pinatayo ko siya. 

"What?" singhal niya. Saka ko ibinato sa kaniya ang bola ng basketball. 

"Anong gagawin ko dito?" tanong niya. 

"Kainin mo." inis kong tugon. 

"Are you mocking me?" naiinis na talaga siya. Kaya naggive up na ako. 

"Pupunta tayo sa covered court," nagtaka siya sa narinig niya sa akin. 

"What?"