webnovel

CHAPTER 9

Now playing: The Way I Loved You - Taylor Swift

Kassandra/Zoe's POV

"Kassandra!"

"Kassandra, wait!"

"Kas, naman eh!" Kanina ko pa naririnig na tinatawag ako ni Annia kasama ang dalawa pa naming kabigan pero nagkukunwari lamang ako na walang naririnig.

"I know you can hear me! Please, I need to talk to you!" Muling sigaw nito mula sa likuran ko pero patuloy pa rin ako sa aking paglalakad patungong Cafeteria kung saan naghihintay si Piggy at Mae.

Papasok na ako sa entrance noong tuluyan nila akong maabutan at agad akong hinigit ni Annia sa aking braso paharap sa kanya.

"Kas, please naman oh!"

"What?!" Singhal ko sa kanya.

Natapos na kasi ang isang linggong pagsuspende sa kanila kaya ngayong araw ay balik eskela na silang tatlo.

Isang linggo ko rin silang hindi kinontak o pinuntahan dahil gusto kong iparamdam sa kanila na hindi talaga okay sa akin ang ginawa nila. Paano kung may namatay nung araw na 'yun?

Hayst! Naiinis na naman akong isipin ang nangyari.

Bigla itong napa-pout bago ako niyakap.

"Sorry na. 'Wag ka nang magalit sa amin." Paglalambing niya ngunit mabilis na tinanggal ko ang kanyang pagyakap mula sa akin.

Napailing lamang ako tatalikuran na sana sila nang muling hinigit niya ako sa aking braso.

"Please, Kas! I will do everything para lang mapatawad mo ako. Para lang mapatawad mo kami." Muling pangungumbinsi pa niya.

Dahil doon ay natigilan ako. Isang ideya ang aking naisip habang hinahanap ng aking mga mata ang table kung saan nakaupo sina Mae at Piggy.

Medyo crowded kasi ngayon sa loob ng Cafeteria dahil lunch break.

"You'll do everything? Fine." Tipid na wika ko noong muli silang hinarap at mabilis na hinigit sa braso si Annia patungo sa table kung saan nakaupo sina Piggy.

At sumakto pa na 'yung table kung saan sila nakaupo ay nasa may bandang gitna at napapalibutan ng maraming estudyante.

Agad naman kaming pinagkaguluhan at pinagbulungan ng mga nanonood na kapwa namin estudyante.

"Gusto mong mag-sorry, 'di ba? So, sa kanya ka humingi ng tawad. Hindi sa akin." Matigas na utos ko bago siya iniharap ng maayos kay Piggy.

Halata naman na nagulat ko si Piggy dahil bilog na bilog ang mga mata nitong napalingon sa amin habang may halong pagtataka. Bago ito napalunok ng mariin na animo'y kinakabahan.

---

Elena POV

"Gusto mong mag-sorry, 'di ba? So, sa kanya ka humingi ng tawad. Hindi sa akin."

Hindi maitago ang pagkagulat sa aking mukha nang biglang sumulpot sina Zoe sa aming harapan, habang hawak nito sa braso si Annia at nakasunod naman sa kanila ang dalawa nilang kaibigan na sina Luna at Cybele.

Mukhang galit at seryoso si Zoe, lalo na sa tono ng boses nito.

Napalunok ako ng mariin dahil sa kaba na nararamdaman. Lalo na sa tensyon na namamagitan sa kanila ng kanyang kaibigan. At dahil na rin napapalibutan kami ng mga estudyanteng nanonood sa amin.

"What? Are you torturing me?" Pagmamaldita na tanong ni Annia sa kanya braso pwersahang tinanggal ang pagkakahawak ni Zoe sa kanyang braso.

"No? I am just giving you a chance to be a better person." Sarcastic naman na sagot ni Zoe sa kanya.

"And you too. Apologize to her, before I get mad again." Baling nito sa dalawa nilang kaibigan. Bago siya naupo sa katabing silya ng inuupuan ko at nag-cross legs pa habang hinihintay na magsimulang magsalita ang mga kabigan niya.

Napatikhim si Luna.

"P-Pasensya ka na ha! Hindi na mauulit 'yung... 'yung nangyari." Paghingi nito ng tawad bago ako binigyan ng may pagkaalanganing ngiti. Iyong ngiti na alam mong may ibig sabihin ngunit hindi ko mawari kung ano. Lalo na nung agad at mabilis niyang binawi ang kanyang mga mata mula sa akin.

Pero bakit parang mas ang creepy tignan na nginitian niya ako kaysa sa tinitignan niya ako palagi ng pamatay na tingin? Ani ng aking isipan.

"Ako rin, s-sorry na, Elena. Hindi ka na namin ibu-bully. Promise!" Paghingi rin ng tawad ni Cybele na medyo ramdam ko naman ang sinsiridad kahit papaano, lalo na sa mga mata niya.

Kaya naman this time, kay Annia na nakatutok ang mga mata ko. Ganoon din ang tingin ng lahat ng mga nanonood sa amin.

"Hayst!" Pagdamog nito bago napapadyak pa ng kanyang paa.

"S-Sorry!" Nakayukong paghingi nito ng tawad ngunit halatang labag naman sa loob niya at parang galit pa siya.

"I can't hear you, Annia." Wika ni Zoe na nakikinig sa kanyang sinasabi.

"Sabi ko, SORRY NA!" Paulit nito sa kanyang sinabi na may diin pa. "Sorry kung dahil sa amin muntikan ka nang MALUNOD at MAMATAY." Pagpapatuloy niya at bigay diin sa kanyang sinasabi. "BUTI NGA SA'YO! SANA NATULUYAN KA NA LANG!" Pagkatapos ay walang sabi at mabilis na tinalikuran na ako nito habang naglalakad siya ng mabilis palabas muli ng Cafeteria.

Awtomatiko namang napatayo si Zoe at susundan sana siya nang mabilis ko itong mahawakan sa kanyang braso para pigilan.

"Hayaan mo na." Wika ko.

"Hayaan? She doesn't even know how to apologize properly and then I'll let her go?" Tanong nito sa akin pero tinignan ko lamang siya ng mataman sa kanyang mga mata.

Hanggang sa magkatitigan kami at naramdaman ko na lang na unti-unti na ring kumalma siya. Napahinga ito ng malalim.

"Fine." Pag-iwas nito ng tingin mula sa akin.

"A-Are you alright?" Dagdag na tanong pa niya.

Napailing na lamang ako habang nangingiti.

"Ikaw ba? Okay ka lang?" Pagbalik ko ng tanong sa kanya. "Ikaw yata ang hindi okay sa atin eh." Dagdag na panunukso ko pa.

Agad naman na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Yeah!" Natatawa na sagot niya. "Lunch? Treat ko." Biglang pag-aya niya. "Sorry, pinaghintay ko kayo kanina."

"S-Sige." Napapakamot sa batok na pagpayag ko.

"Isama mo na rin si Mae." Dagdag pa niya bago napatingin kay Mae.

"Talaga?" Kumikislap ang mga mata na tanong ko sa kanya ng best friend ko. Napatango siya. Bago mabilis na lumapit sa akin at bumulong sa tenga ko.

"I'll see you sa favorite spot natin. Medyo crowded kasi dito kaya dun na lang tayo kumain." Sabi niya dahilan para mangamatis ang buong itsura ko.

'NATIN'?

Hindi ko mapigilang hindi kiligin.

Tatalikod na sana ako nang matigilan ako.

"Uhh, Zoe."

"Hmmm?"

Napangiti ako ng matamis. "Thank you." Buong puso na pagpapasalamat ko sa kanya.

Napakunot lamang ang noo niya.

"Thank you sa effort na pinaghingi mo ng tawad sa akin ang mga kaibigan mo kahit na hindi naman kailangan at hindi ko naman hinihingi. Sobrang na-appreciate ko." Paliwanag ko sa kanya.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay tinitigan lamang niya ako sa aking mga mata. May ilang segundo rin kaming nagkatitigan. Bago ito muling napangiti.

"Basta ikaw." Nakangiting tugon niya. "Malakas ka sa akin eh." Pagkatapos ay ginulo nito ang buhok ko na siyang nagbigay ng milyon-milyong paru-paro sa sikmura ko.

Lihim naman akong napapangiti sa sarili ko bago napayuko at tuluyan nang tumalikod mula sa kanya.

"See you later, Piggy! Order lang ako ng food natin!" Rinig kong pahabol pa niya ngunit hindi ko na siya nilingon pa dahil ayaw kong makita niya kung paano ako kiligin. Ramdam na ramdam ko kasi ang sobrang pamumula ng buong mukha ko.

---

"Oh, where's Mae?" Tanong nito kaagad nung dumating ako sa aming paboritong spot dito sa University at napansin na hindi ko kasama si Mae.

"Sa susunod na lang daw siya sasabay sa atin dahil kailangan niyang pumunta sa library." Paliwanag ko sa kanya. Agad naman itong napatango.

"Ah ganun ba? Sayang naman itong inorder kong food para sa kanya." Wika niya. "Pero hindi na bale, tayo na lang ang kakain." Dagdag pa niya at muling tinignan ako.

"Let's eat?" Nakangiti na muling pag-aya niya.

Agad naman na naupo ako sa tabi niya. Sa damuhan kami naupo dahil mas komportable pumwesto at kumain.

Habang kumakain kaming dalawa, pansin ko na panay ang pagsulyap nito sa akin at pagkatapos ay mapapangiti na parang ewan. Iyong tipo na para bang may gusto siyang sabihin o itanong sa akin.

"Uh, piggy? Can I ask?" Tanong nito bago napatikhim. Awtomatiko namang napatango ako.

"Hmmmm. Itatanong ko lang sana kung may nanliligaw na ba sa'yo?"

Dahil sa katanungan niyang iyon ay bigla na lamang akong nabilaukan at napaubo kaya mabilis nitong ibinigay sa akin ang coke na nakalagay sa plastic cups.

"Ano bang klaseng tanong 'yan, Zoe? N-Nagjo-joke ka ba?" Ganting tanong ko rin sa kanya nung matapos akong uminom.

Ngunit seryoso lamang siyang nakatitig sa mukha ko dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

Jusko! Mukha ngang hindi siya nagbibiro.

"W-Wala namang nanliligaw sa akin eh. At never ko pang naranasan iyon. Eh paano naman kasi may manliligaw sa akin? Hindi naman kagusto-gusto 'yung itsura ko at---"

"You're beautiful." Biglang putol nito sa akin at talagang nakatitig lamang siya sa aking mukha.

Jusko! Nakakatunaw po 'yung titig niya.

"Don't say a bad word, Piggy. For me, you are the most beautiful here." Dagdag pa niya. "I just want to know, kasi curious lang ako kaya ko natanong." Pagpapatuloy niya.

Muli akong napanguya habang tumatango-tango. "Ngayon alam mo na. Walang magkakagusto sa akin, Zoe. Alam mo namang halos lahat ng estudyante rito eh ayaw sa'kin. Plus, ang taba-taba ko pa." Tinignan ako nito ng masama kaya agad akong natawa at nag-peace sign.

Ang totoo binibiro ko lang naman talaga siya eh. Pero 'yun naman kasi ang totoo. Saksakan ako ng taba at malabo na yatang magka-shape pa ang katawan.

"Hindi ka mataba. You're sexy just the way you are." Muling wika niya na para bang hindi nito nakikita ang lantarang mga flaws ko.

Minsan tuloy iniisip ko kung bulag lang ba talaga siya o binobola-bola lang ako nito eh.

"And I'm glad na walang nanliligaw sa'yo." Pagpapatuloy niya at pagkatapos ay napangiti ito ng nakakaloko.

"Ay ang sama! Grabe ah!" Sabay irap na wika ko sa kanya.

Medyo matalim din pala ang tabas ng dila nito minsan. Hmp!

"Kasi gusto ko akin ka lang." Dagdag pa nito pero medyo mahina kaya hindi ko masyadong madinig.

"Ano kamo?"

"Nevermind. Ang sabi ko, kumain ka lang ng kumain." Bago nito inabot ang aking ulo at ginulo ang buhok ko habang mayroong malawak na ngiti na naman sa kanyang labi. Iyong ngiti na makikita mong ang saya-saya niya.

Hmmmm. Bakit kaya?

"Bubusugin kita palagi." Pagpapatuloy niyang muli. "At kahit na..." sandaling pinasadahan niya ako ng tingin sa buo kong katawan, "sumexy ka pa lalo, o dumami pa ang belbel mo, it doesn't matter. At hindi magbabago ang katotohanang gusto kita."

Dahil sa huling sinabi niya ay hindi ko na napigilan na tuluyang maibuga ang kinakain ko. Habang nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya.

"G-Gusto kita as a person. 'Cause you're so beautiful inside and out." Pagbibigay niya ng linaw sa kanyang nasabi.

Muli akong napainom ng disoras. Ang lakas-lakas din bigla ng kabog sa dibdib ko. Pakiramdam ko tuloy maha-heart attack ako dahil kay Zoe.

Ano na naman kayang trip ko sa buhay at bakit parang binibigyan ko rin ng meaning ang mga sinasabi niya? Hayst.

Nang matapos na kaming kumain ay agad na nagtungo na kami sa aming classroom. Ngunit hindi katulad ng nakasanayan na pinapauna niya muna akong pumasok at pagkatapos ng ilang minuto ay susunod lamang siya. This time, sabay na kaming pumasok at agad na pinagtinginan ng aming mga kaklase.

Hindi ako sanay sa paraan kung paano nila ako tignan. Pero nakikita ko 'yung power na meron si Zoe ngayon sa lahat ng mga estudyante, na para bang mas takot silang lahat kay Zoe kaysa sa mga kaibigan niyang bully.

Napayuko ako at tutungo na sana sa aking designated seat nang biglang hawakan ni Zoe ang aking braso at hinila patungo sa upuang katabi ng kanyang silya. At doon pinaupo.

"From now on, katabi na kita sa lahat ng klase. Okay?" Wika niya bago naupo na rin sa tabi ko.

"P-Pero---"

Natigilan ako nung bigla na lamang niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

"Bawal umangal. Kapag umangal ka, ki-kiss kita, sige ka." Bulong nito.

Halos nakalimutan kong huminga sa loob ng ilang segundo dahil sa sinabi niya at sa lapit ng kanyang mukha sa akin. Walang nagawa na napatango na lamang ako habang napapikit ng mariin.

"Good. That's my piggy." Pagkatapos ay muling ginulo nito ang aking buhok at tuluyan nang inilayo ang kanyang mukha sa akin.

Noon din ay pumasok na ang aming Science Teacher na agad ding simulan ang klase. Habang ako, lutang na lutang dahil sa mga kakaibang kinikilos ni Zoe.

Pero bakit sa kanya parang balewala lang?! Samantala ako halos atakihin na sa puso dahil sa mga ginagawa niya. Haaayyyy!