Now playing: Amazing - Rex Orange County
Elena POV
Pagkatapos na pagkatapos ng aming klase para sa araw na ito ay masasabi kong wala pa rin talaga ako sa tamang huwisyo. Dahil 'yung thoughts ko ay talagang lumilipad pa rin dahil kay Zoe.
Isa pa, paano naman kasi ako makakapag-concentrate sa mga klase kung meron akong maganda at mala-dyosang katabi sa upuan na nahuhuli kong nakatitig lamang sa akin palagi.
At ang malala pa roon, sa tuwing nahuhuli ko siya, hindi man lamang niya magawang alisin ang mga mata niya sa akin. Talagang ipapakita niya pa na tinitignan niya ako at bibigyan pa ako ng killer smile niya.
Susmaryosep!
Bakit ba kasi may ginawa si Lord na nilalang na katulad ni Zoe? Ang hirap hindi kiligin at ang hirap itago 'yung saya na nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.
Pero bakit nga ba kasi ako kinikilig sa kanya?
Ilang beses ko na nga bang tinanong sa sarili ko kung 'bakit'? At bakit ganito na lamang kalapit ang loob namin sa isa't isa?
Hindi kaya tama ako ng hinala na may crush sa akin si Zoe?
At pati tuloy ako nagdududa na rin sa aking sarili.
Hindi kaya pati ako ay nagugustuhan ko na rin si Zoe? Hindi bilang isang kaibigan o kaklase, kundi higit pa roon?
Alam ko naman kasi talaga sa sarili ko, bata pa lamang ako na ang puso ko ay pusong lalaki. Hindi man ako showy o hindi man nakikita sa pananamit at mga kilos ko, pero alam ko sa sarili kong never akong nagkagusto o nagkaroon ng crush sa isang lalaki.
Alam din 'yun ng mga magulang ko. Sa lahat ng tao sila ang una at higit na nakakakilala sa akin. Hindi ako nag-confess sa kanila o nag-come out. Sila na mismo ang nagsabi sa akin noon pa man na lalaki man o babae ang mapupusuan ko balang araw, hindi nila ako pipigilan. Basta alam nilang hindi ko iyon ikapapahamak at alam nilang mahal ko 'yung tao at minamahal din ako.
Pero teka nga, mahal agad? Tuyo ng aking isipan.
Napailing ako ng maraming beses sa aking sarili habang naglalakad palabas ng gate nang may biglang umakbay sa akin.
"Ang lalim naman ng iniisip mo. Care to share?" Tanong nito.
Pigil ang ngiti at hininga na nagpatuloy lamang ako sa aking paghakbang dahil si Zoe lang naman pala ito.
Ba't ba ang clingy niya masyado? Hindi ko na kayang pigilan itong sarili ko. Baka sa susunod na mga araw mapansin ko na lang na hulog na hulog na ako sa kanya.
Pilit ko namang pinipigilan ang kiligin pero hindi ko magawa. Masyadong malakas ang charm ni Zoe para hindi ako kiligin sa araw-araw na nakikita at kasama ko siya.
"Uwi ka na or diretso ka sa eatry ninyo?" Tanong nito sa akin habang nakaakbay pa rin.
"U-Uuwi na." Tipid at nauutal na sagot ko sa kanya. Gusto ko siyang itulak palayo at alisin ang pagkakaakbay niya sa akin pero hindi ko magawa. "Maaga kasi akong pinauuwi nila nanay. May kailangan daw kaming pag-usapan." Dagdag ko pa.
Napatango naman ito bago huminto sa kanyang paghakbang kaya napahinto rin ako.
Sandaling napatingala ito sa langit nung biglang kumulog ng mahina.
"The sky is so dark and not a single star can be seen up there." Natawa ako sa sinabi nito. Ngunit agad ding natigilan nang muling magbaling siya ng kanyang paningin sa akin.
"Paano naman kasi kasama ko ngayon ang pinakamaliwanag na bituin sa kalangitan." Titig na titig sa akin na wika niya bago napangiti at natawa ng mahina nung makita ang reaksyon ng mukha ko.
Patawa-tawa naman na inilayo ko na ng tuluyan ang aking sarili sa kanya.
"Alam mo ikaw? Panay ka banat. Banatan kita riyan eh." Saway ko sa kanya at nagpatuloy sa aking paglalakad.
"Hindi, seryoso nga kasi mukhang uulan. 'Yun talaga 'yun." Wika niya habang hinahabol ang mga hakbang ko.
"Yeah? And I can see that, Zoe. Madilim ang kalangitan at walang mga bituin, kasi nga uulan. Kumukulog nga 'di ba?" Sarkastikong sagot ko sa kanya habang tumatawa-tawa rin. "Kaya kung ako sa'yo, umuwi ka na at baka maabutan at ma-corner ka pa ng ulan. Dahil ako, mag-jo-joy ride na lang para mas mabilis na makakauwi samin bago pa man bumagsak ang ulan." Dagdag ko pa.
Ngunit sa halip na pakinggan ako ay parang batang napa-pout lamang ito bago napailing ng mariin.
"Ayaw. Ihahatid kita pauwi." Pagmamatigas niya. Awtomatikong namilog ang mga mata ko.
"KASSANDRA!" Seryoso ang boses na wika ko.
"It's Zoe po, miss ganda." Pagtatama niya sa akin ngunit hindi ako nakailag doon sa huling word na ginamit niya. May kung anong kiliti ang gumuhit kaagad sa sikmura ko.
At nung sandaling iyon, alam ko na agad sa sarili kong hindi na talaga pagkakaibigan lang o classmate ang tingin ko sa kanya. Kasi hindi ako magiging apektado ng ganito kabilis sa lahat ng mga sinasabi niya kung hindi ko siya gusto.
"Gusto mo akong ihatid ba kamo?"
Napatango ito. "Yup!"
"Fine! Ihatid mo na ako kasi alam kong makulit ka pa sa makulit at hindi mo ako titigilan hangga't hindi pumapayag. Kaya tara na at baka maabutan pa tayo ng ulan." Pagmamadali ko sa kanya.
Agad naman na napatingin ito sa aming likuran kung saan nakabuntot lang naman si Kuya Jake sa amin.
Pagtapat ng sasakyan sa aming harapan ay agad na pinagbuksan na ako nito ng pintuan.
Mabilis na pumasok ako sa loob at ganoon din si Zoe.
Buong biyahe ay pinili kong tumahimik lang. Kasi nga ang kulit-kulit at ang daldal pa rin ni Zoe. Well, thankful naman ako na sa akin lamang niya ipinapakita ang side niyang ganito.
Mas pinipili ko na lamang manahimik dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong damdamin at masabi ko sa kanya ng biglaan na gusto ko siya.
Kung saang malapit na kami sa bahay doon naman biglang na-flat 'yung gulong ng sinasakyan namin. Agad naman bumaba na si Kuya Jake para ayusin ito.
Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang siya ng pagpapalit ng gulong nang biglang bumuhos na ang malakas na ulan.
Napahinga ako ng malalim. Halos tatlong kanto na lamang din ito sa amin kaya napagdesisyonan kong maglakad na lang. Hindi naman siguro mababasa kaagad ang mga gamit sa loob ng bag ko dahil mini-water proof naman itong bag ko.
"Uhh, Zoe. Sorry ah. Pero kailangan ko na kasi talagang makauwi."
"Wait, what?"
"Baka nag-aalala na rin sila nanay. Paki sabi na lang kay Kuya Jake, thank you at pasensya na sa abala." Dagdag ko pa at tatalikod na sana nang maabot niya ang laylayan ng damit ko.
"Are you insane? Ang lakas ng ulan, Piggy. Hindi! Dito ka lang. Magkakasakit ka niyan eh!"
Ngunit tinignan ko lamang siya ng may assurance sa kanyang mga mata. "Zoe, okay lang. Hindi ako magkakasakit basta-basta." Dagdag ko pa. "Ayoko lang mag-alala sila nanay." Pagpapatuloy ko.
Napahinga ito ng malalim. At sa wakas ay parang naintindihan naman na nito ang ibig kong sabihin.
"Okay." Malungkot na wika niya.
Tinignan ko siyang muli sa kanyang mukha ngunit hindi na ito nakatingin pa sa akin at nakayuko lamang. Napailing na lang ako at walang alinlangan na sumugod na nga sa malakas na ulan.
Nakalayo na ako sa sasakyan nina Zoe nang marinig kong may biglang nagsalita mula sa likuran ko.
"Gosh! Ang sarap palang magpaulan. Hahahaha!" Rinig kong wika ni Zoe mula sa likuran ko at nakuha pa talaga niyang tumawa.
Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang mainis sa kanya. Mainis dahil sobrang concern ako sa kanya at ayokong magkasakit siya pero nagawa niya pa rin pala akong sundan kahit na ang lakas-lakas ng ulan.
"Baliw ka ba?! Bakit mo'ko sinundan?" Sigaw ko sa kanya para marinig niya ang sinasabi ko dahil ang lakas talaga ng ulan.
Ngunit sa halip na sagutin ako ay muling pinagtawanan lamang ako nito. Hindi siya nakakatuwa kaya nag-walk out na ako.
Pero muling sinundan niya pa rin ako at umaksyon pa na parang sumasayaw-sayaw. Napapairap na lamang ako. Ngunit natigilan nang magsimula siyang kumanta.
"There's no way to time it
And where you may find it is unknown
Until then, you're a loner
So you see her (see her)
She's over (over) in the corner (corner)
And you can't (you can't) ignore her (you can't ignore her)
There must be a reason
You see it, believe it now"
Dahil dito ay hindi ko na napigilan ang muling mapangiti at tuluyang nawala na ang pagkunot ng noo ko. Napapairap na lamang ako sa kanya ngunit may ngiti sa aking labi.
Nagpatuloy ako sa paglakad, ganoon din si Zoe habang patuloy sa kanyang pagkanta at sinasabayan niya ito ng pag-indak.
"Search the definition of shame
I'm sure you'll see my face
Who's gonna save me now?
I hope it's you, my babe"
Sabay turo nito sa akin saying na it's my turn to sing the song. Pero napailing lamang ako. Baka kasi lalong lumakas ang ulan. Ngunit dahil sa kakulitan niya kaya wala na akong nagawa.
"Don't change a thing, you are amazing
I can't believe you've come and saved me
We can stay here, spend every day here
I don't mind, no"
Pagkatapos ay sabay na kaming kumanta habang nagtatawanan na tila ba hindi na namin maramdaman pa ang malakas na buhos ng ulan, pati na rin ang malamig na simoy ng hangin.
"Don't change a thing, you are amazing
I can't believe you've come and saved me
We can stay here, spend every day here
I don't mind"
Hanggang sa napansin ko na lang na isang kanto na lamang ay bahay na namin.
"Uy, thank you ha! Life savior talaga kita palagi." Pasasalamat ko sa kanya nung natatanaw ko na ang aming bahay. Pero sa halip na sagutin ako ay nakatitig lamang siya sa akin.
Kaya nagpatuloy ako sa aking paghakbang hanggang sa tuluyang marating namin ang gate ng bahay. Medyo malakas pa rin ang ulan, pero hindi na tulad ng kanina na parang binubuhos.
"Baka gusto mong pumasok na muna at magpatuyo." Wika ko dahil nag-aalala ako lalo na ngayon na basang-basa siya. "Hindi naman mangangagat ang mga magulang ko. Atsaka para makilala ka na rin nila. Gustong-gusto ka kaya nilang makilala dahil nung niligtas mo ako." Paliwanag ko sa kanya.
Ngunit napailing lamang ito. "Gusto ko sana, pero mukha na akong basang sisiw. Nakakahiya naman." Napapakamot sa batok na wika niya. "Maybe, next time?" Dagdag pa niya.
Agad naman na napatango ako. "Oo naman. Oh, pano? Mag-iingat kayo ni Kuya Jake ha? Thank you again, Zo---
Hindi ko na naituloy pa ang gusto kong sabihin nung bigla na lamang nitong inilapat ang kanyang labi sa akin, dahilan para matigilan ako.
Pigil ang hininga nang maramdaman ko ang kanyang malambot na labi sa akin. Kahit na basang-basa kami pareho ng ulan ay nararamdaman ko pa rin ang init na nagmumula sa kanyang labi. Kusang napapikit ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.
Ilang segundo lamang ang tinagal noon nang muling inilayo niya ang kanyang mukha sa akin.
Kasabay ang sumisilip na ngiti sa gilid ng kanyang labi ay napakamot siya sa kanyang batok na animo'y parang batang nahihiya dahil sa kanyang nagawa.
She's so cute!
Habang ako naman ay hindi ko mapigilan ang mag-blush bago natawa ng may pagkaalanganin. Atsaka kami nagtawanan pareho habang nakatingin sa mata ng isa't isa.
Kapwa hindi maitago ang kilig na aming nararamdaman sa mga sandaling ito.
Masaya lang. Kalmado. At walang kahit na anong kaba na nararamdaman.
Noong tuluyang magpaalam na si Zoe ay hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman kaya nagtitili talaga ako hanggang sa makapasok ng gate ng aming bahay.
Bago ako tuluyang makapasok sa loob ng bahay ay kinalma ko na muna ang aking sarili at pilit na inaalis ang ngiti sa aking labi dahil ayokong mahalata ng mga magulang ko.
Ngunit ang masaya na sandaling nalasap ko kasama si Zoe ay biglang naglaho at napalitan ng lungkot at buong gabing pag-iyak.
Nagulat na lamang ako pagpasok ng bahay ay naka impake na ang lahat ng aming mga gamit. My parents told me na lilipat na kami ng Palawan upang doon na manirahan at kinabukasan na agad ang alis. Ilalayo na nila ako sa University kung saan ako madalas ma-bully.
At kahit na anong pakiusap ko sa kanilang patapusin ko na lang ang Senior High dito, ay hindi na nila ako pinayagan. Sila na rin pala mismo ang kumuha ng mga documents ko sa St. Claire at tahimik na ipinaalam sa faculty member ang pagta-transfer ko ng ibang University.
Ang sakit sakit para sa akin kasi hindi man lamang ako nakapagpaalam kay Zoe. At pakiramdam ko pa, wala akong lakas ng loob na magpaalam o kausapin siya kahit na sa cellphone lamang dahil mas lalo lang akong mahihirapan pati na rin siya.
Kaya minabuti kong hindi na lang magpaalam at hinayaan na lang ang kapalaran ang kumilos para sa aming dalawa.
Bahala na. Kung pagtatagpuin man kami muli ng tadhana o hindi na.
Ngunit ito na yata ang pinakamasakit na sandali ang naranasan ko sa tananag buhay ko. Ang biglaang umalis nang hindi man lang nakakapagpaalam sa taong mahalaga sa akin at hindi ko man lang nasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman.