webnovel

Sorry

Blessy's Pov

Maaga kami umalis ni Lala papuntang Baguio. Pinagmasdan ko ito habang nagdadrive. Nakikita ko sa mata nya na malungkot sya.

"Lala, may problema ka ba? Ang lungkot mo kasi." tanong ko sa kanya.

"Blessy wag mong sasabihin sa iba ha lalo na kay kambal" sabi nya.

"I made a mistake. Nagkaboyfriend ako at so much inlove with him." sabi ni Lala.

"Teka mistakes ba ang magmahal?" tanong ko.

"Yeah, if its the wrong guy. Naiinggit kasi ako kay kambal kasi natagpuan ka nya kaya naman nagboyfriend din ako. Akala ko kasi he's the one na. But then nahuli ko sya na may kasex sa apartment nya. Alam mo ba ang reason ng gagong yun kung bakit nya nagawa yun? Dahil daw hindi ko maibigay sa kanya ang pakikipagsex. Imagine yun lang ang gusto nya pala sakin." sabi nya.

"Oh ok lang yun for sure matatanggap ng pamilya mo yung pagboboyfriend mo." sabi ko.

"Alam ko yun Blessy. Ang hindi nila matatanggap ang ginawa kong paglalasing sa bar kagabi. Tapos sa paglalasing ko na yun may nakaone night stand akong lalaki. I lost my virginity sa hindi ko kilala at we didn't used protection. Paniguradong magagalit sa akin si Daddy at Mommy." sabi pa nya. Naluha na sya. Itinigil muna ni Lala ang sasakyan. Niyakap ko naman agad si Lala.

"Mas maigeng sabihin mo sa kanila paghanda ka na. Paano pag nagbunga ito. Kahit magalit sila alam ko naman na hindi ka nila matitiis eh. Sabihin mo na lang paghanda ka na." payo ko sa kanya.

"Natatakot ako Blessy." sabi nya.

"Don't worry, andito ako palagi sayo. Sasamahan kita sa kanila paghanda ka na." sabi ko at tumango tango lang sya.

"Pero teka gwapo ba hahaha?" tanong ko.

"Oo gwapo at ang ganda ng katawan. Hahaha. Kaso sa takot ko tinakbuhan ko agad sya. Hindi ko na inalam ang pangalan." natawang sabi ni Lala. Maige naman at tumatawa na ito.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa makarating sa bahay ng lolo at lola ko. Tuwang tuwa sila nang makita ako. Mabuti naman at unti unti na silang gumagaling. Ibinaba namin ang mga gamit namin at nagpunta sa bahay nila Brandon.

"Bestie!!!!!" Tili ng baklang Brandon.

"Musta na. Congrats pala ate Bella sa kasal mo bukas. Sya nga pala si Lala kaibigan ko." sabi ko sa kanila.

"Naku salamat Blessy, sukat mo na yung pinatahi kong gown mo." sabi ni ate Bella.

Natapos kami sa pagsusukat ng gown at natapos din namin ang mga iba pang kailangan. Sa Goden Hotel ang reception ng kasal.

Nagkayayaan naman kami na maggala. Nung pinakilala ko si Lala kay Brandon ay agad naman na nagclick sila bilang magkaibigan. Bff o bestfriend forever, yan daw ang tawag ni Brandon kay Lala.

"Bestie punta tayo dun sa plaza. Daming cute guys dun hahaha." sabi ni Brandon.

"Brandon sa mall na lang tayo tutal bibili pa ako regalo sa ate mo." sabi ni Lala.

"Huh? Wag ka na mag abala may regalo naman na si bestie eh at tsaka pwede ba Brandie na lang. Sagwa kaya ng Brandon." sabi nya.

"Oh sige Brandie na kung Brandie. Yung regalo ni Blessy kanya yun. Syempre iba na yung sakin. Tsaka mas maraming guys dun." sabi ni Lala. Nailing naman ako dito. Pero ok na yun at malibang naman si Lala.

Nagpunta kami sa mall at naghanap si Lala ng regalo. Tinanong nya si Brandie kung ano ang nga kailangan sa bahay ng ate nya. Napagdesisyunan ni Lala na regaluhan na lang ng 42 inches flatscreen na tv. Todo tanggi na nga ni Brandie kaya lang makulit si Lala. Sinabi ko na lang kay Brandie na tanggapin na lang.

Naglibot kami, nanuod ng sine, naglaro sa Tom's world at kumain. Masayang masaya naman si Brandie at lalo na si Lala. Habang nakain kami sa isang restaurant napag usapan namin si Leo.

"Ano na plano mo kay kuya?" tanong ni Lala.

"Papatawarin ko naman sya eh. Hindi naman ako ganun kasama para magalit sa kanya ng ganun na lang. Kaya lang gusto ko lang na maintindihan nya na nagseselos ako. Ako kaya gumawa sa kanya nun, di ba sya magagalit?" sabi ko sa kanila.

"Tama yan bestie. Hindi dapat tayo papaapi sa mga gwapong lalaki! Ay sorry Lala kambal mo pala yun." paumanhin ni Brandie.

"Nah thats okay. Kailangan naman maunawaan ni kuya ang mga ginawa nya. Isa pa first time nya magkagirlfriend kaya naman ganun si kuya." sabi ni Lala.

Nang dumating kami sa bahay, sabi lola na dumaan daw si Leo sa bahay. Matagal daw itong nag intay. Umalis lang daw ito nang may biglang tumawag. May aasikasuhin lang daw sa hotel. Nagpaalam naman si Lala na babalik na lang bukas at sa hotel matutulog.

Kinabukasan araw ng kasal ni ate Bella. Nakamint green akong dress. Ito kasi ang theme ng kasal. Nagsimula ang kasal at kapartner ko ang pinsan nila ate Bella. Habang naglalakad kami papunta sa harap ng altar, nakita ko sa gilid sina Leo at Lala. Nagfocus na lang ako sa kasal.

Nang matapos ang kasal nagpicturan pa kami bago pumunta sa reception. Naalala ko na na eto ang hotel ni Leo.

Masaya ang buong party. Nung magsayaw ang mag asawa naglagay ako ng 500 pesos. Naglagay din si Lala at Leo sa mag asawa ng tag 3 libong piso. Hindi kami magkakatabi nila Lala kasi nandun ako sa mesa ng bridesmaid. Sumingit nga sa lamesa namin si Brandie.

Nang sinabi ng bride na ihahagis ang bouquet nagsipuntahan sa harap ang nga single. Hinila naman kami ni Lala ng Brandie na to. Nasa likod kami pumwesto. Nagkukwentuhan kami ni Lala nang may tumama sa gilid ng ulo ko tapos nalaglag sa kamay ko.

Nanlaki ang mata ko nag makita ko ang bouquet sa kamay ko. Pinaupo nila ako sa silya malapit sa bagong kasal.

Nang ang mga lalaki naman ang sasalo sa garter ay agad sinalo ni Leo ang garter at pinapunta naman ito sa tabi ko.

"Sorry" yan ang narinig kong sabi ni Leo bago nya isuot sa hita ko ang garter. Tapos nagsigawan ng kiss. Hinalikan naman ako ni Leo sa labi. Hinayaan ko lang kahit na nagtatampo ako. Kasi ayaw ko naman na gumawa kami ng eksena sa kasal.

"Bago matapos ang kasal may patalastas muna tayo. Tinatawagan ko ang si Blessy Guevarra na umupo dito sa harap." sabi ng Mc.

Nagtataka man ako pero sinunod ko ito. Maya maya nakarinig akong taong kumakanta at natugtog ng gitara. Napatakip ako ng bibig ko at naluha. Kumakanta si Leo ng On bended knee ng Boy II Men.

Darlin' I, I can't explain

Where did we lose our way?

Girl it's drivin' me insane

And I know I just need one more chance

To prove my love to you

And if you come back to me

I'll guarantee

That I'll never let you go.....

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Pagtapos ng kanta nya kinuha ang bulaklak sa tabi nya at lumapit sakin.

"Im sorry Love, i know nagkamali ako pero hindi ko kaya na mawala ka sakin. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Natauhan na ako. Bago pa lang sakin ang lahat. Sana pagmay mali akong nagawa sabihin mo agad sakin para maitama ko. Mahal na mahal kita Blessy at hindi na kita hahayaang iwan pa ako ulit. Sorry na. Pwede bang bati na tayo." sabi ni Leo.

Tumango na lang ako kasi hindi ako makapagsalita. Niyakap nya ako ng mahigpit. Nagpalakpakan naman ang nga tayo dun. Nag usap kami ni Leo habang nasayaw. Nang matapos ang kasal ay lumapit kami kina ate Bella para magpaalam.

"Congrats sa inyo. Salamat at binigyan nyo ako ng pagkakataon na makapagsorry sa mahal ko." sabi ni Leo.

"Wala yun Sir Leo. Kami nga ang dapat magpasalamat. Ang laking bagay ang ibinigay mo sa amin." sabi ni ate Bella. Tumingin ako kay Leo tapos kay ate Bella ulit.

"Blessy, ibinalik nya yung bayad namin sa venue. Biruin mo binigyan lang namin sya ng time para makapagsorry sayo tapos nalibre na kami sa venue. Mapera pala boyfriend mo. Magkano din yung binayaran nya." sabi ni ate Bella. Napangiti ako kay ate Bella.

"Wag ka mag alala ate hindi pagbabayarin yan hahaha. Sya kasi ang may ari ng hotel kaya malakas loob nya na sagutin ang venue nyo hahaha. Actually nag ooffer nga din si Lala kahapon kay Brandie na kalahati na lang bayaran nyo. Tapos ngayon libre na hehehe." sabi ko.

"Salamat talaga sa inyo Blessy at Sir Leo." sabi nung asawa ni ate Bella.

Umalis kami sa venue na magkahawak ang mga kamay namin. Ihahatid nya ako sa bahay nila lolo. Pinatawad ko agad si Leo kasi alam ko naman na nageffort ito. Hindi din na daw sya pumunta ng reunion nila kasi mas mahalaga daw ako.

Alam kong bago lang ang pakiramdam na ganito sa amin at susubukan ko na unawain sya sa aking makakaya dahil mahal ko sya.