webnovel

Claire

Blessy's Pov

Dalawang araw na matapos kaming makauwi galing Baguio. Kasalukuyan akong nasa office nang tumawag si Bill.

"Mam Blessy, nandito po ang mga classmates ni Sir Leo. Papapasukin ko po ba?" sabi ni Bill.

"Sige papasukin mo." sabi ko sa kanya.

Nasa meeting pa si Leo. Pumasok ang tatlong lalaki at si Claire. Ngumiti ako sa kanila, ngumiti din sila pero umirap naman sakin si Claire.

"Ahm have a seat. Nasa meeting pa si Leo pero maya maya lang pabalik na yun. Anong gusto nyo coffee or juice?" tanong ko sa kanila.

"Juice na lang lahat" sabi ng isang lalaki.

Nagpunta naman ako sa pantry at nagsalin ng juice. Nagslice na din ako ng cake. Inilapag ko naman ang mga ito sa mesa. Tapos bumalik ako sa table ko.

"Matatagalan pa ba si Leo?" tanong nung isang lalaki.

"Hindi naman patapos na sila at tinext ko na si Leo na nandito kayo." sagot ko.

"Bakit Leo lang ang tawag mo sa boss mo? Di ba secretary ka at dito ka pa nag uupisina." sabi naman ng isa pang lalaki. Ngumiti lang ako.

"Malamang sexetary yan ni Leo. Ang ganda eh." talagang diniinan ang word na sex. Ano ba naman ang mundo ngaun, basta secretary ay kasex na ng boss.

Pinabayaan ko lang silang mag usap. Maya maya pa ay dumating si Leo. Agad namang pumunta sa akin at humalik sa pisnge ko.

"Kanina ka pa love? Bakit hindi ka nagpahatid kay Lucas o kay Lala. Baka mapahamak ka naman." nag aalalang sabi ni Leo.

"Nah, okay lang ako. Dumaan pa kasi ako sa cafe at kinausap si Angel." sabi ko. Humarap naman sya sa mga bisita nya.

"Guys what brings you here?" tanong ni Leo.

"Puta pare akala ko hindi mo na kami papansinin. Nauna mo pa talagang batiin ang sexetary mo." sabi nung lalaki.

"Watch your mouth Kirby kung ayaw mong mapaalis ka sa office ko." galit na sabi ni Leo.

Lumapit si Claire at hinaplos ang braso ni Leo. Agad namang tinabig nito ang kamay ni Claire. Napatitig lang sya kay Leo na papunta sa tabi ng mga kaibigang lalaki.

"Ang init ng ulo mo." sabi nung isang lalaki.

"Blessy halika dito upo ka sa tabi ko." sabi ni Leo.

"Blessy!!!!" sabay sabay nilang sabi.

"Yes, she my Blessy. Kaya Kirby watch your mouth kung ayaw mo akong makalaban." sabi pa ni Leo.

Hinawakan ko ang kamay ni Leo at lumingon ito sakin.

"Wag mainit ang ulo. Okay." sabi ko. Napansin ko naman na tahimik si Claire.

"By the way Blessy, this is Matt, Zian and Kirby. And kilala mo na si Claire." pagpapakilala ni Leo.

"Dude, sabi ni Claire na pupunta ka sa reunion. Excited pa naman kami. Kala ko makukumpleto ang team natin." sabi nung Zian.

"Yeah napahiya nga ako eh." sabi ni Claire.

"Sorry, nakalimutan ko kasi na may lakad ako ng araw na yun. Nagpunta kami sa Baguio. Kasal kasi ng kaibigan ni Blessy at abay sya." sabi ni Leo.

"Mahalaga pa ba yun kaysa samin? Napahiya ang team natin. Specially si Claire. Kasal lang yun ng di mo kilala tapos kami inindyan mo?" sabi nung Kirby.

"Sorry. Pero nauna ang usapan namin ni Blessy at kahit pa nauna kayo o hindi bilang boyfriend kailangan kong samahan ang girlfriend ko." sabi ni Leo.

"Sayang naman kala namin makakajamming ka namin. Dapat nga magpainom ka kasi CEO ka na. Yaman mo na pare." sabi ni Matt.

Pinabayaan ko lang silang mag usap usap. Hawak pa din ni Leo ang kamay ko. Tumayo lang ako nang may tumawag sa phone.

"Hello Bill?" tanong ko sa kanya.

"Mam Blessy may tumawag po Mel Guevarra ang pangalan. Gusto daw po makausap si Sir Leo." sabi nya at binigay ang address. Nagtaka ako sa address isang bar? Parang pamilyar ito sakin.

Lumingon ako kina Leo at mukhang nag kakainitan sila Kirby at Leo at malungkot naman si Claire.

"Ahm excuse me Leo. Pwede ka munang makausap?" tanong ko.

"Bakit love. Sabihin mo na dito. Maupo ka ulit sa tabi ko." ngumiti ako at umiling sa kanya. Ayaw kong

makipagplastikan sa mga classmates nya.

"Tumawag si Bill at may tumawag daw na Mel Guevarra. Tapos magkita daw kayo mamaya sa address na isinulat ko." sabi ko sa kanya.

"Ayan ka na naman Leo may usapan na tayo eh. Hindi mo na naman ba kami sisiputin?" sabi ni Claire.

"Importante kasi yun eh. Ganito na lang punta na lang tayo sa address na ito at dun na lang tayo uminom. Wag kayong mag alala kasi sagot ko." sabi ni Leo.

"Sabay na lang ako sayo Leo. Masikip na sa kotse ni Matt." sabi ni Claire.

Tumingin sakin si Leo at ngumiti lang ako.

"Tara na Blessy, sasama ka sakin." sabi ni Leo.

"Pare bakit mo pa sasama ang girlfriend mo baka mag aya yan agad." sabi ni Leo.

"Wag nyo galitin yang girlfriend ko baka matakot kayo pag nalaman nyo kung sino yan hahaha" natatawang sabi ni Leo.

Sumakay si Claire sa passenger seat. Pero sinabihan ni Leo na dun sa likod ito. Wala namang magawa si Claire kundi sumunod kay Leo

Dumating naman kami sa address na sinabi ni Bill. Pamilyar ito sakin. Iniwan namin ang mga kaibigan ni Leo sa isang table at pumunta kami sa  office ng bar. Pagbukas ng pinto napatitig ako sa dalawang tao na pamilyar ang mukha. Sumakit ang ulo ko at nag iiiyak ako. Alam kong niyakap ako ni Leo at ng babae. Tumingala ako at naalala ko na lahat ang nagyari sa akin.

"Tita Mel huhuhu!" iyak na sabi ko.

"Kilala mo na ako? Naaalala mo na ba lahat?" tanong ni tita Mel.

"Bedankt Noah. Bedankt!" sabi ko kay Noah ang tagasilbi ko. (Thank you Noah. Thank you.)

"Alles voor jou, mijn dame" sagot ni Noah. (Anything for you, my lady).

Ikinuwento ni Noah ang lahat lahat kay Leo. Naalala ko nuon na gusto akong ipapatay ng step mom ko para mapunta sa anak nito ang trono. Actually mabait si Markus o Isaak Markus Visser. Wala naman akong problema sa kanya kaso si Papa ang gusto ako ang magmana ng trono nya.

"Leo natunton na si Blessy. Nandito si Noah para bantayan si Blessy." sabi ni tita Mel.

"Kaya ko pang bantayan si Blessy pero ok na rin po na nandyan si Noah para makipag cooperate satin. Hayaan nyong lumabas sa publiko ang balita. Handa na ako." sabi ni Leo.

"Mamaya na tayo mag usap sarado na nag bar." sabi ni tita Mel.

Napagkasunduan na magiging bodyguard namin si Noah. Bumalik kami sa table kung nasaan ang mga kaibigan nya.

"Ano ba naman Leo ang tagal mo naman. Inaagaw ka na naman ng babaeng yan." sabi ni Claire. Di na lang namin ito pinansin.

Nagkwentuhan naman sina Leo at ang mga kaibigan nya. Paminsan minsan pumaparaan si Claire na maakit si Leo. Nagpaalam sakin si Leo na mag Ccr. Nang makaalis ito nagsimula nang magsalita ng kung ano ano si Claire.

"Ano bang nagustuhan sayo ni Leo. Hindi ka naman maganda. Isa pa tama ba na harangin mo ang boyfriend mo na makipagkita sa amin?" sabi ni Claire. Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

"Miss nakakailang beses kayo ni Leo pagnagsesex. Magaling ba sya sa kama? Kaya kitang paligayahin ng higit pa kay Leo." sabi ni Kirby. Nginitian ko lang din sya

"Tama na Kirby! Wag kang bastos!" sabi ni Matt.

"Wala kang karapatan na angkinin si Leo. Ako ang nasa tabi nya nung wala ka. Ako ang dapat nyang mahalin! Sino ka ba? Malamang peperahan mo lang si Leo! Gold digger!" sigaw ni Claire. Ngumiti lang ako sa kanya.

Sasampalin nya sana ako nang bigla kong hinawakan ang kamay nya. Napikon ko ata.

"Pwede ba Claire tumigil ka na. Pati kami madadamay sa kalokohan mo. Baka magalit si Leo. Sorry Blessy." sabi ni Zian.

"Ako ang gagawa ng paraan sayo Claire. Para mapasayo si Leo" sabi ni Kirby tapos tumayo ito.

Bigla akong hinablot at pinupwersa akong halikan. Nagulat na lang sila at nanlaki ang mga mata ng may nakatutok na baril sa ulo ni Kirby.

"My lady!" sabi ni Noah.

"Get your hands off me!" sabi ko kay Kirby. Bumitaw naman ito.

"Noah leg je wapen neer!" sigaw ko kay Noah. Binaba naman nito ang baril.

"Yes My Lady!" sagot ni Noah.

Buti na lang tago kami kung hindi ay nagkagulo dito.

"Palalagpasin ko ang ginawa nyo sakin Kirby at Claire. Kasi baka magwala si Leo. Wag nyo akong kalabanin dahil baka buhay nyo maging kapalit." sabi ko.

"Sino ka ba sa tingin mo para pagbantaan kami." sabi ni Claire.

"Gusto mong magpakilala ako? Well sige magpapakilala ako sa inyo. Ako nga pala si Lady Blessy Emery Visser. Anak ng isang Count sa Netherlands. Once na pagtangkaan nyo ako, buhay nyo ang kapalit." sabi ko kanila.

"Mangarap ka. Ikaw  pacount count ka pa at Netherlands? Hahaha! Nasisiraan ka na ng ulo." sabi ni Claire.

"Pwede ba Claire ayaw kong magkagulo dito at baka magwala pa si Leo." sabi ni Matt.

"Kung ako sayo tatahimik ako pagdating ni Leo." banta ko kay Claire.

Dumating si Leo. Hindi umiimik sila Matt, Zian at Kirby. Pero si Claire nagpaawa pa kay Leo.

"Leo tinutukan kami ng baril ng tao na yun at kakilala ni Blessy. Masamang tao sila." sabi ni Claire. Hindi naman ito pinansin ni Leo.

"Leo totoo ba? Taga Netherlands si Blessy at anak ng isang Count duon." sabi ni Zian.

"Paano nyo nalaman? Blessy?" tanong ni Leo. Tumingin ito sakin.

"Nah small talk lang." sabi ko.

Ayaw tumigil ni Claire at kung ano ano pa ang sinasabi. Nagsorry na sakin si Kirby at ngumiti lang ako.

"Sino sya Blessy?" tanong ni Kirby at tinuturo si Noah.

"Servant ko at lahat ng mananakit sakin papatayin nya." sagot ko. Natahimik naman sila.