webnovel

Kabanata 14

Aubrey's p.o.v.

Nakaupo ako habang hawak ang suklay sa aking kamay na sinusuklay ito sa aking maitim at makapal na buhok dito sa harapan ng salamin sa loob ng aking sariling kwarto. Iniisip ko lang kung sino ba talaga ang Neil Luzbac iyon sa buhay ng kapatid ko at bakit parang sobrang kilala niya si kuya Greg pero hindi naman siya nabanggit nito saakin dati pa except sa isang tao daw ang sobrang kinukulit siya sa tuwing magkikita sila ng hindi sinasadya.

Isang tunog ng pagbukas ng pintuan ang nagpakawala sa akin mula sa iniisip ko. Napalingon ako sa taong pumasok na si Yaya Anita at may dala siya na isang basong gatas.

"Hija, uminom ka muna nitong gatas bago matulog" ang bungad na sambit ni Yaya sa akin habang naglalakad siya papalapit sa puwesto ko.

"Salamat po" sagot ko sabay ngiti sakanya para hindi niya mahalata ang gumugulo sa isipan ko.

"Ayos ka lang ba? Bakit parang may gumugulo sa isipan mo?" nagtatanong na saad ni Yaya habang iniaabot sa akin ang gatas na kinuha ko naman agad sakanya. Tumayo ako at tinungo ang aking kama at doon ay umupo habang sumunod naman si Yaya at umupo din sa tabi ko.

"I'm just thinking someone kung sino ba talaga siya at anong rason ng pagkakakilala naming dalawa?" medyo may pagkabahala ang tono ng pananalita ko pero sinubukan ko na itago kay yaya ang aking nararamdaman.

"Sabi ko na nga ba. Teka, sino ba yan? Si Cecelia na naman ba o Jorge o baka naman si Keith? Alam mo kasi Hija, hindi talaga natin iyan maiiwasan na muling magkita kayo kung sino man ang tinutukoy mo kasi naging parte na siya ng buhay mo at lalong na kung may malaking naiambag siya sa nangyari sayo dahil tadhana na ang gagawa nito para muling pagtagpuin ang mga taong nakilala at nagbigay ng halaga sayo" ang mahabang sagot ni yaya na nagsimula na naman sa pangangaral sa akin ng mga hugot niya sa buhay.

"Ya, alam ko naman po iyon. But I'm not talking about Cecilia or Jorge even Keith. I wonder if sino po iyong lalaki na friend daw po ni kuya Greg. Ang sabi niya kasi nakapunta na siya dito dati pa but I think that I never saw him before dito sa bahay" sagot ko kay Yaya saka ko ininom ang gatas sa baso habang napatingin pa ako kay Yaya na napaisip pa na nilagay ang kamay sa ulo niya.

"Wala naman akong maalala maliban sa isang tao. Tama! Si Neil. Oo si Neil nga, yun ang pangalan na narinig kong tawag noon ng kuya mo sa binatang gwapo na iyon" sagot ni Yaya na napatango-tango pa. So it means na totoo nga talaga na naging kaibigan ni kuya Greg ang lalaki na iyon. Bakit di ko alam?

"Neil Luzbac po ba ang pangalan niya? So nakita niyo na siya dati pa dito?" nagtatakang tanong ko kay Yaya na napatayo naman sa sinabi kong pangalan.

"Oo naman kasi bukod sa sobrang gwapo ng binatang iyon ay mabait din naman lalo na pagdating sa kuya Greg mo. Minsan nga daig pa nila ang mag-jowa na kung mag-alala sa bawat isa na parang kagaya ng mga boys love na palabas" masiglang pagsagot ni Yaya saakin.

"Wait lang po, anong ibig niyo na sabihin?" ang naguguluhan ko na pag-uusisa kay Yaya.

"Si neil ang nag-iisang napakalapit na kaibigan ng kuya Greg mo. Alam mo rin kasi Hija ay madalas din nga yun pumunta dito lalo na kung may group or pairs project sila. Silang dalawa nalang ang gumagawa lalo na kung groupmates nila ay hindi pwede sa gabi" ang kwento na sagot ni Yaya na mas nagpagulo ng isipan ko kung paano nangyari ang lahat ng hindi ko nalalaman.

"Ya, gano'n sila kalapit sa bawat isa?" muling pag-uusisa kong tanong kay Yaya.

"Yup! Ganoon talaga siguro kapag sobrang mahalaga sayo ang kaibigan mo. Minsan nga dito na rin natutulog si Neil katabi ng kuya mo sa kwarto niya kapag inaabutan ng hating gabi sa ginagawa nila school works. Kung kaya ay hindi na namin ipinagtataka na isang araw ay nakapag-isip ang kuya mo na lumipat ng condominium unit na malapit sa school nila kasama ang kaibigan niya na si Neil" sagot ni Yaya na mas nagpalalim ng pag-iisip ko. May posibilidad nga kaya na isa sa kanila ay bakla? Wala naman siguro kasi ayon naman sa mga kilos at physical na anyo nila ay wala naman akong napansin na kakaiba, di ko lang alam sa emotional feelings nila.

"Ganoon po ba" ang tanging naisagot ko saka ni Yaya kinuha ang baso na hawak ko.

"Sige na Hija at maghuhugas pa ako sa kusina. Maiwan na kita at kung may tanong ka pa ay mas mabuti na ang kuya Greg mo nalang ang tanungin mo tungkol sa mga gumugulo sa isipan mo" ang pagpapalam ni Yaya saka marahan na niyang tinahak ang daan palabas nito ang pintuan kwarto ko habang naiwan akong nakaupo at patuloy na iniisip ang mga kwento ni Yaya tungkol kay kuya Greg at sa Neil Luzbac na iyon.